Hot Stalker
Pagkatapos naming kumain ay nagempake na nga ako. Di ko na inantay si Biya na naghuhugas ng pinggan.
Inayos ko agad nang mabilisan ang lahat ng gamit
"Maliyah?.." takang tanong ng Biya na hawak pa ang palanggana.
"Aalis na ako Biya. Kung yun ang gusto mo. Atsaka marami rami naman na akong nakuhang litrato ng lugar niyo. Kaya salamat.."
"Maliyah, hindi sa ganun.. nagkakamali ka ng iniisip.." pigil nya sa kamay kong naglalagay ng gamit sa bag.
"Kung nagkakamali nga ako ng iniisip Biya. E ano nga?.." huminto ako saka huminga ng malalim. "Anong dahilan mo?." Hindi niya ba pwedeng sabihin?..
"Sige. Kung yan ang gusto mo. Di na kita pipigilan. Dahil para na rin naman yan sa kaligtasan mo.."
"Kaligtasan?. Kanino Biya?. Kanino?.."
"Sa iyong paligid Maliyah. Hindi mo ba maramdaman?. Hindi mo naririnig?.."
"Hindi Biya. Wala. Ano bang dapat kong marinig. E puro huni lamang ng ibon at masaganang hangin lang ang tanging naririnig ko.."
"Pumikit ka. Magkonsentrate at huminga ng malalim.." ginawa ko naman ang lahat ng inutos niya. "Wag kang mag-isip ng kahit na ano. Basta damhin mo lang ang nasa paligid mo.." patuloy niya. Ginawa ko naman. Nang mga dalawang minuto ngunit wala naman akong marinig. "Wala naman akong marinig Biya.."
"Huwag na nga lang. Galing ka pala ng syudad kaya baka hindi mo alam.."
"Sige ayusin mo lang yan. Bukas nalang kita ihahatid. Gumagabi na kasi.." saad niya.
Inayos ko lang din ang mga gamit ko. Binigay ko na rin kay Biya ang iba kong damit. Pang souvineir man lang sa kanya pag-alis ko. Di ko kaai alam kung kailan pa ang balik ko rito.
Bigla siyang naupo sa tabi ko. Nakasalampak kasi ako sa labas ng kubo. May upuan doon sa lalim ng maliit na puno ng mangga.
"Anong iniisip mo?." Tanong niya agad. Pagkatapos maupo.
"Marami e."
"Tulad ng ano?.."
"Ng pamilyang iniwan ko. Ng trabaho ko. Ng boss ko. At nung lalaking naging kasama natin sa Batis Laro.."
"Iniisip mo yung si Arka?.. Bakit?.."
Takang tanong niya. Gulat pa ang itsura ng mukha.
"E kasi, parang may kakaiba sa kanya Biya.."
"Iyon naman pala.."
Tinaasan ko siya ng kilay..
"Natatandaan mo rin pala siya.." tanong niya. Mas ginanahan pa.
"Oo, sa Maharlika Falls. Siya yung nabangga ko. Kaya umahon agad ako noon sa tubig.."
"Ah. Kaya pala. Nagtaka nga ako noon. Sabik na sabik ka sa tubig pagkatapos wala ka pang sampung minuto ay umahon ka na..."
"Napansin mo pa iyon?.."
"Oo naman. Lagi akong nakatingin sa'yo Maliyah. Nakabantay..."
"Bat naman kailangan mo akong bantayan?.."
"Dahil bisita kita rito.. at kargo kita.."
"Kargo saan?."
"Mahilig ka talagang magtanong no?.." sabay ngiti niya sakin. Kinutkot ang kuko ng paa.
"Ganito kasi ang trabaho ko.." Blogger. Reporter. Photoghrapher.
"Kaya pala. Ngayon alam ko na." Tumango at nag-isip ng malalim.
"Tapos bakit bigla ka na lang napapaisip kay Arka?."
Biglang tanong nito.
"Wala. Sabi ko naman sayo. Parang may kakaiba kasi sa kanya.."
"Hindi mo ba napapansin?.."
Binigyan ko siya ng nagtatakang mukha.
"Hindi e. Di kita makuha minsan Biya. Alam mo ba iyon?."
