Chereads / Hector I Love You / Chapter 6 - CHAPTER 5

Chapter 6 - CHAPTER 5

Naka-tayo ako sa malawak na berdeng lambak nang Binurong point. Sa harap ko ang walang katapusang Pacific ocean. Sabi raw nila malapit na ito sa Philippine trench.

First time kong magtungo sa lugar na ito at hindi ko maitago ang labis na pagka-mangha. May ganito pala kagandang lugar sa pilipinas na pwedeng maging back drop nang isang movie. Na-alala ko ang cliff of moher sa Ireland, ganitong-ganito kasi ang itsura.

Nagkaroon ako nang mga kabarkada sa radio station at sila ang madalas kong kasama ngayon sa ganitong mga gala ko. Hindi nga ako makapaniwalang makikilala ko sila kasi since elementary, high school at college wala akong naging close friend. Nang dumating si Hector sa aking buhay sa kanya na umikot ang aking social life.

At ngayong wala na siya sinubukan ko munang sumama sa bagong crowd. Nakatulong naman siya kasi nakakalimot ako sa pansamantalang kalungkutan. Naging interes ko rin ang maglibot-libot sa bansa natin at therapy siya kahit papaano. Gusto kong malibot muna ang buong pilipinas bago ako mag-libot sa ibang bansa. Sa ngayon, I tried to collect the pieces together, na nawala after mamatay ni Hector.

Pinikit ko ang aking mga mata. Yung epekto nang banayad na hangin na tumatama sa aking katawan, nakaka-relax. Na-aamoy ko yung langsa nang tubig pero kumakalma naman ang isip ko dahil sa wind breeze.

Lumayo ako pansamantala sa aking mga kabarkada. Nakadama ako nang pansamantalang peace of mind. Na hindi ko namamalayang naglalakbay na naman pala muli ang aking isipan.

***

"Whoaa! ang ganda nang Bora," bulalas ni Hector.

Naglalakad kami sa isang kalye at yung tumbok nito ay ang beach na nang boracay. Tanaw ko na yung kulay blue na dagat at yung white sand. Naka-akbay siya sa aking balikat habang ako naman abala sa pagkuha nang video sa cell phone.

"Halika mommy, excited na akong maligo!" aya niya.

Bigla niya akong hinawakan sa kaliwang braso at kinaladkad patungo sa beach front. Nataranta ako sa kanyang ginawa. "Ano ka ba! Mabitawan ko ang cell phone ko,"

Binitawan niya ako at mag-isa siyang kumaripas nang takbo. Kanina palang pagdating namin sa hotel yung facial expression niya sabik na sabik na talaga sa beach.

Nagulat ako nang bigla niyang hinubad yung kanyang black sando at itinapon nalang kung saan. Tumakbo tuloy ako at pinulot ito.

"Yahoo! Bora here I come," bigla siyang tumambling.

Ganoon kasi siya kapag sobrang saya. Hindi ko tuloy maiwasang matawa at mamula sa pinag-gagawa niya. Tinutok ko ang aking cell phone at kinuhanan siya nang video. Tumakbo siya sa dagat at tumitili pa na parang bata. Sa ganyang asal niya, my day is complete.

Dumilat ang aking mga mata. Tumatawa pala akong mag-isa. Huminga ako nang malalim habang naka-pokus muli sa Pacific ocean. Inikot ko ang aking ulo para hanapin ang barkada pero nahagip nang mata ko ang isang lalake. Ilang metro lang ang layo niya sa akin. May hawak siyang SLR camera.

Naka-ngiti siya na ikinatakhan ko. Bigla kong na-alalang tumatawa nga pala akong mag-isa kanina. Bigla akong namula at napahiya, nakita niya siguro yun.

Naglakad siya palapit sa akin. "Kukuhanan sana kita ng pictures, ang ganda kasi ng pose mo," wika niya.

Gwapo siya at mukhang half, ngumiti ako pansamantala and walk away. "Pasensya na kuya,"

Nakita ko ang barkada sa di-kalayuan.

"I'm Eric nga pala," tumigil ako sa paglakad at lumingon pabalik sa kanya.

Ngumiti akong muli at iniwan na talaga siya pero hinarangan niya ang aking daraanan. Inangat niya yung kanang kamay niya na gusto atang makipag-shake hands sa akin. Pero hindi ko nagustuhan ang approach na iyon. Napansin kong kinakawayan na ako nang barkada, sama-sama na silang lahat.

"Sorry kuya, hindi kasi yan ang pinunta ko rito,"

Natigilan yung lalakeng nag-ngangalang Eric. Napa-kamot siya sa kanyang ulo ngunit naka-ngiti pa rin. Iniwan ko na talaga siya at nagmamadali akong naglakad baka kasi hablutin na ako sa braso.

"Oy ano yung nakita namin girl?" tanong ni Melay paglapit ko sa kanila.

