Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Unexpected Mr. RIGHT (TAGALOG)

🇵🇭KCEE33
--
chs / week
--
NOT RATINGS
50.4k
Views
Synopsis
"Good morning my Princess...!" nang-aasar na bati ni Jace sa kanya. "I am not your Princess! And alam mong hindi good ang araw ko tuwing andito ka. So pwede ba, stop pretending as if we are friends!" Mataray na sagot niya rito habang nagmamadali sa paliligpit ng mga niya. "Hindi ka na naman siguro pinansin ng crush mong si frog prince ano, kaya ang sungit-sungit mo na naman ngayon?" Anito sa kanya. "FYI! Hindi ko crush yun okay? Siya yung may crush sa akin. And will you stop calling him frog prince!" Aniya kay Jace at inis bumalik ulit sa pagliligpit. "Oyy... ipinagtatangol niya si frog prince." Patuloy na pang-aasar nito sa kanya. "Kung hindi mo type si frog prince, baka naman ako talaga ang type mo." Anito na mas lumawak pa ang pagkakangiti. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, ramdam rin niya ang pamumula ng pisngi niya. "Excuse me!" Aniya rito at hinarap ulit ito. "Kahit kailan ay hinding-hindi ako magkaka crush sa matanda, mayabang at bastos na katulad mo! Isaksak mo yan sa utak mo!" Pero lahat ng sinabi niyang iyon ay bigla na lang naglaho ng magtapat si Jace sa kanya. Kahit walang kasiguraduhan ang damdamin nito para sa kanya ay sumugal pa rin siya. Para lang iwan siya nito kinabukasan. Pagkalipas ng sampung taon, ay bumalik ulit si Jace sa buhay niya. Mahirap nga sigurong kalaban ang tadhana. Dahil kahit anong iwas niya sa binata ay nakahanap pa rin ang tadhana ng paraa upang magising siya sa isang higaan katabi si Jace. Habang pareho silang walang mga damit. Susugal ba siya ulit sa kasal na inaalok nito? O bibigyan niya ng first chance ang step brother nitong si Dylan. Sino nga ba ang dapat niyang piliin? Ang lalaking wala ng ibang ginawa kundi ang pasayahin at mahalin siya? O ang lalaking minsan na siyang sinaktan pero mahal pa rin niya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Kassey's POV

"Ididikit ko na ba ito?" Tanong niya sa matalik na kaibigang si Dale habang hawak-hawak ang ginupit na larawan sa magazine.

"Oo, pwede mo nang idikit yan." Sagot ng kaibigan na busy sa pata-type ng e-re-report nila sa laptop niya.

Mga bata pa lang sila ay matalik na silang magkaibigan ni Dale. Nasa kabilang kalye lang naman kasi ang bahay nito. Simula nursery ay magka-klase na sila nito hanggang ngayon na nasa grade ten na sila. Parati itong tumatambay sa kanila kapag walang pasok. Minsan ay sabay nilang ginagawa ang mga assigments nila at mga projects, gaya ngayon.

Habang nakatutok sa kanilang ginagawang project ay bigla na lang silang nagulantang ng makarinig sila ng sunod-sunod na busina sa harap ng bahay nila.

Natigil siya sa ginagawa at inis na napatingin sa gate.

Tss! Nandito na naman ang asungot!

Kahit hindi niya nakikita ang kotse sa labas, ay kilala na niya kung sino ang nagmamay-ari nun.

"OMG Kassey! andiyan na si Prince Charming!" Kinikilig na sabi ni Dale sa kanya ng makita nito ang kotseng nakaparada sa labas.

"Haist! Tatambay na naman yan dito. Tara na nga sa kwarto ko. Doon na lang natin ito tapusin. Tiyak mang-aasar na naman yang mokong na yan." Naiinis na sabi niya sa kaibigan habang inililigpit ang mga gamit na nasa bermuda grass.

Ang tinutukoy ni Dale, ay ang bestfriend ng kuya Tristan niya na si Jace Sebastian. Eight years ago ay dumating ang pamilya nito sa Masbate galing Macau. Namatay kasi ang lolo ni Jace na dito nakatira sa Pilipinas. At dahil wala ng pwedeng mag-asikaso ng naiwang negosyo ng matanda ay nagpasya ang mga magulang nito na sa Pilipinas na lamang manirahan.

