Chereads / Hector I Love You / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

Kasalukuyang sumasahimpapawid ang aking radio program na clinic online. Tuwing seven ito nang gabi ume-ere at saturday. Ako ang residence psychologist na nagbibigay payo tungkol sa mga problemang nangangailangan nang psychological advice.

Balita ko ngang marami ang sumusubaybay sa amin. Mapapanuod din kasi kami sa facebook live. Bukod sa pang araw-araw kong trabaho, gustong-gusto ko rin ang sideline job ko na ito. Mas marami kasi akong natutulungan at yun naman ang talaga ang goal ko na ngayon.

"Dok Ara, may isa pa tayong caller na humihingi nang payo," wika ni Dr. Andress Tan. Siya ang aking partner sa clinic online. Isa siyang thirty years old na tsinitong psychiatrist. Para ko siyang kuya rito sa radio station. "Nasa kabilang linya na siya. Good evening po ma'am,"

Marami ang nagkaka-crush dito sa kanya sa station kasama na run sina Melay at Denver. Kahit siguro ako, he is five eleven at malapad ang frame nang kanyang balikat. Pero may tsismis na may asawa na raw siya, hindi kasi siya pala-kwento sa akin tungkol sa kanyang personal na buhay. Nirerespeto ko iyon kasi ganoon din ako.

"Good evening din po! dok Andress at dok Clara," bungad nang bagong caller. Boses may edad na babae ito. "Tungkol po kasi ito sa pamangkin ko,"

I grab my mug at uminom nang tubig, nakaka-dry kasi ang aircon dito sa studio. "Ma'am ano po ang maipag-lilingkod namin?" tanong ko sa caller.

"Yung pamangkin ko kasi parang maba-baliw na. Iniwan kasi siya nang jowa niya,"

Marami na kaming kasong narinig na ganyan kaya hindi na ito bago sa amin ni kuya Drei. "Kaylan pa po nangyari yan ma'am?" I asked her again.

"Ma'am mawalang galang na po," pinutol ako ni kuya Drei. "Lalake po ba ang pamangkin niyo o babae?"

Sumagot ito. "Lalake po dok! katunayan nga pogi yun,"

"Ipakilala niyo po kaya iyan dito kay dok Ara," nagulat ako sa sinabi ni kuya Drei. "Maganda po si doktora at single,"

Isang pilyong ngiti ang binigay niya sa akin at napa-iling ako. Magkatapat kasi kami sa table at mga equipment ang nasa pagitan namin.

"Naku pag-pasensyahan niyo na po si dok Andress ma'am," depensa ko. Pinan-dilatan ko siya nang mata. "Nagbibiro lang po siya,"

Narinig namin ang mahinang tawa nang caller. "Naawa nga po ako doktora sa kanya kasi mag-mula nang tumira siya rito sa poder ko. Palagi nalang tulala at tahimik. Natatakot nga ako eh, baka bigla nalang tumalon sa bintana o di kaya'y magbigti,"

"May pagkakataon po bang nagiging agresibo siya o bugnutin?" tanong ko. A typical sign of broken heart syndrome, ganyan naman talaga after nang isang break-up.

"Hindi ko naman siya nakikitaan ng ganoong asal. Sapukin ko pa siya," natawa ako sa tono nang pananalita nang caller. Nakita ko pa si kuya Drei na lumaki ang singkit na mata at lumingon sa akin.

"Base po sa sinabi niyong iyan ma'am, nakakaranas po ng severe depression ang pamangkin ninyo," explain ko sa caller. Kahit isa lamang simpleng break up ang problema nang aming caller. Big deal pa rin iyon kasi hindi biro ang ma-depress. "Mabuti nalang po nagtanong kayo sa amin kasi yung mga ganyang nararanasan nila hindi basta-basta binabale-wala. Marami po kasing idinudulot na negative effect yan, mentally, emotionally, kahit physically,"

"Naku, kapag problemang puso talaga ang usapan mahirap hanapan ng solusyon. Pero bakit naman magkaka-ganyan ang pamangkin niyo ma'am eh kasing ganda ko naman pala siyang lalake," nagulat na naman ako sa banat ni kuya Drei. Seriously kuya? Di ba dapat tinutulungan mo akong mag-advice. "Bihira ako maka-dinig ng ganyang kaso. Wala sa pogi problem namin yan,"

Nailing nalang ako habang natatawa sa kanya. I kept a serious stance sa caller namin. "Ma'am kung gusto niyo po, pwede po kayong pumunta sa clinic ko kasama ng pamangkin niyo baka matulungan ko siya. Bibigay po nang staff ang address ng clinic ko off-air,"

Bigla akong natigil sa pagsasalita. Nag-curve ang labi ko upward at muling na-alala kung papaano ba ako nakapasok sa radio station na ito.

One time nagkaroon ako nang client na nag-struggle sa kanyang broken heart syndrome. She is a woman of forty na bigla nalang iniwan nang kanyang asawa. Malaki ang naging impact nito sa kanyang buhay lalong-lalo na sa kanyang tatlong anak. And I did my best to rescued her from her declining mental state and soon naka-recovered ito. Doon ko nga na-realize na mahusay pala ako sa larangang ito pero bakit ang aking sarili hindi ko kayang pagalingin.

We became close at later on ipinakilala niya ako kay kuya Drei na nasa clinic online na. Hinikayat ako ni kuya na mag-guest minsan and soon the rest is history. Naging regular ako at nag-enjoy dito kasi nahanap ko talaga yung totoo kong nararamdaman. Ang tumulong sa kapwa kahit piece of advice lang iyon.

