Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

Wakas

Manarka Gimenez 11

Nang tumalikod ako sa kanya ay bigla ko na lamang naramdaman ang pagguho ng mundo ko. Lahat ng pinangarap ko, nawala na. Lahat ng pinlano ko, napawi na. Lahat ng saya ko, nabura na. Hindi ko maipaliwanag ang meron ako ngayon kung wala sya. Tinuruan nya ako kung paano ngumiti, nang walang dahilan.

"Hindi ka ba maliligo??.." tanong ng pamilyar na boses. Dinig ko ang usapan nila kahit nasa ilalim ako ng tubig.

"Maliligo. Ayusin ko lang to." Sagot naman ng isang babae na pawang dayuhan. Salita palang nya. Kakaiba na. Gusto ko sanang tingnan kung sino ang mga taong nag-uusap ngunit di ko magawa dahil sa isda. Perwisyong isda.

Nang ilang segundong lumipas ay may tumampisaw malapit sa pwesto ko. Nakita kong isang maputing babae ito nang nasa ilalim na ng tubig. Eksakto pang nakahuli na ako ng isda kaya umahon na ako. Subalit, ganun na lang ang gulat ko ng masikuhan nya ako sa likuran. Napansin nyang may natamaan sya kaya humingi agad ito ng tawad.

"Sorry. Di ko sinasadya." Anya saka nilingon agad ang babaeng kausap nya marahil kanina. Di ko maaninag ang kanyang mukha pero pamilyar sa akin ang bulto ng babaeng nasa pinakamalalim na bahagi na ng falls.. Mabilis umahon ang maputing babae saka pumunta sa may camera. Inayos ang kanyang mga gamit. Ngunit pasiring nya pa rin akong tinitingnan. Di ko maalis sa kanya ang titig dahil pamilyar sa akin ang ganda nya. Kumaway naman sya bigla. Akala ko ako, kaya napangisi ako, ngunit hindi pala.

"Biya!. Tara na.." tawag nya dun sa kasama nya. Kaya pala pamilyar yung tinawag nya dahil kakilala ko nga. Kilalang-kilala.

Kaya simula nang araw na yun ay sinundan ko na sila. Binantayan ko rin ang kubo nila. Bigla nalang akong napapangiti tuwing naririnig ang maganda nyang tinig.. Pero ngayon... hindi ko na mabura pa ang ngiti nya sa aking paningin. Ang himig nya sa aking pandinig.

Siguro nga, hindi talaga patas ang mundo. Dahil kahit gustuhin mo man ang isang tao o bagay kung di itinakda na para sayo, hindi talaga.

Marahil ganito na lamang ang dinulot nya sakin dahil ipinakita nyang patas naman ang mundo, pero hindi kailanman ng mga tao.

"Datu. Pinatatawag ka na ng Kamahalan." Yukong himig ni Deyo. Kanina nya pa pala ako tinatawag ngunit masyado akong binabangag ng aking isip. Ng mapaglaro kong isip. Kung anu-anong imahinasyon ang binubuo ko kasama sya. Subalit alam kong hanggang doon nalang yun.

"Kanina pa galit na galit ang iyong Ama, Arka."

"Alam ko. Deyo. Gusto ko lang mag-isip muna bago gawin ang gusto nya.."

"Pero..." putol nya sa akmang sasabihin. Tiningnan ko sya. Mababasa ang pagkalito sa kanyang mukha.

"Pero, ano??.." tanong ko.

Naghihintay ng magandang isasagot nya kahit na alam ko nang hindi ganun yun.

"Pero... mamamatay ka kung di mo susundin ang utos nya.."

"Pareho lang naman ang kahihinatnan ko kung susundin ko ang kanyang utos.." nanlumo kong sagot sa kanya. Dahil, kahit sino, hindi gugustuhing mapunta sa sitwasyon ko.

"Hindi magiging pareho Arka, kung gagawa ka ng paraan.." sambit nya na nagbigay sakin ng palaisipan.

Anong paraan naman ang gagawin ko?. Wala na akong maisip. Blanko. Inubos NYA LAHAT. INOKUPA NYA NA LAHAT. Binigay ko na halos lahat ng paraan para mapunta sya rito. Pero sadyang, ayaw ng tadhanang gawin ko yun sa kanya dahil may ibang papel sya sa buhay ko. Gayunpaman, hindi ako nagsisising nakilala ko sya, at hayaang maging malaya, muli.

