Pumasok ako sa lobby nang condominium building pagkarating ko galing columbarium. Hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin.
"Hi, "bati ni Eric na bigla nalang sumulpot kung saan.
May hawak siyang bouquet nang red roses. Namula ako, kasi, bakit palaging red rose? Hindi ko pa maiwasang lumingon sa aking paligid.
"Hi Eric, paano mo nalamang dito ako nakatira? "I asked.
"I guess I'm a smart guy! "
"Are you stalking me? "utas ko. He tried to intimidate me pero hindi ito umubra sa akin.
"Whoa, hey, I'm just kidding," sagot niya. Nag-wave siya nang kanyang dalawang kamay habang yung bouquet naka-ipit pa sa kanyang braso. "Di ba close ko na ang mga kaibigan mo. Pwede ko bang ibigay sayo ito para hindi ko naman masira ang araw mo,"
Kinuha ko ang bouquet, napansin kong napapatingin yung mga taong naglalakad sa paligid namin kaya hiyang-hiya talaga ako. I stared at him and he wore a long gray sweater, black bow style denim at diesel hi-cut. Yung buhok niya messy pero bagay pa rin sa kanya. Ngayon ko lang napansing may itim pala siyang hikaw sa right ear.
"Thank you, "sagot ko. Parang gusto kong umalis na kaagad sa kanyang harapan dahil sa kahihiyan.
Napa-kamot siya nang kanyang ulo. "I think I have to go. Kinamusta lang kasi kita, "
Hindi ako nakasagot kaya naglakad na siya palayo sa akin. Napa-pikit ako ng mata, great! Clara ang awkward mo. Pinigilan ko nalang siya bigla. "Wait, daan ka muna kaya. Nakakahiya naman sa pagbisita mo, "
"Thank's nalang baka kasi kung ano pa ang isipin ng mga taga-rito," wika niya. Na-aliw na sana ako sa pagka gentleman nang kanyang sagot kaso bigla siyang humirit. "Na may kasama kang gorgeous looking guy sa unit mo,"
Tumaas ang aking kaliwang kilay, he is so full of himself.
"Well, kung ayaw mo e di wag, "sagot ko na may halong katarayan.
Tinawanan niya lang ako na para bang hindi ako seryoso sa aking mga sinabi. Pero nakita ko yung kanyang mapuputing ngipin, napaka-angelic niya pa kapag natawa.
"Okay ganito nalang, hindi na ako tutuloy pero can I ask you for a date?" lumapit siya sa akin. May hand gesture rin siya kapag nagpapaliwanag. "If it's okay? Uhm...a friendly date maybe, and pwede ba now na? " nag-isip tuloy ako, kahit friendly date pa yung term niya, date pa rin iyon.
"O – okay, free naman ako ngayon," sagot ko. Na hipnotismo ata ako sa kanya, sino ba naman kasi ang makakatanggi sa isang tulad niya.
Noon, sa post Hector era nang aking buhay, marami na ang nag-aya sa aking makipag-date pero tinanggihan ko itong lahat. Ngayon, gusto kong ma-iba naman ang ihip nang hangin. Gusto kong bigyan nang pagkakataon si Eric.
Na-uwi kami sa isang Italian themed restaurant na hindi nalalayo sa aking tinitirahang condominium building. We ordered a tuna pasta na favourite ko sa restaurant na iyon.
"Nagpunta ako sa clinic mo pero wala ka. Kaya I asked one of your friend kung saan ka nakatira," wika ni Eric. Nilalagyan niya nang tubig ang aking baso, may iced tea rin kami at garlic bread. "Gusto na talaga kitang ayain for a date, "
Nararamdaman kong pursigido siya sa akin. "Nag-take ako ng leave. Naisip ko kasing kailangan kong linisin ang aking unit and plano ko ring magre-decorate, "
Natawa ako dahil sa loob-loob ko wala sa aking intensyon na sabihin yung ideya na iyon, bigla nalang kasi siyang nabuo. Bakit hindi ko nga subukang magre-decorate nang aking unit.
