Kassey's POV
"Nakikinig ka ba?"
"Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Aniya sa kaibigan habang patingin-tingin sa entrance ng canteen.
Sinundan nito ang tinitingnan niya.
"Alam mo, napapansin kung ilang araw ka ng ganyan. Kahit saan tayo magpunta, parati kang may parang hinahanap. May gusto ka bang sabihin sa akin?" Nagdududang tanong nito.
"Umiral na naman yang pagiging detective mo. Wala akong hinahanap okay, tinitingnan ko lang naman yung paligid. Malay mo may biglang sumulpot na masamang loob, mahirap na."
"Tigil-tigilan mo ako sa mga palusot mong ganyan Kassy. Magsabi nga sa akin ng totoo, sino ba yang taong hinahanap mo ha?"
"Jace! pare!"
Oh my God! He's here...
Agad na bumalik ang mga mata niya sa may entrance.
"Tingnan mo itong isang to! Kakasabi ko lang na--."
Hindi na niya narinig ang mga sinabi ni Dale. Naka-focus kasi ang mga mata at tenga niya kay Jace habang naglalakad patungo sa mga kaibigan nito.
Halos isang buwan rin niya itong hindi nakita pagkatapos ng nangyari sa taxi. Ang sabi ng kuya niya ng minsang hinanap ng mga magulang niya si Jace, ay busy raw ito sa ginagawang thesis. Ga-graduate na kasi ito at ang kuya niya ngayong taon, kaya halos hindi na rin niya nakakasabay ang kapatid sa campus, tanging sa bahay na lamang sila nito nagkikita.
Habang nakikipag-usap si Jace sa mga kaibigan nito ay napansin niyang medyo humaba ang buhok nito at pumayat ng kaunti, pero bakit ganun? Bakit napaka-gwapo pa rin nito?
Teka! Saan galing yun? At kailan pa naging gwapo si Jace sa paningin niya?!
Oh come on! Kassandra, aminin muna kasi na noon pa man ay may crush ka na sa kanya. Kaya nga di ba panay ang hanap mo sa kanya lately kahit saan ka magpunta? Kasi na mi-miss mo siya!
Sagot ng kabilang utak niya.
That's a lie! Hindi ko siya na mi-miss. Gusto ko lang mag-sorry sa kanya dahil sa nangyari sa taxi.
Really, eh bakit ang lakas ng kabog ng dibdib mo? Bakit ang saya mo ng makita mo siya?
Pangungulit ng kabilang utak niya.
Wala akong gusto sa kanya!
Keep telling yourself that lie til you believe it!
Inis siyang napatayo bigla.
"Wala nga sabi akong gusto sa kanya eh! Bakit ba ang kulit mo!" Wala sa sariling singhal niya.
Biglang tumahimik ang lahat at napatingin sa kanya. Para naman siyang nagising ng makita ang mga matang puno ng pagtatakang nakatingin sa kanya.
"S-sure ka ba talagang okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Dale sa kanya na may halong takot dahil sa inasta niya.
Tsaka lang niya naintindihan ang sinasabi ng iba na sana ay biglang bumukas ang lupa at kainin siya. O di kaya ay dumating si San Goku at isama siya nitong mag teleport papuntang planet Namek.
Hindi niya nakuhang sagutin si Dale dahil lumipat ang mga mata niya sa direksyon ni Jace.
Gaya ng iba ay nakatingin rin ito sa kanya. Pero wala siyang mabasa sa mukha nito. Blangko ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Ilang segundo rin silang nagtitigan ni Jace bago ito umiwas at nagpaalam sa mga kaibigan nito at naglakad palabas ng canteen. Akmang susundan niya sana ito pero naramdaman niya ang kamay ni Dale na pumigil sa braso niya. Napatingin siya rito.
"Mag-usap tayo." Anito sabay hila sa kanya sa kabilang exit ng canteen.
Mukhang wala siyang choice kundi ang sabihin rito ang isang bagay na noon pa niya nararamdaman pero ngayon lang niya nabigyan ng pangalan.
