Naagaw ang aking atensyon nila Melay na biglang tumakbo sa dagat na nagtitilian pa. Nagtampisaw sila sa tubig na yung mga nagkumpulang boys, nakisali na rin sa kanila.
Inaya ako ni tita Cecile na maki-sali na rin sa kanila pero tumanggi ako. Nakuntento nalang akong panuorin silang lahat. Yung ihip nang hangin muli na namang nagpakalma sa akin.
Napa-isip ako sa sinabi ni tita Cecile. Kung siya nga asawa na niya yung nawala pero nagawa pa rin niyang mag move-on ako pa kaya. Tama siya kasi mas bata ako, marami pang magagandang bagay ang maaring dumating sa buhay ko. Dapat bang kalimutan ko na si Hector? Eto na ba ang tamang panahon?
"Nag-iisa ka na naman?" a voice snapped me.
Naka-tayo si Eric sa left side ko. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti, si Eric ba ang karapat-dapat kung sakaling mag move on na ako?
Sumagot ako sa kanya. "Madali kasi akong ginawin sa tubig kapag gabi. Dito nalang ako,"
"So kung ganun, okay lang bang samahan nalang kita rito. Maginawin din kasi ako kapag gabi," wika niya.
Natawa na naman ako, really? Kasi halatang hindi totoo. Tumabi siya sa aking left side, kumuha nang maliit na shell at pinukol sa tubig dagat sa harap namin.
Natahimik na naman kaming dalawa na yung background noise namin yung sigawan nila na nagtatampisaw sa dagat. Ako na mismo yung bumasag nang katahimikan. "Eric, bakit ako?"
At first hindi siya naka-sagot, yumuko pa siya at natawa. Tinitigan ko siya at para bang hiyang-hiya siya sa tanong ko.
Pero sumagot pa rin siya with hand gesture. "The moment that I first saw you sa Binurong point. Naka-relate ako sa iyo, yung kalungkutan mo, yung pagiging mapag-isa mo. I found a connection,"
Hindi ako maka-imik at sa akin ata lumipat yung hiya niya. "Lalo pa nang matulungan mo ako sa pinagdaanan ko. Ikaw yung first person na napagsabihan ko nang aking story. Mas lumalim ang interes ko sa iyo,"
Tama nga ako, just as I expected, sa akin lang niya nai-kwento iyon. Pero kagagaling niya lang sa break up, hindi naman ata maganda na maging kami agad. Ayokong maging panakip butas sa sakit na nararamdaman niya. Pero sa loob-loob ko may sincerity yung sinabi niya, may kumurot sa aking puso.
Sa dami nang lalakeng nanligaw sa akin after Hector pare-pareho ang kanilang sagot kapag yan ang tinatanong ko. Nakakatuwa lang kasi para akong nag-iinterview nang applicant, well psychology grad ang karamihan sa tinatanggap sa mga human resources department nang mga kumpanya at sila yung nag-iinterview, obvious naman di ba.
I started to like him and as much as possible ayokong tumingin sa kanyang physical aspect kahit na't may admiration ako. Pag sinunod ko yun, I'm just like those cliché girls na napapanood ko sa mga rom-com.
Kaylangan ko munang mag isip-isip pa bago ko siya pagbigyan nang pagkakataong manligaw. Ayokong malaman na kaya niya ako nagustuhan dahil naghihiganti siya kay Cindy. Gusto kong pag-aralan nang mabuti ang laman nang kanyang puso kung manligaw siya sa akin.
Bumaling ako ng tingin sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig pala sa akin kanina pa. Bumaling din siya nang ibang tingin kasabay nang pag-inat. Para siyang teen-ager sa inasal niya. Sabay namin muling pinagmasdan ang madilim na dalampasigan.
"You caught me with your sadness Clara. Naramdaman ko rin kasi ito," nag-freeze ako nang sabihin niya iyon. Tumagos kasi ito sa aking puso. "I'm so sorry kung nasabi ko ito sa iyo, at this moment. I see you as a lonely woman, not the shrink na tumulong sa akin,"
This is the second time na may nagsabi sa akin nang ganito. Yung dating nanligaw sa akin, hindi nila ito napansin sa aking pagkatao. Na-alala ko kung sino yung kauna-unahang lalake na nagsabi nito sa akin. High school pa ako noon, at muli kong na-alala si Hector.
***
"IPAGLALABAN KO ANG ATING PAG-IBIIGG!" awit ni Hector.
Napapa-sulyap ako sa kanya kasi sintunado yung kanyang boses na pumipiyok pa. Napansin kong naka-mwestra yung kanyang kanang kamay na parang may tinuturo hindi ko alam kung saan. Yung kaliwa nasa dibdib naman na akala mo nanghaharana.
Nasa gitna siya nang kumpol nang kanilang barkada. Dinig ko pa yung pag tug-tog nang gitara nang best friend niya.
