Chapter 2 - Chapter 2

Kassey's POV

"Good morning Dale!" Masayang bati niya sa kaibigan sabay upo sa tabi nito.

"Good morning Kassey!" Nakangiting bati rin nito.

"Absent ba si Caleb?" tanong niya rito habang inaayos ang sleeve ng PE shirt niya. Napansin kasi niyang bakante ang katabing upuan.

"Oo nga no? Ngayon ko lang din napansin." Sagot naman ni Dale.

Hindi niya naiwasang mag-alala. Parati kasi itong maagang pumapasok at never pa itong na late or umabsent.

"Good Morning class..." bati sa kanila ng napakagwapong, twenty-eight years old nilang na adviser na si Mr. Ruben Domingo.

"Good Morning sir..." sagot naman nila rito.

"Is everyone ready for the exam?" Nakangiting tanong nito.

May ibang nag sabi ng 'yes' meron ding nag 'no', ang iba naman ay nagrereklamo habang meron din namang excited sa exam. Kasama na sila ni Dale sa mga excited na mag take ng exam.

"Why is Mr. Gonzales not around? Is he absent? May sakit ba siya?" Sunod-sunod na tanong ng adviser nila habang nakatingin sa kanila ni Dale. Alam kasi nitong sila lang ang medyo malapit kay Caleb.

"Sorry, but we have no idea sir." Sagot niya rito.

Magsasalita sana ulit si Mr. Domingo ng pareho silang biglangmay naamoy. Mabango pero dahil sa lakas ng amoy ay naging masakit na sa ilong.

"What the hell is that smell!?" Maarteng tanong at reklamo ni Hillary. Na nakaupo sa likod nila ni Dale.

"Your mouth Hillary..." kalmadong saway ng adviser nila kay Hillary na inismiran lang ng dalaga.

Principal kasi ang tita nito sa PBBU, kaya naman kampante itong hanggang pag-saway lamang ang kayang gawin ng adviser nila rito.

Maya-maya ay napatingin silang lahat ng bumukas ang pintuan ng classroom nila at iniluwa si Caleb. Typical nerd si Caleb, nakasuot ng thick-eyeglasses, braces at buhok na medyo mahaba, na hinati sa gitna. Masyado rin itong focus sa klase nila at wala itong time na magsaya or mag-relax man lang.

Napansin niyang parang mas lalong lumakas ang amoy ng tuluyan na itong makapasok sa loob. Kada estudyanteng nilalampasan nito ay nagtatakip ng ilong. Pero parang wala itong pakialam sa mga reaksiyon ng mga ka klase nila dahil confident itong tingnan habang lumalakad na ipinagtataka niya. Parati kasi itong nakayuko dati kung maglakad at parang parating nahihiya.

Pagkatapos nitong bumati sa adviser nila ay sa kanya agad napunta ang mga mata nito na ikinakunot ng noo niya.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Bakit parang nag-iba yata ang aura nito?

"Good morning Kassey..." bati nito sa kanya na naka all-out smile, kaya kitang-kita ang mga ngipin nitong natatakpan ng braces.

"Good morning din Caleb..." ganting bati niya rito. Pinipigilang takpan ang ilong dahil baka ma offend ito.

"For you nga pala..." sabay suot sa leeg niya ng bulaklak na everlasting na naka-garland.

Gusto niyang pigilan si Caleb pero huli na dahil nasa leeg na niya ang garland. Narinig pa niyang nagtawanan ang mga ka klase niya at may kumanta pa ng graduation march.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya or maiinis sa lalaki. Minsan ay gustong-gusto na niya itong awayin dahil may mga pagkakataon kasing napapahiya siya dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. At ngayon ang pinakamatindi nitong ginawa.

Nang tingnan niya si Caleb ay napakasaya ng mukha nito. Parang hindi naman ito mukhang nangti-trip lang. Kaya napabuntong-hininga na lamang siya at hinayaan na lamang niya ang garland sa leeg niya. Siguradong masasaktan kasi niya ito kapag inalis niya ang garland.

"T-thank you..." aniya at pilit itong nginitian.

"You're welcome Kassey, mabuti na lang at sinunod ko ang payo ng kaibigan mo..." masayang sagot nito.

"Huh?" hindi niya gaanong narinig ang sinabi nito, "payo ng kaibigan" lamang ang narinig niya. Pero hindi na niya naitanong rito kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito, dahil bigla itong tinawag ni Mr. Domingo.

"Mr. Gonzales..." tawag ng adviser nila kay Caleb. "Sumunod ka muna sa akin. Class, please review dahil pagbalik ko ay sisimulan ko na ang exam." Anito sa kanila.

Alanganing napatayo si Caleb. Nagpaalam pa muna ito sa kanya bago nakayukong sumunod sa adviser nila.

