Chapter 7 - Chapter 7

Nagpasya siyang late na umuwi ng gabing iyon. Alam niyang hindi niya maiiwasan si Jace habang buhay. Pero kung may pagkakataon naman siya na iwasan ito, ay hindi siya magdadalawang isip na e-grab ang pagkakataong iyon. 

Katulad na lang ngayon, birthday ng isa sa mga empleyado niya. Hindi niya kailanman pinaunlakan ang imbitasyon ng mga ito sa kanya noon. Mapa night out man o birthday celebration. Hindi dahil sa mga empleyado lamang niya ang mga ito. Kung hindi, ay dahil sa hindi siya mahilig sa mga ganoong bagay. Pero dahil nakita niya itong opportunity para maiwasan si Jace, kahit man lang sa araw na iyon, ay sumama siya sa mga ito.

Nang tingnan niya ang suot na relo ay bahagya pa siyang nagulat. Mag-a-alas dose na pala ng hating-gabi. Mabuti na lang at natawagan niya ang mga magulang kanina kung hindi ay tiyak na gising pa ang mga ito hanggang ngayon, kakaantay sa kanya. Para talaga siyang hindi na lumaki sa paningin ng pamilya niya. 

Habang ang kuya Tristan naman niya ay limang taon ng may asawa. May isang anak ito na babae, si Mica na tatlong taong gulang. Medyo malayo ang bahay ng kuya niya sa kanila pero pag may pagkakataon, ay dinadalaw sila nito, kasama ang asawa at napaka cute niyang pamangkin.

Nasa kwarto na ang mga magulang niya at pati na rin siguro si Jace, ng makarating siya sa bahay nila. Dahil mga katulong na lang ang naabutan niya pagkapasok sa loob. 

"Okay lang po ba kayo Maam Kassey?" nag-aalalang tanong ng katulong nilang si Nimfa. It's either dahil naamoy nito ang alak na ininom niya kanina or napansin nito ang hindi niya straight na paglalakad. 

"I'm fineee."

Habang naglalakad ay isa-isa niyang hinubad ang suot na sapatos. Na isa-isa rin namang pinupulot ni Nimfa sa sahig, habang bitbit ang bag niyang iniwan lang din niya basta-basta sa sofa. 

This is not the first time na uminom siya ng alak. Pero ngayon lang siya napainom ng marami. Dahil na rin siguro sa kagustuhan niyang makatulog agad pagdating sa bahay. Ilang beses nga siyang iniwat ng secretary niya kaninang si Marge. Pero hindi siya nagpapigil, kaya ang ending ay naiwan ang kotse niya sa flower shop at sa kotse na siya ni Marge sumakay pauwi. 

Kung bakit pa kasi bumalik-balik pa yang Jacinto Sebastian na yan eh! 

Habang naglalakad sa hallway patungo sa kwarto niya ay isa-isa niyang tinanggal ang pagkaka-butones ng blouse niya. Ang init-init kasi ng pakiramandam niya at nahihirapan siyang huminga ng maayos. 

Napakamot na lamang sa ulo si Nimfa sa nakikitang inaakto ng amo. Unang beses kasi niya itong nakitang kumilos ng ganoon. Dati naman itong umiinom pero hindi naman ito nalasing katulad ngayon. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Ayaw naman niyang gisingin ang mommy at daddy nito dahil tiyak na mapapagalitan siya ng dalaga. 

"Bakit naka-lock ang kwarto ko Nimfa?" anito habang pinipihit ang doorknob. 

"Po?" at napatingin sa kwartong pilit nitong binubuksan. "Naku po! Hindi niyo po kwarto iyan. Nandiyan po si--". Pabulong na pigil nito kay Kassey. Upang hindi makagawa ng ingay.

"Shinasabi mo bang hindi ko na alam kung saan ang kwarto ko dahil lasing ako?" habang nakatingin ng masama sa rito.

"H-hindi naman po sa ganun, Maam. Kaya lang po kasi--"

"Then quite, shhhhhh. " habang nasa bibig ang hintuturo. Hinarap ulit nito ang pintuan at idinikit ang noo sa pinto. "Sino ba kasi ang impaktong nag-lock nito?!" naiinis na sabi ng dalaga habang pilit na binunuksan ang pintuan. 

Maya-maya ay may narinig silang click sa likod ng pintuan bago biglang bumukas. 

"Maam Kassey!" impit na sigaw nito ng makitang na off balance ang dalaga at natumba papasok sa loob ng kwarto.

Nagulat si Jace ng makita si Kassey na patungo sa direksiyon nito. Agad naman nitong sinalo ang dalaga upang hindi dumapo ang katawan nito sa sahig.

"K-kass?" naguguluhang tawag sa pangalan ng dalaga na walang malay habang nasa mga bisig nito.

"Sorry po talaga sa abala Sir Jace. Medyo nakainom po kasi si Maam Kassey. Akala niya po ata ay ito ang kwarto niya." 

"It's okay, tulungan mo na lang akong buksan ang kwarto niya." anito habang buhat-buhat ang dalagang tuluyan ng nakatulog.

Agad namang kumilos ang katulong at binuksan ang kwarto na nasa harap lamang ng kwarto ng binata. 

"Hmmm..." si Kassey ng ihiga ito ni Jace sa kama. 

"Naku Sir Jace, nakalimutan ko nga palang e-lock ang front door. Okay lang po bang iwan ko po muna si Maam Kassey sa inyo? Baba lang po ako saglit." anito matapos nitong kumotan ang dalaga.

"It's alright, ako na ang bahala rito."

Ilang minuto ng nakalabas si Nimfa pero hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito si Jace. Walang ano mang emosiyon ang makikita sa mukha nito. Tahimik lamang itong nakatayo sa tabi ng kama habang nakatitig sa natutulog na dalaga. Maya-maya ay kumilos si Kassey at inalis ang kumot na nakatakip sa katawan nito. Ibabalik sana ni Jace ang kumot, ng buksan ng dalaga isa-isa ang natitirang nakasarang butones sa blouse nito at hinubad.

Sa gulat ay hindi na nakuha pang gumalaw ng binata, nanatili lamang itong nakatitig habang nakahawak sa kumot. Sunod namang hinubad ni Kassey  ay ang suot na pantalon. Gustuhin mang umiwas ni Jace, ay parang napako na yata ang mga mata nito sa dalagang walang malay sa ginagawa. Napalunok ito ng makitang kinakapa ng dalaga ang hook ng bra nito sa likod. 

Ramdam ng niya ang unti-unting pag-iinit ng buo niyang katawan.

F**k!!!

Sa inis ng binata ay basta na lamang nitong inihagis ang kumot sa katawan ng dalaga at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto.

Hindi niya malaman kung saan nga ba siya naiinis, kay Kassey o sa sarili, dahil sa hindi inaasahang reaksiyon ng katawan niya.

Habang si Kassey naman ay walang malay na inalis ang kumot na nakatakip sa mukha. Pagkatapos ay natulog ulit.

To be continued...