NAHIHILO na si Paloma sa magkahalong letra at numero na nakasulat sa blackboard. Algebra. She really hated that subject. Kahit noong high school pa lang siya ay isinusuka na niya ang subject na iyon. Wala talaga siyang maintindihan. At ngayong nasa first year college na siya ay hate pa rin nila ang isa't isa.
"Kung pwede lang I-drop ang subject na ito," usal ng dalaga habang pinagpapawisan nang malamig at isinusulat ang equation sa yellow pad.
Di naman siya ganoon kahina sa Math pero hindi niya iyon paborito. Tourism ang kinukuha niyang sa University of Cordilleras sa Baguio. Sa ayaw at gusto niya, kailangan niyang igapang ang subject na iyon.
Huwag po sana akong tawagin sa recitation. Huwag po sana akong tawagin. Nakakahiya talaga kapag tinawag siya at wala siyang maisagot. Promise po kapag di ninyo ako tinawag, susubukan ko pang mag-review na mabuti. Hindi ako matutulog kung kinakailangan.
Napaungol ang dalaga. Masarap pa mandin matulog. Kalilipat lang nila sa Baguio apat na buwan na ang nakakaraan mula sa Maynila. Sanay siya sa mainit na panahon kaya naman di pa siya nakakapag-adjust sa bed weather sa City of Pines. Pati yata utak niya ay nag-a-adjust pa rin.
Unti-unti nang napipikit ang mata niya nang makarinig siya ng mahinang paghihilik sa likuran niya. Lumingon siya sa likuran at nakita ang isang kaklase nila na nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan habang nakanganga. Nakasuot pa ito ng gray jacket na may hood para di siguro mahalata ang pagtulog nito.
Una niyang napansin sa lalaki ay ang matangos nitong ilong. Parang noon lang niya ito nakita sa klase o baka hindi lang niya napapansin.
Muli itong humagok ng tulog dahilan para magtawanan ang iba pa nilang kaklase. Nakitawa din ang kaibigan niyang si Jimarah.
"Class, what's funny?" tanong ng professor nila at humarap. Istrikto ito at kinatatakutan ng lahat. Kahit ang mga tamad at aantok-antok sa klase nila ay gising sa subject ng professor nila na iyon.
"Nothing, Sir," sagot agad ni Paloma.
Hindi alam ng dalaga kung bakit pinoprotektahan niya ang kaklase samantalang di naman niya ito kilala. O siguro ay natakot lang siya na harapin nito ang galit ng professor nila.
"Kung nagagawa ninyong magtawanan sa klase ko, tiyakin lang ninyo na alam ninyong sagutin ang equation sa board," sabi nito at itinuloy ang pagsusulat.
Ibinalik ulit ni Paloma ang atensiyon sa isinusulat sa papel nang marinig niya ang pagkarayod ng upuan sa sahig. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo na ang lalaki na kanina ay natutulog. "Sino ang bumato sa akin?" naaalimpungatan pa nitong tanong. Nakababa na ang hoodie nito at kita na ang mukha nito. He was mesmerizing. He was handsome in a rugged way, considering na pupungas-pungas pa ito.
"Yes, young man?" tanong ng professor nila. "Do you volunteer to answer the equation on the board?"
"Ah eh, pwede naman po," sabi ng lalaki na parang napilitan lang na lumapit sa professor nila.
"How baduy naman his outfit," komento ni Jimarah. "Lakas pa ng loob na matulog sa klase ni Prof Castillo."
"Shhh! Huwag ka ngang manlait diyan," saway niya sa kaibigan.
"Whatever! He is an eyesore." Nangalumbaba si Jimarah. "Tayo nga na super fab hindi natutulog sa klase. Di makakasagot iyan. Tayo ngang gising hindi alam ang gagawin. Siya pa kaya?"
Nakatayo lang ang kaklase niyang si Mr. Hoodie habang nakatitig sa blackboard. Parang wala itong ideya kung paano iso-solve ang equation.
"Tulog ka na lang ulit," kantiyaw ng kaklase nilang si Gordon.
"Silence!" Binigyan din ng chalk ng guro nila si Gordon. "Bakit hindi mo rin sagutan ang equation para di ka tatawa-tawa lang diyan?"
"Sure, Sir," puno ng kompiyansang sabi ni Gordon at kinuha ang chalk sa professor nila.