"Ang sweet naman ng boyfriend mo Kassey. At may pa everlasting pa talaga. Pati yata perfume mukhang pang everlasting din." Pang-aasar sa kanya ni Hillary.

Nilingon naman niya ito at tsaka nginitian.

"He's not boyfriend Hillary, but at least siya ang nanliligaw sa akin and not the other way around." Sagot niya rito na ikina-pula ng mukha nito.

Hindi lingid sa lahat ng tao sa PBBU ang feelings ni Hillary kay Jace. Halos ito na kasi ang nanliligaw sa binata . Na hindi naman sineseryoso ni Jace dahil para lang daw nakakabatang kapatid ang turing nito kay Hillary. Iyon kasi ang narinig niyang sinabi nito sa kuya niya ng minsang tanungin ito ng kuya niya kung may gusto rin daw ba ito kay Hillary.

May narinig siyang nag-boo kay Hillary. Tanging siya lang naman kasi ang nakakasagot ng ganoon sa dalaga. Ang iba ay takot dahil baka gamitin nito ang koneksiyon nito para ibagsak or patalsikin ang mga ito ng tita ni Hillary na obvious naman sa lahat, ang parating pagkampi nito sa pamangkin. Pero hindi siya, ang kuya niya at si Jace. Dahil stockholders ang mga magulang nila ng PBBU.

Inirapan lang siya nito at tsaka ibinaling ang tingin sa mga kaibigan nito na masama rin kung makatingin sa kanya.

Pagkalipas ng kalahating oras ay bumalik na sina Mr. Domingo at si Caleb. Napansin niyang iba na ang suot nitong pang itaas at tsaka wala na rin gaanong amoy na nakadikit sa katawan nito. Gusto sana niya itong tanungin kung ano ang nangyari pero sinimulan na agad ng adviser nila ang kanilang examination.

***

Canteen

Masaya silang nag-uusap ni Dale habang papasok ng canteen ng may mahagip ang mga mata niya na ikinagulat niya.

At kailan pa naging close ang dalawang to?

Nakita niya kasi na magkasama sina Caleb at Jace sa iisang mesa at masayang nag-uusap. Naroon din ang mga barkada ni Jace, maliban sa kuya niya na for sure ay kasama ng girlfriend nitong si Sarah.

Nakita niyang may ibinulong si Jace kay Caleb na ikinabigla nito sabay hawak sa buhok nito.

Bakit ba imbes na matuwa ako dahil mukhang nagiging close na ang dalawa ay parang may nararamdaman akong mali sa mga nangyayari?

Nang tingnan niya ulit ang dalawa ay nagulat siya dahil nahuli siya ni Jace na nakatingin rito. Nginitian siya nito na para bang sinasabi nito sa kanyang "huli ka!" sabay kindat.

Inis na inirapan niya ito at hinila na si Dale para mag order na sila.

"Hi kuya Jace!" Bati ni Dale sa binata habang napipilatang sumunod sa kanya dahil hila-hila niya ang isang kamay nito. "Kassey nama eh!" Reklamo ng kaibigan.

Binitawan niya ang kamay nito at nagsimulang mamili ng o-orderin.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gets kung ano ang nagustuhan niyo sa lalaking yun?" Aniya rito habang namimili.

"Hay naku Kassey, kahit sabihin ko pa sa iyo isa-isa ang mga dahilan ay hindi mo pa rin maiintindihan. Sarado naman kasi yang utak mo pagdating kay kuya Jace." Sagot naman nito.

"Hi! Naka-order na kayo?" Si Caleb na bigla na lang lumitaw sa likod nila ng hindi man lang nila napapansin.

"Oo" sagot niya rito. "Tapos ka na bang kumain?"

"Hindi pa nga eh, hinihintay kasi kita. Pwede bang sumabay sa inyong kumain?" nahihiyang tanong nito sa kanya.

"S-sure..." medyo nagtaka siya dahil ngayon lang ito nagkalakas ng loob na sumabay sa kanila ni Dale.

"Ako na ang magbabayad" anito sabay kuha ng pera sa pitaka nito at mabilis na iniabot sa cashier.

Bahagya siyang nairita, never in her whole life kasi na nagpalibre siya, medyo nasagi ang pride niya sa ginawa nito. Pero "again" andoon na naman ang pakiramdam niya na ayaw niya itong mapahiya o masaktan.

Argh! Caleb! bakit ba ang kulit mo!? Kung hindi ka lang talaga likas na mabait, tiyak nakatikim ka na nang katarayan ko. Just like her other makukulit na suitors.

Nang makaupo na sila ay hindi niya napigilan ang sariling magtanong kay Caleb.

"Hmmm, ano nga pa lang pinag-uusapan niyo ni Jace?" Tanong niya rito.