Sumagot si Eric. "May maitutulong ba ako? Pwede akong magbigay ng referral, an interior decorator maybe, "
"Thanks' for your suggestion, hindi ko na ata kaylangan," napansin ko ang disappointment sa kanyang facial expression. "Kahit ako nalang, gusto ko kasi may personal touch, "
Napa-ngiti ako sa kanya kasi hindi rin nagsisinungaling ang kanyang mga mata. "Pero you can help me," dagdag ko. "If ever may bubuhating heavy objects,"
Biglang nag-shift ang kanyang facial expression at mahahalata ito. "Great, kelan mo balak? Gusto mo isama ko si tita pati na mga pinsan ko, "
Yung tono ng kanyang boses mukhang nasabik, na-aliw tuloy ako sa kanya. "Wag na, nakakahiya naman sa kanila. Kaya naman siguro nating dalawa ito, uhm... bukas sana, okay lang ba?"
"I'll be there tomorrow morning," masayang wika ni Eric. Malapad ang kanyang ngiti.
At sa mga ngiti niyang iyon ay hindi ako makapaniwalang pumayag ako na magtungo siya sa aking unit bukas. Pero bakit naman hindi, handa na akong makilala si Eric ng lubusan. Kung ito ang simula, I'm hoping na may magandang patutunguhan ang lahat tungkol sa aming dalawa.
***
I opened my eyes and got confused sa kwarto na aking kinalalagyan. Puting-puti na naman ang buong paligid pati etong inuupan ko.
Nadako ang aking paningin sa white door ilang metro ang layo sa aking harapan. I took a deep breath and stood up. Humakbang ako patungo sa pinto at binuksan ito.
Bigla na namang lumitaw ang napaka-raming paru-parong sumusugod sa akin at napatalon ako sa gulat. I covered my face with both arms and protect my eyes. Napa-atras pa ako sa dami nang lumilipad. Pero may bigla nalang humablot nang aking kaliwang braso.
Nataranta ako mula sa pagkakatayo at nanlaki ang aking mga mata dahil mula sa kumpol nang mga paru-paro lumitaw ang isang sunog na tao, isang lalake. Tumili ako sa takot habang na-aamoy ko pa ang kanyang sunog na balat. Tumulo ang luha sa aking mga mata. "Bitawan mo ko parang awa mo na. Sino ka ba? Ano ang kaylangan mo sa akin? "
Bigla niya akong binitawan ngunit muli na naman akong nagulat. Naglaho ang mga paro-paro. Nagliwanag ang buong katawan nito at nagpalit nalang bigla ng anyo. Nanghina ang aking mga tuhod sa naging itsura niya and I burst out crying.
Saka naman dumilat ang aking mga mata at napa-bangon pa ako mula sa pagkaka-higa. Napahilamos ako nang aking mukha, these bad dreams again. Hinanap ko ang aking android phone at nag-check ng oras, eight na pala ng umaga. Nagmamadali akong bumangon at nagtungo sa banyo.
I sipped my cup of coffee while standing at the sliding door of the balcony. Na-alala ko na naman ang aking masamang panaginip. Hinanap ko ang aking tablet, umupo sa sofa at nag search sa google. Naghanap ako nang kahulugan tungkol sa mga napapanaginipan ko na palagi nalang nagiging madalas.
Butterfly – a dream of a butterfly means issues that are special that you are sensitive of losing, it may also reflect a fear of loss.
I paused for a moment, lumingon saglit sa may bintana at muling nagpatuloy sa pagbabasa.
if you dream of a butterfly flying away from you it means you must let go of something special or important to you, butterflies generally represent personal interests or relationships that we don't want to give up.
Napa-iling ako na may kunot sa aking noo. Kaylangan ko nabang palayain si Hector? Nasulyapan ko kasi ang kanyang mga mata sa aking panaginip, malungkot ito, bakit kaya? Naputol ang aking ginagawa ng tumunog ang intercom.
Tumayo ako at pinindot ang speaker. "Good morning ma'am may bisita po kayo. Eric Ross po ang pangalan?" wika ng babaeng receptionist ng condominium.
"Papuntahin niyo po rito, salamat, "
I stopped talking na nakangiti, expect ko nang maaga siyang pupunta rito.