May gusto siya kay Jace!
"Ano yun?"
Tanong ni Dale na kung umasta ay para siyang isang criminal na ini-imbestigahan.
"Anong ano?"
Pumikit ito at napatingala na para bang mauubusan na ng pasensiya sa kanya.
"Anong meron sa inyo ni kuya Jace? Anong ibig sabihin ng mga tinginan ninyo kanina ha? Si kuya Jace ba ang tinutukoy mo na wala kang gusto?"
Kung dumating ang panahong hindi ito makapagdesisyon sa kursong kukunin. May pwede na siyang e-suhestiyon rito. Pwedeng-pwede na kasi itong maging imbestigador.
"Magsabi ka nga ng totoo. May gusto ka ba kay kuya Jace?"
Kagat-labi siyang tumango rito.
Nagulat siya ng bigla itong humiyaw.
"Hoy! Tumahimik ka nga."
"Sinasabi ko na nga ba eh. Defense mechanism mo lang yung kunwari nagagalit ka sa kanya. Ang totoo ay kinikilig ka sa tuwing nandiyan siya. Oy, aminin..." tudyo nito.
"Oo na, inamin ko na nga di ba." Pinandilatan niya ito.
"Ayeee! Kinikilig ako!" Ayaw pa rin nitong tumigil.
"Tumigil ka nga..." saway niya ulit rito pagkatapos ay malungkot na tumingin sa ibaba. Nasa third floor sila ng school building, may part kasi roon na ginawang terrace at kitang-kita ang buong school ground mula sa kinatatayuan nila.
"Ano ba kasi ang problema?"
Napabuntong-hininga siya.
"Ito, yung nararamdaman ko. Hindi ko kasi ito dapat na maramdaman. Kaibigan siya ng kuya ko at tsaka yung age gap namin--."
"Teka, anong taon ka ba pinanganak ha? Kailan pa naging issue yan sa panahon ngayon aber?"
"Nakakahiya lang kasi..."
"Hindi ko naman sinabing seryosohin mo yang nararamdaman mo. Ang gusto ko lang ay enjoyin mo. Gawin mong inspirasyon at tsaka noon pa man, ay wala ng girlfriend na sineseryoso si kuya Jace. Malay mo, yang pangungulit niya sa iyo ay way pala niya to express his feelings for you." Sabay siko sa kanya.
"Tss! Feelings my ass..." sabay ingos.
"Yang bibig mo oi!"
Napahagikhik siya.
"Bagay ba? Mukha na ba akong matured?"
"Mukha mo, huwag ka ngang magmadali. Hindi rin naman ganoon kalayo ang age niyo ah."
Lumungkot ulit ang mukha niya.
"Paano pag may magustuhan siya sa Maynila?"
"Oo nga no? Medyo mahirap nga yun. Ang layo na kasi niya. Pero teka, may naisip ako."
Napatingin siya rito.
"Bakit hindi mo baguhin ang pakikitungo mo sa kanya. Para naman kahit papaano ay makita niya ang positive side mo bago man lang siya pumuntang Maynila. Malay mo baka dahil doon ay mapansin ka niya hindi bilang nakakabatang kapatid ni Tristan kundi bilang isang babae."
"Mag work naman kaya?"
"Wala namang masama kung susubukan mo. Huwag mo lang biglain na maging super bait agad, baka imbes na mapansin ka ay dalhin ka sa hospital para ipa-check up o di kaya ay sa albularyo para alisin ang kaluluwang sumapi sayo."
"Dale naman eh!"
"Ang ibig kung sabihin ay dahan-dahanin mo lang para mas convincing."
Napa-isip siya sa suhestiyon nito. Parang may point nga ang kaibigan niya.
"Sige, susubukan ko." Nakangiti niyang sagot rito.
Jace's POV
"Jace's turn!" Excited na announce ni Trixie ng tumapat kay Jace ang bote. Kasalukuyan silang naglalaro ng truth or consequence.