Bakante ang klase namin kasi nagpatawag nang emergency meeting yung principals sa lahat nang mga teachers. Magulo yung buong klase, kanya-kanya nang ginagawa. Pero si Hector yung namumukod tangi, ang lakas kasi nang boses.
Habang masaya at magulo ang lahat, heto naman ako sa sulok. Nakaupo sa desk at pinapahid ang luha sa mata. May kasama akong dalawang babaeng classmates at sila yung nagpapatahan sa akin. Hawak ko pa yung aking 3310 kasi kakabasa ko lang nang text message ni ate Mia na patay na raw yung aso kong si Spy, isa siyang shih tzu. Yun yung last na aso ko kasi nagka-trauma na akong mag-alaga, nagkakaroon kasi ako nang emotional attachment masyado.
"Clara, kinakantahan ka ni Hector," bulong nang classmate ko.
Kinikilig silang dalawa. Hindi ko na siya pinansin, si Spy kasi ang laman nang aking isip ng sumandaling iyon.
High school sophomore ay may naririnig na ako sa aking mga classmates na may crush daw sa akin si Hector. Sceptical naman ako that time kasi focus lang ako sa pag-aaral. Isa pa, ayokong maging tampulan nang inis ng mga babae at beki na nagkaka-crush sa kanya. Kaya binalewala ko lang ang lahat nang iyan.
Competitive ako sa klase namin habang si Hector, madalas nasa listahan nang maiingay. Pinapatawag sa office kasi palaging nahuling nangongopya. Nahuli ko pa kaya siyang binayaran yung classmate ko para lang gawin yung kanyang assignment.
"Pre, from the top tayo," dinig kong wika niya. Tumigil ata siya sa pagkanta. Hindi ko na tinitignan ang kanyang ginagawa basta narinig ko nalang yung pagtipa nang chords nang gitara.
"Para ito sa isa diyan na umiiyak ngayon. Huwag mo sana iyakan ang aso mo," dinig kong wika niya. I stared in an absent gaze pero nakikinig ako sa kanya. "Patay na siya eh! Baka nga ngayon kinakarne na yun,"
Umalingaw-ngaw sa tenga ko yung last sentence na sinabi niya. Ang tabil talaga nang bibig nun, umakyat ata sa ulo ko yung aking dugo dahil sa inis ko sa kanya. Nagtawanan ang buong klase, pati na yung dalawa kong katabi.
I stood on my seat sa galit at hinarap siya. Napatakip siya nang kanyang bibig. "Ay! Sorry,"
Humakbang ako palapit sa kanya. "Hindi ka nakakatawa!"
Sinampal ko siya nang ubod lakas. Tumahimik ang buong klase. Na-alala kong muli ang mukha ni Spy at napa-hagulgol ako nang iyak. Ginulo niya ang kanyang buhok habang nakatayo sa harap ko. Nag walk-out ako nang room at tumakbo patungo sa quadrangle. Umupo ako sa swing at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Clara, sorry, hindi ko sinasadya," dinig ko sa aking likuran. Sinundan niya pa pala ako.
Tumayo ako at hinarap siya. "Sorry? Anong alam mo sa nararamdaman ko?"
"Nararamdaman kita Clara," sagot niya sa akin. Nagka-tension yung kilay niya kasabay nang pag-puff nang kanyang lower eyelid. "Kapag nakikita kitang malungkot. Malungkot din ako, gusto ko lang na mapasaya ka,"
Binaling ko ang aking ulo sa lupa habang panay ang pahid ko sa aking mga mata.
"Ayokong nakikitang umiiyak ka ngayon. Palagi din akong umiiyak sa buhay ko. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo ngayon, kaya gusto kitang maging kaibigan," nakatapat yung mukha niya sa akin.
Hindi ko siya matitigan nang tuwid. After nang incident na yan naging malapit na siya sa akin.
***
Umiiling ako kasabay nang pag-buntong hininga. The wind breeze brought me back to my senses again. "Salamat Eric. Nauunawaan mo ang side kong ganito,"
"Your just unbelievable, natulungan mo ako sa pinag-daanan ko pero mas may pinag-dadaanan ka pa pala sa akin," wika niya. hindi ako sumagot.
Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa nakaraan ko. Iniba ko ang usapan. "Mas unbelievable ang tita mo. We have something in common kasi,"
"Talaga! In what ways?"
"Like pareho pala kaming bunso at dalawang babaeng siblings sa pamilya namin,"
He smiled at me, full of interest written all over his face. "Cool,"
Natahimik na naman kami. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Nag-iisa nalang ako at malungkot, pwede namang lumigaya kung gugustuhin ko di ba.
"Hope to see you again after this," he murmured closer and brought me back again.
Tumango ako, am I ready for this? Handa na ba akong bumitaw? Nagkaroon nang bagong hamon ang pagtatapos nang bakasyon ko sa bagong kabanata nang aking buhay.