"Kung meron mang paraan, noon pa, Deyo, matagal ko nang ginawa. Pero wala, wala.." iling ko.

Nakakapagusap pa kami ni Deyo ngayon sa isang magarang kubo na pag-aari ng Ama ko. May tatlompu't minuto pa bago ko tuluyang gawin ang ritwal. Inaayos pa kasi nila ang lahat, dahil nga nagbago na ng iaalay.

"May naiisip ka ba?." Tanong ko sa kanya ng umupo ito sa aking tabi.

"Meron, ngunit masyadong delikado.." ito ang sanhi ng pagsilay ng kaunting saya saking damdamin. Na sa kanya ko unang naramdaman.

"Sa Matinik naman tayo." Si Biya.

"Matinik?.." nalilitong tanong ni Maliyah. Ang sarap pakinggan saking tenga ang kanyang boses. Para syang kumakanta pero hindi naman.

"Oo. Matinik, dahil matinik ang daan papunta roon.." si Biya pa rin.

"Na naman?." Si Maliyah na parang nanlumo sa narinig.

"Oo, bakit hindi di ba?. Paraiso nga, Maliyah." Naiinis na himig ni Biya. Lagi talaga syang galit pagdating sa matinik. Ewan ko ba kung anong problema nito sa may tinik.

"Oooookayy.." malamyang sagot ni Maliyah.

Guso kong humagalpak sa takbo ng usapan nila kaso baka marinig nila akong nakasunod sa kanila.

Ang dami pa nilang dinaldal bago nagpatuloy sa daan.

Nang marating nila ang daan papuntang matinik ay nagtago ako sa malaking puno na pinagtalian ng mga tali ng kawayan na tanging daan papunta sa matinik garden. Tinawanan lang ni Biya si Maliyah dahil sa hindi ito makausad sa kawayan dahil sa mahangin kaya magalaw ito. Nangingiti ako sa pagtawag nya kay Biya.

"Biya, naman!." Reklamong sigaw nito sa kapatid kong prenteng nakaupo sa kabilang dulo na nakasandal sa katawan ng puno.

"Kaya mo yan. Maliyah. Di ba sinabi mo kanina.. hahaha.."mapang-asar na tawa ng aking kapatid. Gusto ko tuloy batukan ito dahil sa hindi na makagalaw pa si Maliyah.

"Kaya mo yan. Maliyah. Maliyah.. Maliyah..." kantyaw pa rin ni Biya sa kanya. Dumampot ako ng maliit na bato saka nilagay sa tirador at itinira ang mga dahon sa taas ng puno upang malaglag ito sa kanya. Nagtagumpay nga ako. Tiningala nya ang taas saka kumaway lang na para bang alam nya, na nasa paligid ako.

Nang ika-apat na ngang subok ni Maliyah ay alisto na akong humawak sa kanyang baywang at tinulak upang makausad sya ng mabilisan.

Humugot ito ng malalim na hininga ng makatapak na ito sa lupa, ganun rin kabilis ang pagpihit ko patalikod na halos takbuhin na ang kabilang dulo upang hindi nya ako makita. Hiningal pa ako ng nakalayo na nang tuluyan sa tulay. Ang bango nya!. Yung pabango nya kumapit pasa aking mga kamay kaya paulit ulit ko itong inamoy na para bang nilalango ako nito. Kaya nakangiti akong nagpatuloy maglakad. Nang madaanan ang puno ng mangga ay pumitas ako ng ilan sa mga ito saka dinala sa kubo nila.

Para akong baliw tuwing naiisip ko ang mga tili nyang iyon. Hindi ko mapigilang ngumiti bigla.

"Anong iniisip mo, Arka?.." tinapik ako ni Deyo sa balikat dahilan para mangunot ang aking noo. Kasama ko pa pala sya. Bakit ko nalimutanna may problema pa pala ako?.

"Kahit delikado, Deyo. Susubukan ko. Basta tulungan mo ako. Marami pa akong gustong gawin.." pinutol ko ang aking sasabihin.

"Na kasama sya??." Dugtog nya. Hindi ko alam kung pano nya nahulaan yun. Ganu na ba ako kaobvious?.. Hindi ko sya masagot. Saka ito umakbay.

