Chapter 8 - Chapter 8

"Good morning mom..." si Kassey sabay halik sa pisngi ng ina. Kasalukuyan itong kumakain nga agahan ng mag-isa. Siguro ay may maagang pinuntahan ang daddy niya.

"Pupunta ka ba ngayon sa flower shop? Hindi ba at Sabado ngayon?" tanong ng ina. Normally kasi ay nagpapahinga siya pag Sabado at pumapasok tuwing Linggo hanggang Biyernes.

"May e-mi-meet po kasi akong kliyente ngayon sa opisina for a wedding." aniya habang naglalagay ng pakain sa plato.

"Ganun ba? Tumawag nga pala ang kuya mo kanina. Alas-tres ng hapon daw magsisimula ang birthday party ni Mica."

Alam niyang mataman siyang tinitingnan ng ina.

"Susubukan ko pong humabol mom. Sinigurado rin po ni Marge na ma i-deliver yung mga flowers ng maaga."

"Kass..."

Alam niyang nag-aalala ito na baka hindi na naman siya makadalo at kung makapunta man siya ay tapos na ang party at tulog na ang pamangkin niya. Ilang okasyon na ba sa pamilya niya ang na missed niya? Mismong birthday nga niya ay wala na rin siyang oras.

"Pupunta po ako mom." with all sincerity na sabi niya sa ina.

Medyo nakahinga ito ng maluwag.

"Nabanggit sa akin ni Marge na plano mong magtayo ng branch sa Metro Manila? Hindi ba at masyado naman yatang malayo iyon?"

"Plano pa lang naman iyon mommy. Marami pa pong dapat na e-consider bago maging final. Medyo dumarami na po kasi ang customers namin doon at nahihirapan na rin po kami na i-cater sila kung hindi po ako magtatayo ng branch doon."

Hindi na umimik pa ang mommy niya. Alam niyang may tiwala ito sa kakayahan niyang patakbuhin ang negosyo niyang flower shop, na pinangalanan niyang Happy Petals. Ang tanging ipinag-aalala lamang nito ay baka mas lalo siyang mapalayo sa kanila.

"Teka, hindi ko yata napansin ang kotse mo sa garahe? At around 12 midnight ka na raw umuwi sabi ni Jace?" pag-iiba nito ng topic.

Ilang segundo muna siyang napaisip upang alalahanin ang nangyari sa kanya kagabi.

"Medyo naparami po kasi ang nainom sa party ni Kim mommy. Kaya iniwan ko na lang po sa flower shop ang kotse ko at kay Marge na lang po ako nakisakay pauwi." paliwanag niya sa ina.

At bakit alam ni Jace kung anong oras siya umuwi kagabi?

Kung tama ang pagkakaalala niya ay si Nimfa ang nagbukas sa kanya at nagbitbit ng mga gamit niya papunta sa kwarto.

"Nasaan nga po pala si Daddy?"

Biglang ngumiti ang mommy niya.

"Sumama kay Jace na mag jogging. Maya-maya ay pauwi na ang dalawang yun."

"Oh, that's nice." medyo nagulat sa narinig.

Noong hindi pa ikinakasal ang kuya niya ay ito ang parating kasama ng Daddy niyang mag jogging. Pero nang mag asawa ito ay huminto na rin ito. Siguro dahil nalulungkot ito dahil nag-iisa lang ito. Medyo mahina kasi ang puso ng mommy niya kaya bawal rito ang mapagod. Siya naman ay, as usual busy sa trabaho.

"Mabuti na lang talaga at nandito si Jace. Kung nakita mo lang kung gaano ka saya ang daddy mo kanina."

Parang piniga ang puso niya sa narinig. Siya itong anak pero mas may oras pa si Jace para sa Daddy niya kaysa sa kanya.

