"One tequila please!" sabi ni Kassey sa bartender habang sumasayaw.
Sa lakas ng music sa club, ay halos nagsisigawan na ang mga tao sa loob upang magkarinigan.
"Hoy, Kassandra! Akala ko ba ay mag-papahangin lang tayo?!" tawag ni Dale rito. Hindi kasi nito inasahang maglalasing pala ito.
"Cheers!" nakangiting sigaw ni Kassey sa kaibigan at pagkatapos ay inisang inom ang laman ng baso. "Whew!" sigaw ulit nito sabay lagay ng baso nito sa counter.
Nagsigawan at nagpalakpakan naman ang ibang customers sa ginawa ng dalaga, kaya umorder pa ulit ito ng isa.
Napailing na lamang si Dale habang nakatingin sa kaibigan.
"Hello, Jace?! Si Dale ito! Andito kami ni Kassey sa Pulse!" lumabas ito saglit para makausap ng maayos ang lalaki.
Pagkatapos nitong kausapin si Jace ay agad itong bumalik sa loob pero nagtaka ito ng wala na si Kassey sa pwesto nito kanina.
"Kassandra!" habang natatarantang hanap nito sa dalaga.
***
Namangha si Kassandra ng makita ang malawak na tanawin sa harap niya. Parang naging mga Christmas lights ang ilaw na nanggagaling sa mga buildings, na may iba't-ibang kulay at laki. Para tuloy siyang bumalik sa pagkabata ng isa-isang niyang tinakpan ang bawat ilaw gamit ang hintuturo niya. Habang nakapitkit ang isang mata. Nang magsawa ay ibinaba niyang ang kamay at pumikit habang ninanamnam ang malamig na hanging naglalaro sa buhok niya.
"Good job, Kassandra! I hope you are happy now."
Habang nakapikit ay bigla na lamang may tumulo na luha sa pisngi niya.
Nalaman niyang nakipagkita pala si Jace kay Trixie kahapon ng bigla itong nagpaalam sa kanila. May mga netizens kasing nakakita sa dalawa sa isang club habang masayang nag-iinuman. At pinost sa social media ang mga pictures nila.
Bakit mo ba ginagawa sa akin to? Natutuwa ka ba sa tuwing nakikita mo akong nasasaktan? Ano ba talaga ang gusto mo?!
Aniya sa isipan habang nakapikit na umiiyak.
***
"I'm sorry po boss. Nagpatawag na po ako ng security para ma escort po siya pababa ng building."
"It's okay. Hayaan mo na lang muna siya diyan." sagot ni Dylan sa assistant niya.
Pinagmasdan niya ulit ang babaeng nakatayo malapit sa railings ng terrace. Nakaupo lang siya malapit rito, pero dahil siguro sa kalasingan ay hindi na siya nito napansin.
Nang makita niya itong naglalakad kanina papunta sa kinaroroonan niya, ay sinabihan niya agad ang assistant niya na tumawag ng security para mapaalis ito.
Pero habang pinagmamasdan ito ay bigla na lamang nagbago ang isip niya. Weird, pero parang ayaw na niya itong mawala sa paningin niya.
Kanina habang tinuturo nito ang bawat ilaw na nanggagaling sa mga buildings ay hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. May kung anong damdamin rin siyang bigla na lamang naramdaman nang makita niyang itong pumikit habang nilalaro ng hangin ang buhok nito.
Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit siya naaapektuhan ng makita niya itong umiiyak.
"Handa na ba yung kotse ko?" bigla niyang tanong sa assistant niya upang para maalis sa isipan ang kakaibang damdamin na hindi niya kayang ipaliwanag.
"Pinakuha ko na po sa driver boss. Aalis na po tayo within five minutes." sagot nito.
"Okay. Sabihin mo sa head ng security na bantayan siya. Tsaka na nila pababain kapag humupa na ang kalasingan niya."
"Okay boss."
Aalis na sana siya ng bigla na lamang sumigaw ang babae.
"Jacinto Sebastiaaaaaaaaaaaaaaan!!!" nanggigigil na sigaw nito. Habang nakahawak ng mahigpit sa railings na nasa harap nito.
"Papupuntahin ko na po rito ang security--" anang assistant niya na agad niyang sinenyasan na tumahimik.
"Nakikinig ka ba?! Ha?! Puwes makinig ka ng mabuti!" galit na sigaw ulit nito.