Actually nag-uusap lang sila ng mga kaibigan niya ng biglang dumating si Trixie at mga kaibigan nito, pagkatapos ay nagyayang maglaro ng truth or consequence. Alam niya ang rason nito kung bakit ganoong laro ang sinuhestiyon nito. Gusto siya nitong maka-date sa valentines day. Ilang beses na niyang sinabing wala siyang balak na lumabas sa araw na yun, masyado siyang busy para makipag-date. Pero mukhang nakahanap ito ng paraan para mapasunod siya sa gusto.
Tss! Typical spoiled brat.
"Truth or consequence?" Excited nitong tanong.
Alam nitong masyado siyang pribadong tao kaya may ideya itong consequence ang pipiliin niya.
"Consequence..." walang gana niyang sagot.
Lumawak ang ngiti nito.
"I dare you to kiss the first girl who will enter this room. Pag hindi mo ginawa, ikaw ang magiging date ko this feb 14." Puno ng kumpyansang sabi nito.
Napangiti siya ng marinig ang dare nito.
"Game!" Nakangiting sagot niya.
Nawala bigla ang ngiti nito. Akala siguro nito ay uurong siya.
Lahat sila ay napatuon ang mga mata sa pinto. Dahil katatapos lang ng lunch ay iilan na lang ang nasa loob ng canteen at wala na rin gaanong estudyanteng pumapasok sa loob.
Kahit na sino pa ang babaeng papasok sa pintong yan ay hindi siya magdadalawang isip na halikan ito. One thing he hated the most ay ang pilitin siyang gawin ang isang bagay na ayaw niya.
"Oh no! Mukhang matutuloy ang date mo kay Trixie pare." Biglang sabi ng kaibigan niyang si Marcus.
"What do you mean?"
"Look who's coming..." anito.
Napatingin ulit siya sa pinto.
Oh shit!
Kassey's POV
"Pwede ba sa susunod, yung tumbler na kasya ang limang litrong tubig ang dalhin mo. Ang bilis-bilis mo kasing mauhaw, tapos pang 500ml lang naman ang tumbler mo." Naiinis na sabi niya kay Dale.
Bigla na naman kasi siya nitong hinila palabas ng classroom at nagpasama sa canteen upang bumili ng tubig.
"Ayoko nga, ang bigat-bigat kaya nun." Nakangusong sagot nito habang nakakapit sa braso niya.
"Tss! Tapos mamaya niyan magpapasama ka na naman sa cr. Eh kung mag diaper ka na lang din kaya."
"Huwag ka na ngang magmaktol diyan. Sige ka, isusumbong kita kay kuya Jace."
"Dale ano ba, yang bibig mo!" Saway niya rito. Pero tinawanan lang siya nito.
"Opps! Naiwan ko yung tumbler ko sa classroom. Mauna ka na sa canteen, kukunin ko lang sandali." Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Tuloy-tuloy itong tumakbo pabalik ng classroom nila.
Napabuntong-hininga na lamang siya ay wala sa mood na naglakad papasok ng canteen.
Malaman ko lang talaga kung sino ang crush mo, humanda ka sa akin!
Dahil iilan lang ang estudyanteng nakatambay sa canteen ay agad niyang napansin si Jace kasama ang mga kaibigan nito at si Trixie. Mas lalo tuloy siyang nainis sa kaibigan. Kung nanatili lang sana siya sa loob ng classroom, tiyak na hindi siya masasaktan ng ganito.
"Hi Kassy!" Masayang bati sa kanya ni Trixie.
At kailan pa sila naging first name basis ng babaeng ito?
Isang simpleng ngiti ang isinagot niya rito.
"Paano ba yan Jace? Mukhang matutuloy ang date niyo ni Trixie." Narinig niya sabi ng kaibigan nitong si Niel.
Date?!
Biglang umigting ang tenga niya sa narinig at napatingin ulit sa mga ito.
