Chereads / Hector I Love You / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

April 2010, graduation day ko sa college. Hindi ako maka-paniwalang nakatapos ako sa aking psychology course.

Pinagmamasdan ko ang mukha nang aking mga magulang. Sina mama Celia at papa Victor, ang mukha nang masayang magulang. Naging saksi kasi sila sa aking mga paghihirap sa pag-aaral. Proud din ako para sa kanila kasi itinaguyod nila ako kahit ano pa ang mangyari. Hindi man ako nagkaroon nang medals o naging magna-cumlaude ang mahalaga pa rin ay nakatapos ako. Pangarap kaya ito nang kahit sinong estudyante.

Malakas ang buhos nang ulan sa araw na iyon. Na medyo hindi pa nga pangkaraniwan sa buwan nang Abril. Eto kasi ang simula nang summer sa bansa natin di ba. Sabi nang aking mga ka batchmates, blessing daw iyon habang yung iba naman badtrip kasi killjoy naman daw. Marami kasi ang pupunta sa mga bar after nang graduation para mag-celebrate.

Ang dami nang tao sa P.I.C.C ang venue nang graduation ceremony namin. Halos puro mga estudyante ang nakikita ko na naka-suot na nang black toga. Kasama nila ang kani-kanilang mga magulang, kapatid at kung sino sino pang mahal sa buhay.

"Congratulation!" yan ang naririnig ko kahit saan at "I'm so proud of you," Ngayon ko lang na-realize, graduation day din pala ang isa sa pinaka-happiest event every year.

Nagkaroon nang announcement na oras na para magsimula ang graduation rite. Isa-isa nang nag-form nang line ang aking mga kasabayan. Nasa lobby kaming lahat nang venue. Sinasabayan nang pagbuhos nang ulan ang ingay namin.

"Ara anak! natunog ang cell phone mo, sagutin mo," wika ni mama.

Bumuntong hininga ako. Nag-lakad ako palayo sa kanila at sinagot ito. "Hello! Mommy, hello," boses sa kabilang linya.

Hindi ako kumibo, nainis kasi ako bigla.

Si Hector yung natawag sa akin and we've been together for six years. "Mommy! Sorry na, pabalik na ako nang Maynila. Pupunta ako sa graduation ceremony mo,"

Dinig ko sa kanyang background yung makina nang kotse.

Napilitan akong sumagot, nagtatampo pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. "Asan ka na? Hindi pa rin kita bati no!"

Narinig ko siyang natawa sa kabilang linya. Mas lalo akong nainis pero na-miss ko naman. Last week lang nag-away kami kaya ngayon medyo hindi pa talaga humuhupa ang inis ko sa kanya. Kahapon pa niya ako sinusuyo pero sinasadya kong magpakipot. Gusto ko kasi siyang magpunta sa aking graduation ceremony. Bakit ganun, naiinis ako pero gusto ko pa rin siyang makita.

"Eto naman! Nasa Tarlac pa ako," medyo nag-choppy pa siya. Lumalayo ako sa entrance kasi ang lakas nang buhos nang ulan hindi ko na rin siya masyado maintindihan. "Uy! Sorry na, na stranded talaga kami after ng medical mission. Pinilit ko talagang magbyahe para sayo,"

"Biyahe mong mukha mo,"

Natawa na naman siya sa kabilang linya. "May surprise ako pagka-rating ko riyan, kaya sorry na, bati na tayo," dag-dag niya.

Ako naman ang biglang natawa kasi may halo na naman siyang suhol habang yung boses niya naglalambing pa. Ano kaya yung sorpresa niya? Bigla tuloy akong nasabik dun.

Pero nagkunwari pa rin akong galit. "Dalian mo! Kaylangan nan-dito ka mamaya. Mas lalo akong mag-tatampo sayo kapag di ka dumating," muli na naman siyang tumawa.

One-week kong na miss ang tawang iyon kaya napa-tawad ko na siya sa aking isip. I wanted to see him so bad. Gusto kong makita ang kanyang reaction ngayong naka-suot na ako nang black toga. Dahil noon pa man, siya ang isa sa major supporters ko sa pag-aaral, inspirasyon na rin. Si Hector ang naging sandigan ko nang lakas para maipagpatuloy ito.

"Oo mommy! Eto nga binibilisan ko na ang pag-drive. I'm so proud of you. I love you,"

Mommy at daddy ang tawagan namin na para bang naka-secure na ang aming future bilang mag-asawa balang araw. "Oy! mag-ingat ka, maulan ngayon, bibigay ko na tong cell phone kay mama. Mag-sisimula na kami,"

Bumalik ako sa aking parents after nang kanyang tawag.