Nag-cheer pa ang ibang mga kaklase nila para kay Gordon dahil ito ang class escort. Walang pumapansin sa isa nilang kaklase na si Mr. Hoodie. Walang makukuhang suporta ang mga gaya nito sa klase nila kung hindi ito popular o maporma. And it must be sad. Na walang nagtsi-cheer sa iyo o walang kumakampi. Nakakababa ng self-esteem. And she didn't want any body to feel that way.
Pinagsalikop ni Paloma ang mga palad. "Kayanin mo iyan. Kahit konti lang sagutan mo iyan," mahinang usal niya ng dasal. There was something vulnerable about the man. Maybe she was rooting for the underdog.
"Hoodie, kaya mo iyan!" biglang nanulas sa labi ni Paloma.
Tumingin sa kanya ang lahat. Puno ng pagtataka ang mukha ng mga ito dahil hindi si Gordon ang tsini-cheer niya. Maang na nakatingin sa kanya si Mr. Hoodie. Nakangiti niyang itinaas ang kamao sa direksyon nito para bigyan ito ng lakas ng loob.
Ngumiti ito at lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Cute. Saka ito humarap sa blackboard at sinimulang sagutan ang equation. There was confidence and ease. Sinubukan niyang sundan ang sagot nito sa equation. Pero sobrang bilis nitong sumagot habang loading siya. Napansin niya si Gordon na palingon-lingon dito, tinitingnan kung pareho ng sagot ang mga ito.
Naunang natapos si Hoodie. Pinagpag pa nito ang palad. "Tapos na po, Sir."
"Tch! Tama naman kaya iyan?" iiling-iling na usal ni Gordon at nagpatuloy sa pagsagot.
Malakas ang kaba ni Paloma nang I-check ng professor nila ang sagot ng dalawa. Nakayuko lang si Mr. Hoodie habang ngingisi-ngisi si Gordon. Kampante ito sa sagot.
Nilagyan ng check ni Mr. Castillo ang sagot ni Mr. Hoodie. Nagulat ang lahat. "You got the correct answer, Mister..."
Nanlaki ang mata ng lalaki. "A-Ako po, Sir? Tama ang sagot ko?"
"Yes."
"Sigmaton, Sir. Jeyrick Sigmaton," excited nitong sagot.
"Very good, Sigmaton." Bumaling ito kay Gordon. "And as for you, young man, the correct answer is zero. You can't divide zero. Basic rule."
Umungol si Gordon. "Oh, man!" At padabog na inilapag ang chalk sa desk ng guro.
"You may now take your seat, Mr. Sigmaton. Pero di dahil alam mo ang lesson ay tutulugan mo ulit ang klase natin."
"Sorry po, Sir. Di na po mauulit." Nakayukong naglakad pabalik sa likuran ng klase si Jeyrick. "Salamat," sabi nito pagdaan sa tabi niya.
"Welcome," tipid niyang sagot sa lalaki at ngumiti. Masaya siya dahil tumama ang sagot nito at hindi napagalitan ng professor nila.
"Shocks! May dimples siya. Soooo cute," kinikilig na sabi ng isa pa niyang kaibigan na si Lauraida.
"Whatever. He is still dugyot and baduy. He is in not in our league. Gusto mo bang isipin nila na wala kang taste? You are Lauraida Sanders. You are the Miss Teen Baguio last year," anang si Jimarah.
"Ano ang masama sa cute na dimples? Cute naman talaga," protesta niya sa inis sa kaibigan. "Di ba pwedeng I-appreciate?"
"Isa ka pa," saway nito sa kanya. "This is not so you. Kaya kita naging friend because I thought you have class. You are more than this."
What the heck! She has taste, of course. Pero hindi naman siya matapobre. Iyon ba ang tingin sa kanya ng kaibigan? Na porke't maayos siyang manamit at nakakasabay sa uso ay dapat maging laitera na rin siya?
Itatama sana niya ang kaibigan nang makitang palapit sa kanila si Mr. Castillo. "Ah! Mukhang excited na sagutin ng pinakamagaganda kong estudyante ang equation number four and five?"
"Sir naman. It is so hard kaya," angal ni Jimarah at dumabog.
Tahimik na inabot ni Paloma ang chalk at pumunta sa black board. Parang gusto niyang tanungin ang lalaki kung pano ito na-solve ang equation samantalang tutulog-tulog ito sa klase. Naghihilik pa nga. Kung pwede lang matulog siya at paggising niya ay alam na niya ang sagot.