Five nang hapon, sumilip ako sa bintana nang marinig ko ang makina nang kotse namin. One day after my graduation nagtungo si papa kasama nang dalawa kong uncle sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
Nag-text siya kay mama na sa isang ospital sa Pulilan Bulacan sila nagpunta. Doon daw dinala halos lahat nang casualty sa aksidente. Hindi na nag-kwento pa si mama sa akin, siguro ayaw niya rin akong mabigla. At hindi na rin daw nag-text si papa nang makarating sila sa ospital kaya gusto ko nang malaman ang totoong nangyari.
I skipped my lunch sa araw na iyon dahil sa pag-aalala. Halos maghapon akong nag-kulong sa aking kwarto. Walang ginawa kundi pagmasdan ang picture frame sa aking bedside table. Picture naming dalawa iyon ni Hector. Kaya ngayon nasabik ako nang dumating si papa para sa balitang maari kong malaman sa kanya.
Tumigil ang Honda accord sa aming carport. Paglabas niya mula sa kotse sinalubong siya ni ate Mia at mama. Ayokong lumabas dahil hindi na ako maka-kilos nang maayos. Maya't maya kinakabahan ako. I'm stressed buong araw na halos makalimutan ko na ngang maligo.
"Pa, anong nangyari sa lakad niyo? "bungad ko agad sa pintuan.
Sabay sila ni mama na pumasok habang sinasara ni ate Mia ang gate sa labas. Nag-aabang din pala si mama nang isasagot ni papa. Nababasa ko sa kanyang facial expression na kumukuha siya nang buwelo bago magpaliwanag. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa aking puso.
Tinabihan ako ni mama, hinihimas niya ang aking likod. Hindi nagsalita si papa. May dinukot siya sa kanang bulsa nang kanyang denim. Isang maliit na plastic bag iyon. Nagtaka ako nang ibigay niya ito sa akin, napa-yuko siya nang kanyang ulo. "I'm sorry anak,"
Ngayon ko lang narinig ang boses niya nang ganoon, napaka-lungkot. Tinitigan ko ang plastic bag habang unti-unting may namumuong luha sa aking mga mata. Isang maliit na kahong kulay velvet at school ID ni Hector ang laman nito. Muntik ko pa itong mabitawan dahil nagsimula na namang manginig ang aking mga kamay.
"Celia, nakita ko ang bangkay niya. Sunog na sunog, halos hindi mo na makilala," wika ni papa.
Hindi niya direktang sinabi sa akin dahil nawala ako sa aking sarili.
"Sigurado ka papa?" tanong pa ni mama. Umiyak si papa sa harap namin.
Totoo nga, patay na si Hector. Kumawala ako kay mama. Unti-unting naninikip ang aking dibdib dahil bumuhos ang sobrang sakit. Napa-upo ako sa sofa at napahagulgol nang pag-iyak. Naka-yuko ako habang nasa palad ko pa ang plastic bag. I didn't say any word. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang maramdamang niyayakap na pala ako ni ate Mia. Hindi ko nga napansing madilim na sa sala namin kasi maski sila nakalimutan nang buksan ang ilaw.
Patay na si Hector, bakit ganoon? Ang hirap atang tanggapin. I stopped looking at the reality and hoping na sana nagkakamali lang sila nang nalamang balita. Na kaylangan ko pa ring maghintay na baka dumating pa rin siya sa bahay dala ang sinasabi niyang sorpresa.
Pero isang linggo ang lumipas, at nalaman ko ang lahat, lahat na magpapatunay na namatay nga siya sa aksidente. Nadurog ang puso ko nang makita ko ang sinapit nang kanyang pulang Toyota innova sa isang website. Pinilit kong malaman ang mga impormasyong iyon kahit sa puso ko hindi ko kayang tanggapin.
Lagi nalang akong tulala. Sinugod pa nga ako sa ospital dahil dehydrated na ako. Pag gumigising ako tuwing umaga yung mental state ko naniniwala pa ring buhay siya at darating. Na panaginip lang talaga ang lahat kahit hindi na pala. Ang aking parents at ate nag-suffer din dahil sa labis na pag-aalala sa akin kaso hindi ko nauunawaan iyon.
Bigla nalang kasing nag-iba ang mundo ko pati na ang aking buhay. Nawalan ako nang ganang kumain at lagi nalang may insomnia. Hindi ko na ma-distinguish ang reality sa panaginip. Every seconds magmula nang malaman ko ang pagkamatay niya palagi akong may sinisisi. Sinasabi ko sa aking sarili, bakit kaylangan niyang mawala? Bakit siya pa ang nawala? Kahit walang tao sa aking paligid. Madalas ko rin sisihin ang Diyos sa nangyari.