"Alam ko, kahit di mo sabihin ay nahulog ka na nga sa sarili mong bitag. Tama ba ako?.. Hahaha..."

"Tsk.. Tinawanan mo pa ako?.."

"Oo, dahil dyan sa kagaguhan mo.."

"Kailan ba ako naging gago?."

"Nung pinaglaruan mo sya. Ngayon, ikaw naman ang paglalaruan ng tadhana.."

"Karma!. Kamo nalang. Ang dami mo pang satsat e.."

"Mabuti alam mo pa. Hahaha.. so, ano game?.."

"Anong game?.."

"Yung naisip kong plano. Gagawin mo ba?." Bulong nya sakin. Di nya pedeng isigaw yun dahil maraming nakapaligid na tauhan sa labas. Tumango naman ako ng mabilis. Binibigyan ako ng tapang. Sumagi na naman sa aking isip ang kakaibang tapang na ipinaramdam nya sakin noon.

"Basta. Bahala na mamaya.."si Biya.

Nagtatago ako sa may madahong halaman, harap ng kanilang kubo. Galing akong itaas. Hindi ko sila nabantayan ng isang gabi dahil sa pagkaabala sa ritwal na gagawin.

"Handa ka na?." Tanong ni Biya na parang kakatapos maghugas ng pinggan dahil sa pagpupunas ng kamay.

"Oo, kanina pa."

"Sandali lang. Hintayin mo ako. Magpapalit lang ako.." dinig kong habilin ni Biya kay Maliyah. Heto naman ako, nakatago sa likod ng dingding nila. Nakatalikod pero rinig ang boses nila.

"Biya?.. Namitas ka pala ng mangga?.." tanong nya kay Biya.

"Hindi. May nagdala lang rito." Mabuti at hindi nya sinabing ako. Salamat naman at sumusunod pa rin sya. Malilintikan ako kung sakali e.

"Ah. Okay.. matamis ba?.."

"Oo. Tikman mo pagkauwi natin.."

"Sige.."

Lumipas ang ilang minuto.

"O?. Ganyan ka na?.. tanong nito kay Maliyah. "Bakit may problema ba sa suot ko?.." sagot nito kay Biya.

"Meron. Magsasapatos kang pupunta ng Batis?. Tanggalin mo yan at isuot ito. Masasayang lang yang sapatos mo pag yan ang ginamit mo. Baka di ka pa nakakarating ay nadulas ka na." Daldal ni Biya. Madaldal talaga yan.

"At yung short mo?. Wala na bang mas mahaba dyan?.." natahimik sila pareho bago nagsalita ulit ang madaldal. "Kaya ka sinusundan e." Nalintik na!. Alam nya?. Malamang alam nya dahil ramdam ka nya. Kilala ka nya. Sagot ko noon saking isip. Nagtanong pa si Maliyah pero kinontra na ng kapatid ko dahil alam nyang magkakaroon pa ng kasunod ang kanyang tanong.

Nang lumabs sila ay pinalayo ko muna sila ng kaunti bago sumunod.

Kitang kita ko kung pano sya nagulat sa nakikitang linis ng tubig. "Biya, ang daming isda.." sambit nyang parang bata. Umiiling ako habang nakangiting nakatingin sa kapilyuhan nya.

"Bakit wala bang isda sa inyo?.." sungit ng kapatid ko.

"Meron sa palengke marami doon.." sagot ni Maliyah. Ang dami pa nilang pinagusapan bago tuluyang lumusong sa tubig. Napatalon pa ako ng biglang humiyaw si Maliyah. Lalapitan ko na sana kaso naunahan na ako ni Biya.

"Hulihin mo na.." si Maliyah kay Biya. "Ikaw muna." Turo naman ng isa pabalik sa kanya. Loko!. Kahit kailan.

