Nakatitig ako sa tubig dagat, ang linaw nang tubig dahil kita ko yung starfish sa ilalim. Naka-upo ako sa dulo nang bangkang ni-rent namin habang panay ang sway ng aking kina-uupuan. Naririto kami sa black island beach nang Busuanga, hindi ko napansing tumigil na pala kami.
"Dok. Ara," I heard my name at saka palang ako nagbalik diwa.
I glanced behind my back at nakita si tita Cecile na nakatayo habang nakahawak sa bamboo support nang bubong ng boat. Pababa na siya at wala na pala halos lahat nang mga kasama namin. I stared at the beachfront. Nakita ko silang lahat na tumatakbo na sa sandbar.
Nasa likuran ni tita Cecile si Eric na bigla nalang lumapit sa akin. He wore a white sando shirt at napansin kong may tattoo pala siya sa kanyang left biceps. Binigay niya ang kanyang kanang kamay kasi yung kaliwa niya may hawak na SLR camera.
"Tara na," his voice is full of life.
Huminga ako nang malalim, pagkarating palang namin sa hotel na aming tinuluyan on our first day ay para na siyang asong sunod nang sunod kung saan ako pumunta. At first hindi ako kumportable pero ngayon nakasanayan ko na ata. I'm getting confused kapag nasa harapan ko siya palagi. Hindi na ako kinikilig pero there is something inside of me na gusto ko siyang pagbigyan. Eric is such a sweet soul. Mahirap siyang i-ignored, set aside the looks, alam kong gwapo siya pero hindi iyon ang sukatan.
Napilitan akong hawakan ang kanyang kamay. Sinabit ko ang plastic satchel sa aking leeg na may lamang android phone at wallet. Inalalayan niya ako sa pagbaba namin sa boat. Thankful pa nga ako kasi nakakatakot pala, walang tigil yung pag-sway nito sa tubig.
Nanghihinayang ako para kay Eric kasi mababasted ko rin ito malamang. Pero naisip ko naman, may rason pa ba para tanggihan ko siya kung manligaw na talaga siya sa akin?
Good Friday at huling gabi na namin sa hotel. Nag-paiwan ako sa room namin dahil gusto kong mapag-isa. Nagtungo ako sa balkonahe at nag sightseeing nalang sa railings.
Humangin nang banayad sa aking kinalalagyan at di ko maiwasang mapa-pikit. Kahit madilim sa buong paligid hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Mas gusto ko yung ganitong pagkakataon kapag namamasyal ako ngayon. Hindi naman ako kill joy as long na may free time para mapag-isa, I seized every minute of it.
"Oh! I'm sorry nandito ka rin pala," dinig ko na pamilyar sa akin ang boses.
I turned around at nakita si Eric na nakatayo sa tabi nang sliding door. Sa isip-isip ko, of course naririto ako dahil room namin ito at yung room nila nasa kabila. So anong ginagawa niya rito? Hindi convincing yung acting niya na nagulat siya. Pinilit kong huwag matawa, kumukuha na siya talaga nang tamang pagkakataon.
Hindi ko siya magawang tarayan. "Gusto ko kasing mapag-isa Eric," wika ko.
Lumapit siya sa akin at hinayaan ko nalang siya, sumandal din siya sa railings. Bumaling akong muli sa sceneries at sinaluhan niya ako.
"Palagi kita nakikitang mag-isa, medyo weird lang," wika niya. I stared at him by my side.
Kung alam mo lang Eric.
"Lahat naman tayo gusto natin ng time para sa sarili natin. Nanggaling ka rin dito hindi ba?"
"Yeah! Salamat nga pala ulit," Mahina siyang natawa at yumuko. "We enjoyed your company, so far,"
"I'm glad you did,"
Muli naming ibinaling ang aming paningin sa paligid. Ang daming stars sa langit, mas natatanaw sila rito nang malinaw kasi dagat lang yung nasa horizon namin although the seawater glittered from the distance but the stars are more evident.
