Kassey's POV
"Okay class, see you on Monday. Have a great weekend." Paalam ng adviser nilang si Mr. Domingo.
"Eh, kung sumabay ka na lang kaya sa amin ni mama, Kassey. Ihahatid ka muna namin sa inyo, bago kami mag grocery." Sabi ni Dale sa kanya habang papalabas sila ng classroom.
"Huwag na Dale, baka mamaya ay gabihin pa kayo ng dahil sa akin. Hihintayin ko na lang si kuya. Total eh, patapos na rin naman daw sila" sagot niya rito.
Tumawag kasi ang kuya niya kanina at sinabing baka late na siya nitong masundo sa school. May ginagawa pa daw kasi itong field research.
"Paano kung matagalan ang kuya mo? Wala pa naman ang mga magulang mo ngayon para sunduin ka." Sabi ni Dale sa kanya.
May dinaluhan kasing kasal ang mommy at daddy niya sa Maynila at bukas pa ang balik ng mga ito.
"Eh di, mag ko-commute na lang ako." Nakangiting sagot niya rito, pilit na itinatago ang takot na bigla na lang niyang naramdaman ng sabihin niyang mag ko-commute siya.
May masama kasi siyang karanasan noon sa taxi. Muntikan na kasi siyang masaksak ng driver na ng holdap sa kanya, ng tumanggi siyang hubarin ang kwintas na suot niya. Mabuti na lang at may pulis na napadaan kung saan nakaparada ang taxi. Agad nitong hinuli ang holdaper bago pa man siya nito masaksak.
Simula noon ay takot na siyang mag commute ulit. Pero, kahit siguro gustuhin man niya ay hindi rin naman siya papayagan ng kuya at ng mga magulang nila. Naging over protective ang mga ito pagkatapos ng pangyayaring iyon. Parati na siyang pinasasabay sa kuya niya papunta at pauwi ng school, may sarili kasing itong kotse. Pero minsan ay ang daddy niya ang naghahatid o di kaya ay nagsusundo sa kanya pag may importanteng lakad ang kuya niya.
"Gusto mo bang malintikan kay kuya Tristan at sa parents mo!?" Paalala ng kaibigan sa kanya.
"Binibiro lang kita! ano ba!" Natatawang sabi niya sa kaibigan. "Huwag ka na kasing mag-alala." Aniya rito.
"Basta pag hindi ka nasundo ng kuya mo, tawagan mo agad ako ha. Babalikan ka namin ni mama rito." Bilin nito sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na ito sa kanya.
Kaaalis lang ni Dale ng mag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay napangiti siya.
"Oh Kuya! nasaan ka na?" Aniya sa kabilang linya.
"Kitet, hindi kita masusundo. Bigla kasing umusok ang makina ng kotse, nasa talyer ako ngayon. Pero huwag kang mag-alala dahil tinext ko na si Jace, siya na lang ang maghahatid sa iyo pauwi. Okay?" Anito sa kanya.
Oh no!
Pag minamalas ka nga naman oo.
"Pero kuya..." protesta niya.
Pagkatapos kasi ng nangyari sa school ground ay pilit na niya itong iniiwasan. Oo nga at noon pa man ay hindi na niya ito gustong makita or makasama. Pero iba ngayon, mas lalong tumindi ang pagnanais niyang iwasan ito. Kung bakit, ay hindi niya kayang ipaliwanag, basta hindi siya komportableng makasama ito.
"Alam kung mabigat ang dugo mo sa kanya. Pero siya lang ang pwede kung pagkatiwalaang maghatid sa iyo. And please don't tell me na mag ko-commute ka na lang dahil alam mo ang sagot ko diyan."
Napabuntong-hining na lang siya.
"Okay kuya, i understand."
"Tawagan mo ako pagdating mo sa bahay. Okay?" Paalala nito sa kanya.
"I will..." sagot niya rito. Iyon lang at tinapos na ng kuya niya ang tawag.
Aaarrrgh!!!
Paano ba kasi naging mag bestfriend ang kuya niya at ang Jace na yun!? Kung gaano ka bait at ka seryoso ang kuya niya, ay siya namang kabaliktaran ni Jace.
