Chereads / Hector I Love You / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

Wednesday morning at naka-upo ako sa office table nang aking clinic. May hawak akong tablet habang kausap si ate Mia sa android phone.

"Ang cute ng pamangkin ko. Nakaka-miss naman kayo ate,"

Maluha-luha pa ako habang binabanggit ang salitang iyon. Pinagmamasdan ko ang mga larawan sa aking facebook, bagong upload lang ito. Isang masayang birthday celebration nang aking pamangkin na si Caleb.

Yakap siya nila mama at papa. Puro mga masasayang mukha ang aking nakikita. Ako nalang ang kulang kaya nalulungkot talaga ako. Eto ang naging kapalit nang mga naging sakripisyo ko para maabot ang aking mga pangarap.

"San ka sa holy week sister dear?" tanong ni ate.

"Gusto ko nga magpahinga nalang sa unit ko. Kaso nangungulit ang aking mga barkada sa radio station. Baka mag-Palawan kami, pupunta kami sa Busuanga,"

Bumulalas siya sa kabilang linya. "Wow! namiss ko talaga ang pinas kapag yan ang naririnig ko, "

"Mag-bakasyon kasi kayo rito. Ipa-pasyal ko kayo riyan," wika ko. Hindi matinag tinag ang aking mga mata kakatitig sa napaka-cute kong pamangkin. Kahawig siya ni ate nung bata pa kami. "Gusto ko na rin makita at makurot-kurot si Caleb,"

"Hay naku! Parang ikaw yan. Spoiled nila mama at papa rito," bigla naman akong natawa sa sinabi niya. "Parang sila na nga ang magulang niya eh! Anyway pinag-uusapan na namin yan ni Bert kung paano kami makakapag-leave. Gusto kasi naming kumpletong lahat na magbakasyon diyan,"

Tapos bigla na naman siyang humirit. "Sana naman pag-uwi namin me ipapa-kilala ka na sa aming bago niyan," I rolled my eyes at huminga nang malalim.

Habang tumatagal kasi na-iirita na ako sa kanyang mga expectations. Matatanda na kami and sa tingin ko she's invading my privacy to live alone. Mahal ko siya pati na ang buong pamilya pero kung minsan unreasonable na para sa akin ang ganoong concern nila.

"Ewan ko sayo ate! Pwede ba tigilan mo na nga ako," asik ko. As usual natawa na naman siya sa kabilang linya. "Masaya ako kahit mag-isa lang!"

May masama ba sa pagiging mag-isa? Kumakain naman ako nang maraming beses sa isang araw. May magandang trabaho. Bakit parang yung pag-aalala nila baka ikamatay ko kapag nagpatuloy ako sa aking pag-iisa.

I don't need someone else na makakasama ko kuno sa aking buhay. Apat na lalake ang nanligaw sa akin after mawala ni Hector but binasted ko silang lahat. Kaylangan kasi nilang tumbasan yung love and affection na ipinadama nito sa akin noon. At napaka-laki nito kaya naniniwala akong wala nang second chances pa.

Kasi para sa akin, minsan lang dumating ang isang Hector Villanueva sa aking buhay. Minsan lang. Wala nang makaka-replace kahit sino man sa kanya.

"Doktora! Dumating na po yung may appointment sa inyo," putol ni Rachel. Yung nag-iisa kong staff dito sa clinic.

Hindi ako maka-paniwalang pumunta talaga yung caller namin sa radio station nung isang araw. Seryoso talaga siya sa problemang kinakaharap nang kanyang pamangkin.

"Papasukin mo rito, sabihin mo antay lang muna saglit," wika ko kay Rachel.

Nagpaalam ako kay ate at tinapos kaagad ang tawag. I put my Android phone and tablet on top of my table.

Tumingin muna ako saglit sa maliit na mirror. Tinali ko ang aking buhok na unti-unti nang umaabot half-way sa aking likod. Naglagay ako nang kaunting lip gloss.

Bigla ko pang narinig yung pag-uusap nila. Nahaharangan kasi nang mataas na cubicle ang aking table kaya hindi ko sila nakikita.

"Hijo, malaki ka na. Para kang sira riyan," dinig ko sa isang boses. Siya yung old lady. "Dalian mo! ihing-ihi na kasi ako. Babalik din ako, promise, "

"Tita you're crazy! I don't need this alam mo yun di ba, "sagot ng isa pang boses. Yung pag-english niya may American accent pero kapag nag-tagalog, straight, na-curious ako.

Bigla silang nanahimik at saka palang ako tumayo. Yung guy nalang ang natira, naka-upo siya sa mahabang sofa at naka-yuko. Busy siya sa kanyang cell phone.

I greeted him to grab attention. "Good morning! "

Tumayo yung guy at bigla akong na-sorpresa nang makita ko ang kanyang mukha.

"IKAW?" nagulat pa ako kasi pareho kaming nag-sabi nun. Si Eric pala yung guy at hindi ako makapaniwalang nag-krus muli ang landas namin.