"Alam ko. Ikaw rin naman minsan. Kaya pareho nga tayo.."
Reklamo niya rin.
"Hindi mo talaga pansin na lagi ka niyang tinitingnan.." naalala ko nga. Hindi lang minsan, madalas pa..
"E minsan lang naman kami nagkaharap a.." kontra ko pa rin kahit may hinala na ako.
"Minsan nga ba?.. Maliyah?.. kahit hindi ko rin siguro sabihin sayo ay ramdam mo na ang enerhiya ng isang tao sa paligid mo. Kahit hindi mo nakikita.."
May punto nga siya. Alam ko na iyon dati pa sa Falls. Pero hindi ko lang masigurado kung sino. Pero nang malaman ko na siya pala si Arka. Nakakapagtaka ang mga kinikilos niya. Teka may gusto ba siya sa akin?.. No way!..
"Tama ako no?. May alam ka.."
"Medyo. Hindi ko itinatanggi na ramdam ko rin nung una pa.."
"Iyon ang ipinupunto ko sayo kanina pa.."
"Okay kuha ko na.."
"Kuha mo nang may gusto siya sayo?.."
"Gusto agad? Biya?.."
"Ganun nga. Maliyah.. Iba ang titig sayo e.."
"E pano ka?.."
"Anong pano ako?.."
"E di ba kasintahan mo iyon?." Tanong ko.
Umiiling siyang tumatawa.
"Hindi kailanman Maliyah.."
Nagtaka ako.
"E ano yung tinginan niyo?.."
"Usap yun.." tanging sagot niya.
"Usap na yun?... nang walang salita?.." ang weird. Pag ako yun di ko gets.
"Oo. Malalim na usapan.."
"Sobrang lalim nga kung ganun.. na walang salita.."
Kakaiba sila kung magusap kung ganun. Titigan 101.
"Ganun na nga..
Maliyah..."
Pagtatapos niya. Tumatayo na ito. Mukhang may pupuntahan.
"Pano diyan ka na muna. Magluluto muna ako ng hapunan natin.."
"Tulungan na kita.."alok ko. Pero tinanggihan niya ako.
"Magpahinga ka na lang. Dahil maaga pa tayo bukas..."
"Sige. Salamat ng marami Biya.."
Sa mga binigay na kahulugan ni Biya ay hindi ko mapigilang magisip ng kung ano ano.
Sinusundan ba ako ni Arka?.. In my place He's One Hot Stalker. Damn. Pretty Boy.. Maliyah. .At naaasar ako sa mga lalaking ganun dahil aminin ko man o hindi ay hindi mo sila pwedeng tanggihan sa ibang bagay.
Paano niya ako nasundan?. O may lead siya kung pano ako susundan.. Si Biya?. May koneksyon ba sila sa isa't isa?..
Tinatawag na ako ni Biya para sa hapunan nang may bigla akong narinig na kaluskos..
Paglingon ko ay piniringan na agad ang aking mga mata gamit ang itim na tela.
Lumaban ako.
Nagpumiglas.
Pero hindi na nakasigaw nang pati ang aking bibig ay may busal na rin.
Anong nangyayari?.
Biya!. Help me!.. nagsumamo akong sana maramdaman ni Biya ang tawag ko sa kanyang pangalan.
Nanlaban pa rin ako ngunit wala nang nagawa nang may humawak na sa akin para pigilan.
Iginiya nila ako sa lugar na hindi ko alam. Naglakad lang ako kahit walang nakikita. At walang kasiguraduhan. Walang nagsasalita sa kanila. Ngunit ramdam kong marami sila. Sa harap at higit sa lahat ay sa likod ko. Mabuti na lang at nakapantalon ako ngayon at jacket. Kaya balot ang katawan ko ngayon. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang lugar na aming tinahak. Sa tansya ko ay mahigit tatlompu't minuto na aming nilakad. Simula nang umalis kami sa kubo ay nagbilang na ako. Hinahanap na kaya ako ni Biya?.. Biyaaaa.... gustong gusto kong sumigaw ngunit natatakot na ako.
Nang nakarating na kami ay pinaupo nila agad ako sa isang malambot na upuan. Tinanggalan ng piring at busal sa bibig.