Naku! Subukan lang niya akong asarin mamaya, talagang tatadyakan ko siya palabas ng kotse niya! Hmp!
Aniya sa isipan, pagkatapos ay bantulot na naglakad patungo sa parking lot.
***
Parking Lot
Kanina pa siya paikot-ikot, hindi kasi niya makita ang kotse ni Jace.
"Nasaan na ba ang kotse ng mokong na yun!? Hindi kaya iniwanan na ako nun!?" Naiiritang sabi niya.
Haist!
Tatalikod na sana siya ng may napansin siyang kotse na nakaparada sa medyo tagong bahagi ng parking lot.
Teka, parang kotse yun ni Jace ah. Bakit ba doon nito naisipang e-park ang kotse nito? Eh, marami pa namang space banda rito? Tss! Baliw talaga!
Inis na naglakad siya patungo sa kinaroroonan ng kotse ng binata.
***
Jace's POV
"I don't think this is a good idea Trixie." Aniya sa babaeng bigla na lang umupo sa kandungan niya habang nakaupo siya sa driver's seat.
"Shhhh...just sit back, relax and enjoy." Anito sa namamaos na boses habang hinahalikan siya.
Nasa leeg niya ang mga kamay ni Trixie habang nasa hita naman ng babae ang mga kamay niya.
Habang naghahalikan ay sinimulan naman niyang paglakbayin ang mga kamay niya. Huhubarin na sana niya ang suot na blouse ni Trixie ng biglang may nagbukas ng pintuan ng kotse niya.
"What the hell!" Inis na sabi niya sabay lingon sa taong nakatayo sa gilid ng kotse niya. "Kass...!" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa dalagang gulat na gulat sa nasaksihan.
"S-sorry, h-hindi ko sinasadya." Nauutal na sabi nito habang nakatingin sa ayos nila ni Trixie
"Shit!" Hindi niya napigilan ang sariling mapamura sabay alis kay Trixie.
Nagmamadaling kinuha ni Kassey ang mga nahulog nitong libro pagkatapos ay agad na tumayo.
"I'm so sorry, j-just don't mind me." anito at mabilis na naglakad papalayo.
"Kass, wait!" Tawag niya rito.
"Seriously Jace!? Iiwanan mo talaga ako dito!?" Inis na sabi ni Trixie habang inaayos niya ang pagkakabutones ng uniform niya.
"Go home Trixie and forget what happened today." Aniya pagkatapos ay nagmadali na siyang lumabas ng kotse niya.
***
"Kass!" Tawag niya sa dalaga na medyo malayo na sa kanya. "Kass, wait!" Tawag niya ulit rito habang sinusundan ito.
Napalingon ito sa kanya, pero imbes na huminto ay mas lalo pa nitong binilisan ang paglalakad.
"Haist!" Naiinis na sabi niya sabay takbo palapit rito. "Kassandra! Ano ba!?" Aniya sabay hawak sa braso nito.
"Please don't touch me!" Medyo nagulat na sabi nito, sabay alis sa kamay niya na para bang may sakit siyang nakakahawa.
"What is wrong with you? Kanina pa kita tinatawag, pero hindi ka naman humihinto." Nagtatakang tanong niya rito. Naguguluhan kasi siya sa inaakto nito.
"K-kailangan ko na kasing umuwi, m-medyo late na kasi." Nauutal na sagot nito, habang umiiwas ng tingin sa kanya.
Umiyak ba ito? Although wala naman siyang nakikitang luha ay namumula naman ang mata at ilong nito.
"Bumalik na ba si Tristan? Di ba may field research siya ngayon? Susunduin ka ba ng daddy mo? Or sasabay ka kay Dale pauwi. Bakit mo nga pala ako pinuntahan sa kotse ko?" Sunod-sunod na tanong niya rito.
"Bakit ba ang dami mong tanong!?" Naiiritang sabi nito. "Bumalik ka na nga lang dun, at tsaka ano bang pakialam mo kung paano ako uuwi ha!?" Kung kanina ay nauutal pa ito at umiiwas mapatingin sa kanya, ngayon naman ay balik na ulit ito sa pagtataray sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung alin sa dalawa ang mas gusto niyang kausap.