Napansin kong ang tahimik na naming dalawa at ang awkward lang. Bakit wala akong maisip na topic para pag-usapan. I turned my head again towards him pero hindi ko sinasadyang siya rin pala. Bigla nalang kaming natawang dalawa sa napaka-awkward na situation namin.
"Ehem!" singit na naman nang isang boses. Nabaling ang atensyon namin ni Eric sa sliding door at nakita si Derek na nakatayo.
"Hi Derek," bati ko. Napakamot siya sa kanyang ulo.
"Hinahanap na kayo nila mama. Tara na raw sa baba,"
Sinunod namin siya at mabuti nalang talaga, dahil kung hindi halos buong oras ang awkward na namin dalawa.
Naghanda si tita Cecile nang isang munting salo-salo sa amin, since huling gabi na ito. Nagkita-kita kaming lahat sa isang mahabang table na set up niya, nasa malaking terrace ito sa ground floor nang hotel. Isa pala itong boodle fight at lahat kami tuwang-tuwa sa ginawa niya. Tuluyan kong nagustuhan sina tita Cecile at yung dalawa niyang chikitings, plus Eric.
Almost two hours ang inabot namin sa lamesa kasi nga nagkulitan pa kaming lahat after kumain. Sa buong oras na iyon katabi ko si Eric sa seats at sobrang lapit pa niya. Kaya nang matapos kaming kumain nakipagpalitan siya kay Hans na nasa right side niya.
Sina Melay kasi at Denver panay ang paringgan sa aming dalawa tapos ginagatungan pa ni tita Cecile. Pulang-pula si Eric na panay ang smile sa kanila at ako pihado namumula na rin. Sabi ni Melay yung isa raw tanong nang tanong tungkol sa talambuhay ko and she is referring kay Eric. So naging close na rin siya sa barkada ngayon. Malamang kulang-kulang ang sasabihin ni Melay dahil sinikreto ko talaga sa kanila ang nakaraan ko.
Eleven na nang gabi ngunit wala pa rin nag-aayang matulog na. Sa dulo nang hotel terrace naka-kumpol sina Eric. Kasama niya ang dalawang pinsan at yung dalawang boys na barkada ko, sina Lester at Philip. Nakita kong lumapag yung drone ni Philip sa tapat nila and I think yun ang kanilang topic of discussion.
Sina Melay, Audrey at Denver ay nagpapahangin habang naka-upo sa sands. Ilang metro ang layo nila ay kami naman ni tita Cecile ang magkasama. Naglagay kami nang blangket para sapin namin sa sands.
"Sa tingin ko mukhang okay na si Eric ngayon?" wika ko kay tita Cecile. Naglagay ako nang shawl sa aking balikat kasi medyo giniginaw na ako sa hangin.
"Oo nga eh, nag-karoon na muli ng direksyon ang kanyang buhay after namin pumunta sa iyo, thank's nga pala," naka-ngiti niyang sagot. She wore a bright moo-moo dress in Hawaiian prints. "Sinabi ko yun sa mama niya. Siya kasi ang nag-advice sa akin nun. Everyday niya kinakamusta ang kalagayan nito,"
"Matanong ko nga po pala yan," I asked. "Nagka-ayos na ba sila ng mama niya?"
Bumuntong hininga si tita Cecile. "Hopefully, gumagawa rin ako ng paraan para magka-ayos sila ni Carolina. Mabait na bata si Eric pinalaki siya ni ateng pinoy ang upbringing at naniniwala akong mahal na mahal niya ito. Hindi pa kasi siya ready na harapin ang reyalidad ng kanilang sitwasyon ngayon,"
"I felt sorry about him. I think he is doing his best to coped," lumingon ako sa direksyon ni Eric at siya rin naka-tingin sa akin from afar. "I'm sure panahon lang ang makakapag-sabi at matatanggap niya rin ang lahat,"
"Ma-iba tayo Ara, how about you naman?" singit ni tita Cecile. "About your family? Pasensya na huh! I wanted to know more about you, if okay lang?"
