Chapter 5 - Chapter 5

"Kassey, gising!" untag ni Dale sa kanya. Habang pinipitik ang kamay nito malapit sa mukha niya.

"Ha? S-sorry..."

"Ano ba naman yan. Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka naman pala nakikinig eh."

"Pasensiya na, may mga naligaw lang sa utak ko saglit. Ang dami2x kasi nating final projects nalilito na ako kung ano ang uunahin natin."

"Yun ba talaga ang totoong dahilan?" nagdududang tanong nito.

Umiwas siya ng tingin rito ay kunwari ay may hinahanap sa libro niya.

"Lumalawak na naman yang imahinasyon mo. Mag focus ka nga..."

Hindi na niya nakita ang pag-ismid nito. Hindi kumbinsido sa naging sagot at reaksiyon ng dalaga.

Simula ng nangyari sa canteen, ay hindi na nakita pa muli ni Kassey si Jace. Na ipinag-pa-pasalamat naman niya ng malaki. Dahil hindi niya alam kung paano niya ito haharapin. Kung gaano siya ka confident ng halikan niya ito in front of his friends ay siya naman kabaliktaran ng naramdaman niya paglabas na paglabas niya sa canteen ng araw na iyon. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa pabalik sa classroom nila sa tindi ng panginginig nito.

Simula noon ay pasimple na niya itong iniiwasan. Sa eskwelahan man o kahit tuwing nagpupunta ito sa kanila. And so far, ay successful naman ang mga pag-iwas na ginagawa niya. Pero ngayon, ewan ba niya. Bigla na lamang siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan.

Huminga siya ng malalim bago muling itinutok ang mga mata sa hawak na libro. Kung hindi niya narinig sa kuya niya kagabi na pupunta ng Manila si Jace this weekend ay hinding-hindi niya pipiliing gumawa ng projects nila ni Dale sa garden ng araw na yun.

Though nakatulong rin naman talaga sa pag-iwas niya sa binata, ang pagiging busy nito at ng kuya niya sa kani-kanilang final requirements. Dahil ga-graduate na ang mga ito sa Senior High School. Ay may mga pagkakataon pa rin na napapadpad ito sa kanila, lalo na pag weekends.

Mabuti na lang talaga at nasa Manila ito ngayon. Baka kasi mapansin na ng pamilya niya na tuwing weekend na lang ay sumasama ang pakiramdam niya.

Kinuha niya ang isang basong tubig sa mesa at ininum.

Napangiti siya ng maramdamang ang pag gaan ng pakiramdam. Ang sarap lang kasi nung feeling na wala siyang Jace na aalalahanin ngayong araw na ito at bukas.

Finally, I'm free!!!

"Good morning ladies..."

"Kuya Jace!!!" si Dale with an all-out smile.

Muntik na niyang maibuga sa mukha ni Dale ang kalulunok lang niyang tubig. Mabuti na lang at natakpan niya agad ang bibig, dahil kung hindi ay tiyak na ipapahiya niya ng husto ang sarili sa magiging itsura niya.

Akala ko ba nasa Manila ang kumag na ito?!

"Hi po kuya Tristan." si Dale ulit sa kuya niya.

Feeling niya ay aatakihin na yata siya sa puso dahil sa bilis na pagtibok ng puso niya.

Habang nakayuko at kunwari ay busy sa pagbabasa sa hawak na libro. Ay nakita niya sa peripheral vision niya, ang pagtabi ni Jace kay Dale kung saan ay nakaupo naman sa harap niya.

"Medyo busy yata kayo ngayon ah..." si Jace.

"Eh kasi naman kuya finals na. Eh kayo ba? Hindi?"

"Hmm...medyo naging busy rin. Ngayon lang yata kami medyo na relax." anito sabay tawa ng kaunti.

"Hindi ba dapat ay nasa Manila ka ngayon? Anong ginagawa mo dito!?" out of nowhere ay bigla niyang tanong rito habang straight na nakatitig sa mga nito na nakatingin rin pala sa kanya.

Nahihibang ka na ba Kassey!? Kulang na lang ay magdala ka ng placard at may nakasulat na affected ka pa rin sa ginawa mong paghalik kay Jace!

"May pupuntahan kasi kami mamaya ni Jace na importante kaya hindi na lamang siya tumuloy." sagot ng kuya niya, na hindi na niya napansing tumabi pala sa kinauupuan niya.

"I hope it answers your question." sarkastikong dagdag ni Jace na parang walang planong iwasan ang mga mata niya.

Siya na lamang ang umiwas ng tingin at agad na niligpit ang mga gamit na nasa mesa.

"Sa kwarto na namin ito tatapusin kuya. Ate Nimfa, patulong naman po na mailipat itong mga gamit namin sa kwarto." aniya habang busy sa pagliligpit.

"Huwag na kayong lumipat. Aalis na rin kami ni Jace maya-maya lang." narinig niyang sabi ng kapatid niya.

"Oh come on, Kassey. Don't tell me you're still affected?" may halong pangangantiyaw na tanong ni Jace sa kanya.

Nanlaki ang mga niya sa sinabi nito at napatingin ulit sa binata. Kung wala lang talaga ang kuya niya at si Dale, tiyak na sa mukha nito ang bagsak na lahat ng gamit na bitbit niya.

Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nakuha pa rin niyang pigilan ang galit na nararamdaman at ngitian ito.

"Excuse me?" sabay taas ng kaliwang kilay niya.