Sasagutin na sana niya ito ng biglang mag ring cellphone niya.
"Huwag kang magkakamaling umalis diyan." Babala niya sa dalaga ng akmang tatalikod sana ito sa kanya. "Tristan, napatawaga ka." Aniya sa kabilang linya, na medyo ikinagulat ni Kassey. "Yeah, she's here. Ganun ba? Medyo busy kasi ako kanina kaya hindi ko agad napansin ang text mo." Paliwanag niya sa kaibigan.
"Yeah, busy flirting..." narinig niyang pabulong na sabi ni Kassey.
Binigyan niya ito ng warning look pero inirapan lang siya nito.
"I will, don't worry, okay bye." Aniya sa kaibigan at pagkatapos ay nagpaalam na ito.
Hinarap niya ulit ang dalaga na mukhang may ideya na sa pinag-usapan nila ng kuya nito. "Bakit hindi mo sinabing magpapahatid ka pala sa akin pauwi?"
Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"BUSY! ka nga di ba?" sarkastikong sagot nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Look, i'm sorry sa naabutan mo kanina. Hindi ko kasi agad nabasa ang text ng kuya mo."
"No worries! i understand. Ano ba naman ang dapat kung ikabigla doon sa nakita ko!? As if naman ngayon lang kita nakitang may kahalikang babae." Mataray na sagot nito.
"Teka, bakit ba ang taray mo sa akin ngayon? Ano ba ang ginawa ko sa iyo ha? At kailan pa naging issue sa iyo ang pagkaka-link ko sa iba't-ibang babae?" Naguguluhang tanong niya rito.
Hindi naman ito agad nakasagot.
"S-sorry..."
"It's okay, hintayin mo ako rito. Kukunin ko lang ang kotse ko."
"No!" Mariing tangi nito na ikinagulat niya. "I mean, H-huwag mo na akong ihatid. Susunduin naman ako nina Dale at tita Lucy rito mamaya pagkatapos nilang mag-grocery. S-sa kanila na lang ako sasabay." Nauutal na paliwanag nito.
"Sa akin ka ibinilin ng kuya mo, kaya ako ang maghahatid sayo." Mariing sagot niya rito.
"Sinabi na ngang ayokong magpahatid sa iyo eh!" Naiiritang sabi nito. "Bakit ba ang kulit mo?"
"Bakit ba kasi ayaw mo!?" Naiinis na rin siya sa kakaibang inaakto nito.
"Dahil hindi ko gustong sumakay sa kotse mo! Ayokong sumakay sa kotse, kung saan kayo naghalikan ng babaeng yun!" Anitong habang nakatingin sa kotse niya na para bang may naganap doong nakakadiring bagay.
Ilang segundo niya itong tiningnan sa mga mata. Pagkatapos ay napatingala siya at napabuntong-hininga.
Ano ba ang gagawin ko sayo Kassandra.
Aniya sa isipan, napapikit siya ng maalala ang pag-uusap nila ni Tristan last week.
Panindigan mo ang ipinangako mo Jace.
Paalala niya sa sarili.
Hinarap niya si Kassey at seryosong nagsalita.
"Sasabayan kitang mag commute, kukunin ko lang ang wallet ko. At huwag na huwag kang magkakamaling umalis rito. Kung ayaw mong buhatin kita palabas ng eskwelahang ito." Mariin niyang bilin sa dalaga, pagkatapos ay tumalikod na siya at tinungo ang kotse niya.
***
Kassey's POV
Nang buksan ni Jace ang pintuan ng taxi ay natigilan siya. Sinalakay na naman kasi siya ng kaba at takot.
"Are you sure about this?" Nag-aalalang tanong ni Jace sa kanya. Alam kasi nitong may phobia siya sa taxi. Kaya siguro siya sinamahan nito.
Huminga siya ng malalim, pagkatapos ay dahan-dahan pumasok sa loob.
"Easy..." inalalayan siya nito.
Nang makaupo na siya ay ito naman ang pumasok at umupo sa tabi niya. Mahigpit siyang napahawak sa mga librong bitbit niya ng paandarin ng driver ang taxi.
