Their Rituals (Part 2) 1.0
THIS IS INSANE....
Di pa rin ako makapaniwala sa narinig. Pilit iniintindi ng utak ko ang kanyang mga sinabi. Na dati raw akong manlilinlang, na ngayon ay ako naman ngayon ang NALINLANG.
Paano nyang nalaman iyon?. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan.
"Naguguluhan ka na ba, Binibini ko?." Bulong nya sakin habang yakap ako sa likod na nakapulupot ang mga braso sa aking bewang ngunit walang salitang lumabas sa aking labi.
Naguguluhan ba ako?. O ayaw ko lang maniwala sa mga pinagsasabi nya.
May ideya naman ako sa nakaraan ko pero hindi ko talaga makuha ang dahilan nya.
"Kahit hindi ka magsalita... Alam kong nalilito ka na. Subalit hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat. Kung bakit nangyayari?. O kung paano nangyari?. At kung san nagsimula ang lahat?.."anya habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay.
"Kelan pa, kung ganun?.." matabang kong tanong sa kanya.
"Sa takdang panahon.."
"Takdang panahon??. Hindi pa ba ngayon ang itinakda mo?."
Sambit ko na naging dahilang ng pagkatigil nya sa paglaro ng aking daliri.
"Dahil kung hindi ay wala sanang nagaganap ngayon dito.. wala sana ako dito... di ba?.. Dos?!."
Hindi ito umimik. Imbes lumayo ito sakin saka tumayo saking harapan at naghalukipkip.
"Huwag kang mag-alala. Ali. Basta sundin mo lang ang mga gusto ko sa ngayon. Magiging malaya ka na ulit."
"Hindi pa ba sapat ang mga bagay na nagawa ko na sayo?. Hindi pa ba sapat na nadala mo ako sa lugar mo ngayon?. Hindi pa ba sapat ang pagdurusang naranasan ko nang dahil sayo?. Hindi pa ba sapat ang mga yun?!.." tuluyan nang tumulo ang aking mga luha saking mga tanong.
Maikling katahimikan ang namutawi sa aming pagitan.
Habang sya naman ay nakatingin lang sa akin. Ramdam ko ito kahit di ko sya tingnan.
"Naiintindihan kita. Pero... wala akong magawa dahil kailangan kita.." tanging tugon nya na nakapagpatahimik sa akin. Pilit ko syang tinitingnan pero umiiwas lang sya saking mga tingin.
Kailangan?. Sa paanong paraan?. Bat ba mahilig syang bumitin ng mga salita?. Wala hiya...
"Pero... hindi ikaw ang kailangan ko.. Si Biya?. Sya ang kailangan kong makita... para makaalis na ako dito.."
Si Biya ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin. Sya ang makakasagot sa mga iyon.
"Alam kong hindi mo ako kailangan... pero Ali... ikaw... ikaw lang ang kailangan ko, wala nang iba.."
Pagmakaawa nito sa harap ko. Pinipilit ipaintindi ang kanyang gusto. Sapo na nya ang kanyang ulo.
"Ako nga ang kailangan mo. Pero paano naman ang gusto ko??" Turo ko saking sarili sinabayan nya ito ng iling.
"Diba sinabi ko naman sayo... na sundin mo lang ako ngayon... makukuha mo rin ang gusto mo."
Pilit nito. Wala syang pinagbago. Still, he's a Hard headed boy!..
"Paano kung hindi??."
"Anong paano kung hindi??." Litong anya.
"Paano kung hindi ka tumupad sa usapan?.."
"Ako??... hahahahahaha!!.."
Hagalpak nya. Na sanhi ng pagkakunot ng noo ko. Ang sarap nyang sapakin.
"Ako pa ang hindi tutupad?." Turo nya sa kanyang sarili. Tumango naman ako ng mabilisan.
"E di wala ka ng takas.. at pabor sakin yun.."
Mas lalo naman akong nainis sa kanya.
"What!!!" Sigaw ko.
"Hahahahahahaha!..."
Binato ko sya ng tsinelas dahil sa inis.
Ayun!. Bullseye!!. Sapul sa mukha kaya humingi ng paumanhin.
"Kidding.." bawi nya agad.
"Ha ha ha... not even funny.." sarkastikong sabi ko.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin rin pala sya sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Sya ang unang bumitiw nang may nagsalita galing sa labas.