Magkababata ang mga daddy nila, kaya may mga pagkakataong dumadalaw ang mga ito sa kanila o di kaya ay sila sa bahay ng mga ito na nasa kabilang village. Agad na naging matalik na magkaibigan sina Jace at ang kuya Tristan niya. Magkaedad lang kasi ang mga ito at parehong mahilig sa music.

Taliwas naman ang nangyari sa kanya at kay Jace, dahil unang pagkikita pa lamang nila, ay inis na agad ang naramdaman niya rito. Aksidente kasi siyang natapunan ng cake nito sa mukha, okay na sana kung humingi man lang ito ng sorry sa kanya. Pero pinagtawanan pa nito ang naging itsura niya. Carrots na lang daw kasi ang kulang para sa ilong niya at para na siyang panis na snowman. Although pinagalitan ito ng mga magulang nito dahil sa ginawa nito sa kanya, ay hindi pa rin ito tumitigil sa pang-aasar tuwing magkikita sila. Noong una ay pinapatulan pa niya ang pang-aasar nito, pero ngayon ay paminsan-minsan na lamang dahil siya na mismo ang umiiwas rito.

Grade twelve na ngayon sina Jace at ang kuya niya. Ilang buwan na lang at hindi na niya ito makikitang madalas sa Masbate. Nalaman kasi niyang sa Maynila na ito mag ka-college kasama ng kuya Tristan niya.

Pero ngayon, dahil walang pasok ay tatambay na naman ito sa kanila. Only child kasi ito at tanging mga katulong lang ang parati nitong kasama sa bahay. Busy kasi ang mga magulang nito sa pag-aasikaso ng negosyong naiwan ng lolo nito na nasa Manila.

At kung hindi siya magkukulong sa kwarto ng buong araw ay tiyak mag-aaway lang sila nito. For sure gabi na naman kasi itong uuwi, pagkatapos nitong maghapunan sa kanila.

"Hay naku Kassey, ikaw lang yata ang kilala kung hindi nagkaka-crush kay kuya Jace. Like, hello! Ang gwapo-gwapo kaya niya." Anito na may ningning sa mga mata.

"Gwapo na ba yun sayo? Ang laki-laki nga ng labi nun eh! Nagmumukha tuloy siyang puting unggoy!" Aniya habang patuloy pa rin sa pagliligpit.

"Kissable lips daw ang tawag dun. Narinig ko kay Hillary ng minsan nilang pinag-usapan ang bestfriend ng kuya mo." Sabi ni Dale, na tumulong na rin sa pagliligpit ng mga gamit nila.

Si Hillary ay ang kaklase nila na may malaking crush kay Jace. Parati nga siya nitong inaaway, madalas kasi si Jace sa bahay nila. Akala tuloy ni Hillary na may crush siya rito.

"Good morning ladies...!" Magiliw na bati sa kanila ni Jace na nakatayo na pala sa likod niya.

Napahawak siya sa dibdib niya. Andun na naman kasi ang hindi niya maipaliwanag na kaba sa tuwing makikita niya ang bestfriend ng kuya niya o di kaya ay marinig man lang niya ang boses nito.

"Good morning kuya Jace...!" bati ni Dale na grabe kung makangiti.

Pinandilatan niya ito ng mata. Gustong sawayin sa pagpapa-cute nito.

"Good morning Dale..." bati nito sa kaibigan niya at pagkatapos ay tumabi ng upo sa kanya sa bermuda grass.

"Good morning my Princess...!" Siya naman ang binati nito.

"I am not your Princess! And alam mong hindi good ang araw ko tuwing andito ka. So pwede ba, stop pretending as if we are friends!" Mataray na sagot niya rito habang nagmamadali sa paliligpit ng mga gamit nila.

"Hindi ka na naman siguro pinansin ng crush mong si frog prince ano, kaya ang sungit-sungit mo na naman ngayon?" Anito sa kanya.

Here we go again, simula na naman ng walang katapusang pang-aasar nito sa kanya.

Ang tinutukoy nito ay ang kaklase niyang si Caleb na may crush sa kanya. Nagpadala kasi ito ng love letter sa kanya minsan, na aksidenteng nabasa ni Jace. Naiwan niya kasi sa sala ang libro niya kung saan inipit ni Caleb ang letter nito para sa kanya.

"FYI!" Mataray niya itong hinarap. "Hindi ko crush yun okay? Siya yung may crush sa akin. And will you stop calling him frog prince!" Aniya kay Jace at inis bumalik ulit sa pagliligpit.