Napansin siguro ni Jace ang panginginig niya dahil kinuha nito ang mga kamay niya at marahang ikinulong sa mga palad nito. After three years, ay ngayon lang kasi siya ulit sumakay ng taxi.
Habang nasa biyahe ay kinakausap siya ni Jace, para siguro mawala sa isip niya ang masamang nangyari sa kanya noon, na sinasagot lamang niya ng oo at hindi.
Aside sa kaba at takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay hindi rin nawala sa isipan niya ang nadatnang eksena kanina sa loob ng kotse ng binata.
Napapikit na lamang siya.
Bakit ba ako naaapektuhan?
So what kung may kahalikan itong babae sa loob ng kotse nito? As if naman ngayon lang niya ito nakita sa ganoong tagpo.
Pero bakit ako nasasaktan? Bakit ba parang gusto kung umiyak? Ano ba ang nangyayari sa akin?
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng bigla na lang siyang hindi makahinga. Hindi niya alam kung dahil sa phobia niya or dahil sa bigat ng nararamdaman niya.
"G-gusto ko ng bumaba Jace." Nagpapanic na sabi niya rito. "Please pababain mo ako rito ngayon din!" Naiiyak na sabi niya rito.
"Ha!? T-teka..." Natatarantang sagot nito habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. Nanlalamig na kasi siya at palagay niya ay putlang-putla na rin ang mukha niya. "Dito na lang po kami manong." Anito sabay abot ng pera sa driver na mukhang sobra pa sa dapat nilang bayaran.
Agad nitong binuksan ang pintuan ng kotse at inalalayan siya palabas. Muntikan pa siyang mapaupo sa kalsada dahil sa panginginig ng mga tuhod niya. Mabuti na lang at agad siyang nahawakan ni Jace.
Pinaupo siya nito sa isang waiting shed na malapit lang sa binabaan nila.
Iyak lang siya ng iyak habang nakaupo. Hindi naman alam ni Jace kung ano ang gagawin sa kanya. Maya-maya ay may tinawagan ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay huminto sa harap nila ang kotse ng kuya niya.
"Kitet!? Anong nangyari sayo!?" Nag-aalalang tanong nito.
"K-kuya...!?" Aniya ng makita ang kapatid niya. Patakbong lumapit siya rito at niyakap ito.
"Shhh...tahan na." Anito habang hinahaplos ang ulo at likod niya. "Ano ba kasi ang nangyari Jace?" Tanong nito sa kaibigan habang nakayakap pa rin sa kanya.
Ipinaliwanag nito ang biglang pagpapanic niya sa loob ng taxi.
"What!? Pinasakay mo ng taxi!? Alam mo namang may phobia siya di ba!?" Galit na sabi nito kay Jace.
Gusto sana niyang sabihin sa kuya niya na siya ang may gustong sumakay ng taxi at walang kasalanan si Jace. Pero naunahan na siyang magsalita ng binata.
"I'm sorry bro..."
"You should be! ngayon lang ako humingi ng pabor sayo, hindi mo pa magawa!
Naiintindihan niya ang kuya niya, tulad ng mga magulang nila ay napaka-overprotective rin nito sa kanya. Para na nga siyang hindi lumaki kung tratuhin ng mga ito. Pero hindi niya kayang hayaan na lang na sisihin nito si Jace.
"Ako ang may kasalanan kuya, ako ang may gustong--"
"It's okay Kass..." putol ni Jace sa gusto niyang sabihin sa kuya niya. "Mauna na kayo bro, babalikan ko muna ang kotse ko sa eskwelahan." Anito.
Inalalayan siya ng kuya niya papasok sa loob ng kotse. Napatingin naman siya kay Jace. Napalunok siya ng makita niyang mataman pala itong nakatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang laman isip nito. Nang paandarin ng kuya niya ang kotse ay ibinalik na niya ang tingin sa harapan. Pero nakikita niya pa rin ang binata sa side mirror, hindi ito tumitinag sa kinatatayuan habang nakatingin sa kanya.
Kailangan kitang mas lalong iwasan. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, pero alam kung masasaktan ako pag hindi ako lumayo sa iyo.
to be continued...