Nababasa ko na sa kanyang mga mata ang eagerness niya magmula pa kahapon. After nang maraming taon ngayon lang ako muling kinilig nang ganito. Parang nagbalik ata ako sa aking teenage years, when I was in high school. Hindi ko nga namalayang nakalimutan ko na pala ang tungkol sa masamang panaginip.
After fifteen minutes may nag-doorbell na sa pinto. I opened it in a hurry at bumungad sa akin ang napaka-lawak niyang ngiti. Naka-suot siya nang gray tees at bakat ang magandang hubog nang kanyang katawan. Tracker pants sa pang ibaba at brown sandal, his hair is messy again pero bagay talaga sa kanya. Konte nalang at bibigay na ako sa kanyang harapan. At kung araw-araw ko siyang makakasama baka hanap-hanapin ko na siya.
"Good morning beautiful," in a husky tone of his voice. Napansin kong may hawak siyang malaking sports bag sa kaliwang kamay at plastic bag sa kanan.
"Ang dami mo namang dinala," I pointed my finger at the plastic bag. "Ano ang mga ito?"
"Hindi mo ba muna ako papapasukin?"
"I'm sorry Mr. Ross, pasok po kayo,"
"Alam kong wala kang tools, kaya nagdala ako," pumasok siya at nilapag ang sports bag sa sahig. Inangat niya ang plastic bag. "And groceries kung tamarin tayong magluto,"
Natawa ako kasi pwede naman magpa-deliver sa labas pero kinuha ko pa rin yung plastic bag at binusisi. Two cans of spam, two cups of large instant noodles Korean style, Spanish sardines na nasa bote at two cokes in can. Nagpasalamat pa rin ako sa kanya kasi iniisip ko nga na tatamarin ako magluto ngayon. "Nag-abala ka pa talaga Mr. Ross, thank you,"
"Mr. Ross, seriously?" protesta niya. Binubuksan niya yung sports bag at naglabas nang tools. "Akala ko ba magkaibigan na tayo bakit para mo pa rin akong pasyente,"
Tinawanan ko lang siya, napansin kong nag-sparkle ang kanyang mata. Nilapag ko sa pantry yung plastic bag at nagtungo sa pintuan, sinara ko ito. "Hindi naman major redecorating job ang gusto kong mangyari. May imo-move lang na gamit at may papalitan lang ng konte. Gusto ko rin sana magkaroon ng shelves malapit sa kitchen, "
"Well I'm here at your service. Hindi ka nagkamali nang taong hiningian mo ng tulong, "wika niya. Nagpapa-cute ba siya or sadyang gwapo lang talaga siya, umiling nalang ako.
Nagtimpla ako nang kape para sa kanya habang hinahanda naman niya ang kanyang tools. Medyo kinakabahan pa ako kasi marunong ba talaga siyang gumawa nang shelves. Hindi kasi project sa eskwelahan itong gagawin niya.
Bibigay ko sana yung coffee sa kanya nang tumunog ang kanyang I-phone at sinagot ito. Nilapag ko nalang ito sa low table.
"Yeah tita, I'm here – kasama ko na siya. Don't worry everything is under control," wika niya.
Nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang kanyang I-phone. Gusto pala akong kausapin ni tita Cecile.
"Yes tita, don't worry po isusumbong ko siya kapag naging naughty siya, " natatawa kong sabi. Nilakasan ko pa talaga yung boses ko para marinig niya. Tawa ako nang tawa kay tita Cecile, the way she talk, she's a fun person to be with. Napakamot lang sa ulo si Eric sa akin habang iniinom yung kape.
"Don't call me ever again tita," protesta niya nang ibalik ko sa kanya ang tawag. "Nagtampo na ako sayo. Nilaglag mo naman ako eh, "
I know binibiro lang siya ni tita Cecile at gustong-gusto ko ang relationship nilang mag-tita. Sana man lang ganoon sila nang kanyang mom.
After the call, nagsimula na kaming maglista for our first agenda. Nang dumating ang ten nang morning nagpasya na kaming mamili sa nearest mall dahil kabubukas palang nito. I let him drive my car. Habang tumatagal nagugustuhan ko na ang process na ito na mag move on. I'm taking my first step at paunti-unti ay masasanay din ako rito. Hanggang tuluyan ko nang matuldukan ang pagdurusa sa aking puso.