Chapter 9 - Chapter 9

Padabog na umupo siya sa likuran ng kotse. Unang araw pa lang ng muling pagkikita nila ni Jace pero heto at paubos na agad ang pasensiya niya rito.

Huminga siya ng malalim at pumikit.

Kumalma ka Kassandra! Aniya sa isipan.

Habang nakapikit ay bigla na lamang lumitaw sa isipan niya ang hitsura ni Jace kanina. Yes, medyo nag mature na nga ang itsura nito at may pagka-arogante na rin dating nito ngayon pero para sa kanya ay dumagdag lamang ang mga iyon sa appeal ng binata.

Habang iniisip ito ay unti-unti siyang napapangiti. Pero agad ding nawala ang ngiti niya.

Hoy! Kassandra! Tumigil ka!

Inis na tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. At iyon ang inabutan ni Jace.

"Are you sure you want to go to the office today?"

Gulat na ibinaba agad ni Kassey ang mga kamay niya. Hindi niya napansin ang pagpasok ni Jace sa loob ng sasakyan. Nakaupo na pala ito sa may driver's seat habang nakatingin sa kanya sa rear-view mirror.

Hindi niya ito sinagot. Inis na inirapan lamang niya ito.

"What?" takang tanong nito sa naging reaction niya.

"What?" sarkastikong tanong niya rin rito.

"Are you sure you're okay?" anito na para bang nababaliw siya sa paningin nito.

Napataas ang isang kilay niya.

"And why am I not okay?" nagpipigil sa inis na tanong niya.

Napabuntong-hininga ito.

"Para ka kasing wala sa sarili mo." anito habang pinipigil na matawa. "And why are you sitting at the back? Gusto mo ba akong pagmukhaing driver mo?" kunot-noong tanong nito.

Gusto ng umusok ng ilong at tenga niya sa sobrang inis sa lalaking nasa harap.

Huminga muna siya ng malalim bago ibinuka ang bibig. Pero nagulat siya ng bumaba ito at binuksan ang pinto sa gilid niya.

"Baba..." utos nito sa kanya.

"Are you serious?" hindi siya makapaniwala sa ginawa nito.

"Wala akong balak na maging headline bukas at mapagkamalang driver mo." anito.

Wow! Si Jacinto Sebastian nga pala ang driver niya for today. Just my luck!

Inis na bumaba siya ng sasakyan.

"Sino ba kasi ang nag-utos sa iyong ipag-drive mo ako." aniya habang bumababa.

Inilagay nito ang isang-kamay sa ibabaw ng ulo niya upang hindi iyon mabunggo.

"Ang ingay mo." anito sa kanya ng magtapat ang mga mukha nila pagkalabas niya sa kotse.

Agad na kumabog ang dibdib niya. Halos isang pulgada na lamang kasi ang layo ng mga mukha nila.

Napalunok siya ng napunta sa mga labi ng binata ang mga mata niya. Without knowing na nasa mga labi din niya nakatingin ang binata.

Umayos ka Kassandra! anang isipan niya.

Inirapan niya ito at padabog na naglakad papunta sa kabilang pinto sa harap.

***

"Bakit mo iniliko? Hindi ito ang daan papuntang opisina, Jace. Dapat dumeretso ka." komento niya ng makitang iniliko ni Jace ang kotse sa kabilang daan.

Mula kanina sa bahay ay iyon ang unang beses na kinausap niya ito.

"Daan muna tayo sa gas station saglit." anito habang tinitingnan both sides ng kalsada upang makaliko ang sasakyan nila.

Nanlaki ang mga matang napatingin siya rito.

"What? Nahihibang ka na ba? Eh wala ka ngang suot maski cap man lang para hindi ka makilala."

"At bakit naman ako magtatago?" nagtatakang tanong nito.

"Gusto mo bang magkagulo ang mga tao rito?" aniya habang tinitingnan ang mga taong nasa malapit sa gasolinahan.

"Hindi naman siguro." kalmadong sabit nito habang binubuksan ang bintana sa side nito.

"Don't open it yet." agad na pigil niya rito.

Tiningnan niya ng masama ang binata.

"What?" naguguluhang tanong nito.

***

Naaaliw si Jace habang tinitingnan ang mukha ni Kassandra na namomroblema at naiinis sa kanya at the same time.

"Bakit mo pa kasi ako ipinag-drive!" naiinis na sabi nito habang tila ay may hinahanap sa loob ng bag nito. "Hawakan mo nga muna ito saglit." hindi na nito hinintay ang sagot niya. Agad nitong inilagay sa mga kamay niya ang mga folders na dala nito.

"Don't you think you are just overreacting?" natatawang sabi niya rito.

