Chereads / My Unexpected Mr. RIGHT (TAGALOG) / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

"Nasaan ka na ba iha? Ikaw na lang ang hinihintay namin. Ayaw ni Mica na mag start ang party niya ng wala ka."

"Papunta na po ako mommy. Late na po kasing natapos ang meeting ko kanina. Kaya late na rin po akong nakalabas ng opisina." aniya habang nagmamaneho.

Nakonsensiya siya sa narinig. Oo nga at hindi siya gaanong nakakapaglaan ng oras sa pamilya niya pero tuwing may mga pagkakataong nakakasama niya ang nag-iisa niyang pamangkin ay sinusulit naman niya iyon. Kaya naman kahit minsan lang sila nito magkita ay nagawa pa rin niyang maging malapit rito.

"Dapat kasi ay hindi ka na nagpa-schedule ng meeting today. Eh alam mo namang birthday ng pamangkin mo. Kaya ka naming intindihin ng daddy at kuya mo Kassandra. Pero please, huwag mong idamay ang pamangkin mo." pa-simpleng sermon ng mommy niya sa kanya.

Minsan lang siya nito pinagsasabihin dahil pasensiyosang tao ang mommy niya. At kung pagsasabihan man siya nito, it only means na iyon na talaga ang sukdulan ng pasensiya nito sa kanya.

"Oh no!" aniya ng biglang maramdamang pumutok ang gulong sa harap.

Dahan-dahan niyang ipinark ang sasakyan sa gilid ng daan.

Gusto na niyang maiyak sa inis. Para kasing pati ang tadhana ay pinagagalitan rin siya. Kung bakit ba kasi tinanggap pa niya ang appointment na iyon.

***

"Hi, mom..." Nanghihinang bati niya sa ina sabay halik sa pisngi nito.

Wala na ang mga bisita sa bahay ng kuya Tristan niya pagkarating niya. Natagalan kasi siyang makakita ng mekaniko kanina.

Hindi umimik ang mommy niya. Tumayo ito at pumasok sa loob ng kusina.

"Okay na ba ang kotse mo?" nag-aalalang tanong ng kuya niya ng makita siya nito.

Tumango siya rito bilang sagot.

"I'm sorry if I ruined Mica's birthday. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi ko na sana tinanggap ang appointment na iyon."

Nginitian siya nito.

"No worries, I understand. Pagpasensiyahan mo na si mommy. Masyado lang siguro iyong nadala sa iyak ni Mica kanina. But I'm sure konting lambing mo dun ay magiging okay rin yun." nakangiting sabi nito na ikinaluwag ng pakiramdam niya. "Is that for Mica?" tanong nito sa napakalaking stuffed toy na bitbit niya. Halos kasing tangkad na niya ito sa laki.

Tumango siya sa kapatid.

"Ito sana ang gift ko sa kanya last Christmas. Pero dahil customized, late na nadeliver. Mabuti na lang at umabot sa birthday ni Mica." at nahahapong ngumiti sa kapatid.

Isa iyong cute na pink teddy bear na may malaking hugis heart sa dibdib kung saan nakalagay ang pangalan ng pamangkin. Mayroon din iyong button sa dibdib nito na pag pinindot ay may maririnig na voice recorded message.

"Puntahan mo na yung pamangkin mo sa kwarto niya. I'm sure agad na mawawala ang tampo nun pag nakita yang gift mo." nakangiting sabi nito sa kanya.

***

"Baby..." mahinang tawag niya sa pamangkin ng mapansing napakatahimik sa loob ng kwarto nito.

Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at inilagay sa baba ng kama ang malaking teddy bear.

Mukhang nakatulog na yata ang pamangkin niya sa kakaiyak. Maingat na umupo siya sa gilid ng kama at inayos ang kumot na tumatakip sa buong katawan nito.

Tulad niya, ay hindi rin ito nakakatulog ng hindi tinatakpan ng kumot ang buong katawan. Feeling niya kasi ay may bigla na lamang hihila sa parte ng katawan niya na hindi natatakpan ng kumot.

Napabuntong-hininga siya. Gustong-gusto niyang gisingin ang pamangkin para naman makapag-sorry siya rito at mapasaya ito sa regalo niya. Pero pinigilan niya ang sarili. May bukas pa naman at dahil Sunday bukas ay wala siyang pasok. Babawi siya sa pamangkin, buong araw niya itong ipapasyal at bibilhin ang ano mang gusto nito.

Umikot siya sa kabilang gilid ng kama at buong ingat na humiga sa tabi ng pamangkin. Dahil malaki naman ang kumot ay dahan-dahan niyang ipinasok ang katawan sa ilalim ng kumot at pagkatapos ay pumikit. Mag pa-power nap muna siya. Maybe an hour or two will do.

