Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sitio Galiw (COMPLETED)

🇵🇭Chixemo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
53.1k
Views
Synopsis
Masaya dati ang buhay. Parang naglalaro lang. Pero isang araw. Nagbago ang lahat. Naging miserable at kumplikado. Nakakalito na hindi ko maintindihan. Samahan nyo ako. -Maliyah
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

The Ceremony

Ang kwentong ito ay base lamang sa aking imahinasyon at panaginip. Anumang pagkakatulad sa tao, lugar at pangyayari sa kasalukuyan ay pawang hindi sinasadya.

Naway maging maligaya ka sa iyong pagbasa. -Author's Note!

The Ceremony

This is it.

The day.

My day...

To Marry The Stranger.

Di ko alam. Pero bigla na lang nangyari ang lahat.

Wala akong ideya sa nangyayari.

Parang panaginip ang lahat.

Tapos,..

Heto ako ngayon.

Nakaupo na sa isang magarang upuan. Nababalutan ng magarang kurtina ang paligid. Suot ko lang ang maikling damit. Yung balot lamang ang mga maseselang parte ng katawan ko. Di ko alam kung akma ba ito sa isang kasal o pauso lang nila. Ngunit nang tanawin ko ang labas ay ganoon din ang mga suot ng mga tao sa paligid.

"Hinga ng malalim. Bumilang ka lamang ng hanggang lima para kumalma ka. Isa. Dalawa.. Tatlo... Apat.... hhhuu... Lima....." utos sa akin ni Biya. Ang naging kaibigan ko dito. Ginawa ko naman ito ngunit nababalot pa rin ako ng kaba.

"Anong nangyayari?. Di ko ito kaya Biya.. natatakot ako.."

"Kayanin mo Maliyah. Dahil kung hindi. Patay tayo.. nakikita mo ba ang mga nakatutok na pana sa paligid?." Tanong niya na gumilid pa para makita kong muli ang labas. Di ako nakapagsalita. "Diyan ka matakot. Hindi sa nangyayari.." gusto kong sumang-ayon pero nag-uunahan na ang kaba sa aking dibdib.

"Tandaan mo 'to. Sundin mona lamang ang mga utos nila. Lalo na yung lalaking nasa tuktok." Tiningala ko ang lalaking nakaupo rin sa isang upuan sa tuktok ng burol. Ganun din ang suot niya. Kagaya ko. Ang maselang bahagi lang ng katawan niya ang may saplot. Pero naghuhumiyaw sa ganda ang katawan nito.

Napalunok ako ng tingnan ko siya ay nakatitig pala ito sa akin.

Malalim. Madiin. At nakakapanghina.

"Bakit sino siya para sundin ko?." Reklamo kong bulong kay Biya. Napapaligiran kasi ng mga tagabantay ang paligid namin. "Magtigil ka. Hindi lang siya basta basta Liyah." Tinampal niya ako. Humingi ako ng isang balabal para sana takpan ang katawan ko ngunit pinigilan siya ng mga tauhan. "Biya, ipinagbabawal yan ng Datu. Paumanhin." Saad ng tauhan sabay kuha sa balabal. Nanlamig ako sa narinig kong usapan nila. Gusto kong tumayo pero wala akong lakas.

"Utos po ng Datu na kung pwede. Humanda na raw po kayo Maliyah. Mag- uumpisa na ang seremonya." Napaayos ako nang upo ng madinig ang boses ng isang tauhan sa labas. "Daddy!. Mommy!. Tulungan niyo po ako." Di ko masambit ang gusto kong isigaw.

Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko kaya dahil sa aking damit na parang kapiraso lamang ng isang punit na tela.

"Humanda!." Sigaw ng isang boses na baritono. Tumambol sila. Pati rin ang puso ko ay tinambol sa kaba.

Pinatunog nila ang mga iba't ibang instrumentong di ko mawari kung saan nagmula. Ngunit kayganda ng lumalabas na tunog dito.

May pumasok na isang babae sa lugar ko at giniya niya akong tumayo. Ngunit nagtaka ako ng nakabalot naman ang katawan nito. Pero punong puno ng iba ibang aksesorya ang kanyang katawan.

Kumikinang...Sumasayaw... at nagniningning sa karangyaan.

"Hintayin mo ang aking hudyat. Para nang sa gayon ay makita mo ang nagaganap.." ganun nga rin ang ginawa ko.