"Nasaan na si Hector anak?" tanong ni mama. Binigay ko sa kanya ang aking cell phone.

"Papunta na raw siya rito ma! Hahabol daw siya. Pasok na ako sa loob,"

Bahagya pang inayos ni mama ang suot kong black toga. Naka-ngiti siya and I love those smile. Pinagmasdan niya ang aking kabuuan.

"Saglit lang Ara! Kunan ko muna kayo ng picture," pahabol ni papa. Siya kasi ang photographer namin ngayon.

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa aking mga ka batchmate. Akala ko talaga nahuli na ako mabuti nalamang may nagpa-singit sa akin sa pila.

Habang papasok sa loob nang auditorium. Nag flashback ang aking isipan tungkol sa amin ni Hector. From junior high school at hanggang ngayon patapos na ako nang college. Marami kaming pina-hanga sa tagal nang aming relationship.

We stick together so strong na ang balak namin kapag nagkaroon na kami nang matatag na trabaho at disposisyon sa buhay ay magpapakasal na kami for good. Walang tumutol sa amin on both side of our family. Bumuo na rin kami nang maraming pangarap at ngayon eto ang unang step.

Yung nga lang October gra-graduate si Hector, nauna ako. Pasaway kasi yun at easy go lucky. Palibhasa may kaya siya at nag-iisang anak lang. Parehong nurse sina mommy Gloria at daddy Ben. Lahat nang gusto niya na-provide nila, pero tamad siyang mag-aral. Kada enrolment kakaunting subject ang kinukuha kaya siya nagtagal.

Pag pinapagalitan ko nga ang sinasabi sa akin, hindi na raw mahalaga yun. Ang importante ay ako ang makapag-tapos kasi raw mahalaga ako sa kanyang buhay pati na ang aking mga personal goals. Nakaka-kilig pero siyempre concern din ako sa kanyang future. Katulong ko siya sa aking mga projects at thesis sa buong college years. Kaya ang hirap din niyang pagalitan kasi masyado siyang nag-focus sa akin.

***

"CLARISSA MONTEMAYOR!" tawag nang emcee.

I stood in my seat sa auditorium at naglakad patungo sa stage. Yung ngiti ko hindi na maalis alis sa aking mukha. Mix emotions ang aking nararamdaman habang unti-unting napapalapit sa magbibigay sa akin nang diploma.

Hindi ko pa maiwasang lumingon sa direksyon nang bleachers at sakto kong nakita sina mama at papa. Hindi sila magkanda-ugaga sa pagkuha sa akin nang litrato.

Yung graduation hymn ang uma-alingaw ngaw sa buong paligid. Huminga ako nang malalim habang napalapit sa hagdan nang stage. Nakalimutan ko na tuloy si Hector sa isip ko kasi nga everything went into a slow motion. Nasaan na kaya siya ngayon?

May nakita pa akong kulay brown na butterfly na lumilipad sa aking paligid pero hindi ko na pinansin pa iyon. Ganito pala ang feeling kapag natapos mo ang lahat nang paghihirap mo sa college. Para akong nasa cloud nine na yung tinik nang pressure sa aking pag-aaral nabunot na sa wakas.

After kong umakyat nang stage, nagbalik ako sa aking seat. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang hawak yung parchment paper na naka-roll. Hindi raw iyon ang tunay na diploma kasi bibigay yun after nang clearance namin. Lumingon akong muli sa bleacher patungo sa direksyon nang aking parents.

Kumaway ako sa kanila at nakita nila ako. Nagulat nalang ako nang may tumapik nang aking balikat. Napa-lingon ako sa aking katabi at nabaling ang mata sa paglipad nang brown na butterfly.

"May importanteng balita ka girl," wika niya habang naka-ngiti.

Kumunot ako nang aking noo, hindi kasi ako naniniwala sa mga ganoong pamahiin. "Totoo ba yun?"

"Sabi raw nila, good or bad news,"

Nung pagkasabi niya nun, bigla akong kinabahan at hindi ko ma-explain. Sumeryoso ako at tumingin sa may kawalan.

"Don't worry girl, good news na yan kasi naka-graduate na tayo. Na-tapos na rin sa wakas ang pag-durusa natin," singit niya.

Napansin niya siguro ang aking facial expression. Nagbalik-diwa ako at bumaling nang tingin sa kanya. Ngumiti ako. "Congratulation!"

Niyakap niya ako nang mahigpit at sumunod naman yung mga katabi namin sa seats.