Chereads / My Unexpected Mr. RIGHT (TAGALOG) / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Hindi sila nagkibuan ni Jace sa loob ng kotse. Kahit na medyo nawawala na ang epekto ng alak na ininom niya kanina. Nagkunwari pa rin siyang nahihilo para may excuse siyang huwag itong kausapin.

Kahit na hindi niya ito tingnan ay ramdam niya ang pinipigilan nitong galit. Kanina pa kasi niya ito naririnig na humihinga ng malalim. Na para bang mawawala ang galit nito sa tuwing ibinubuga ang hangin.

Kung galit siya dahil sa ginawa kong pag-inom kanina at pag-alis ng walang paalam kay Dale. Mas marami akong rason upang mas magalit sa kanya!

Himutok niya sa isipan.

Habang nagkukunwaring natutulog, ay bigla niyang naalala ang sugat na nakita niya sa gilid ng bibig nito kanina.

Tumigil ka Kassandra! Galit ka sa kanya remember?!

Oo nga at galit siya rito pero hindi kaya ng konsensiya niyang pabayaan na lamang ang sugat nito sa mukha. Lalo pa't marami itong fans sa lugar nila. Paano na lang kung may makakita ritong fan niya at gawan pa ng issue ang sugat nito sa mukha.

At isa pa, napaaway ito dahil sa kanya kaya dapat lang na gamutin niya ang sugat nito.

Sige, maghanap ka pa ng rason Kassey. Kaya ka parating nasasaktan eh. Konting galaw lang ni Jace, bumibigay ka na agad.

Tumatanaw lang ako ng utang na loob yun lang yun.

"Dumaan muna tayo sa pharmacy, may bibilhin lang ako." malamig na sabi niya rito habang pa simpleng nakabukas ng kaunti ang isang mata. Sinisilip kung ano ang magiging reaction nito sa sinabi niya.

Gaya ng hinala niya, mas lalong sumimangot ang mukha nito.

"Iinom-inom hindi naman pala kaya." pabulong na sabi nito.

Lihim niya itong inirapan.

Nang makita niyang huminto ang sasakyan sa isang pharmacy ay agad siyang bumaba ng sasakyan at nagmadaling pumasok sa loob. Baka kasi mag insist pa ito na ito na lang ang bibili. Magkagulo pa sa loob ng pharmacy.

"Five hundred sixty-three po lahat maam." anang cashier sa kanya.

"Okay." sabay kapa sa bulsa niya.

Wait, nasaan ang wallet ko?

Tsinek na niya ang bawat bulsa ng pantalon niya pero wala roon ang wallet niya.

Sh*t!

Dahil sa kalasingan niya kanina ay hindi na niya maalala kung saan niya ito naiwan.

"Teka lang Miss ha." aniya habang may tinatawagan sa cellphone.

Gusto niya sanang hindi na lamang iyon bilhin. Pero may mga customers kasing nakapila sa likod niya. Nahihiya siyang marinig siya ng mga itong isinasauli niya ang mga gamot na kinuha niya.

"H-hello, Jace. W-wala kasi akong dalang wallet. Pwedeng pahiram muna ng cash? Mga six hundred lang naman." pabulong na sabi niya.

***

Gustong matawa ni Jace sa boses ni Kassey habang nanghihiram sa kanya ng pera. Ang kaninang galit na naramdaman niya rito ay bigla na lamang naglaho. Pero hindi niya iyon gustong ipahalata.

"What? Hindi kita marinig." aniya habang papasok sa loob ng pharmacy.

***

Huminga ng malalim si Kassey at inulit rito ang mga sinabi niya kanina. This time ay medyo nilakasan na niya kaunti ang boses.

"Sorry, Kass. Pero hindi ko talaga naiintindihan ang mga sinasabi mo." anito sa kabilang linya.

Napatingin siya sa cellphone niya.

Okay naman ang signal ko ah.

"Bibilhin niyo po ba ang mga gamot maam?" tanong ng cashier sa kanya. Halata sa boses nitong naiinip na rin sa paghihinitay.

"Ha? Oo Miss, papunta na rito yung kasama ko." nahihiyang sabi niya rito at muling nakipag-usap kay Jace.