"Wow! surprise, surprise, ikaw si dok Clara Montemayor, "wika ni Eric.

Bigla akong natawa. "So ikaw yung pamangkin na tinutukoy na may love problem? "

"The truth is I don't wanna do this. Akala ko kasi old lady ang makakaharap ko. You know? May alam ba sila sa pinagdadaanan ko, but, hindi ako makapaniwala, "

Bahagyang tumaas ang aking kilay na yung eyeball ko gumalaw from right to left at sa isip ko. Mas malaki pa ba sa problema ng sangkatauhan ang pinagdadaanan nito ngayon? Eh, ano naman kung old lady ang makakaharap niya, hindi siya prinsipe o di kaya'y Hollywood actor para mabaliw ang mga babaeng makakakita sa kanya.

May pumasok na isang may-edad na babae and I guess siya yung tita niya. Namangha ako sa looks niya. Naka-suot siya nang itim na t-shirt na may malaking imahe nang mukha ni John Lennon. Naka-skinny jeans siya na may punit sa hita at tuhod. Black six inches biker booths at kulay blonde ang buhok na kulot. Kahit naka-make up siya, I guess she is in her fifty. Napa-ngiti ako, mas bata ako sa kanya pero hindi ko na try pumorma nang ganyan at wala akong balak. Hindi siya mag fi-fit sa aking personality.

"By the way, I want you to meet the coolest tita in the world, tita Cecile, "wika ni Eric.

Nanlaki yung mata nang tita niya na naka-eyeliner ata nang shade of blue. "Magka-kilala kayo?"

"Ang ganda mo pala doktora sa personal," she added.

Flattered ako sa compliment at yung tono nang pananalita niya nakaka-aliw, may pagka-taklesa kasi siya. Naka-gaanan ko agad siya nang loob.

"Nag-meet kami nung nag-punta tayo sa Binurong Point, remember tita," wika ni Eric. He is smiling magmula pa kanina. "Nandun din siya,"

"Talaga! sayang di tayo nagkita run,"

Nakipag-kamay ako at ang sincere nang kanyang panghihinayang. "I guess it's a small world. Nice to meet you po, "

Bigla siyang nataranta kasi tumunog yung kanyang android phone. She raised her palms in-front of me at dali-dali niya itong sinagot. Lumabas siya nang pinto at iniwan kaming dalawa.

Doon ko naramdaman ang pagka-ilang. "So, Eric? "

"Eric Ross," sagot niya. Saka kami nag-shake hands.

Napapa-ngiti pa nga ako kasi sinungitan ko siya sa first meeting namin. I felt a little uncomfortable but it's my profession anyway.

I swayed my left hand pointing back at the sofa. "Ma-upo ka na ulit, let's see kung ano ang magagawa natin,"

Bumalik siya roon at umupo ulit. Nilapat niya ang kanyang katawan sa back rest.

Hinatak ko ang aking pink easy chair at umupo paharap sa kanya. I caught him staring at me, hindi na naman ako mapakali rito.

"Ang ganda mo talaga," he murmured in his soft masculine voice.

Nailang ako lalo. Bakit siya ganon magsalita? Medyo possesive kasi ang dating sa akin. Alam ko compliment iyon but iba talaga ang dating sa akin.

Na-alala ko tuloy si Hector. Kahit minsan, never niya akong pinuri nang ganyan. Pero minahal niya ako nang totoo. Siguro hindi lang ako sanay.

"Gusto mo pabang ituloy ito? Mahalaga ang oras sa akin," sagot ko sa kanya na may halong katarayan.

Ngumisi lang siya sa sinabi ko na parang nang-aasar pa. "Sungit naman," bulong niya pero narinig ko.

Umiling nalang ako sa kanya. Ngayon ko mas lalong napag-masdan ang kanyang facial features. He resembles a brazilian japanese model na napapanuod ko sa mga t.v commercial. Oriental eyes pero mas striking ang caucasian features gaya nang kanyang aquiline nose. Manipis ang labi niya na parang mapupunit sa sobrang pula. Light tan ang kanyang complexion at rosy cheeks. Hindi ko tuloy maiwasang magkaroon nang physical admiration.

Na to the point gusto ko siyang i-compare kay Hector but pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong maglakbay ang aking isipan, mawawala ako sa concentration.

I clear my troat. "Gusto kong maging totoo ka sa nararamdaman mo kapag sinagot mo ang mga tanong ko. Makipag-cooperate ka sana sa akin, "

Tumango siya at napansin kong nawala ang maganda niyang ngiti.

"Balikan mo yung mga panahon na una mo siyang nakilala," biglang nag-shift ang kanyang facial expression. Yung kilay niya nagkaroon nang tension. "I want you to be honest. Alam kong ayaw mo na, pero ikwento mo sa akin lahat lahat, sa abot ng iyong makakaya, "

Hindi niya ma-ibuka ang kanyang bibig. Kung hindi ko pa hinawakan ang kanyang kanang kamay, hindi pa siya magsisimulang mag-kwento.