Ten years later...
"Earth calling Kassandra!!!" malakas na tawag ni Dale na bahagya niyang ikinagulat.
Kasalukuyan niyang kausap ang kaibigan sa Skype. Nasa New York ito ngayon para sa fasion week. Isa lang naman kasi ito ngayong sikat na ramp model not just here in the country but most especially abroad.
"Narinig mo ba ang sinasabi ko?"
"Sa lakas ng boses mo Ashleydale, ay malamang na pati ang mga customers ko na nasa labas ng opisina ko ay naririnig ka rin." pabiro niyang sagot rito.
Kahit na ang totoo ay wala siyang naintindihan sa ikinuwento nito. Basta pa tungkol kay Jace na ang ikinukwento ng kaibigan, ay agad niyang ibinabaling sa ibang bagay ang atensiyon niya.
"Sorry naman, eh kasi naman hindi ka na umimik diyan eh."
Inilagay niya sa mesa ang mga hawak na bulaklak at hinarap ang kaibigan.
"Ano ba kasi ang gusto mong marinig? It has already been 10 years, Dale. At may kanya-kanya na rin kaming buhay. And he is engaged for God's sake!"
"At naniwala ka naman dun? Ilang beses na bang kini claim ng mga nagiging girlfriends ni Jace na engage na ang mga ito sa kanya? Let me just remind you, that your Jacinto Sebastian has always been one of the most sought after bachelor ever since na nag debut siya sa music industry."
"He is not mine, Dale. He was never been mine."
"Oh come on. Hindi nga ba at ten years ago ay--"
"You're right, TEN years ago. Pagkatapos ay bigla na lamang siyang naglahong parang bula, ni hindi na nga siya umattend ng graduation nila." aniya habang ipinagpatuloy ang pag-aayos nga mga bulaklak sa isang puting vase.
"Baka naman may valid reason siya."
"Aside from phones, may messenger, skype at kung ano-anu pang form of communication. Bakit hindi niya ako kinontak? It only means that, he was not serious sa sinabi niya. At ako naman itong si tanga na dapat ay mas nakakakilala sa kanya, ay naniwala naman agad at umasa." Pagkatapos ayusin ang mga bulaklak ay inilagay niya muna ito sa center table ng sofa niya sa opisina, bago humarap ulit sa laptop niya. "Kaya naman please lang, tigilan mo na ang ka ka-update sa akin tungkol sa kanya."
"So, nakapag move on ka na?" nagdududang tanong nito.
"Oo naman..." confident niyang sagot rito sabay ngiti.
"Talaga?" ayaw pa rin nitong tumigil.
"I was just 16 years old back then. And now at 26, I'm Kassandra dela Cruz version 3.0. So trust me, I've moved on."
"Eh paano kung sabihin ko sa iyong nasa bahay niyo ngayon si Jace? And that he will be staying in your house for a month or two?"
"What?" agad na nawala ngiti niya sa narinig.
"Oh, akala ko bah nakapag move on kana? You're Kassandra dela Cruz version 3.0 diba?" hindi mapigilang matawa ni Dale sa naging reaksiyon ng dalaga.
"You're just joking right?" nagdududang tanong ni Kassey rito. Hoping na bigla na lamang ito tatawa at sabihing nagbibiro lang ito.
"It's for you to find out. Bye..." kinindatan pa siya nito bago tinapos ang video call nila.
Kilala niya ang kaibigan, parte na ng karakter nito ang pagiging mapagbiro. Pero alam niyang masyadong mabigat ang sinabi nito para maging isang biro lang. At malamang na sa kanila ito mag e-stay dahil matagal ng ibinenta ng mga magulang nito ang dating bahay nila sa Masbate.
So he's back.
Sumandal siya sa swivel chair at ipinikita ang mga mata.
Ten years ago...
Excited siyang bumangon ng umagang iyon. Habang naliligo, ay feeling niya ay huni ng mga ibon ang lagaslas ng tubig na nanggagaling shower. At may mga mumunting fairies na nagsasaboy sa kanya ng fairy dust.
Hanggang ngayon ay parang panaginip lang ang nangyaring pag-uusap nila ni Jace kahapon. Oo nga at 16 pa lamang siya at masyado pang bata para pumasok sa isang relasyon. Pero gaya nga ng sabi ng binata, hindi pa naman sa ngayon nor in the near future. Alam nitong medyo ilang taon pa ang aabutin bago dumating ang tamang panahon upang pasukin nila ang isang relasyon. Ang gusto lang naman nito ay ang kasiguraduhang pagdumating na ang araw na iyon, ay magiging sa kanya siya.
