Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Nang makumpirma niyang ang DVD ang pakay niya, agad niyang nilagay sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga C4 bombs na nakita niya sa mga gamit sa loob, at inayos ang trigger mechanism nito. Nagsimulang magpatay-sindi ang pulang ilaw sa tuktok ng black box.

Sinuri muna ni Chu Qiao kung talagang patay na ang lahat bago tuluyang umalis. Ngunit sa bago pa man siya makaalis, nakadama si Chu Qiao ng panlalamig malapit sa kanyang leeg.

Agad siyang umiwas at gumulong patalikod. Pina-ulanan siya ng putok at muntik niya ng hindi maiwasan ang tama ng bala. Malakas niyang sinipa ang pintuan para magsara ito. Napaluhod siya sa sahig habang nakikinig sa kabila ng pinto. Naririnig niya ang paghinga ng tao sa labas.

Nanigas ang katawan ni Chu Qiao, at mabagal ang kanyang paghinga. Nakatitig siya sa pintuan at pinoproseso ang mga nangyari. Naiintindihan niya ang kanyang sitwasyon ngayon. Hindi siya kagaya ni Agent 003 na isang super agent galing sa 9th Division. Noong nag-aaral pa siya, natutunan niya ang tungkol sa demolisyon, pagbubuo ng plano, paggamit sa sitwasyon at kung paano epektibong magagawa ng mahusay ang mga large-scaled killings gamit ang limitadong tao na meron ka. Ngunit ngayon sa sitwasyon niya, alam niyang hindi epektibong umatake ng diretso habang ang panganib ay nasa kabilang pinto lamang at ilang metro lang ang layo nito sa kanya. 

Napako ang kanyang tingin sa matandang pumanaw sa kanyang pagtulog.

Isang kalabog ang narinig niya ng biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang dalawang lalaking nagtatago sa labas ng guest room na may nakakalokong ngiti.

Napatitig sila kay Chu Qiao dahil hindi nila inakala na kusang lalabas ito ng kwarto.

Ibinaba ni Chu Qiao ang mga armas niya sa sahig bago humakbang pabalik at nagpakita ng isang Taiji stance. Sumigaw si Chu Qiao, isang hudyat ng pagsisimula na ng laban. Ikinaway niya ang kanyang kamay na nangangahulugan na hinahamon niyang labanan sila ng sabay.

Ikinagalit ito ng dalawang lalaki kaya agad nilang bitawan ang bitbit nilang mga submachine gun at nagpakita ng isang stance ng Japanese Taekwondo. Masama nilang tinigan si Chu Qiao bago mabilis na tumalon papalapit sa kanya.

Umalingasaw ang malansang amoy ng dugo sa buong kwarto. Mabilis silang nakalapit kay Chu Qiao. Sa pangangatawan pa lamang ng dalawang lalaki, madaling isipin kung ano ang kahihinatnan ng ignoranteng babae na naghamon sa kanila.

Ngumiti ang babae na kita ang pagmamataas sa kanyang mukha, at para bang lumitaw nalang bigla sa kanyang kamay ang isang Japanese manufactured na M609 small caliber shotgun. Ang M609 ang pinakamahusay na armas kung malapitan ang labanan, hindi man tumatagos ang bala nito pero siguradong sasabog ang tamaan nito.

Dalawang mahinang putok ang narinig na hindi man lang hinayaan makaramdam ng sakit ang mga tinamaan nito. Sumabog sa katawan ni Chu Qiao lahat ng laman loob ng binaril niya ang ulo ng dalawa.

Sinipa niya ang nakaharang na lalaki sa harap ng pintuan ng banyo. Kahit na hindi kasama sa plano niya ang dalawang ito, wala naman naging aberya at mas nagkaroon pa siya ng ilang minuto kumpara sa balak niya.