Nagpaligsahan pa sila ng paramihan ng isda. Subalit dismayadong dismaydo na si Maliyah sa kanyang sarili dahil wala pa itong nahuhuli kahit nakailang subok na sya. Nanguna tuloy si Biya. Nasa ikatlong subok na ata sya ng lapitan ko at hinawakan ang kawayang hawak nya saka idiniin ng mariin sa tubig para tuluyang mahuli ang isda. Nang iniangat ko na ang kawayang may laman ng isda ay saka ko pa lamang napansin ang isa ko pang kamay na nakahawak pa pala sa kabila nyang baywang. Kaya pala hindi pa sya gumagalaw. Akala ko masasapak na ako nun pero hindi nangyari yun. Imbes dahan dahan nyang tinaggal ang aking kamay sa kanyang baywang saka pumihit ng mabagal paharap sakin. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan ang kanyang ikinilos.

"Excuse me po kuya.." di ko matanggal ang tingin sa kanya.

"Maliyah!!.." sigaw ni Biya na itinaas pa ang hawak na kawayan na may natusok na isda. Lumamya ang itsura ng kanyang mukha ng makita ako. "Biya!." Tanging naisagot ni Maliyah.

Nauutal pa ang kapatid ko. "Ma--maliyah. May isda na naman akong nahuli.." ipinagmalaki pa ang isda ngunit di sumagot ang isa.

"Ahh. Ar-rka?. Andito ka pala?.." uutal utal na tanong ni Biya. Kabado sa presensya ko. Tumango lang ako. Saka tumingin kay Maliyah tapos binalik kay Biya.

Walang nagsalita samin. Nakasunod lang ako sa kanila. Nakikinig sa daldalan nila. Huminto lang ng may kinuhanang larawan si Maliyah na maging ako ay di nya pinalagpas. Kaya napahalakhak ako. "Hahaha..."

"Hehehehe.." malamyang tawa rin ni Biya. Nagpatuloy kami sa lakad. Paliko na sana kami ng magsalita ako.

"Hanggang dito na lamang ako. Biya---..." tumingin ako kay Maliyah. Nakuha nya ang tinging ipinukol ko sa kanya kaya nagpakilala rin ito. "Maliyah.." sambit nya. Kaygandang pangalan. "Maliyah. Mauna na ako.." naglahad ako ng kamay mabuti at inabot nya ito at nakipagkamay. Ang lambot ng kanyang palad. Masarap. Pisilin.

"Sige. " Paalam ko. Di ko na inantay pa ang sagot nila dahil mabilis akong naglakad papalayo. Naghihintay kasi ang lahat sakin. Magbabalita.

Doon ako bigla nagkaroon ng tapang at lakas ng loob na harapin lahat ng bagay na nasa harapan ko. Kaya kahit alam kong mahirap o kahit delikado man yan, susuong na ako, para sa kanya.

"Sigurado ka na talaga?. Arka.." si Deyo habang nakapamaywang. Kinikilatis ako. Napagusapan na namin ang plano. Na kapag dumating na sa puntong tatapusin na ako ay iyon na rin ang hudyat ng katapusan ng demonyo.

"Datu.." atungal ng lahat pagkalabas namin ni Deyo. Kompyansa akong walang mangyayaring masama sakin. Binigyan ko lamg sila ng ngiting kailanman hindi pa nila nakita. Mas lalo lang silang umatungal ng iyak. "Datu.. Arka.." yakap ng mga bata sakin. Maging si Deyo ay hindi makatingin sa mga batang umiiyak. Gustuhin ko man silamg tingnan pero di ko magawa dahil nakatingala ako sa buwan, pinipigilang maluha.

"Handa na ang lahat, Datu.." ang hirap ng matandang babae sinambit ito. Nangingilid na ang kanyang luha.

"Datu, pwede bang huwag nang ikaw, ako nalang.." patuloy nito. Tuluyan na rin syang umiyak. Napapikit ako at napakamot sa sentido nang wala sa oras dahil sa pagpipigil umiyak. Nakakahabag ng damdamin ang pinapakita nila ngayon. Hindi ko mawari kung bakit ganito sila kabait sakin kahit ang totoo ay kaylupit ko sa kanila. Kahit ganun, ayokong sila ang magsakripisyo para sakin. Hangga't kaya ko, gagawin ko. Yan ang isa ring napagtanto ko nang sundan si Maliyah, nang nasa paligid pa sya na kaya ko pala ang mga bagay na alam kong hindi ko kaya.

"Ako nalang ho, Inang. Huwag lang kayo.." lalo namang umiyak nang umiyak ang matanda na naging sanhi rin ng mas lalong atungal ng iba lalo na ng mga bata.