"Oyy... ipinagtatangol niya si frog prince." Patuloy na pang-aasar nito sa kanya. Pagkatapos ay biglang may naisip. "Kung hindi mo type si frog prince, baka naman ako talaga ang type mo." Anito na biglang lumawak ang pagkakangiti sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, ramdam rin niya ang pamumula ng pisngi niya.

"Excuse me!" Aniya rito at hinarap ulit ito. "Kahit kailan ay hinding-hindi ako magkaka crush sa matanda, mayabang at bastos na katulad mo! Isaksak mo yan sa utak mo! Tayo na nga Dale!" Aniya sa kaibigan sabay kuha sa box na pinaglagyan nila ng mga gamit sa gagawing project.

"Pero ako kuya Jace, crush kita" kinikilig na pahayag ni Dale.

"Dale!?" Hindi makapaniwalang saway niya rito pagkatapos ay inis na tinalikuran niya ang kaibigan at mag-isang nagmartsa papasok sa loob ng bahay.

"Hoy! Teka lang Kassey hintayin mo ako!" Tawag ni Dale sa kaibigang tuloy-tuloy lang sa paglalakad. "Maiwan ka muna namin kuya Jace ha" nakangiting paalam nito sa binata.

***

Jace's POV

Tumatawang sinundan niya ng tingin si Kassey habang papasok ito ng bahay. Muntikan pa nitong mabunggo si Tristan na mabuti na lang at agad na nakaiwas.

"Ano nangyari dun?" Si Tristan ng makalapit na ito sa kanya.

"Magtataka ka pa ba dun? Always bad mood naman yun tuwing andito ako eh" natatawang sagot ni Jace sabay kuha sa gitara na inilagay ni Tristan sa bermuda grass. Sila ang pumalit sa pwesto nila Kassey kanina.

"Parati mo kasing inaasar." Anito habang binubuksan ang laptop.

"Ang sarap naman kasing asarin ng kapatid mo." Naaaliw na sagot niya.

Seryosong napatingin si Tristan sa kanya.

"Please don't tell me you like my sister." Anito sa kanya na ikinatigil niya.

"O-of course not! Alam kung maganda ang kapatid mo bro but alam mo ang mga tipo ko sa chicks" sagot niya rito na sinabayan pa niya ng pilyong pagkakangiti.

"Good! Mabuti na yung malinaw." Sagot ni Tristan sa kanya at ibinalik na ang tingin nito sa laptop.

Patutug-tugin na sana niya ang gitara, ng maramdamang may nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa bintana ng kwarto ni Kassey, pero ang mabilis na pagsara ng kurtina na lamang ang nakita niya. Napangiti na lamang siya, sanay na siya sa pagpapa cute ng kaibigan ni Kassey dahil hindi lang naman ito nag-iisa. Hindi sa pagmamayabang, pero halos lahat ng female population sa PBB University ay may gusto sa kanya. Si Kassey lang talaga ang may kakaibang taste.

Mas type yata nito yung mga medyo exotic.

Bigla siyang nainis ng maisip ang kaklase nito na tinatawag niyang frog prince but he dismissed it immidiately.

***

Kassey's POV

"Ano bang ginagawa mo diyan sa bintana?" Tanong ng kaibigan niyang kakapasok pa lang sa kwarto niya.

"Ha!? Ah-eh...inaayos ko lang yung kurtina. Hindi kasi maayos ang pagkakasabit ni Ate Nimfa" nauutal na sagot niya. Ang tinutukoy niya ang yung isa nilang katulong na siyang taga linis ng mga kwarto nila.

"Ganun ba? Oh sige na, tapusin na natin to." Yaya sa kanya ni Dale na umupo na sa sahig kung saan niya inilapag kanina ang bitbit na box.

"O-okay, mabuti pa nga." Aniya at lumapit na sa kaibigan.

Hindi niya alam kung bakit siya nasaktan sa narinig niyang sagot ni Jace. Siguro dahil sa pride niya. Although thirteen pa lang siya ay marami ng mga nagkaka-crush sa kanya at gustong manligaw, hindi lang si Caleb. Pero wala siyang nagustuhan ni isa man lang sa mga ito, kaya hindi pa man sila nagsisimulang manligaw ay binabasted na niya agad ang mga ito. Tanging si Caleb lamang ang medyo matigas ang ulo.

Kung hindi niya ako type, mas lalong hindi ko siya type noh!

to be continued...