Matapos ang 15 minuto, isang babaeng suot ang itim na suit ng Military Law Department ang lumabas sa restroom nito. Naglalakad ito sa pasilyo ng guest department sa ikalawang palapag. Ngumiti ito sa mga opisyal ng 4th Prison nang magkasalubong sila. Sa loob ng tatlong minuto ay nakalabas na siya sa ikalawang lebel.

Ang malumanay at malamig na simoy ng hangin ang humihip sa kanyang mukha habang naglalakad siya sa 4th Prison's main hall sa pinakababang lebel. Ang lahat ay may ginagawa at ang lahat ng naroroon ay mga piling sundalo sa buong bansa. Tumingin si Chu Qiao sa kanyang relo, sampung segundo na lamang bago ang pagsabog.

Pero di na tinag si Chu Qiao at dire-diretso pa rin siya sa paglalakad. Kumuha siya ng isang kopya ng diyaryo sa gilid.

10, 9, 8...

"11 ng Mayo, isang panibagong type A M1N1 disease ang nakita sa Shang Jingl. Sa sandaling ito, 47 na pasyente na ang nagkakaroon ng ganitong sakit. Ang mga port at ilang mga flight papunta at palabas ng bansa ay itinigil muna. Hindi lang tourism industry ang apektado,kundi pati na rin ang stock markets na tuluyang bumabagsak at walang makitang pagbawi dito."

7, 6, 5…

"Ang ulat mula sa Xinhua News Agency: Ayon sa mga kasalukuyang numero ng mga kaso, ang bansang M ay may 689 type A M1n1 disease. Ang numero ng mga pinaghihinalaang apektado ng sakit ay umabot na ng 1272, at 68 na ang patay at patuloy na tumataas ang bilang. Sa bansang Y ay may 352 na tao ang nakumpirmang apektado, 561 ang pinagsususpetsahan na apektado at 97 ang patay. Sa bansang A…"

4, 3…

"Ayon sa Choulian News Agency ng bansang M: Matapos ang imbestigasyon ng ilang mga researcher ng bansang M, pinaghihinalaan nilang sa bansang Z nagmula ang type A M1N1 virus. Dahil sa nakaraang lindol sa bansang Z, nagulo nito ang balanse sa kapaligiran na naging dahilan para lumabas ang virus. Ang mga hakbang na ginawa nila para puksain ito ay hindi naging mabilis o epektibo, kung kaya't madaling lumaganap ang sakit. Ang pamahalaan ng bansang M ay sumang-ayon sa isang short-term solution na itigil ang lahat ng kalakalan sa Z. At kasabay nito ay paalisin lahat ng mamamayan ng 'M' sa loob ng 'Z' habang pagbabawalan naman ang pagpasok ng mga taga-Z. Pinag-uusapan ito ng parliamento at pinaniniwalaang sandali lang ay maisasakatuparan din agad ang solusyon."

2, 1, 0!

Bigla ay nadama ang pagyanig ng lupa at narinig ang nakakabinging pagsabog kasbay ng pagtunog ng mga alarm. Na balot sa makapal na usok at naglalagablab na apoy ang 4th Prison. Hindi mamulat ng mga tao ang kanilang mata dahil sa makapal na usok. Isa-isang nagmamadaling pumunta ang mga sundalo matapos nilang kumuha ng armas papunta sa kung saan nagmula ang pagsabog. Nabalot si Chu Qiao sa dumi, kita sa mukha niya ang gulat bago hinila ang isang sundalo bago tanungin ito. "Anong nangyayari?"

Napansin ng sundalo na hindi taga-4th Prison ang babae dahil sa suot niyang Military Law Department suit na suot nito. Tinulungan niya muna itong makatayo ng maayos bago sumagot, "Sa Military Law Dept. ka ba? Sumama ka sa akin, dadalhin kita palabas."

Hindi alam ng sundalo na ang taong tinutulungan niya ay ang salarin sa pagsabog. At mas lalong hindi niya alam na siya rin ang dahilan sa pagkamatay ng sampu sa mga kasamahan niya sa Military Law Department.