"Ako nalang po ang naiwan dito sa Pinas kasi nasa Canada na silang lahat. Dalawa lang po kaming mag-kapatid na babae, bunso po ako,"
"Hindi nga!" bulalas niya. Na-sorpresa yung kanyang facial expression. "Tignan mo nga naman. Ako rin dalawa rin kaming magkapatid na babae and bunso rin ako,"
Ako naman yung sunod na na-sorpresa, napa-nganga pa nga ako, what a coincidence.
"How about love life? Pasensya na ulit," dagdag niya.
Natahimik ako, of all the questions ayun pa. Pero ayoko namang mapahiya sa kanya. Sumagot ako kahit papaano. "May naging boyfriend ako and we lasted for six years,"
"Wow! ang galing naman," bulalas niya. Yung tone nang kanyang voice may halong curiosity at kilig. "Kayo pa rin ba hanggang ngayon?"
I pursed my lips. "Hindi na po tita, patay na siya,"
"Oh, I'm sorry dear," bulalas niyang muli. Mas lalo siyang dumikit sa akin at hinagod ang aking likod.
"Ano ba yan! may pagkakapareho talaga tayo, biyuda naman ako," napa-sulyap ako sa kanya.
"Mahal na mahal ko ang asawa ko. Ang daming unos na dumating sa buhay namin na kahit magkasintahan palang kami, marami na ang tutol. Na-alala ko pa noon si ate Carol lang ang nag-push na ipag-laban ko iyon. Hindi naman kami nabigo kasi in the end nalagpasan din namin ang lahat. Di ba ang sarap ng feeling na sa dami nang obstacles na dumaan sa buhay ninyo, basta't kasama mo ang taong mahal mo na hinaharap iyon ay mas masarap ang tagumpay,"
I wrapped my arms around her.
"Pero yung isang unos na pinaka-masakit," she continued. "Ay yung kinukuha yung kasama mo sa pakikipag-laban, unti-unti, and in the end. Ikaw nalang ang natira. Ang daya di ba,"
Tumingin ako sa kawalan. Bigla kasi akong nalungkot, yung pain sa puso ko nag-manifest na naman.
She kept talking at nasasaktan ako sa kanyang kwento. "Nang ginugupo na ng kanser ang asawa ko. Napagod na ako kaka-iyak. Tinanggap ko na sa sarili ko na ako nalang talagang mag-isa ang tatapos nang laban. I taught myself to let go,"
Bakit ako, natutunan ko naman siyang tanggapin pero ayaw ko pa ring bumitaw. Dahil ba sa biglaang kinuha sa akin si Hector, ni hindi man lang ako nakapag-paalam.
"Ano ba yan! Di ba dapat nagsa-saya tayo," bigla niyang putol. Pinapahid niya ang luha sa kanyang mga mata. Bumitaw ako sa kanya. "Dun na nga tayo kina Denver,"
Tumayo siya na pinapag-pag pa yung laylayan nang kanyang moo-moo dress.
"Mabuti pa po kayo naka move on na, kaylan kaya ako?" I interrupted her. My voice is low habang nakatuon ang aking paningin sa madilim na dalampasigan.
Napansin kong umupong muli si tita Cecile sa aking tabi. "Dear! Wala ka ng babalikan. There's no room for crying anymore, iwan mo na yan. Sayang ang mga araw sa buhay natin na dapat masaya tayo. Madami ka pang pagdada-anan, hindi maganda na habang buhay mong pagdudusahan yan,"
Yumuko ako and tried to contain my tears. Tama nga si tita Cecile, wala na akong babalikan pa. Na bakit ko pa kaylangan lunurin ang aking sarili sa pagdurusa sa taong hindi maaring bumalik pa magpakaylanman. Masakit tanggapin sa puso ko pero yun naman talaga ang totoo. May karapatan din akong lumigaya. I deserve more than this. Nang sabihin sa akin ni tita Cecile iyon, tsaka ko na-unawaang patay na nga talaga si Hector.