Mukhang si Jace yata ang gumamit ng spell sa kanya. Dahil lahat ng inis at mga hindi niya gusto rito mula pa noong mga bata pa sila ay biglang naglaho at napalitan ng isang damdaming hindi niya pa kayang pangalanan.
Pero-pareho naman silang hindi nagmamadali. May mahabang panahon pa sila upang mas lalong kilalanin ang isa't-isa sa ibang aspeto at tukuyin ang mga damdamin nila para sa isa't-isa. In the mean time, ay sapat na sa kanya ang mga narinig kay Jace at malamang pareho silang masaya sa nangyayari.
"Good morning!" masayang bati niya sa mga magulang at sa kapatid na nauna na sa dining room.
Hinalikan niya ang mga magulang sa pisngi bago umupo katabi ang mommy niya.
"Mukhang masaya yata ang gising ng baby namin ah." ang daddy niya.
"Daddy naman eh, sixteen na po ako. Please stop calling me baby."
"At bakit naman? Eh ikaw naman talaga ang baby namin ng daddy at kuya mo?" ang mommy niya na nakisali na rin sa usapan nilang mag-ama.
"Pati ba naman kayo mommy? Kuya oh..." natatawang hingi niya ng tulong sa kapatid na karaniwan ay lagi niyabg kakampi sa lahat ng bagay.
"Tama sila daddy and mommy, Kass. Bata ka pa, kaya pag-aaral mo ang asikasuhin mo. Huwag ang mga bagay na walang ka kwenta2x." seryosong sagot nito. Ni hindi man lang siya nito tiningnan habang kumakain.
"Whoa! Ang seryoso mo naman yata ngayon big brother. Chill..." hindi niya mapigilang matawa sa inaasta ng kapatid.
"Bilisan mo na at mali-late na tayo." anito at pagkatapos ay nagpaalam na sa mga magulang nila.
Weird...
Aniya sa isipan, hindi na lamang niya pinansin ang inasal ng kapatid.
Habang papuntang campus ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng kuya niya.
"May problema ka ba kuya?" hindi niya napigilang magtanong.
"Hmmm? Wala naman. What makes you think na may problema ako?"
Nagkibit lang siya ng balikat.
"Ewan, naramdaman ko lang." aniya at pagkatapos ay pa simpleng tiningnan ang phone niya.
Wala man lang pa good morning?
Nag text kasi ito sa kanya ng good night kagabi. Kaya inasahan niyang may matatanggap siyang text ulit rito ngayong umaga. Well, baka tulog pa siguro ito o di kaya ay nagmamadali dahil may importanteng lakad. Siguro naman may magkikita sila ni Jace sa campus o di kaya ay maski isang text man lang sa buong araw. Sapat na sapat na sa kanya iyon.
Napangiti siya, pagkatapos ay ipinasok muli sa loob ng bag ang phone niya.
Pero hanggang sa kinuha na siya ng kuya niya sa campus dahil uwian na ay wala pa rin siyang nakikita ni anino ng binata. Kanina pa din niya tinitingnan ang cellphone niya, pero ni isang text ay wala pa siyang natatanggap galing rito. Offline din ang messenger nito.
"Hmmm...hindi ko yata napansin si Jace ngayong araw. Hindi ba at parati kayong magkasama?"
Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sinagot ng kapatid.
"Alam mo bang ngayon ka lang nagtanong tungkol kay Jace?"
Opps! mukhang mali yata ang naging diskarte niya.
"Napansin ko lang naman. It's totally fine kung hindi mo sagutin. Ang tahimik mo kasi, naghahanap lang ako ng topic na pwede nating mapag-usapan." nakahinga siya nga maluwag pagkatapos magsalita.
Magaling, Kassey...
"He is in Manila. Kaninang umaga ang flight niya." maikling sagot nito.
Kaya pala...
"Oh, okay. Pero di ba at may practice kayo ngayon para sa graduation march?"
Ilang segundo ulit ang lumipas bago nito sinagot ang tanong niya.
"He will stay there for good. Hindi na rin siya aattend ng graduation namin. Ipapadala na lamang sa kanya ang diploma."
"What?!" gulat na gulat na sabi ni Kassey.
"Mauna ka ng bumaba, may pupuntahan pa ako." anito.
Hindi niya napansing nasa harap na pala sila ng bahay nila.
Tulalang bumaba siya ng sasakyan. Ilang minuto rin siyang nakatayo sa harap ng gate ng bahay nila. Litong-lito ang isip niya, malayo ito sa inaasahan niya na mangyayari sa araw na iyon.
Wala sa sariling binitawan niya ang dala-dalang backpack at folders. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad patungo sa dereksiyon ng bahay ni Jace.