Kasabay ang mga taong nagmamadali papunta sa main hall, nabunggo nila pareho ang isang lalaki na nagmamadali naman taliwas sa pupuntahan nila.

"Ah! Pasensya na po! Ah! Colonel Li!" ang sabi ng sundalo habang sinusuportahan si Chu Qiao.

"Anong nangyari sa loob?" Nakakunot noo na tanong ni Li Yang. Pagtingin niya sa tao sa tabi ng sundalo ay nagulat siya ng malaman na si Chu Qiao ito. Tinuro niya ito habang unti-unti ay bumagsak ang kanyang panga. "Chu…"

Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay naunahan na siyang magsalita ni Chu Qiao. "Nandito ka para hanapin ako, hindi ba? May sumabog sa loob kaya sa labas na tayo mag-usap."

Matapos marinig ng sundalo ang kanilang pag-uusap, madali itong nagsalita, "Hindi ko na kayo ihahatid, hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa loob, kailangan kong bumalik para malaman."

Tumango lamang si Li Yang habang naglalakad paalis ang sundalo. Hinila ni Li Yang papalapit si Chu Qiao bago nagtanong, "Anong nangyari? Bakit gusto ka nilang i-trial? Paano ka nakalabas?"

"Ang M1N1 virus ay isang delubyong gawa ng mga tao. M, R, Y, F at 10 mga sugapang opisyal mula sa mga bansa sa kanluran ang may kagagawan nito. Pati na rin ang ilang sakim na opisyal natin ay may kinalaman dito. Nang makuha namin ang Team X, ang mga 'hostages' na sinasabi nila ay hindi naman tunay na hostage, mga disease specialists sila na nagtatago sa mga Military Research Center sa iba't-ibang bansa. Balak nilang ikalat ang sakit na ito sa buong mundo para tuluyang masira ang ekonomiya ng mga bansa. Pagkatapos ay saka lang nila ilalabas ang gamot para pigilan at maging paunang lunas sa virus na manggagaling sa piling kompanya para malaki ang kitain nila. Heto ang mga ebidensya na nakuha ng mga tauhan ko." Pagpapaliwanag ni Chu Qiao kay Li Yang habang kinukuha ang DVD sa kanyang bulsa na agad din niyang inabot bago magpatuloy sa kanyang sinasabi. "Pumunta si Xiao Shi sa Tokyo para patayin ang isa sa Senior Commander ng Team X, ang dala-dala niya pabalik sa huli ay mga ebidensya na nakuha kapalit ng buhay ng isa sa mga tao ko. Nakakapanghinayang kung paanong pumanaw si Xiao Shi sa Tokyo at hindi naresolba ang kasong ito. Isa sa mga gumawa ng type A M1N1 virus ay ang Team X. Isang grupo na nagbebenta ng laman loob sa labas pero mga sikretong pinag-aaralan ang mga nakamamatay at nakakahawa na mga virus. May mga espiya silang pinadala sa ating bansa, nagtatago sila at proteksyon ng mga namumuno ng bansa. Pumasok sila sa 4th prison bilang mga kasamahan sa Military Law Department bago nakawin ang mga hawak kong ebidensya. Pero wala na silang lahat. 

Hindi makapaniwala si Li Yang sa kanyang mga narinig. "Sinasabi mo ba na ang pumatay kay Xiao Shi ay si…"

"Oo! Ang taong nag-utos na iwan natin si 003 ay isa sa mga espiyang nagtatago sa mga ranggo. Siya rin ang nag-utos sa akin na manatili ako sa 4th prison, siya rin ang kumuha ng mga ebidensya ko para pagtakpan lahat ng mga karumal-dumal na ginagawa nila."

