Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Princess Agents (Tagalog)

Xiaoxiang Dong'er
292
Completed
--
NOT RATINGS
2.6m
Views
Synopsis
Matapos makatakas ni Chu Qiao sa pagkakakulong, isang pagsabog ang nagtapos sa kanyang buhay. Ngunit parang isang himala, natagpuan niya ang kanyang sarili sa katawan ng babaeng 8 taong gulang, na isang alipin. Sa pagkakataong ito, nakilala niya si Yan Xun, ang prinsipe ng Yan Bei. Naging sandalan nila ang isa’t-isa at sabay nilang hinarap ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Walong taon ang i-nilagi nila para makabalik si Yan Xun sa kanyang bansa. Hindi sumuko si Chu Qiao sa pangalawang pagkakataon para mabuhay. Hindi niya hinayaan na masira ang prinsipyo niya sa buhay. Walang permanenteng bagay sa buhay. Minsan ay nag-iiba ang pananaw sa buhay at hindi maiiwasan na ibang landas ang tatahakin. Dito niya lubusang nakilala ang taong simula pa lang ay handa at laging nariyan para protektahan siya — si Zhuge Yue.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Ika-12 ng Mayo 116, Alas dos ng madaling araw, sa probinsya ng 'X: na isang lungsod ng imperyo.

Pitong itim na sasakyan ang mabilis na bumabaybay sa haywey ng X. Nakapalibot ang anim na sasakyan sa isang sedan na nasa gitna ng convoy. Ang mga sasakyang ito ay gawa base sa mga detalyeng galing sa militar. Ito'y naglabas nang napakalinis na tunog mula sa highly powered engine nito. Nababalot din ito sa high performance alloy. Kung titingnan nang maigi ay mapapansin ang mga spiral pattern mula sa windshield na siyang rason para maging bulletproof ito. Walang nakapaskil na plate number o military insignia sa sasakyan. Samakatuwid, kahina-hinala ang convoy na ito. Papaanong nakapasok ito sa isang secured na lungsod?

Matapos ang isang oras ay pumarada ang convoy sa isang ordinaryong kulay dilaw na gusali sa isang liblib na lugar sa 'X'. Apat na sundalong suot-suot ang kanilang uniporme ang naglakad palapit sa mga sasakyan at sumenyas na ang convoy ay sasailalim sa security check. Nang bumukas ang pinto sa isa sa mga sasakyan, isang lalaking naka-itim na suit ang lumabas at inabot ang isang pulang kard. Matapos makita ng sundalo ang pulang kard ay mahina niyang sinabi "Kailangan ko po munang humingi ng permiso sa mga nakakataas."

Nagdikit ang kilay ng lalaking nakasuot ng suit na mukhang nainis. Pabulong nitong sinabi na "Nandiyan na sa kard ang pirma ni General Jin, kaninong permiso pa ba ang kailangan mo?"

"Kakautos lang po ng mga nakakataas. Walang pong puwedeng makapasok dito bukod sa 'Head of the State' at ang mga pinayagang makapasok nila General Jin at ang Chief of Staff na si Mr. Zhang." Direkta niyang sagot dito.

"Ikaw..."

"Li Yang."

Isang malalim na boses ang narinig na galing sa sasakyan sa kanyang likuran. Isa sa mga itim na sasakyan ang dahan-dahang umabante, at ibinaba ng nagmamaneho ang bintana. Makikitang isang matanda na bagama't ay halata ang pagod sa kanyang mukha ang pinanggalingan ng malalim na boses. Ikinagulat ito ng sundalo at dali-daling tumayo ng tuwid at sumaludo, "General Sir!"

Tumango lamang si General Jin at nagtanong, "Maaari na ba kaming pumasok ngayon?"

Napatigil nang sandali ang sundalo at sinabing, "Kautusan po ni Chief Zhang na dapat walang umaandar na sasakyan sa loob ng kampo, maari lamang po kayong maglakad."

Nakasimangot si General Jin habang tinatapik ang kanyang binti bago sinabing, "Kahit ako kailangan na maglakad?"

Lalong nabagabag ang sundalo ng dahil sa sitwasyon. Tumingin ito sa sasakyan, papunta sa binti ni General Jin na na may bali ang paa. "Pasensya na ho, General Jin, pero ito po ang utos na galing sa nakakataas. Walang kahit na sino ang puwedeng gumamit ng sasakyan sa loob ng kampo, tanging paglalakad lang ang pinapayagan."

