Chereads / Hector I Love You / Chapter 3 - CHAPTER 2

Chapter 3 - CHAPTER 2

"Mag-hapon na ata itong ulan na to," sambit ni papa.

Tapos na ang graduation ceremony at sa wakas makakatulog na ako nang mahimbing mamayang gabi. Nasa loob kami nang aming blue Honda accord at nagpasya nang umuwi kaagad.

Sobrang lakas na kasi talaga nang ulan. May part na nang Roxas boulevard ang binabaha. Nagsimula na rin mamuo yung traffic. Sinubukan ni papa na dumaan kami sa mga alternate route pa-uwi nang Makati para iwasan ang Edsa but kahit saan kami dumaan may baha na. We have no choice but to brave ourselves sa maulan, baha at ma-trapik na lansangan nang Maynila.

"Naku Victor mabuti nalang naka-alis agad tayo. Ayoko kayang matulog sa kalye," bulalas ni mama.

Pinahinaan na niya ang aircon na nakatapat sa kanya. Nilalamig na kasi kami sa loob nang kotse. Sinabi niya sa amin na naghihintay na raw ang mga tita at tito ko with cousins sa bahay. Hindi kasi mawawala ang celebration kapag sa mga ganitong okasyon sa pamilya namin.

"Ma, bakit ganun," wika ko kay mama. Panay ang tawag ko sa aking cell phone. "Naka-off na ang cel ni Hector. Kanina pa ako tumatawag,"

"Ara! de-deretso nalang sa bahay yan, wag ka ngang mag-alala,"

Naka-dama na naman ako nang pagka-inis. Sana man lang nag-text siya kahit ayaw niyang sagutin ang tawag.

"Naku baka na-trapik na yun malamang!" sabat ni papa. "Alam mo namang kakambal nang ulan ang trapik,"

"Nakaka-inis siya! Sabi ko umattend eh,"

Sumuko ako sa aking ginagawa. I put my phone beside me at sumandal sa bintana. Nakasalubong ang aking kilay. Gawa siguro nang puyat ko kagabi kakaisip sa graduation ay na-stress akong hindi dumating si Hector, gaya nang sinabi niya kaninang umaga. Nag-eexpect kasi talaga ako. Humanda talaga siya mamaya pag-dating niya. Pinag-masdan ko nalang ang maulang paligid sa labas para mawala ang aking inis.

Narinig ko nalang ang car stereo na binuksan ni papa. Nasa am station ito kasi mahilig silang makinig sa balita. I'm expecting na about sa habagat ang ibabalita sa radyo pero iba ang bumungad.

"Sa ngayon mahaba-haba na ang trapik dito sa NLEX at nag-sisimula na ring magsi-datingan ang mga rescuers. Kung makikita mo lang etong kina-lalagyan ko ngayon ay sobrang napaka-lawak talaga nang pinsala!"

"Ano raw pa?" sambit ni mama. Nabaling ang mata ko sa kanya.

Sinagot siya ni papa. "Me aksidente ata sa NLEX Celia,"

Humikab ako habang unti-unting nabigat ang aking mga mata. I grab my hello kitty pouch at nilabas ang aking mp3. Pinasak ko sa aking tenga ang earphone at nakinig nang music. Hindi ko na namalayang naka-tulog na pala ako sa biyahe.

Naramdaman ko nalang na tinatapik ako ni mama. Minulat ko ang aking mga mata at napansing nasa carport na pala kami nang aming bahay. Lumabas ako nang kotse at pumasok sa loob. Sinalubong ako nang aking mga tito at tita, nagmano muna ako sa kanila sabay tungo sa kusina.

Ang dining table namin ang umagaw sa akin nang pansin. Kulang nalang christmas song kasi parang noche Buena na ang handa ko. May banner pa na nakapaskel ilang metro ang layo sa dining table, napangiti ako nang basahin ito.

Congrats Ara, we love you

Napa-iling ako dahil pihado pakana na naman ito ni ate Mia. Nilagay ko sa lamesa yung black toga kong nakabalumbon at sakto namang lumitaw si ate galing sa dirty kitchen.

"Ate si Hector, dumating ba rito?" tanong ko. Iniikot ko ang aking mata sa paligid at nagbabaka-sakaling naririto na nga siya at nagtatago lang kung saan-saan. Minsan kasi ginagawa niya kaya yun.

"Wala pa, akala ko ba aattend siya nang graduation mo?" sagot niya. Dalawa lang kaming mag-kapatid at six years ang tanda ni ate sa akin. Sa june ikakasal na siya sa kanyang four year boyfriend.

Nilapag niya sa table yung shanghai rolls na kanyang niluto.

"Hindi siya umabot, nakaka-inis talaga yun," natawa siya sa itsura nang mukha ko.

Si ate ang madalas manukso sa amin ni Hector kapag nag-aaway kami. Para raw kasi kaming mga bata, as if naman hindi sila ganoon nang boyfriend niya.

"Tinawagan mo ba?" tanong niyang muli.

