Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Highland Stories: Finding Carrot Man Series and Skylander (Tagalog, Filipino)

πŸ‡΅πŸ‡­Sofia_PHR
--
chs / week
--
NOT RATINGS
697.8k
Views
Synopsis
Sinong mag-aakala na ang isang guwapong lalaki na may sunong na isang kaing na carrots ang magpapayanig sa buong internet world? Now everyone wants a piece of the mysterious guy. Who is Carrot Man? What are you willing to do to get him? Excerpt: Si Madison: ang reporter na minsan nang tinulungan ni Carrot Man at nakabihag sa puso niya. Malaking boost sa career niya kung mai-interview niya ang lalaki. Si Sunny: she considers Carrot Man as her shining star. Siya din ang dahilan kung bakit kumalat ang picture ni Carrot Man sa internet. Feeling niya ay destiny sila. Siya ang naka-discover dito kaya dapat ay kanya lang si Carrot Man. Si Beliza: ang bestfriend na matagal nang may gusto kay Carrot Man. Makakatulong kaya kung sasabihin niya sa lahat na siya ang girlfriend ng lalaki? Si Paloma: ang babaeng minsan nang minahal ni Carrot Man pero nang malapit nang matupad ang pangarap ng babae ay iniwan niya ito. Samahan ninyo ako sa kabundukan ng Cordillera at hanapin natin si Carrot Man. I Remember the Boy: Carrot Man Finding Carrot Man 1: You're My Shining Star Finding Carrot Man 2: He's the One Finding Carrot Man 3: Mine From The Start Finding Carrot Man 4: Forever Means By Your Side
VIEW MORE

Chapter 1 - I Remember the Boy: Carrot Man

*Inspired by the viral Carrot Man of Mountain Province.

"Gusto ko kapag ngumingiti ka. Mas maganda ka kapag nakangiti. Pakiramdam ko, may ginagawa akong tama."

Suspended si Paloma sa university na pinapasukan. Nadamay lang naman siya sa pang-aaway ng kaibigang si Jimarah sa apo ng governor ng Mountain Province. Ang masaklap, nilait-lait pa nito ang mga Igorot kaya mas mabigat ang naging parusa sa kanila. Kailangan nilang sumama sa isang cultural immersion sa Kadaclan, isang community sa Mountain Province. At si Jeyrick ang mag-a-assist sa kanya, ang kaklase niyang itinuturing na outcast ng grupo nila at nabu-bully ng mga ito. Nakasalalay sa lalaki kung makakagawa siya ng maayos na report para mabura ang kanyang hindi magandang record. Habang nasa Kadaclan, maraming na-realize si Paloma, kasama na ang... hmmm... unti-unting nade-develop na feelings niya para kay Jeyrick...