"S-sorry Kassey. Hindi ko kasi pwedeng sagutin ang tanong mo eh. Pero gusto kung malaman mo na para sa iyo ang lahat ng ginagawa ko."seryosong sagot nito sa kanya.

Hindi siya kumbinsido sa sagot nito.

Wait, hindi kaya nagkaayos na ang dalawa para sa kanya?

Napatingin siya kay Jace na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan nito. Napangiti siya, kung totoo man ang hinala niya ibig sabihin ay may kabutihan rin palang nakatago kay Jace.

Siguro ay panahon na rin upang magkaayos sila ng binata. Pagod na rin naman kasi siyang makipag-away rito. At napapansin rin niyang lately ay hindi na siya nito gaanong inaasar. Para itong biglang bumait sa kanya.

Biglang gumaan ang pakiramdam niya sa naisip. Mamaya ay makikipag-bati na siya rito. Tiyak magugulat ang mga magulang nila at ang kuya niya.

Masayang nagsimula na siyang kumain.

Maya-maya ay tinanong niya si Caleb kung ano ang nangyari kanina ng tinawag ito ni Mr. Domingo.

Napakamot ito ng ulo.

"Medyo naparami raw kasi ako ng na e-spray na perfume kaya pinaligo niya ako sa office niya at pinahiram ng t-shirt." Paliwanag nito.

"Anong medyo? Eh parang pinangligo mo na rin yata yung perfume mo eh." Sabi ni Dale na pinandilatan niya ng mga mata.

"Don't worry Kassey, kahit hindi na ganoon ka rami ang pwede kung ilagay na perfume. Dadamihan ko naman ang dadalhin kung everlasting garlands bukas." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Nabilaukan siya sa sinabi ni Caleb. Agad siya nitong binigyan ng tubig. Nang maging okay na siya ay may itinanong agad ito sa kanya.

"Kassey, may tanong lang ako." Si Caleb.

"Ano iyon?" Gusto sana niyang linawin ang sinabi nito about sa perfume at garlands pero hinayaan niya muna itong magtanong.

"Bakit ba mas type mo yung mga lalaking kalbo?" Seryosong tanong nito.

"What!!?" medyo napalakas ang naging pagsagot niya rito. May ilang estudyante na malapit sa mesa nila ang napalingon sa kanila.

Nag-alala si Caleb sa reaksiyon niya.

"S-sorry, alam kung sekreto lang ito. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili kung magtanong, medyo nagulat lang kasi ako sa mga tipo mong lalaki. Pero okay lang sa akin Kassey kahit magpatattoo pa ako ng pangalan mo sa dibdib ko basta para sa iyo, ay gagawin ko." Seryosong sabi nito sa kanya.

Narinig niyang humagalpak ng tawa si Jace na nakaupo lang malapit sa kanila, gustong-gusto niya itong batuhin ng baso. Kahit kasi hindi niya ito tingnan, alam niyang siya ang pinagtatawanan nito. Pero hindi niya ito pinansin, na kay Caleb kasi ang buong atensiyon niya.

"Sabihin mo nga sa akin Caleb, kanina pa kasi ako na we-weirduhan sa mga kinikilos at mga pinagsasabi mo eh. Sinong Poncio Pilato ba ang nagsabi sa iyo na type ko ang lalaking kalbo at may tattoo ng pangalan ko sa dibdib?" tanong niya habang nagpipigil na tuluyang magalit rito. Maya-maya ay may bigla siyang naalala. Galit na napatingin siya kay Caleb na ikinagulat nito. "Please don't tell me na yang Poncio Pilato ring yan ang nagsabi sa iyong ipanligo mo ang perfume mo at sabitan ako ng everlasting garlands!!?" Hindi na niya napigilan ang sarili niyang magalit.

"Ha? Ah-eh, kasi sabi ni..." natatarantang sagot nito pagkatapos ay biglang may tiningnan.

Nang tingnan niya ang tinitingnan nito ay hindi na siya nagulat.

Sinasabi ko na nga ba eh!

"Jacinto Sebastiaaaaaaan!!!" nanggigigil sa galit na sigaw niya sa pangalan nito na nang mapatingin sa kanya at makita ang reaksiyon niya ay agad na napatayo at kumaripas ng takbo. Nakita niyang pinagtawan ito ng mga kabarkada nito at ng ilang estudyante sa loob ng canteen. "Gusto mo ng habulan ha!?" galit siyang tumayo at sinundan ang binata. Hindi niya pinansin ang pag-awat sa kanya nina Dale at Caleb.

***

Jace's POV

PBBU Ground

Hindi niya inasahan ang reaksiyon ni Kassey. Mukhang nasobrahan yata ang pang go-goodtime niya sa dalaga. Pero mas lalong ayaw niyang maabutan nito. Dahil tiyak na bugbog ang aabutin niya rito.