Namula ang mukha ni Li Yang sa sobrang galit nito.

Mahinahong pinaalis ni General Jin ang sundalo at humarap kay Li Yang. "Pumasok ka sa loob at dalhin mo ang mga dokumento ko. Kailangan mong mailabas si Agent 005 nang ligtas at sigurado. Hindi na puwedeng mangyari ang nangyari kay Agent 003. Ang mga agent natin ay kayamanan ng 'Empire'."

Natigilan nang sandali si Li Yang kaharap ang pagod na General. Sumaludo ito at determinadong nagsalita. "Huwag po kayong mag-alala General, sinisiguro kong matatapos ko ang pinapagawa niyo."

Subalit, sa sandaling iyon ay isang pagsabog ang umalingawngaw. Makikita ang liwanag mula sa nagbabagang apoy na siyang nababalot sa usok nito. Nanlaki ang mga mata ni Li Yang sa gulat, at dali-daling itong tumakbo papaloob ng kampo.

Sa gabing ito, mahimbing na natutulog ang mga naninirahan sa bayan ng 'X', sa labas ng limitasyon ng lungsod na ito, sa Fourth Military Prison, ay may isang pagsabog na naganap na siyang ikakagulat ng mundo. Isang lugar lamang ang tinititigan ng lahat habang naghihintay na sumikat ang araw.

Apat na oras bago ang mga pangyayaring ito.

Sa hukuman ng Fourth Military Prison ay may pitong high ranking military officials na nakaupo suot ang kani-kanilang uniporme. Sa kanilang mga balikat ay nakasukbit ang mga kumikislap na rank insignia na para bang palamuti. Lahat sila'y mga General. Mayroong limang hukom na mula pa sa iba't-ibang dibisyon na kung saan ay sumusunod sa kani-kanilang military system. Sa ilalim nila'y nakatayo ang dalawampung kalalakihan na hawak ang isang modelo ng machine gun, ito ang Kurt MOD733 5.56 caliber. Kabilang sila sa pinaka kilalang special forces operatives sa bansa. Handa silang patumbahin ang sino mang pipigil sa kanila.

Seryoso at tahimik sa loob ng hukuman, lahat ay nakatingin ng maigi sa akusado. Sa mga oras na iyon, isa sa mga hukom ang nagsalita, "Pangalan."

"Chu Qiao." Mahinahong sagot ng akusado. Mababa at malat ang boses nito, pero hindi ito naging sagabal para malaman ang kanyang kasarian.

Kagaya ng inaasahan nilang lahat, isang babaeng suot-suot ang isang kulay berdeng military pants at puting pang-itaas. Makikita ang katamtaman niyang braso dahil nakataas ang kanyang manggas. Mahinahon itong nakaupo at walang bahid ng kaba ang mapapansin sa kanya.

Itinuloy ng hukom ang proseso, "Kasarian?"

"Babae."

"Araw ng kapanganakan?"

"October 8th, 90."

"Tirahan?"

"Luo City sa Yun Tu Province."

"Ano ang mga naging posisyon sa militar?"

"Pumasok ako sa military school ng Empire noong 109. Sa taong 111, napili ako at nilipat sa 5th Intelligence Unit sa loob ng Military Command Center para mag-aral. Sa taong ding iyon ay inilipat naman ako sa Hawk Squad ng 7th army para simulan ang pagsasanay ko. Sa August 27, nang 112 ay pormal akong naging parte ng 5th Intelligence Unit at nagtrabaho ako sa section 2 sa data analysis & distribution. Noong December nang 113, lumipat ako sa Intelligence Department sa Y City, at doon sinimulan ang 'Plan HL' kasama ang 9th Military Intelligence Division. Sa buwan ng June ng sumunod na taon, nagtrabaho ako bilang espiya sa labas ng bansa. Bumalik ako ng November ng 114, at nagtrabaho sa 11th Division Command Center bilang Assistant Commander hanggang sa kasalukuyan."

"Anong mga operations ang kina-bilangan mo habang nasa tour of duty ka?"

"Lahat-lahat ay may 97 na operasyon ang nagawa ang 11th Division, na kung saan 29 sa misyon ay pinangungunahan ko. Sa 29 na misyon ay may 11 na one-star na misyon, 9 two-star, 5 three-star, at 4 na four-star pero walang five-star."