Naghintay ako... Nanuod...

At nakinig...

Namamangha...

Kinakabahan.. sa susunod na mangyayari.

"Oras na." Dumagundong na talaga ang kaba ko. Pinagpawisan na rin ako. Parang natatae.

Am I dreaming?..

Is this surreal?...

Please! Someone help me. I'm begging....

Di pa rin ako lumalabas sa pwesto ko. Ngunit kita kong bumababa at papalapit na ang lalaking nakaupo kanina sa may tuktok. May nakalagay sa kanyang ulo na parang hari.

Panaginip ata ito?..

Gisingin niyo naman ako. Ang lalim na ng panaginip ko. Baka mabangungot na ako.

"Handa na ba ang aking mapapangasawa?." Magandang boses ang dinig kong nagtanong. Nagulat pa ako ng bahagya. "Kanina pa ho. Datu." ibig sabihin siya ang Datu. Ang pinuno nila. Ng pangkat nila.

"Maaari na ba kitang makita?." Nagsalita siyang muli na para bang ako ang kanyang kinakausap.

"Maaari na. Aking Datu." Iyon ang nasabi ko nang iutos sa akin kanina nung babae.

May kamay na nag- abot sa loob ng kurtina galing sa labas.

Ayoko mang tumayo ay kusang ring naglakad ang aking mga paa. Inaabot ang kamay na nakalahad saka tuluyang lumabas.

Hindi ako nakaramdam ng hiya nang nasa labas na ako dahil naaliw ako sa ganda ng paligid. Kulay kahel na ang kalangitan.

Di ko mapigilang mamangha.

"Ang ganda." Iyon lamang ang aking nasambit. "Katulad mo binibini. Kaygandang pagmasdan." Di ko rin naramdam ang mga kamay ko na nakahawak pa rin sa kamay niya. Kung di pa niya pinisil ito ay para pa rin akong lumulutang.

"Salamat sa Bathala at magiging asawa na kita." Walang salita na namutawi sa akin. Tiningnan ko lamang siya. Ngunit mas hinigit niya pa ang aking baywang gamit ang matikas niyang mga braso. "Pinagpala nga ako dahil magiging akin ka na. Maliyah."

Pagkatapos niyang kintalan ng halik ang aking noo ay bigla niya akong binuhat at itinakbo paakyat ng burol. Gusto kong magpumiglas ngunit baka mahulog pa ako. At ang suot ko ay malaglag. Kaya't kumapit na lamang ako sa kanyang leeg. Natawa naman ito na parang kinikilig.

"Simulan ang seremonya." Anunsyo ng isang matandang lalaki na may mahabang balbas. Pagkababa niya sa akin ay sinimulan na nila ang seremonya. Inaayos pa ang nakatabing kong damit. Tuloy ako'y naasiwa. Inuna ang sa Datu bago ako. Kaba na ang bumalot sa akin. Walang kaalam-alam patungkol sa ginagawa nila. Mabuti na lang at may umaalalay sa akin. Ngumingisi pa ang Datu sa tuwing nagkakamali ako ng gawa. Gusto ko siyang bigwasan kung di lang ako nakasuot ng damit na ganito.

"Aking ibinabalita. Ang bagong kasal na si Datu Arka at Binibining Maliyah. Maaari mo na siyang halikan Mahal na Datu." Hinila ako ng Datu saka siniil ang aking labi ng mariin at marubdob ngunit hindi ako tumugon. "Maligayang kasal sa inyo." Anunsyo nang lahat. Nagsimula silang nagdiwang at nagsayawan. Para akong tanga na nanunuod lang sa kanila. Walang bahid ng galak at saya sa akin.

"Maligaya talaga ako dahil sa wakas ay mag-asawa na tayo Maliyah." Niyakap niya ako kahit tulala pa rin ako hanggang ngayon. Gusto kong makakita nang kahit isang kakilala ko lamang para medyo matauhan naman ako.

Kaso wala.

Kahit man lang sana si Biya..

Andito lang siya kanina.. tapos hindi na nagpakita.. Ano kayang nangyari sa kanya?.. Ikaw ang nagdala sa akin dito Biya. Bakit nawawala ka na na parang bula?..

Nasaan ka na Biya?.. Nakikita mo ba ako ngayon dahil heto na ako... ngayon...

---kasal na sa HINDI KILALA...