Chereads / My Unexpected Mr. RIGHT (TAGALOG) / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Ring ng cellphone ni Jace ang nagpabalik sa katinuan ni Kassey.

Agad niyang inilayo ang mukha sa binata pero hinabol pa rin nito ang mga labi niya.

"Jace..." aniya habang hinahagkan siya nito.

"Hmmm..."

"May tawag ka."

"Huwag mo na lang pansinin." anito sabay yakap ng mas mahigpit sa beywang niya upang mas lalo siyang mapalapit dito. Mas lalo rin nitong nilaliman ang mga halik nito sa kanya.

Gustuhin man niyang bumigay ay mas nanaig pa rin ang katinuan niya.

Lumayo siya ulit rito sabay takip sa bibig nito.

Huminga ito ng malalim at kinuha ang cellphone nito.

Napatingin ito sa kanya ng mabasa nito ang pangalan ng tumatawag.

Trixie...

Ayaw man niyang magselos pero hindi pa rin niya napigilan ang sarili. Ala-una na kasi ng madaling-araw, ano naman kaya ang pag-uusapan nila ni Jace sa ganitong oras?

Akmang babalik na sana siya sa upuan niya. Pero pinigilan siya nito.

"Trixie..." anito ng sagutin ang tawag ng babae.

"Hi, Jace. I'm sorry for calling you at this hour. Gusto ko lang kasing e-remind ka sa lakad natin mamaya. Hindi kasi kita natawagan kanina. Baka lang kasi nakalimutan mo." narinig niyang sabi ni Trixie sa kabilang linya.

"It's okay. Thank you for reminding me. No worries, clear ang schedule ko later."

Inis na napatingin siya rito.

So, siya na naman ang mag-isang mag-aasikaso mamaya para sa kasal nila?

"What?" natatawang tanong nito ng makita ang reaksiyon niya.

Ibinalik na nito ang cellphone sa bulsa nito.

"Gusto mo ba talagang magpakasal sa akin o hindi?" nakasimangot na tanong niya.

"Ano bang klaseng tanong yan? Di ba sinabi ko na kahapon na magpapakasal tayo. Mukha ba akong nagbibiro nung sinabi ko yun?"

"Eh bakit panay ang pagkikipagkita mo kay Trixie? If I now naghahanap lang yun ng timing para makuha ka niya." naiiritang sabi niya while crossing her arms.

"Gaya ng ginawa mo sa akin?" nakangiting tanong nito.

Hindi makapaniwalang napatingin siya rito.

"Iniisip mo pa rin ba na pinikot kita?!" tuluyan na siyang nainis sa binata.

Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay tiningnan siya nito sa mga mata.

"Gusto kong maniwala na hindi pero papaano mo ipapaliwanag ang nangyari? Hapon pa lang ay nakahiga na ako dun dahil sa sobrang kalasingan."

"Pero hindi ko naman kasi alam na--"

"Let's just drop this conversation Kass. Mag-aaway lang tayo. Ang importante ay magpapakasal na tayo." anito

Mahal mo ba ako kaya pakakasalan mo ako? O napipilitan ka lang?

Pero takot siyang itanong iyon kay Jace. Paano kung napipilitan lang talaga itong pakasalan siya?

Hinalikan nito ang noo niya.

"Matulog ka na, okay? Susubukan kong humabol mamaya sa inyo nila mommy." anito sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi sundin ito.

***

"Madaling araw na, hindi ka pa ba matutulog?"

"Dad..." ng makita ang ama sa likod niya. "Hindi po kasi ako makatulog."

Tumabi ito sa kanya.

Naisipan niyang tumambay muna sa terrace upang makalanghap ng sariwang hangin habang iniisip ang sitwasyon nila ni Kassey.

"Post-wedding blues?" nakangiting tanong nito.

"Siguro. I'm not really sure. Naghalo-halo na kasi."

"Ang tanong lang naman kasi diyan ay kung mahal mo si Kassey. Mahal mo ba siya?" seryosong tanong nito.

"Sobra..." nahihiyang sagot niya.

"Yun naman pala eh. Eh anong problema?"

"Akala kasi niya ay napipilitan lang akong pakasalan siya."

"Napilitan ka lang ba?"

"Hindi naman sa napipilitan dad. Na disappoint lang siguro." aniya. "Gusto ko kasing maranasan niyang nililigawan ko siya. Gusto kung maramdaman niya muna kung gaano ko siya kamahal bago ako mag propose sa kanya. Yung hindi na siya magtatanong kung bakit ko siya gustong pakasalan? O kung mahal ko ba talaga siya?"

Napatango-tango ang ama niya.