Yung tsinita niyang mata naka-kurap nang bahagya. Nagkumpulan sila sa aking harapan na ang atensyon ay nasa akin na pala.

"Yun ba, ewan ko! Bigla nalang sumulpot sa harapan ko," sagot ko. Sa totoo lang wala akong interes sa kanya.

Kaso tinukso pa rin nila ako. "Uyy! Diyan nagsi-simula yan,"

"Anong name niya?" tanong muli ni Melay. Hinahawi pa niya yung kanyang shoulder length hair na kulay rose gold. Siya ang kinikilig sa lahat.

"Hala ano ito?" I protest. "Pwede ba huh, hindi yan ang pinunta ko rito,"

"Ang sunget mo naman girl. Nagtatanong lang eh," singit ni Denver na isang beki.

"Guys, tigilan niyo nga si Ara. Tara na kaylangan natin marating yung dulo nito," saway ni Audrey sa lahat.

Siya yung parang leader namin sa grupo and I thanked her for her actions. Kinuha niya ang kanyang backpack at sinabit ang puting sony headphone sa kanyang leeg. Siya yung naunang naglakad kung kaya sumunod kami.

Kinarga ko ang aking backpack at huminga nang malalim. Pinagmamasdan ko sila habang na-iling.

I glanced at Eric once more at nakita ko siyang kumukuha nang litrato sa di-kalayuan. Pero nagulat ako nang bigla siyang kumaway sa direksyon ko. Seriously? Kanina pa niya pinapansin.

"Kumaway siya girl!" sulpot ni Denver sa aking tabi. Umangkla siya sa braso ko at kilig na kilig.

"Girl tumigil ka nga," hinampas ko siya nang mahina sa balikat. "Pakilala kita. Mukhang mas bagay kayo,"

Kung alam niyo lang, sa loob-loob ko.

Wala na akong ni katiting na interes sa sino mang lalakeng maaring dumating muli sa aking buhay. When Hector died, love had died, dito sa puso ko. Hindi ko na nanaisin pang may magbukas muli nang ganoong pagkakataon kasi masaya na akong naranasan ito sa kanya. Wala na sigurong makakapantay pa sa pagmamahal na ipinadama ni Hector sa aking buhay noon. At kuntento na ako sa kaligayahang iyon. Kahit ba't isa nalamang itong yugto nang aking ala-ala.

***

"Daddy ano ka ba!" asik ko. "Wag ka ngang tumakbo, matatampilok ako eh,"

Hatak niya ako habang papalabas kami nang hotel sa boracay.

"Kailangan kasi natin ma-abutan yung pag-lubog nang araw," sagot niya. "Magdi-dilim na oh! sayang ang moment,"

I stared at his face. Ang mukhang hindi nawawala ang saya maghapon dahil sa pamamasyal namin dito. This is Hector, na dinaig pa ang isang batang walang kapaguran ang kaligayahan. Lahat ata nang gala namin noon hindi ko malilimutan kasi kasama ko siya at yung mukha niya ang palagi kong na-aalala. His face lives inside of me.

Narating namin ang beachfront. Dapit hapon na kaya marami nang nakatambay at naka-upo sa white sands. Pamoso din ang boracay as a perfect spot to watch the sunset. Unti-unti nang nagiging kulay kahel ang kalangitan. The disc sank in a slow, gentle motion. Hindi ko na naman maiwasang mamangha pagdating namin doon.

"Maganda ba mommy?" wika ni Hector malapit sa aking tenga.

Yumakap siya sa akin mula sa aking likod. Hinawakan ko ang dalawa niyang braso. "Daddy I love you, thank you at dinala mo ako rito. Hindi ko ito malilimutan,"

Sinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. We watched the sunset together hanggang lamunin nang kadiliman ang aming paligid.

"Ara! Okay ka lang ba? Tulala ka na naman," tapik ni Audrey.

Natauhan akong mula sa pagmumuni-muni. Palagi nalang ganon ang takbo nang aking buhay. Ang hirap bitawan nang kahapon kasi nakasanayan ko na eh. Na parang hindi kumpleto ang aking araw kapag wala akong ma-aalala sa bawat event nang buhay ko na magkasama kami.

Ngumiti ako kay Audrey at pinilit kong kalimutan ang pangungulila. I always remind myself na dapat focus lang ako sa magagandang tanawing makikita ko kapag namamasyal. Gayun din sa bonding naming magbabarkada. Pero at the end of the day kapag nag-isa na naman akong muli, bumabalik pa rin ang lahat sa dati.

Tumingala ako at pinagmasdan ang bughaw na langit. Sana naroroon si Hector ngayon na naka-silip sa isa sa mga ulap. Na araw-araw akong binabantayan sa aking pamumuhay. Malulungkot akong muli.

Sinasarili ko ito kasi wala naman makaka-unawa nito. Ibinubulong ko nalang sa hangin ang nais sabihin nang aking puso sa ganitong pagkakataon.

"Hector, I miss you,"