"Naka-usap ko pa siya kaninang umaga. Pero ngayon off na ang cel niya,"

"Baka naipit na sa trapik yun," singit nang babae kong cousin na may bit-bit nang sauce nang spaghetti at galing din sa dirty kitchen, "May aksidente kasi sa NLEX. Tignan mo yung t.v," turo niya.

Nabaling ang aking atensyon sa flatscreen t.v namin sa sala. Dahan-dahan akong naglakad patungo rito. Halos lahat nang naroroon sa bahay ay naka-tutok sa balita. May aerial footage pa na pinapakita.

"Pitumpu ang nasawi sa aksidente. Habang di-kukulangin sa isandaan ang sugatan na ang dalawampu dito ay nasa kritikal na kalagayan," sabi nang news reporter.

Yung mga tito at tita ko nag-uusap usap. Nakisali na rin sa kanila sina mama at papa.

I stood a meter away from them at malapit lang sa dining area. Sina ate at yung two cousins ko ang nagpre-prepare nang table. Nakatitig ako sa t.v nang biglang mag-flashback sa aking isipan yung tungkol sa brown butterfly kaninang graduation ceremony. Hindi ko maiwasang ilapat ang aking kaliwang kamay sa aking dibdib.

"May breaking news po tayo kaugnay nang balitang iyan. Hawak na po namin ang listahan ng ilan sa mga casualty. May na-identify na po sa mga nasawi," singit nang news reporter.

Napatitig ako sa flat screen television. "Heto po ang unang pangalang na-identify,"

And then. "Hector Villanueva! Isa po itong estudyante," everything went into silence.

Narinig ko ang pagkabasag nang isang plato sa aking likuran pero hindi ako nagulat. Tumigil ata ang heartbeat ko. Naghina rin ang aking tuhod. Nagdilim ang aking paningin at bigla akong nag-collapse.

***

Minulat ko ang aking mga mata. Nagulat pa ako kasi nasa loob ako nang isang kulay puting kwarto, everything is white.

Bumangon ako at umupo sa white bed. Sa aking harapan ay may white door na three meters ang layo sa akin. Napakunot ako ng noo at kusang tumayo. Nagtungo ako rito na punong-puno nang curiosity.

Hinawakan ko ang knob at pagbukas, napatalon ako sa gulat. Lumitaw kasi mula roon ang napakaraming brown butterfly, hindi mabilang at lumipad sila sa harap ko papasok sa loob nang kwarto. Nataranta ako, inangat ko ang aking mga braso and tried to protect my eyes. Bigla rin itong naglaho na aking kinatakahan.

I stood in front of the doorway at tinitigan ang makapal na usok sa kabilang side nito. May naaninag akong isang sillouhette, lalake siya kasi matangkad. Nang lumitaw yung hair nito, napabulalas ako nang iyak. "Hector!"

Naglakad yung sillouhette patungo sa akin pero sinalubong ko pa rin nang isang mahigpit na yakap. Bumulalas ako ng pag-iyak. Pinatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking balikat at napa-titig ako rito. Nanlaki ang aking mga mata kasi yung balat niya unti-unting nalalapnos.

Bumitaw ako nang pagkakayakap. Napatakip ako nang aking bibig. Isang sunog na imahe nang lalake na pala ang aking kaharap. I walked away pero he grabbed my right arm, nagwala ako at tumili nang ubod lakas.

Bigla na naman akong nagising sa ikalawang pagkakataon. Nasa loob na ako nang aking kwarto. Nagulat pa nga si ate Mia at yung dalawa kong cousins. May tumakbo palabas at si ate umupo sa aking tabi, napa-upo rin ako sa aking kama.

Hinawi niya ang aking buhok and i'm sweating hard. Na-realized kong isa lamang pala iyong bangungot, pero parang totoo. Pumasok ang mga tito at tita ko sa kwarto kasama ang aking parents. Bakas sa kanilang facial expression ang pag-aalala.

"Hija kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni tito Roy. Isa siyang physician, naka-tayo siya mula sa aking paanan.

Hindi ako makasagot kasi muli kong na-alala yung balita kanina. Napa-hilamos ako nang aking mukha. Sana man lang panaginip yung narinig ko kanina pero nag-usap usap sila about sa aksidente.

Bigla akong natauhan, wala ako sa sariling napa-bulalas halos hindi ko maramdamang nakayakap pala si ate Mia sa akin. "Ma! Puntahan natin yung lugar nang aksidente. Please! Pa,"

My hands are trembling at yung puso ko ang lakas nang pagkabog. Umupo si papa sa aking tabi malapit sa aking paanan. "Pupunta kami bukas nang tito mo pero sa ngayon magpahinga kana muna,"

Nasa tabi niya si mama na namamaga ang mata. Hindi lang ako ang nabigla sa masamang balita. My parents both love Hector kahit ang buong angkan namin. Hindi ako makapaniwalang ang dapat sanang masayang celebration ay mauuwi nalang sa ganito.