Chereads / Hector I Love You / Chapter 5 - CHAPTER 4

Chapter 5 - CHAPTER 4

January 30, 2017, pitong taon ang lumipas. Hinatid ko sina mama at papa sa terminal 3 nang NAIA. Ngayon ang flight nila patungong Canada, pinetisyon sila ni ate Mia.

Doon na kasi nakatira si ate at nagtra-trabaho bilang isang nurse. Kasama niya ang kanyang asawa na isa namang bartender. Doon na rin isinilang ang anak nilang lalake na kauna-unahang pamangkin ko. Kinuha ni ate ang aming mga parents dahil gusto niya itong maging baby sitter.

Kinontra ko pa nga siya kasi naman hindi biro ang pag-aayos nang papers dito sa bansa natin tapos magiging tagapag-alaga lang pala ang mangyayari sa kanila roon. Kaso talo pa rin ako, kasi sina mama at papa pumabor kay ate. Ngayon lang daw kasi nila makikita ang kanilang ka-isa isang apo at excited silang mayakap ito. Wala akong nagawa kundi hayaan silang magtungo roon.

"Bilisan niyo ate hindi kaya ni mama ang lamig. Wag niyo silang pag-antayin nang matagal sa Airport," wika ko kay ate.

Napapa-lingon ako kaynila mama at papa. Nasa labas kami nang terminal building. Kapwa sila may hawak na leather jacket at bagahe. Naka-park ang honda accord ilang metro ang layo sa akin. After nang tawag na ito kaylangan ko na silang iwan baka kasi sitahin ako rito. Sa akin na ipinagkatiwala ang aming kotse at two years na akong marunong magdrive.

"Para kang sira! Alam ko yun," sagot ni ate sa kabilang linya.

At humirit pa na ikina-inis ko. "Ikaw naman mag-isa ka nalang diyan. Alagaan mo ang sarili mo, try mo kayang lumabas-labas man lang baka malay mo may makilala kang bago niyan,"

Huminga ako nang malalim at nag-roll nang eyes. Laging ganyan na yan si ate, ang O.A nang kanyang concern sa akin.

Tarayan ko nga. "Ano ka ba ate! Yan na naman ba ang sasabihin mo. Parang si mama at papa ka rin no,"

Humagikgik lang siya sa kabilang linya. "Concern lang kasi kami, seven years Clara. Hindi ka ba napapagod? Gusto kasi namin maging masaya ka na uli. Siya nga pala may irereto ako sayo ditong Canadian kasamahan ni Bert. Gwapo at magka-age kayo, bagay kayo Ara,"

"Tigilan mo ako ate," I decided to end the call. Ayokong humaba pa ang usapin tungkol diyan. "Bye na! Pumasok na sila mama sa terminal. Tawag ka nalang kapag nakarating na sila riyan,"

Maluha-luha pa akong yumakap kaynila mama at papa. Umalis din ako kaagad dahil ayokong masita nang mga airport security.

Ngayon, mag-isa nalang akong maninirahan, malungkot pero exciting. Pina-upahan namin yung bahay sa Makati kasi wala akong balak na tumirang mag-isa roon. Marami kasing memories dito na mahirap malimutan, lalong-lalo na yung sa amin ni Hector.

Pinagbili nang kanyang parents ang kanilang mga ari-arian dito sa pinas. Habang buhay na silang nanirahan sa amerika para raw malimutan yung sakit nang pagkawala ng kanilang anak.

Pitong-taon ang lumipas at kahit papano ay naipag-patuloy ko pa rin ang aking buhay. Ngayon ay isa na akong clinical psychologist. May sarili akong clinic sa isang ospital sa Ortigas. Isa rin akong radio dj sa isang a.m station sa radyo. Yung topic na tinatalakay ko related sa psychology and psychiatry. Last year lang natapos ko ang aking masteral degree at ngayon naghahanda na ako para sa aking doctorate. Nagbabalak akong mag-aral sa ibang bansa, pero matagal pa naman iyon.