Nabigla si Li Yang sa kanyang mga naririnig at di niya matago ang galit na kanyang nararamdaman na kita sa kanyang mga mata. "Ang mga artillery experts ng 'M' ay pupunta pa sa Shang Jing ngayong araw para bumisita at matuto. Ang dami naming ginawang preparasyon ni Advisor Qian ng Jing Hua Army, hindi ako makapaniwalang…"

"Anong sabi mo?" Pasigaw na tanong ni Chu Qiao.

Natigil si Li Yang bago sumagot, "Ano?"

"Sinasabi mo bang ang mga artillery experts ng 'M' ay pupunta ngayon sa Shang Jing?"

Tumango si Li Yang bago sumagot, "Oo, kadarating lang nila kagabi."

Namutla ang mukha ni Chu Qiao at sinimulang kapkapan si Li Yang, "Dala mo ba ang GPS para mahanap ang arsenal ng militar?"

"Bakit mo naman hinahanap?"

"Dala mo ba?!"

"Paano ko naman madadala iyon?" Mabilis na sumagot si Li Yang nang mapansin na kinakabahan si Chu Qiao, "Halika, alam ko kung nasaan."

Sabay silang sumakay sa isang electric car at madaling nakaalis.

Matapos ang dalawang minuto, nakita niya ang patay-sinding ilaw sa GPS. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya.

"Anong nangyayari? Bakit may bomba sa loob ng courtroom?"

Madaling tumayo si Chu Qiao at naghanap ng armas sa loob ng warehouse. Habang nagmamadali ay nagpaliwanag siya, " Walang tiwala ang 'M' sa Team X na galing sa bansang 'R', natatakot silang papalya ang plano at lalabas lahat ng impormasyon sa publiko. Kaya sila naglagay ng GPS triggered bomb sa loob ng courtroom. Kapag oras na, sasabog ang bomba at kapag nangyari iyon, guguho ang 4th Prison kasama ako at ang mga ebidensya."

"Anong gagawin natin ngayon? Ipapaalam ko agad sa bomb disposal unit at magre-request na rin ako ng mga backup sa special forces, para mabantayan ang mga ambassador galing 'M'."

"Wala ng oras," Mabilis na sagot ni Chu Qiao, "Magpahanda ka ng helicopter para mahawi ang mga tao, pagkatapos dalhin mo ang ebidensya kay Commander Hua. Ang buhay ni Xiao Shi, ang 14 supernatural beings na galing sa 11th Division, at ang mga taong mamamatay dahil sa virus na to ay nasa kamay mo. Hindi ka pwedeng magkamali."

Matapos maintindihan ang malaking responsibilidad na meron siya, napatulala siya. Sa malayo ay kita ang usok kasunod ang mga tao. Nakita niya ang mata ni Chu Qiao na puno ng determinasyon. Nagulat siya at kumirot ang puso niya. Ilang sandali ay tinibayan niya ang kanyang loob at determinado na sumagot, "Magtatagumpay ako Chu Qiao, sana manatili kang ligtas."

Matapos ang kanilang pag-uusap, mabilis siyang tumakbo palabas at hindi kailanman tumingin pabalik sa kulungan na nagpakahirap siyang takasan.

Sampung minuto ang nakalipas at isang helicopter ang umalis mula sa parade square ng 4th Prison.

Nang ito'y nasa himpapawid na, mabilis itong umalis ng 4th Prison at madaling lumipad papunta sa liblib na probinsya.

Nakaupo si Li Yang papunta kay Commander Hua habang hawak ang GPS bomb locator. Seryoso niyang tinitignan ang maliit na tuldok na naghahayag sa 4th level courtroom, tungo sa parade square, sa mga gusali at sa huli ay sa teritoryo ng Shang Jing.

Isang nakakabingi na pagsabog ang muling narinig. Ang pulang tuldok sa GPS ay nawala na.

Hindi magawang lumingon pabalik ni Li Yang. Habang siya'y nakaupo, unti-unti ay hindi niya na napigilan na tumulo ang luha niya.

Tahimik ang naging gabi sa Shang Jing.