Nagsimula sa mabagal na paglakad, hanggang sa unti-unting bumilis at tumatakbo na siya, na para bang maaabutan pa niya si Jace sa bahay nito.
"Kassey!!!" narinig niyang tawag sa kanya ng katulong nilang si Nimfa. Pero wala siyang planong huminto. Iisa lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Ang patunayang hindi totoo ang sinasabi ng kuya niya. Na wala lang ito sa mood kaya kung ano-anu na lang ang pinagsasabi.
Hindi iyon totoo. Nasa Masbate lang si Jace at kasalukuyang busy sa pag-aasikaso ng mga requirements nito. Malamang pa nga ay kakauwi lang din nito sa bahay nila.
Pero bakit kinakabahan siya? Kahit gaano niya kinukumbinsi ang sariling hindi totoo ang sinabi ng kapatid ay hindi man lang iyon nagpagaan ng pakiramdam niya. Mas lalo pa itong nagpabigat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Hindi na siya halos makahinga dahil sa hingal at sa tindi ng emosyong nararamdaman ng makarating sa harap ng bahay ng binata. Nakatitig lamang siya sa bahay habang pilit na kinakalma ang sarili.
Ano ba ang dapat niyang gawin? Mag do-doorbell ba siya? Kung may magbukas naman ng gate sa kanya, ano naman ang sasabihin niya? Hahanapin niya ba rito si Jace? Pero bakit niya ito hahanapin? May karapatan ba siyang hanapin ito at the first place? Ano ba kasi ang status nilang dalawa?!
Napaupo na lamang siya sa daan at ibinuhos ang lahat ng sakit at sama ng loob sa pag-iyak. Awang-awa siya sa sarili. Paano niya hinayaan ang sariling masaktan ng ganito.
Damn you, Jace! How can you this to me?!
Halos isang oras rin siyang nasa ganoong posisyon bago nagpasyang tumayo. Pinahid ang mga luha sa mata at nagsimulang lumakad pauwi.
Simula ng araw na iyon, ay hindi na muling nakita ng pamilya niya ang dating Kassey na kilala ng mga ito.
Naging mailap na siya sa mga tao at parating pinipiling mag-isa. Naging mahirap na rin sa kanya ang magtiwala, maliban na lamang sa pamilya niya at kay Dale. Siguro ay dahil sa takot na masaktan ulit.
Hindi rin siya pumayag na magpa-party during her debut. Kumain lamang sila sa labas at pagkatapos ay umuwi para matulog.
Ilang beses rin siyang gustong kausapin ng mga magulang tungkol sa malaking pagbabago niya pero hindi niya kayang sabihin sa mga ito ang totoo. Ang tanging assurance na ibinigay niya, ay na hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakasama niya. At humiling na sana ay hayaan na lamang siya ng mga ito, ng mga panahong iyon. Na ibinigay naman ng pamilya niya sa kanya.
Hindi na siya nagtaka ng sumikat nga husto si Jace, matapos itong madiskubre ng isang sikat na talent manager. Aside sa physical appearance ay malakas rin ang charm nito sa mga tao at magaling din itong kumanta kahit noon pa man.
Kakauwi lang niya noon galing eskwelahan ng excited siyang tinawag ng mommy niya.
"Halika at tingnan mo kung sino ang guest ngayon sa Showtime! Dali!" Anito habang hila-hila ang kamay niya.
Noon pa man ay hindi na siya mahilig manood ng tv at mas lalo na ngayong nalaman niya mula kay Dale na isa si Jace sa mga bagong talents, na nadiskubre ng isang sikat na tv network sa bansa.
"Look..." sabay turo ng mommy niya sa tv nila sa sala.
Si Jace, habang kumakanta ng isang ballad song.
Sa galing nito ay pwede na itong ikumpara kay Darren Espanto. Though nagsisimula pa lang naman ito, ay sigurado siyang mas lalong sisikat ang binata paghinasa pa ito nga husto, ng tv network na kinabibilangan nito.
Habang tinitingnan ang binatang kumakanta ay nagsimula namang mamuo ang mga luha sa mata niya.
"Aakyat na po ako." Paalam niya sa mommy niya sabay halik sa pisngi nito. Pagkatapos ay nagmadali ng umakyat sa kwarto.
Kasalukuyan...
Iminulat niya ang mga mata at wala sa sariling napatitig sa kisame ng opisina niya.
And now, after 10 years ay makikita niya ulit ito. Handa na ba siyang harapin ang binata?
Inilagay niya ang kanang kamay sa dibdib at pinakiramdaman ang sarili.
Naroon pa rin kaya ang damdamin niya para rito?
Mga tanong na hindi niya kayang sagutin. Dahil alam niyang hindi niya magugustuhan magiging sagot.
To be continued...