"Anu-anong mga operasyon ang kina-bilangan mo noong nasa serbisyo ka pa? paki bahagi ang mga misyong may four-star pataas."

"Noong August ng taong 114, gamit ang impormasyong nakuha namin sa 7th Intelligence Division, na sinalihan rin ng 9th Intelligence Division para sa 'Operation Sea Salt' na pinagplanuhan namin ni Colonel Li. Sa operasyong ito ay nakakuha kami ng tatlong toneladang uranium ores. Pagdating ng November sa parehong taon, nagsama ang 11th Division at 6th Outpost Division para sa isang 'Bait and Capture' na operasyon. Matagumpay naming nahuli ang lider ng mga rebelde na si 'Mica Half Rat', at tuluyang nawasak ang nuclear reserves ng bansang F.

"April ng 115, pinagplanuhan akong makumbinsi ang mga makapangyarihang tao sa bansang E, matagumpay ko itong nagawa at nakuha ko rin ang password ng Central Bank. Sa June ng parehong taon, plano ng 11th Division, na sa tulong ng bansang X at ang mga makapangyarihang tao sa bansang E, pati narin si Agent 003 ng 9th Division na isagawa ang 'Operation Ximo', dahil dito ay napasa-kamay natin sa blueprint ng HK-47."

Iniangat ng hukom ang kanyang salamin habang binabasa ang mga dokumento bago magtanong, "Maari mo bang ipaliwanag kung ano ang relasyon mo kay Agent 003 ng 9th Military Intelligence Division?"

Tumaas ang kilay ng akusado, nagbago ang kanyang kalmadong ekspresyon at napalitan ito nang nakapanlalamig hitsura. Tinitigan niya ang pitong opisyal bago siya sumagot. "Noong nagsasanay pa ako sa 7th Army, nanirahan ako kasama sina Agent 003, Agent 007 at si Major Huang Minrui na isang Operations Planning Officer ng 11th Division. Noong 115 ay naging parte ako sa "Operation Ximo", kasama ko doon si Agent 003."

"Paano mo ilalarawan ang relasyon mo kay Agent 003? Isang kaibigan? katrabaho? o isang kakilala?" dagdag na tanong ng hukom.

Nanatili itong kalmado at tinaas muli ang kanyang kilay. Matapos ang ilang saglit ay sumagot siya, "Magkaibigan kami."

Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga jury. Tiningnan niya ng matalim ang dalawa sa mga hukom. Makikitang hindi nila matago ang kanilang mga ngiti.

"Maari ba nating sabihin na malapit kayong magkaibigan ni Agent 003 na kung saan ay nababahagi niyo ang lahat sa isa't-isa?" tanong ng babaeng hukom na nakasuot ng dark green na military outfit.

Hinarap ito ni Chu Qiao at tiningnan nang maigi ang babaeng hukom, sandali niyang pinag-aralan ito bago nagsalita, "Your Honor, kami ni Agent 003 ay dumaan sa propesyonal na pagsasanay at nabibilang sa mga pinakamahusay na mga sundalo ng ating bansa. Malinaw sa amin kung ano ang maari naming ibahagi at kung ano ang hindi. Dahil sa paratang niyo tungkol sa amin, pakiramdam ko'y pinagdududahan niyo ang propesyonalismo namin. At napakalaking insulto nito para sa isang amin na handang itaya ang aming buhay para sa kanyang bansa."

Natahimik na lamang babaeng hukom. "Chu Qiao, sa ngayon, maari mo bang ipaliwanag at pangatwiranan ang 'Operation M1N1'," pagpapatuloy ng unang hukom.

Sa puntong ito, ang hearing ay patungo na sa pinaka importanteng parte nito. Matapos nilang marinig ito, ay humarap sila ng diretso at tinuon ang pansin sa dalawang hukom na nasa edad na 40.

Tumungo ng bahagya si Chu Qiao at nagbanat ng kanyang katawan. Mabagal ngunit malinaw niyang bigkas na, "Gusto kong makausap ang aking superior, kung hindi naman, ang trial na ito ay mangyayari lamang sa pinakamataas na hukuman. Pero bago ang lahat ng yan ay wala na akong ibang masasabi tungkol sa 'Operation M1N1'."

Napasimangot ang hukom, at may halong galit na sinabing, "Kinukuwestiyon mo ba ang awtoridad ng hearing na pinamumunuan ng limang Military Districts na itinalaga ng mga naunang law experts?"