"Ni hindi ko pa nga naipaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit ako umalis ten years ago."

Hindi naman niya ito pwedeng ipaliwanag ng ganun2x lang dahil baka magalit ito kay Tristan. Though naiintindihan naman niya kung bakit iyon ginawa ng kaibigan.

Kahit na yung bahay na plano sana niyang tapusin muna bago sila magpakasal ay hindi pa naitatayo. Kaya pinuntahan agad niya si Trixie pagkatapos niyang sabihin na magpapakasal sila ni Kassey, upang humingi ng tulong sa boyfriend nito na isang engineer. Para mapadali ang pagpapatayo ng bahay nila ni Kass. Ayaw kasi niyang umuwi sila sa bahay ng mga magulang nila pagkatapos ng kasal. Gusto niya na magkaroon sila ng privacy. Gawin ang ano mang gusto nilang gawin kahit pa saang sulok ng bahay nila.

Nang maalala niya ang nangyari sa loob ng kotse kanina ay agad na uminit ang pakiramdam niya. Wala sa oras na napabuga siya ng hangin upang alisin ang eksena kanina sa isipan niya.

"Naka-plano na ang lahat ng mga dapat kung gawin dad bago pa man kami nagkita ulit. Nang sa ganun ay hindi siya magkaroon ng rason para pagdudahan ang damdamin ko sa kanya. Dahil gusto kong mag work ang relasyon namin ni Kassandra."

Napabuntong-hininga ang daddy niya.

Ramdam nito ang bigat ng problemang dinadala niya.

"So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong nito.

"I don't know. Sa dami ng mga kailangan kong gawin ay nalilito na ako. Kailangan ko ring bumalik agad ng Manila pagkatapos ng kasal namin dahil hindi pa tapos ang contract ko doon sa isang network."

"Sa nakikita ko ay mahal ka rin naman ni Kassey. Siguro tulad mo ay naguguluhan rin siya sa mga nangyayari. Pero dapat mong sabihin sa kanya ang lahat ng mga problemang bumabagabag sa iyo. Nang sa ganun ay mas maintindihan ka niya. Ngayon pa lang ay dapat niyo ng sanayin ang mga sarili niyo na maging open sa isa't-isa. Lahat ng problema ay kayang solusyonan basta't pinag-uusapan."

Sana lang talaga ay kayanin nila ni Kassandra na harapin ang lahat ng problemang pagdadaanan nila. Dahil tanging ang dalaga lang ang gusto niyang makasama habang buhay at hindi niya kakayanin kung mapupunta ito sa iba.

She is only mine!

***

"Ang sabi sa akin ni Mr. Kim, ay nagkita raw kayo ni Jace kagabi doon sa pinapatayo mong commercial building?" tanong ng mommy niya sa kabilang-linya.

He knew it, hindi lilipas ang 24 hours na hindi nito malalaman ang pagkikita nila ng half-brother niya.

"Dylan..." anito habang hinihintay ang sagot niya.

Napatingala si Dylan habang minamasahe ang leeg. Halos dalawang oras pa lang siyang nakatulog ng tumawag ang mommy niya. Alas-kwatro na kasi siya ng madaling araw nakatulog kanian. Hindi lang dahil sa, hindi sinasadyang pagkikita nila ni Jace kundi dahil na rin sa babaeng kasama nito.

Kinuha niya ang kulay pink na wallet na nakapatong sa side table niya at tiningnan ang isa sa mga id ng babae.

Kassandra dela Cruz

Napangiti siya ng maalala ang itsura ng babae kagabi.

Six months ago ng bumalik siya ng Pilipinas to attend a business convention. Dahil sa mga na meet niyang kaibigan during the convention ay naingganyo siya ng mga ito na bumili ng lupa na ngayon ay pinatayuan niya ng commercial buidling.

Gaya na lamang ngayon ay agad din siyang tinawagan ng mommy niya noong nalaman nito ang plano niyang pagpapatayo ng commercial building. Pero wala rin itong nagawa, alam kasi nitong oras na may gusto siyang gawin walang sino man ang makakapigil sa kanya.

"Dylan!" tawag ulit ng mommy niya.

"Walang away na nangyari gaya ng parati mong sinasabi okay? At wala rin akong planong magpakita kay dad o sa asawa niya. Aksidente lang ang pagkikita namin ni Jace kagabi, yun lang yun."

"Why don't you just sell your property and then get back here sa Canada. Ayoko na ng gulo Dylan. Tahimik na ang buhay namin ng Tito Henry mo." ang tinutukoy nito ay ang stepdad niya na isang Canadian.

"Walang mangyayaring gulo mom, I promise you." aniya habang nakatigtig sa picture ni Kassey.