Imbes na umalis ay naupo ulit siya at nakangiting pinagmasdan ang dalagang galit na galit habang tinuturo ang kawalan sa harap nito. Na para bang nasa harap lang nito ang kausap.
"Thank you for making my life miserable for the past ten-f*cking-years! and counting!"
Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ni Dylan.
"Thank you for making me fall in love with you, then leave me hanging the next day!" naiiyak na sabi nito. "Alam mo ba kung gaano ka sakit yun ha?! Hindi mo alam dahil wala kang pakiramdam! Dahil manhid ka Jacinto! Manhid ka!" galit na sigaw nito habang pinapahid ang mga luha sa pisngi nito.
Nanatiling tahimik na nakaupo si Dylan habang nakatingin sa dalaga. Kung ano man ang iniisip nito ay ito lang ang nakakaalam.
"Alam mo bang ang hirap-hirap mong mahalin?" Hindi na ito sumisigaw pero mas marami ng luha ang umaagos sa pisngi nito. "Pero bakit ganun? Bakit mahal pa rin kita, kahit na ang sakit-sakit na?" humahaguhol sa sabi nito.
***
Nagulat si Kassey ng bigla na lamang may nag abot ng puting panyo sa kanya. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad siya nakakilos.
Nang mapansin nitong natigilan siya, ay ito na mismo ang nag punas sa mga luha niya. Gustuhin man niyang umiwas ay hindi niya magawa, para siyang nahihipnotismo habang nakatitig sa mga mata nito. Habang nakatingin naman ito sa mga luha niya sa pisngi.
Ngayon lamang niya ito nakita, pero bakit walang siyang maramdaman ni kaunting takot rito? Hindi niya maipaliwanag kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya rito.
"T-thank you..." nauutal na sabi niya rito pagkatapos ay dumistansiya ng kaunti rito.
"You're welcome..." nakangiting sagot nito sa kanya.
"Kassandra!!!"
Para siyang nagising galing sa isang mahimbing na tulog, ng marinig ang boses ni Jace.
Nang mapatingin siya sa binata ay bigla na lamang siyang kinabahan sa itsura nito. Ngayon lang kasi niya itong nakitang nagalit ng ganun.
"Have you lost your mind?!!" galit na bulyaw nito sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa braso niya.
Nang makita nitong nasasaktan siya ay agad nitong niluwagan ang pagkakahawak pero hindi pa rin siya nito binibitiwan.
"Alam mo bang halos mabaliw kami sa kakahanap sa iyo?!" patuloy ni Jace. Wala na itong pakialam kahit na may makakita mang ibang tao sa kanila.
Naa-appreciate niya ang concern nito. Pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mainis rito.
Since when pa ito nagkaroon ng pakialam sa kanya? At sino ang nagbigay ng karapatan sa lalaking ito na sigaw-sigawan siya?!
Sasagutin niya sana ito ng matigilan. May dugo kasi sa gilid ng bibig nito, pati na rin sa damit nito.
"Bakit ka ba kasi biglang umalis Kassey?" si Dale na hindi niya napansing nasa tabi pala ni Jace. "Alam mo bang napaaway si Jace sa security ng Pulse kanina dahil sa paghahanap namin sa iyo."
Gusto niya sanang hawakan at tingnan ang pasa sa bibig nito ng biglang nagsalita yung lalaking nagmagandang-loob sa kanya kanina.
"Hi, Jace! It's nice to see you again." nakangiting bati nito kay Jace.
Nagtatakang napatingin siya Kassey sa lalaki at kay Jace.
Kung yung lalaki ay nakangiti. Kabaliktaran naman ang nasa mukha ni Jace.
"Dylan. It's been a while." wala sa mood na sagot nito.
Gusto niya sanang magpasalamat ulit rito pero hinatak na siya ni Jace.
"I'm sorry but we have to got. Let's go!" anito.
Habang naglalakad paalis ay tiningnan niya muli si Dylan na nakangiting kumakaway sa kanya. Kakaway sana siya pabalik rito ng ibinaba ni Jace ang kamay niya at binalik paharap ang ulo niya.
"I hate you so much!" pabulong na sabi niya rito.
"The feeling is mutual sweetheart." sarkastikong sagot nito bago siya pinapasok sa loob ng kotse.