Hindi ako makapaniwalang na-achieve ko ang lahat nang iyan sa buong seven years. Na kahit naging mapanghamon ang buhay kong iyon sa akin ay nakayanan ko pa rin itong tuparin.

Pero ang totoo kasi niyan, ganito naman kasi talaga yung gustong mangyari ni Hector sa future ko. Na mangyari sana sa aming dalawa. Instead na magpatuloy ako sa pagdurusa after niyang mamatay ay ginawa ko itong isang opportunity. Binaliktad ko ang sitwasyon at ginawa ko siyang isang inspirasyon.

Yung mga sinasabi niya sa akin noon tungkol sa mga pangarap namin ang ginawa kong sandigan nang lakas para magpatuloy. And it all work out yun nga lang natali na ako sa kanya permanently. Parang buhay pa rin kasi si Hector, siya ang nagdikta ng lahat ng ito sa akin kung ano ako ngayon. Yung multo niya hindi na mawawala sa aking isipan at tinanggap ko ang lahat nang ito nang maluwag sa aking puso.

***

"Ano ba yang mga classmate mo daddy parang mga reporter. Tanong ng tanong sa akin kung nasaan ka," sermon ko sa kanya. "Pasaway ka kasi ilang araw ka na kayang hindi napasok!"

Naka-upo ako sa aking study table at gumagawa nang report sa technical writing. Nasa loob kami ni Hector nang aking kwarto. Hayun siya naka-salampak sa aking kama habang naglalaro nang pocket nintendo. Yung mata niya parang gusto kong dukutin kasi halos dumikit na sa kanyang nilalaro.

"Hayaan mo nga sila, ganun talaga kapag pogi hinahanap-hanap sa campus,"

I rolled my eyes. "Ewan ko sayo,"

Pinagmasdan ko siya at napa-iling. Yung itsura niya akala mo napakadali lang nang buhay na akala mo lahat may short cuts. "Tsk tsk tsk! Minsan parang gusto kong tanungin. Daddy may pangarap ka ba?" asik ko. "Ang tamad mo kasing mag-aral,"

Tinawanan niya lang ako. Tumigil siya sa paglalaro at bumangon sa pagkakahiga. Umupo siya sa aking kama at humarap sa akin.

"May pangarap naman ako," naka-ngiti niyang wika.

Humalukipkip ako nang aking braso. "At ano naman yun?"

"Ang mapangasawa ka," kinumpas pa niya yung kamay niya. "At magkaroon tayo nang isang masayang pamilya,"

Kinilig ako sa sinabi niya pero hindi ako nag-padaig dito.

"Ewan! Diyan ka magaling," sermon ko kahit na't naka-ngiti ang aking labi. "Tumayo ka na nga riyan. Maluluto na ang dinner natin,"

Bumaling ako sa aking table at niligpit ang aking journal. Nagulat ako nang yumakap siya mula sa aking likod. Tinapat niya ang kanyang bibig sa aking tenga and felt his warm breath.

"Pangarap ko mommy ang ma-tupad ang mga pangarap mo!" in his soft baritone voice. "Kaya wag mo akong isipin, mag-aral ka lang, make us proud. Ako pati na sila mama, papa at ate Mia,"

Yung ngiti ko hindi na ma-alis alis sa aking mukha. Papaano naman kasi umaalingaw-ngaw pa ang mga katagang iyon na pakiramdam ko, kahapon ko lang narinig. Ang mga salitang binitawan nang isang Hector Villanueva na hanggang ngayon ang hirap malimutan.

I took a deep breath at nagbalik-diwa mula sa ala-alang iyon. His soft baritone voice was gone at ngayon ay isa na lamang katahimikan.

Nakita ko nalang ang aking sariling nakatayo sa harap nang sliding door sa tapat nang balkonahe nang aking condo unit. The whole city stood in front of me. Naka-ngiti ako ngunit malungkot ang aking puso. Hindi ko nga napansing pinapahid ko na pala ang luha sa aking mga mata.

Sinara ko ang sliding door at nagtungo sa banyo. Nagsimula na akong maghanda pag-pasok sa aking trabaho.