"Pinagti-tripan mo ba ako?" pabulong na sabi niya sa binata. "Ang lakas-lakas ng signal ko dito sa loob nga pharmacy. Papaanong hindi mo ako naririnig ng maayos eh nasa labas ka lang naman."

"What?!" sagot ng binata.

"ANG SABI KO PAHIRAM AKO NG SIX-HUNDRED!"

***

Halos mabingi si Jace sa lakas boses ng dalaga.

Gusto niyang humagalpak ng tawa pero todo pigil siyang huwag matawa sa itsura ni Kassey na nakatalikod sa kanya.

***

Gustong magpalamon ni Kassey sa lupa sa sobrang hiya.

Walang-hiya ka talaga, Jacinto!

"Sorry." aniya sa cashier. "Hindi ko na lang--"

"Paki-swipe na lang dito yung bayad sa mga pinamili niya."

Nagulat siya ng makita ang kamay ni Jace sa harap niya habang ibinibigay sa cashier ang card nito.

Gusto niya sana itong lingunin pero dahil sa sobrang lapit lang nito sa likod niya. Siguradong dibdib nito ang haharap sa kanya.

"Thank you..." padabog na bulong niya sa binata.

Dahil nakatalikod siya rito ay hindi na niya nakita ang ngiting sumilay sa mga labi ni Jace.

***

Ipinarada ni Jace ang kotse nito sa harap ng gate nila. At dahil hindi na ito sa kanila tumutuloy, minabuti niyang sa loob ng kotse na lamang niya gagamutin ang sugat nito.

"Teka lang." aniya rito habang binubuksan paper bag.

"Ano ba kasi yang mga pinamili mo?" curious na tanong nito.

"Basta, umupo ka lang diyan."

***

Nagulat si Jace ng makita ang mga pinamili ni Kassey. Buong akala niya ay mga gamot at inumin ang mga iyon for hangover. Pero mga gamot sa sugat ang isa-isa nitong inilabas sa paper bag.

"Bakit ka bumili niyan? May sugat ka ba?" aniya habang nakatingin sa mukha at braso nito.

"Wala, para ito sa sugat mo sa mukha." sagot nito. "Huwag kang gumalaw." anito habang nililinis ang sugat sa may bandang bibig niya. "Bakit ka ba kasi napaaway?" habang nakatingin sa sugat niya.

"Dahil sayo..." naiinis na sagot niya rito.

Tinanong pa talaga niya?

Pero inirapan lang siya ng dalaga.

"Paano kung may nakakuha ng picture? Eh di wala ka ng career na babalikan sa Manila?" sagot nito.

***

"The next time na magpunta ka ulit ng club at maglalasing. E lo-lock na talaga kita sa bahay niyo." anito. Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

Eh kung e-lock din kaya kita oras na magkita ulit kayo ni Trixie?

Kahit na nagseselos pa rin siya kay Trixie ay mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon kumpara kahapon at kanina. Bigla na lamang nawala ang lahat ng galit at tampo niya rito.

***

Habang ginagamot ni Kassey ang sugat niya ay hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang mukha nito.

Sampung taon na ang lumipas pero nanatili pa rin itong simple. Mula sa pananamit nito at kahit sa paglalagay ng make-up. Pati pabango ng dalaga ay katulad pa rin ng dati, simple lang pero napaka-refreshing ng amoy.

Napalunok siya ng bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito. Gaya ng nangyari kahapon, ay para ulit siyang nahihipnotismo habang nakatitig sa mga labi nito. Hindi na niya namalayan ang unti-unti niyang paglapit rito.

***

Pagkatapos niyang gamutin ang sugat nito ay naisipan niya itong kausapin tungkol sa nangyari kahapon.

"Yun nga palang tungkol sa nangyari kahapon--"

Pero hindi na niya naituloy ang gusto niyang sabihin dahil bigla na lamang siya nitong siniil ng halik. Hinawakan nito ang beywang niya at bahagyang binuhat patungo sa kandungan nito.

Nanlaki ang mga mata niya ng mayroon siyang naramdamang matigas na bagay sa ibabang bahagi ni Jace. Pero ng pinaglaro nito ang thumbfinger nito sa leeg niya ay tuluyan na siyang napapikit.

Nababaliw na siguro siya dahil ibinuka niya ang mga labi niya at sinalubong ang mga halik ng binata habang nakayakap ang mga braso niya sa leeg nito.