Naging maganda ang credential ko as a psychologist kasi marami na ang nakaka-kilala sa akin. Magkagayun pa man, sa aking sarili hindi ito naging isang sukatan. Naniniwala kasi akong hangga't hindi nawawala ang pagdurusa sa aking isip at puso, my credibility is still worthless. Wala nang mas hihirap pa kundi ang pagalingin ang sarili kong puso. Na hanggang ngayon, isang hamong lagi akong talo.

Kahit marami na ang nakaka-kilala sa akin pinanatili kong sikreto ang aking nakaraan lalong lalo na yung pinag-dadaanan ko sa buhay. Sa mga kabarkada ko rito sa radio station pati kay kuya Drei. Ayoko kasing bigyan nang disappointment ang mga taong naniniwala sa aking kakayahan.

Pero minsan tinatanong ko ang aking sarili. Clara, hanggang kaylan?

"Dok Ara may sasabihin ka pa ba?" tanong ni kuya Drei.

Nagbalik-diwa akong muli. I clear my throat at umupo nang maayos. "Sige po ma'am, pumunta po kayo sa clinic ko this Wednesday nandun po ako mula alas-otso hanggang alas-singko ng hapon. Wag niyo po munang ibaba ang telepono, kakausapin pa po kayo ng staff namin,"

Sinenyasan ko ang staff sa labas nang kwarto namin na nakikita ko sa malaking glass window.

"Maraming salamat po dok Ara at dok Andress. Magandang gabi po ulit sa inyo," paalam nang caller. Naputol ang linya niya on-air.

***

After my long busy day, naririto na ako sa loob nang aking kotse at ready nang umuwi. Bubuksan ko na sana ang makina ngunit bigla akong tumigil at napa-ngiti. Gosh! I need to help that old woman about her niece. Naka-relate rin kasi ako sa pain na nararamdaman nung guy.

Bakit ba palagi nalang may urge akong nararamdaman na tumulong. Sa totoo lang, hindi naman ganito ang ugali ko.

Noong nasa high school pa ako wala akong pake-alam sa mundo. Selfish at madaling magtampo kapag hindi masusunod ang gusto kasi spoiled na bunso ako. Natatandaan ko pa nga, never akong nagpapa-kopya nang assignment. Never na tumutulong sa mga class activity at hate na hate ang group report kasi kaya ko naman na mag-isa lang. Kaya siguro walang masyadong nakikipag-kaibigan sa akin noon.

Then came Hector na nagpabago nang lahat. Hindi niya ako pinilit na magbago, kusa niya akong naimpluwensyahan. Sumandal ako sa driver's seat and closed my eyes. Ganitong-ganito kasi si Hector.

***

Huminto ako sa tapat nang covered court nang aming university. Nilagay ko sa bulsa nang aking blouse ang aking flip phone matapos matanggap ang text message ni Hector. Dito raw kasi kami magkikita.

Ang daming bulletin board na naka-kalat, enrolment kasi nang first semester. Saan ko siya hahanapin dito ang daming estudyante.

Naglakad ako habang pa linga-linga nang tingin. My lips curved upward nang makilala ko ang kanyang red rubber shoes. Nahaharangan siya nang isang bulletin board. Sosorpresahin ko sana siya kaso narinig kong may kausap siyang lalake. Na-curious akong pakinggan ang kanilang pinag-uuspapan.

"Brad, sobra na to. Nakakahiya naman sayo," wika nung kausap niya.

"Okay lang! Sira ka talaga kung hindi pa sinabi sa akin ni Gab yung problema mo. Hindi pa kita matutulungan. Huwag mo ngang sarilihin yan,"

"Ang dami ko na kasing atraso sayo, salamat talaga Tor! Hayaan mo makaka-bawi din ako sayo balang araw,"

"Huwag mo nang isipin yun brad, ang mahalaga makapag-enroll ka. Ikaw nalang ang inaasahan ng pamilya mo, at tsaka kaunting subjects lang ang kukunin ko ngayong sem na to,"

May pina-utang na naman siya. Huminga ako nang malalim. Hindi kasi nagdadalawang isip si Hector sa mga taong lumalapit sa kanya at hihingi nang tulong. Bukas palad niya itong tutulungan kahit minsan walang kapalit.

Ako pa nga yung parang kontrabida kasi baka abusuhin nila ang kanyang kabaitan. One of many reasons kung bakit minahal ko siya. Gwapo rin kasi ang kanyang pag-uugali at sa kanya ako natuto.

"At tsaka sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayong magkaka-brad," wika ni Hector. Kasama niya sa fraternity yung guy. "Kung may problema ka sabihin mo sa amin,"

Tuluyan na akong nagpakita sa kanya. Nabaling ang kanilang atensyon sa akin.

"Hi Clara," bati nang kausap niya. Kilala ko siya.

"Hi Pete," sagot ko. Nagpaalam sa amin si Pete at kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" sambit niya sa akin. Pumupungay yung kanyang mata at nag-puff ang lower eyelid.

Hindi ko alam kung bakit abot-langit ang aking ngiti na para ba akong batang naglalambing. "Tapos na ako mag-enroll daddy. Saan tayo pupunta ngayon?"

"Saan pa kundi manunuod tayo ng sine! Di ba promise ko yun, halika na baka masermunan pa tayo ni mama kapag ginabi tayo ng pag-uwi,"

Bigla akong natawa, natatakot pala siya kay mama. Palabiro kasi siya kapag kausap niya ito. Inakbayan niya ako and we both walked out of the covered court.

Dumilat ang aking mga mata as this part of his memories fade away. I'm still inside my honda accord. I wiped my tears off my eyes kasi hindi ko alam, umiiyak na naman ako.

Tumango ako sa aking sarili. "Hector, thank you," I whispered.

Binuksan ko ang makina nang kotse at nagpasyang umuwi.