"Hindi ko kinukuwestiyon ang awtoridad niyo. Nais ko lang makita ang aking superior, kung walang kasulatan mula kay General Jin na maari kong ipahayag ang detalye ng 'Operation M1N1', ay hindi ko maaring ibahagi ang nalalaman ko tungkol sa operasyong to," taas noong sagot ni Chu Qiao.

"Ipaliwanag mo ang utos mo noong sinugod at sinalakay ang Main Operations Building, na siyang dahilan sa pagkamatay ng mga hostage mula pa sa iba't-ibang bansa," pagpapatuloy na tanong ng hukom.

"Hindi sila mga hostage," taas kilay niyang sagot, "lahat ng mga kautusan ko ay alinsunod sa military law at hindi ako pumatay ng kahit sinong inosenteng tao. Kung makikita ko ang kasulatang may pirma galing sa aking mga superior at kay General Jin ay ipapaliwanag ko ang bong operasyon. Pero hangga't wala yon, wala akong sasagutin na tanong tungkol dito."

Hindi na umusog ang hearing kung kaya't tinapos na nila ito. Matapos makaalis ng akusado, ang hukom at ang mga General ay umalis narin. Kuha ang lahat ng ito sa CCTV. Ngunit, sa ilalim ng isang upuan ay may maliit na aparatong may pulang ilaw na patay-sindi. Sa screen nito ay makikita ang numerong nagka-countdown.

Wala nang natitirang oras.

Tahimik na umupo si Chu Qiao sa kanyang kama. Pinapalibutan ng steel reinforced one-way glass ang kanyang selda, para makita ang bawat kilos nito mula sa labas. Subalit, sa loob naman ay wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa labas. Matibay ang reinforced glass sa kanyang selda, na tanging nuclear bomb lamang ang makakasira dito.

Bilang isang Senior Commander ng isa sa mga pinaka-classified Intelligence Unit ng bansa ay alam na alam na niya ang detalye ng gusali. Pinakiramdaman niya ang kanyang pulso para matukoy niya ang oras, at alam niyang oras na para kumain.

Katulad ng inaasahan niya ay may tumunog, ang hatch sa ilalim na bahagi ng pinto ay bahagyang nagbukas. Isang kamay na hawak ang tray ng pagkain ang lumitaw.

Nakaupo lamang si Chu Qiao, nakayuko at hindi gumagalaw. Sa sandaling iyon isang bato ang lumipad at tumama sa strap ng relo ng sundalo na naglalapag ng kanyang pagkain.

Nagulat ang sundalo nang mahulog ito, sinubukan niyang kapain sa sahig, ngunit hindi niya ito mahanap. Narinig ni Chu Qiao ang pagkahulog ng relo kung kaya't napatingin rin siya dito. Alam niyang bukod sa sundalong naglalapag ng kanyang kakainin ay may isa pa itong kasamang nagbabantay maigi sa bawat kilos niya. Sa karaniwan ay hindi sila maaaring lumapit sa may pinto hangga't hindi pa tapos ilapag ang pagkain nila. Tinuro ni Chu Qiao ang kanyang sarili na para bang nagtatanong kung kailangan nila ng tulong. Nakita ito nang sundalong nakabantay sa labas, pero wala na siyang ibang magawa kundi tanggapin ang tulong nito.

Bumaba siya ng kama at pinulot ang relo, at ipinatong niya ito sa kamay ng sundalo. Ngumiti siya bago kunin ang pagkain at bumalik sa kanyang kama.

Ilang sandali pa'y naging tahimik na sa labas ng selda. Pagkatapos niyang kumain, pumunta siya sa banyo na nasa loob ng kanyang selda.

Bilang isang marapat na pamahalaan, dinisenyo ang banyo para maging pribado. Mula balikat pababa, ay gawa sa isang opaque plastic na kung saan ay di malinaw makita ang nasa loob nito. Naupo siya at yumuko, alam niyang mayroong nagbabantay sa kanya, at hindi siya maaring manatili nang higit pa sa 20 minuto.

Noong napansin niyang walang makakita sa ginagawa niya sa loob ay binuksan niya ang kanyang palad. Nang tumama ang daliri niya sa sundalo ng i-abot niya ang nahulog na relo, ay may plastic sheet na nasa kanyang palad na kung saan ay lihim niyang kinuha ang fingerprint nito. Natakbo ang oras, at alam niyang kinakailangan niya ng kumilos.