For the past ten years ay sarili niya lang ang iniisip niya. Tinutok niyang masyado ang sarili sa pag-aaral at sa itinayong flower shop. Araw-araw noon ay pinapagod niya ang sarili para makatulog agad pagdating niya sa bahay nila. Nang sa ganoon ay hindi na sumagi pa sa isipan niya si Jace. Hanggang sa nakasanayan na niya ang maging ganoon. Hindi niya napansin na unti-unti na pala siyang napapalayo sa sarili niyang pamilya. Ilang beses ang mga itong sumubok na mag reach out sa kanya pati na ang kuya niya pero lahat ng iyon ay magalang niyang tinanggihan. Mas naging komportable para sa kanya ang maging mag-isa.

Biglang nanikip ang dibdib niya. Kung hindi niya pipigilan ang sarili ay tiyak na tutulo ang mga luha niya anytime.

"Aalis na po ako." paalam niya. Hindi na niya nakuhang galawin ang pagkaing inilagay niya kanina sa plato niya.

Kinuha niya ang bag at folders na inilagay niya sa katabing upuan.

"T-teka hindi ka pa kumakain iha."

"Sa opisina na lang po ako kakain. May mamadaliin pa po kasi akong presentation para sa meeting ko mamaya sa isa kung kliyente."

Ang totoo ay handa na ang lahat para sa meeting mamaya. Gusto lang niyang umalis upang mawala ang kasalukuyang bigat na nararamdaman. Hindi siya komportable sa ganoong damdamin. Sa tuwing may lungkot siyang nararamdaman ay o di kaya ay mga panahon na gusto niya umiyak ay ibinabaling niya ang atensiyon sa ibang bagay. Ayaw niyang makadaman ng ganoon. Ayaw niyang maging mahina.

Kaya umiiwas ka!

Mas mabuti na iyon kaysa masaktan...

Sagot niya sa sarili.

"P-pero hindi ba at nasa flower shop ang kotse mo?"

"Mag ta-taxi na lang po ako. Don't worry mom, i'll be okay." sabay halik sa pisngi ng ina.

"Talaga? Kaya mo nang sumakay ng taxi?" sabi ng boses sa likod niya.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

Jace...

Pa simple siyang huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili bago humarap dito.

"Mabuti naman at nandito na kayo." masayang sabi ng mommy niya.

"Hi..." pormal niyang bati sa binata.

"Good morning po tita." Hindi nito pinansin ang pagbati niya. Ni hindi man lang siya nito tiningnan. Lumapit ito sa mommy niya at humalik sa pisngi. "May kinausap lang po si Tito sa labas."

Dahil nasa mommy niya ang atensiyon nito ay hinayaan niya ang sariling pagmasadan ang binata.

Ayaw niya mang aminin pero mas lalo pa yata itong gumwapo pagkatapos ng sampung taon. Hindi na ito katulad noon na pang boy next door ang dating. Gaya nga ng sinasabi ng iba, Jace is one of the most hot and sought after bachelor in town.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang binata. Samot-saring emosiyon ang naglipana sa puso niya. Gustong-gusto niya itong yakapin at sabihin rito kung gaano niya ito na miss. Sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay may bahagi sa puso niya ang sumaya dahil nakita niya muli ito. Pero pinigilan niya ang sarili.

"Ganoon ba? Teka, ang basa ng likod mo. Magpalit ka muna ng damit bago kumain."

"Opo."

Nang sa palagay niya ay wala naman itong planong pansinin siya ay nag paalam na lamang siya sa mga ito.

"Aalis na po ako." aniya at naglakad papunta sa pintong pinasukan ni Jace kanina.

"Ihahatid kita, magbibihis lang ako." sabi ng binata na ang tuno ay para bang wala siyang karapatang tumanggi.

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito na nakatingin rin pala sa kanya.

"You don't have to. I can manage myself." malamig na sagot niya.

"Then what? Hahayaan mo na naman ang mga magulang mong mag-alala sa iyo dahil sa pagsakay mo ng taxi?" anito na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga magulang niya.

At anong karapatan ng lalaking ito na mag marunong at gawin siyang parang wala kwentang anak sa harap ng mommy niya?

Gustong-gusto na niya itong sagutin ng maanghang, pero nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng mommy niya.

Tumalikod na lamang siya sa mga ito.

"I'll wait outside." aniya bago naglakad palabas.

To be continued...