Huminto ito sa ginagawa at tiningnan siya habang naniningkit ang mga mata.

Agad na naglaho ang ngiti niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang may naramdamang takot. Pa simple siyang umatras ng bahagya sa kinauupuan niya.

"I am not overreacting Mr. Jacinto Sebastian! I was even wondering kanina dahil matiwasay kayong nakapag-jogging ni daddy."

Medyo nag-alala rin siya kanina tungkol dun. Mabuti na lang at medyo madilim pa ng sinimulan nilang mag jogging at tsaka sila umuwi ng magsimula ng lumiwanag.

"FYI" patuloy ni Kassey. "Halos lahat ng mga taga-rito sa probinsiya natin ay sumusuporta sa lahat ng mga events mo. Nagpupunta pa nga sila ng Maynila eh tuwing nag co-concert ka sa birthday mo. At pinipilahan rin nila ang lahat ng pelikula mo. Kulang na nga lang ay mag tayo sila ng rebulto mo dito sa atin. Kaya huwag mong sasabihin sa akin na walang kaguluhang mangyayari oras na makita ka nila. Dahil ilang taon din silang naghintay na umuwi ka rito sa atin."

"Isa ka rin ba sa mga naghintay?" bigla na lamang iyong lumabas sa bibig niya. Pero hindi rin naman siya nagsisi dahil gusto rin niyang marinig ang magiging sagot ni Kassey.

Iyon ay kung sasagutin nito ang tanong niya.

***

Parang bigla na lamang naglaho ang dila niya. Hindi niya inasahan ang tanong nito. At mas lalong hindi rin niya inasahan ang sariling reaksiyon. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

Papaanong napunta sa wala ang ilang taong pinilit niya ang sariling kalimutan ito.

"Ano bang klaseng tanong yan." sabay tingin ulit sa loob ng bag niya.

Ayan, nagsalita ka pa kasi. Kung nanahimik ka na lang sana Kassandra, eh hindi ka sana mapupunta sa sitawasyong ito!

"Sumagi man lang ba ako sa isip kahit isang beses?" patuloy na tanong nito.

Napapikit siya sa sunod na tanong nito.

Maniniwala kaya ito kung sasabihin niya ritong walang oras na hindi niya ito naiisip.

Hindi! Kaya itigil mo na yang kahibangan mo at umayos ka!

Hinarap niya ito habang nakataas ang isang kilay.

"At bakit naman kita iisipin aber?"

"Hindi mo ako na-miss?" tanong ulit nito habang nakatitig sa mga mata niya, na para bang doon nito makikita ang sagot niya.

Ibinuka niya ang bibig upang sagutin ito. Pero wala siyang maisip na isagot sa tanong nito. Tulad ni Jace, ay nakatitig lang din siya sa mga mata nito. Nagbabaka-sakaling kaya nitong basahin ang laman ng isip at puso niya. Mga salitang hindi niya kayang sabihin rito. Mga salitang gusto niyang ibaon at kalimutan.

Napapitlag siya ng hinaplos ni Jace ang pisngi niya. Tsaka lang niya napansing may tumutulo na pa lang luha sa mga mata niya. Gustuhin man niyang pigilan pero sa bigat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay parang hindi niya kakayanin.

Agad niyang inalis ang kamay nito at napayuko. Ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa sunglasses niya sa loob ng bag niya at nang makita iyon ay agad niya iyong isinuot kay Jace.

"May cap rin ako rito. Sandali lang..." aniya habang binubuksan ang glove compartment. Pansin niya ang pag-garalgal ng boses niya.

Para siyang nakalutang ng mga sandaling iyon. Hindi na niya alam kung may sense pa ba ang mga pinasasabi at ginagawa niya. Ang tanging sigurado lang sa kanya ng mga oras na iyon ay ang sakit na nararamdaman.

"Here..." aniya ng makita ang hinahanap. Pagkatapos ay inilagay iyon sa ulo ng binata. "There..." sabay ngiti rito ng pilit.

Hindi pa rin umiimik si Jace. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Para tuloy mas lalo niyang gustong mapaiyak. Bakit naman kasi ganun? Siya na nga ang iniwan at pinaasa, siya pa itong parang tangang umiiyak sa harap nito.

Napapitlag siya ng pinunasan ulit ni Jace ang pisngi niya at pagkatapos isinuot sa kanya ang sunglasses na ipinasuot niya rito. Tinanggal rin nito ang cap at maingat na inilagay sa ulo niya sabay baba ng kaunti sa bill ng cap, upang medyo matakpan ang mukha niya.

Hindi niya inasahan ang sumunod nitong ginawa.

"I'm sorry Kass. I'm so sorry..." anito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.