Chereads / My Unexpected Mr. RIGHT (TAGALOG) / Chapter 12 - Short Update

Chapter 12 - Short Update

"Kasal?!" gulat na sabi ni Kassey.

Napatingin siya kay Jace, pero tahimik lamang ito habang nakaupo sa tabi niya. Kung ano man ang iniisip nito ay ito lamang ang nakakaalam.

"P-pero wala naman po talagang nangyari sa amin ni Jace. H-hindi po namin alam kung bakit--"

"Alam kung nahihiya lang kayong aminin iha." sagot ng mommy ni Jace. "At tsaka isa pa, hindi rin ako makakapayag na hindi panagutan ni Jacinto ang nangyari sa inyo. Paano kung magbunga? Kawawa naman ang magiging apo namin."

Bakit naman po ang advance niyong mag-isip tita?

Huminga siya ng malalim at sinubukan ulit na pakiusapan ang pamilya niya at ni Jace.

"Sinisigurado ko po sa inyong wala pong nangyari sa amin. P-pwede po akong magpa-test para po--"

"Kassandra!!!" magkasabay saway ng kuya Tristan at Daddy niya na ikinagulat niya. Pero mas nagulat siya sa biglang sinabi ni Jace.

"Magpapakasal po kami ni Kassandra."

"Jace..." aniya habang hindi makapaniwalang nakatingin rito.

Pero hindi siya nito pinansin. Hinarap nito ang daddy, mommy at kuya niya.

"Patawad po, pinapangako ko pong pananagutan ko po ang nangyari sa amin ni Kassey. Pero isang simpleng kasal lang po ang kaya kung ibigay. Gusto ko po sanang ilaan ang savings ko para sa pagpapatayo ng sarili naming bahay." anito sa pamilya niya.

Parang gusto niyang mahimatay sa nangyayari. Papaanong naging ganito ang nangyayari sa tahimik niyang buhay sa loob lamang ng ilang oras na natulog siya.

Magsasalita sana siya pero naunahan siya ng daddy niya.

"Kung yan ang plano niyo ay rerespetuhin ko." anito.

Parang pinipiga ang puso niya habang nakatingin sa ama. Kitang-kita kasi sa mukha nitong nagpipigil lamang itong huwag maiyak.

Daddy...

Nagulat siya ng biglang hawakan ni Jace ang kamay niya at halikan.

"Kayo na po ang bahalang mag plano ni Kassey sa gaganaping kasal. May pupuntahan lang po ako saglit." nakangiting paalam nito.

Pagkatapos ay siya naman ang hinarap nito. Pero wala na ang ngiting nakita niya kanina sa mga labi nito. Gusto niya sanang umiwas ng inilapit nito ang mukha sa kanya pero bigla nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Napaigtad pa siya sa gulat ng bumulong ito malapit sa tenga niya.

"Good job, Kassandra! I hope you are happy now." puno ng pang-uuyam na bulong nito sa kanya.

"Ano bang--" hindi na niya natapos ang ano mang sasabihin niya dahil agad nitong hinalikan ang mga labi niya.

Nakaalis na ang binata pero tulala pa rin siya habang nakahawak sa mga labi niya. Excited naman siyang nilapitan ng mommy niya at mommy ni Jace upang yayaing mag shopping para sa mga gagamitin nila sa kasal. Habang ang mga daddy naman nila at ang kuya Tristan niya at nagpunta sa library upang pag-usapan ang itatayong business ng mga ito sa lugar nila.

Hindi niya alam kung ano ang una niyang dapat na maramdaman. Gustong-gusto niyang sumigaw, magalit at umiyak. Pakiramdam niya ay na trap siya sa isang hawla. Gusto niyang magsalita, gusto niyang magpaliwanag pero sino naman ang makikinig sa kanya? Kung lahat sila ay sumang-ayon na sa naging desisyon ng ni Jace?

She felt so helpless ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi. Kahit na si Jace na dapat sana ay kakampi niya sa sitwasyong ito ay inakusahan pa siyang pinikot niya ito.

Nang maalala niya ulit ang sinabi nito sa kanya kanina bago umalis. Ay gusto na agad tumulo ng mga luha niya, pero pinigilan niya ito. Hindi niya kayang sirain ang mga ngiting nakikita niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya kahit na gusto ng sumabog ng puso niya ay pinilit niya pa ring ngumiti.