Kapag nakikita ko ang plastic bag na naka-patong sa aking study table. Tinatapon ko ito kasabay nang pagbulalas nang iyak. Wala akong pinipiling oras, kahit umaga o gabi. Alam kong nahihirapan na ang aking mga magulang but still I'm too weak to understand. Salamat nalang talaga dahil sila ang nag-adjust para sa akin.
Si Hector ang lahat sa aking buhay. Ngunit ang bakit ang itinuring kong lahat, bigla nalang ipinagkait nang tadhana sa akin. Sa isang iglap. Alam naman nang tadhanang mahal na mahal ko ang taong iyon. Pero bakit siya ganoon, ang daya ni tadhana.
Sina ate at mama ang nag-ayos nang aking clearance sa school. Salamat nalang talaga dahil nalaman nang buong university ang tungkol sa nangyari kay Hector sa pamamagitan ng kanyang school ID. Nabigyan ako nang consideration sa aking absence.
Nabalitaan ko rin na napa-uwi nang di-oras sina mommy Gloria at daddy Ben. Ang mga magulang ko ang nag-inform sa kanila. Gumuho ang kanilang mundo dahil sa nangyari sabi daw ni mommy Gloria. Nag-iisang anak lang kasi si Hector at marami pa pala silang pangarap para sa kanya.
Nagbabalak na silang mag-ipon para sa kanyang future, at kasama sana ako roon. Expect na nila ang magiging kasal namin at ang pagbuo nang isang pamilya. May bibilhin na sana silang bahay para maging tirahan namin ni Hector kapag naging mag-asawa na kami. Kaso nag-iba na ang sitwasyon kaya para saan pa ang lahat nang iyon. Nagsakripisyo sila para sa kanyang kinabukasan ngunit ngayon wala nang saysay ang lahat.
Hindi ko sila nagawang makita ilang linggo matapos silang umuwi nang pinas. Kasi wala na talaga akong lakas para harapin pa sila. Naging bedridden pa nga ako. Gustong-gusto na raw akong makita ni mommy Gloria kasi gusto niya rin akong i-comfort sa nararanasan ko ngayon. Sinabi pa nga ni ate Mia na na-ospital din si daddy Ben dahil ilang beses siyang inatake nang matinding exhaustion.
Hindi ko na alam kung papaano nila na-claim ang bangkay ni Hector. Basta ang kwento ni ate Mia sa akin hindi na nila nagawang ipa-autopsy pa ito kasi nga dahil kay daddy Ben at lalong-lalo na sa akin. Si Hector kasi ang kauna-unahang nakilala sa aksidente at sa tulong ito nang kanyang school ID.
Nang malaman kong balak i-cremate nila mommy Gloria ang kanyang bangkay ay doon palang ako nagkaroon nang lakas ng loob na makipagkita sa kanila. I lost five kilos sa bigat kong 49 at unti-unti pa itong nababawasan. Pero pinilit ko pa rin silang makita, nalaman ko kasing balak nilang dalhin ang abo nito pauwi sa Amerika. Pinigilan ko iyon kasi abo na nga lang ni Hector, ipagkakait pa rin sa akin.
I cried and begged na huwag nilang ituloy ito kaya pumayag din sila sa gusto kong mangyari. Napagdesisyunan naming lahat na ilagay ang kanyang abo sa isang columbarium sa Quezon city. Hector's death is a life changing event para sa akin. Oo, naririyan pa naman ang pamilya ko para maging sandigan ko nang lakas at muling ipag-patuloy ang buhay. Pero yung pagkamatay niya, mananatiling masakit para sa akin.
I brave my selves to live na hindi ko pa rin kayang tanggapin ang kanyang pagkawala. Hindi ko alam kung hanggang saan ito pero naniniwala akong mabubuhay pa rin naman ako.
Sa mga sumunod na nagdaang araw, linggo, buwan at taon nang aking buhay. Siya ang naging laman nang aking isipan. Bakit kung kelan wala na ang taong minamahal natin saka palang tayo maraming mare-realized tungkol sa kanya. Maski yung pinaka-maliit na detalye nang kanyang pagkatao. Ang pagka-wala ni Hector ang naghulma sa mga sumunod na pangyayari ng aking buhay.