"Bumalik ka rito!" narinig niyang sigaw ng dalaga sa likod niya.

"Para Ano? mabugbog mo!? Ano ako, baliw!?" pang-aasar niya rito.

"Buti at alam mo! humanda ka talagang lalaki ka pag naabutan kita!" galit na sigaw nito sa kanya.

"Yun ay kung maabutan mo ako!" aniya sabay harap rito at nag make-face.

Nakita niyang mas lalong namula ang mukha nito sa galit kaya napatakbo ulit siya ng mas mabilis.

Ewan, hindi niya alam kung bakit ba gustong-gusto niya itong asarin. Ang tanging alam niya ay masaya siyang nakukuha niya ang atensiyon nito. Kung bakit, ay hindi niya alam.

Nang lingunin niya si Kassey ay wala na ito sa likod niya. Huminto siya saglit, medyo hiningal siya sa ginawa niyang pagtakbo.

Ilang segundo na ang lumipas pero wala paring Kassey na lumilitaw. Naglakad siya pabalik sa dinaanan niya kanina. Pero napahinto siya ng makita niya ang dalagang nakaupo sa damuhan na nasa ilalim ng puno. Nakayakap ang mga kamay nito sa mga tuhod nito habang nakayuko ang ulo.

Is she crying?

Mukhang nasobrahan nga yata siya ng pang-aasar sa dalaga. Lumapit siya rito, nakaramdam siya ng konsensiya habang nakatitig ritong umiiyak.

"I'm sorry, what i did was too much. Hindi ko dapat ginawa yun." aniya rito.

Pero hindi ito kumilos.

"Kass...?" tawag niya rito.

Nang wala pa rin siyang makuhang sagot mula rito ay nagpasya siyang umupo sa harap nito. "Hoy, Kass, sorry na..." aniya rito sa malambing na boses.

"I hate you...!" sagot nito na nakayuko pa rin.

Napangiti siya sa sagot nito. Ang cute kasing pakinggan ng pagkakasabi nito ng "i hate you". Para silang...

Don't go there Jace, don't cross the line.

Nabigla siya ng bigla nitong itinaas ang mukha at ngumiti sa kanya.

"Gotcha!!!" Anito sabay tulak sa kanya.

Napahiga siya sa ground dahil sa ginawa nito.

"Hey!" saway niya rito, pero hindi pa ito na kuntento dahil sinimulan naman siya nitong pagsusuntukin.

"Napakawalang-hiya mo talaga! Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo kay Caleb? May pa everlasting pa talaga ha!? Ano yun!? GRADUATION!?? Alam mo bang pinagtawanan ako ng mga kaklase ko!"

HIndi niya napigilang matawa kahit na medyo nasasaktan na sa mga suntok nito.

"Malay ko bang ayaw mo pala sa everlasting flower. Don't worry sa susunod water lily naman." aniya rito habang tawa ng tawa.

"Ah ganun!?" mas lalo nitong nilakasan ang mga palo at suntok nito sa kanya.

"Hoy! Masakit na yan ha!" reklamo niya rito. Pero parang wala itong planong huminto.

Pinigilan niya ang mga kamay nito sabay hila rito kaya bigla itong nawalan ng panimbang at naglanding sa katawan niya.

Hindi lang si Kassey ang nabigla, natigilan rin siya sa naging posisyon nila. Wala agad na nakapagsalita sa kanila, gulat na nakatingin lang sa kanya ang dalaga. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito na kasing-bilis din ng tibok ng puso niya.

Nakatitig lang siya sa mga mata nito, sa ilong at pababa sa mga labi nito sa bahagya pang nakaawang dahil sa gulat. Bigla siyang napalunok, ilang segundo na lang at kung hindi pa rin ito kikilos ay malamang hindi na niya mapipigilan ang sariling halikan ito.

"Can someone explain to me what's happening?" boses ni Tristan.

Agad na umalis si Kassey sa pagkakadagan sa kanya at tarantang napatayo. Habang siyang ay huminga muna ng malalim bago kalmadong tumayo.

"Kuya..." si Kassey.

"Mag-usap tayo mamaya Kassey. For now, bumalik ka muna sa klase mo." seryosong sabi ni Tristan sa kapatid nito.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga.

"Y-yes, i'm fine." anito na saglit lang siyang tinapunan ng tingin at pagkatapos ay nagmadali ng tumalikod at naglakad pabalik.

"And you!?" Baling sa kanya ng kaibigan. "Mag-usap tayo..." medyo galit na sabi nito at nauna nang naglakad sa kanya.

Napabuntong-hininga siya, pero bago sumunod ay nilingon niya muna ang papalayong si Kassey.

What happened a while ago was so unexpected. Seems so wrong, but feels so right.

to be continued...