"Sorry baby, pero akin ka sa valentines day, not unless hahalikan mo ang kapatid ng bestfriend mo." Sabay tingin sa kanya.
"Fine, just let Kassandra stay out of this." Narinig niyang sagot ni Jace sa mahinang boses.
"Care to tell me what's happening, narinig ko kasi ang pangalan ko?" Tanong niya sabay lapit sa mga ito. Mukhang kasing may kinalaman siya sa magaganap na date ng dalawa.
"Nothing Kass, bilhin mo na lang yung gusto mong bilhin at bumalik ka na sa classroom mo."
"Naglalaro kasi kami ng truth or consequence. Pinili ni Jace ang consequence. Ang dare sa kanya ni Trixie ay halikan ang unang babae na papasok sa canteen kung hindi ay magiging date niya si Jace sa valentines." Paliwanag ni Marcus sa kanya.
Napalunok siya sa narinig. Habang si Jace naman at tiningnan ng matalim si Marcus.
"Don't listen to him."
Jace's POV
Fuck you Marcus!
Mura niya sa isipan.
"Gusto mo siyang maka-date?" Biglang tanong ni Kassandra sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
Hindi agad siya nakasagot.
"This game is just a set up Kassey, si Trixie talaga ang may gustong maka-date si Jace and not the other way around." hirit ulit ni Marcus.
"God Marcus! When will you shut up?!" Galit na baling niya sa kaibigan. Pagkatapos ay humarap ulit kay Kassandra. "I'm really so sorr--." Hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin dahil bigla na lang inilagay niya Kassandra ang mga braso nito payakap sa leeg niya at inilapat ang mga labi nito sa labi niya.
Tanging ang malakas na pagkabog ng dibdib niya, ang naririnig niya ng mga oras na yun. Nanatili pa ring nakabukas ang mga mata niya habang nakatingin sa nakapikit na mga mata ni Kassandra.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Anong ibig sabihin nito?
Kassey's POV
Alam niyang pagsisisihan niya ito pagkatapos. Pero tsaka na niya iyon po-problemahin. Ang importante ay hindi matuloy ang date nito kay Trixie. Kahit na halos sumabog ang puso niya sa kaba ay umakto pa rin siyang balewala lang sa kanya ang ginawa. Kaswal siyang lumayo kay Jace pagkatapos ay tiningnan si Trixie na ang mukha ay pinagsamang gulat at galit.
"Paano ba yan Trixie, mukhang hindi na matutuloy ang date ninyo ni Jace. Better luck next time." Nakangiti niyang sabi rito pagkatapos ay muling bumaling kay Jace.
"Bakit mo ginawa yun?" Simpleng tanong, pero ramdam niya ang galit sa boses nito.
"Come on Jace, it was just a kiss, okay?" Aniya na para bang balewala lang sa kanya ang ginawa kahit na ang totoo ay parang nagwawala na yata ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa samot-saring emosyong nararamdaman. "Pasalamat ka nga at iniligtas kita sa Trixie na yan eh." Pabulong na sabi niya rito sabay ingos. "Hindi yun libre ha, pero dont worry hindi kita sisingilin ngayon." Nakangiting sabi niya sa binata.
"At ako pa talaga ang may utang sa iyo?" Hindi makapaniwalang sagot nito.
"Aba syempre naman, first kiss ko kaya yun. Pero huwag kang mag-alala dahil bibigyan naman kita ng discount eh." Aniya sabay kindat rito. "Alis na ako, may klase pa kasi ako eh." at mabilis na tumalikod bago pa nito mabisto ang pagkukunwari niya.
Di ba ang plano, ay dahan-dahanin mo lang? Bakit mo siya hinalikan?! Nababaliw ka na ba?!
Sita niya sa sarili habang naglalakad pabalik ng classroom, pero wala siyang maisagot sa sariling mga tanong. Nababaliw na nga siguro siya, bahala na! ang importante ay hindi na matutuloy ang date nito kay Trixie.
I'm sorry Trixie, but Jace is mine.
to be continued...