Hindi niya alam kung paano niya nakayanang bumiyahe sa bahay ng kuya niya. Umaga pa lang ay na stress na agad siya mentally and emotionally dahil kay Jace. Plus yung client rin niya kanina sa meeting na sa sobrang daldal ay na ekwento na yata nito ang buong family tree ng angkan nito.

Sa sobrang pagod ay wala pang tatlong minuto ay nakatulog na agad si Kassey.

***

Naalimpungatan si Jace ng makarinig siya ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Napangiti siya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Matagal na rin kasing hindi siya nakakaranas na matulog habang naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Mas lalo niya tuloy na isiniksik ang katawan sa malambot na unan sa tabi niya.

***

"Hmmm..." si Kassey ng maramdamang may yumakap sa beywang niya mula sa likuran. "Baby..." aniya. Napangiti pa siya ng maramdamang isiniksik ng pamangkin ang mukha nito sa leeg niya. Inaantok na humarap siya rito at niyakap rin ito.

Wait...parang ang laki naman yata ni Mica? At bakit magkapareho sila ng pabango ni Jace?

Nahihibang ka na ba Kassandra? Pati ba naman sa pagtulog mo si Jace pa rin ang iniisip mo? anang kabilang isip niya.

Pero parang may mali kasi...

Habang nakapikit ang mga mata ay dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ng taong yumayakap sa kanya.

At kailan pa nagkaroon ng balbas ang pamangkin niya?!

Agad na nawala ang antok niya. Ibinuka agad niya ang mga mata at muntikan ng mapasigaw ng makita ang mukhang nasa harap niya. Mabuti na lang at natakpan niya agad ang bibig.

"Hmmm..." si Jace na mas lalo pa siyang niyakap ng mahigpit at inilapit ang mukha nito sa kanya. "Kass...". anito habang nakapikit pa rin.

Hindi malaman ni Kassey ang gagawin. Isang maling kilos niya at tiyak na mahahalikan na niya ang binata sa lapit ng mga mukha nila.

Alam niyang hindi tama ang nangyayari. Pero parang may kung anong mahika na pumipigil sa kanyang kumilos. Na para bang hindi na ulit iyon mangyayari kaya dapat lang na sulitin niya. Kaya imbes na sundin ang sinasabi ng isip niya ay mas nakinig siya sa utos ng puso niya.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha ni Jace. Pero ng mapunta sa mga labi nito ang mga mata niya ay wala sa sariling doon pumunta ang kamay niya.

"What do you think you're doing?"

Agad na huminto ang kamay niya sa ere at nanlaki ang mga mata.

Shit!

Agad na nagtaman ang tingin nila pagkabukas ni Jace sa mga mata nito.

"G-good morning..." nauutal na sabi niya sabay baba ng kanyang kanang kamay.

"Hmmm...good morning." inaantok na sagot nito. Hindi pa rin nito inaalis ang kamay nito sa beywang niya.

Parang bigla na lamang nag-init ang pakiramdam ni Kassey. Hindi siya ganun ka naive upang hindi maintindihan ang naging reaksiyon ng katawan niya.

"Y-yung kamay mo..." aniya ng hindi pa rin ito kumikilos.

"Hmmm...pati ba naman dito sa panaginip Kass? Will you loosen up a bit?" inaantok na sabi nito habang nakangiti.

Ano ba ang pinagsasabi ng mokong na 'to? Wait, akala ba nito ay panaginip lang ang pagtatabi nila sa iisang kama? At papaanong biglang naging si Jace ang katabi niya? Nasaan na ba ang pamangkin niya?

Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kapatid.

"K-kuya..."

"Kassey?!" ang kuya Tristan niya na halatang nagulat ng makita siya. "Anong ginagawa mo rito?!"

"Kassey?" medyo nagulat na sabi ni Jace ng makita siya sa tabi nito. "Tristan, ano bang nangyayari?" naguguluhang napatingin ito sa kuya niya.

"Ayusin niyo ang mga sarili ninyo at sumunod kayo sa sala, mag-uusap tayo." galit na sabi ng kuya niya bago lumabas ng kwarto. Halos mabingi siya sa lakas ng pagsara nito ng pinto.

"Kuya! Please let me explain what happened." aniya habang nagmamadaling bumangon. Pero agad rin siyang napahiga ulit sabay hatak sa kumot upang matakpan ang katawan niya.

Oh my God! Nasaan ang mga damit ko?!

"Shit!" narinig niyang mura ni Jace. "Care to you tell me what is happening, Kassandra?" si Jace, ramdam niya ang itinatagong galit sa boses nito.

Napatingin siya sa binata. Sa talim ng tingin nito sa kanya, hindi na siya magtataka kung bigla na lamang siya matumba.

"Ah-I really don't know..." naguguluhang sagot niya sa binata.

"F**k!" galit na mura ulit nito.

Parang gustong sumabog ng utak niya sa mga nangyayari. Para siyang mababaliw habang iniisip kung papaano siya napunta sa ganoong sitwasyon.

Ano na naman ba itong ginawa mo, Kassandra?