Hindi agad siya nito sinagot. Habang nakatingin sa mukha niya ay unti-unti itong napangiti.

Mas lalo siyang kinabahan ng ngumiti ito sa kanya. Na para bang may sekreto itong alam na anytime ay pwedeng-pwede nitong ibunyag.

Oh my God! May plano ba itong mag sumbong sa Kuya Tristan niya sa ginawa niyang paghalik rito.

Pa simpleng pinandilatan niya ito na may halong pagbabanta.

"She's still affected to what?" nagtatakang tanong ng kuya niya.

Biglang humiwalay ang mga mata ni Jace sa kanya at napunta sa kuya niya. Ibubuka na sana nito ang bibig pero inunahan niya ito.

"Affected kay Caleb kuya!" aniya. "Tama! tinatanong niya kung affected pa rin ba ako sa pang-aasar niya kay Caleb." habang nakatingin sa kapatid na bahagyang nagulat. "Di ba?" tingin ulit kay Jace, na hindi maitago ang amusement sa mga mata habang nakatingin sa kanya.

Nang hindi ito sumagot ay inilagay niya ulit sa mesa ang mga bitbit na gamit at sinabing maghahanda lang siya saglit ng merienda nila. Nakakailang hakbang na siya ng maisipang bumalik.

"Tulungan mo ako?" aniya kay Jace na hindi na nakuh pang sumagot, dahil hindi pa man natatapos ang tanong ay hinila na niya ito patayo.

"Ako na lang ang tutulong sa iyo Kassey." si Dale.

"It's alright, kaya na namin ito ni Jace." sagot niya rito. At saglit na tiningnan ng matalim ang binata.

"O-okay..." mukhang ito ang kinabahan sa nakikitang paraan na pagtingin ni Kassey sa binata. "May God be with you kuya Jace..." lihim na dasal ni Dale.

Hindi na siya pumalag ng hilain siya ni Kassey papasok sa loob ng bahay. Feeling niya kasi ay kakainin siya nito ng buhay kapag pumalag siya. Habang nakatalikod ito sa kanya at nakahawak sa kamay niya ay hindi napigilang mapangiti. Nagulat siya sa naramdamang kasiyahan ng mga oras na iyon.

Sinadya talaga niyang sabihin kay Tristan na pupunta siya sa Manila ngayon. Ramdam niya kasi ang pag iwas ni Kassey sa kanya. Which is understandable naman dahil tiyak na nahihiya pa rin ito sa nangyari sa canteen.

Pero hindi niya mapigilan ang sariling ma miss ito. Kaya naman pagkapasok niya kanina sa gate at makita itong nakaupo sa garden ay naramdaman niya ulit ang pamilyar na pagkabog ng mabilis ng dibdib niya. Hindi pa niya kayang bigyan ng pangalan ang nararamdaman. Pero segurado siyang sumasaya siya kapag nakikita niya si Kassey.

Wala naman talaga siyang balak na sabihin kay Tristan ang nangyari sa kanila sa canteen. Sa tagal kasi na hindi sila nagkita, ay hindi na niya napigilan ang sarili kaninang asarin ito, gaya na lamang ng ginagawa niya rito noon. Aaminin niyang na miss niya ang mga asaran nilang dalawa.

Binitawan niya ang kamay ni Jace ng nasa loob na sila ng kusina. Pagkatapos ay nagpipigil sa galit na hinarap at kinausap ang binata.

"Anong gusto mong gawin ko, for me to make sure na hindi lalabas diyan sa bibig mo ang nangyari sa canteen?"

"And what makes you think na gagawin ko yun?"

"Ipagpalagay na nating wala ka talagang balak na ipagkalat iyon. Pero hinding-hindi ako papayag na gamitin mo iyon sa akin, para pagmukhain mo akong tanga sa kakaisip na baka bigla ka na lang tupakin at sabihin sa kuya ko o sa mga magulang ko ang nangyari. O baka magalit ka sa akin, maisipan mong mag higanti at gamitin iyon laban sa akin. Naiintindihan mo ba ako?" aniya sa binata na tahimik lang na nakikinig sa kanya.

Maya-maya ay dahan-dahan nitong iniklian ang distansiyang nakapagitan sa kanila. Dahan-dahan rin naman siyang napapa-atras. Pero huminto siya ng maramdaman ang mesa sa likod niya.

"W-what do you think you're doing?" mahinang tanong niya rito na hindi humihiwalay sa mga mata niya.

Halos tatlong pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila ng huminto ito. Hinaplos nito ang pisngi niya at pagkatapos ay dahan-dahang bumaba ang kamay nito papunta sa mga labi niya.

"Hindi ko alam kung anong spell ang ginamit mo when you kissed me, Kassey. After that kiss, I can't seem to take you out of my mind. I experienced more than that to other women. But it was your kiss that I can't seem to forget."

"J-ace..."

"God knows how much I want to kiss right now. But not today sweetheart or in the near future. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko para sa iyo. At hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong hilingin ito sa iyo. Please be mine, Kassey. Maybe not now but when the right time comes. I want you to be mine."

"I don't know what say..." magkahalong pagka gulat, kaguluhan at kasiyahan ang nararamdaman niya ng mga oras na iyo.

"Then, say yes." may pagsusumamong sagot nito.

"Pero..."

Napapikit ito at pagkatapos ay bahagyang lumayo sa kanya. "I'm sorry, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Just forget what I--."

"YES!" Nakangiting sagot niya rito.

To be continued...