"Huwag po kayong mag-alala. Babalik po ako.." paniniguro ko sa kanila. Kahit walang kasiguraduhan ang aking gaagawin. "Ng buo.." dagdag ko pa. Umiling ang iilan.

"Paano mo gagawin iyon, Datu. Walang sinuman ang nakatatakas sa demonyong yun.." anang isang matanda rin.

"Basta maniwala lang kayong kakayanin ko to.."

"Naniniwala naman kami sa kakayahan mo Datu pero sa.." di nya tinuloy ang akmang sasabihin nang may sumigaw.

"Kuya!.." sigaw ni Biya. Sinalubong nya ako ng yakap. Mahigpit. Nakakapanibago. Di nya kasi gawain ito. Kaya. Ginantihan ko na rin sya ng yakap. Namis ko to Ang yakapin nya ako at tawaging "Kuya", saka humagulgol na ito. Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ko nang umiiyak ito sakin na parang naagawan ng pagkain. Lihim akong nagpasalamat sa mga ginawa nyang iyon. Sya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gugustuhin kong ako nalang ang magsakripsiyo kaysa sa kanila.

"Merbiya, tahan na.." pang-alo ko dito. "Huwag ka nang umiyak. Babalik naman ako. Pangako yan.." saka huminto ito ng iyak at kumalas sa aking yakap.

"Kuya?.." nag-aalalang tawag nya sakin. Hinimas ko ang kanyang buhok. "Ako nalang, huwag lang ikaw, kayo o sila. Huwag lang ang taong nakapaligid sakin.."

"Pero paano na sya, kuya?.." dun nag-iba ang timpla ng aura ko. Paanong 'paano sya?'. Kumunot ang noo ko.

"Ikaw na ang bahala sa kanya Biya. Mapagkakatiwalaan ba kita?.." umiling sya imbes na tumango. "Parang nagpapaalam ka naman e. Akala ko ba babalikan mo pa ako?.."

"Ayokong mangako bunso, baka hindi ko rin matupad. Basta't maniwala ka lang na babalik ako. Babalikan kita, malinaw ba?.." habilin ko sa kanya na ayaw pang sumang-ayon pero kalaunan ay tumango nalang.

"Aalagaan ko sya pagbalik nya dito, Kuya. Basta't ipangako mong babalik ka, ha?.." tinanguan ko nalang sya saka niyakap. Dahil tanaw ko na ang mga taong alam kong kasama ko mamaya.

"Mag-iingat ka, Biya. Pakisabi kapag nagkita ulit kayo, mag-iingat sya dahil hahanapin ko pa sya.." paalam ko ng tuluyan habang papalayo. Kasama si Deyo. Tinatawag pa nila ako maging si Biya ngunit hindi ko na sila nilingon pa at nagtuloy nalang sa paglakad palayo sa kanila.

Hanggang sa narating na namin ang pinakamadilim na parte ng kweba dito sa Sitio Galiw. Walang akong ibang makita kundi anino lang namin na galing sa apoy habang pababa. Bumulong bigla si Deyo. "Be ready and alert!. They're here.." sabi nya sa lenggwaheng di nila naiinitindihan. Yung mga taong tutulong samin mamaya, nasa paligid na kaya kampante na ako gawin ang ritwal subalit may kaba paring bumabalot sakin.

Umakyat agad ako sa parang maliit na entablado saka nahiga hanggang sa tinali na ang paa't kamay ko. Ang aking Ama ay di makatingin sakin. Hindi ko alam kung nasisiyahan ba syang makitang ialay ako bilang anak nya. Gayunpaman, walang bahid na galit ang sa akin para sa kanya. Ayoko rin namang sya ang makitang ialay. Ayoko. Pano nalang si Biya kung ganun?. Matigas pa naman ulo nun..

Nagpaalam na sila sakin na naluluha. Maliban nga saking Ama. Maging si Deyo ay hindi napigilang maluha.

Hinila ko ang laylayan ng pantalon nya at bumulong.

"Kung sakaling, wala akong takas dito Deyo, sigurduhin mong maging masaya si Maliyah, ganun din si Biya, gawin mo ang lahat para sa kanila pare.."

"Ano ka ba pare, di ba may plano na tayo.."

"Kung sakali lang naman, alam mo naman na walang kasiguraduhan ang lahat Deyo.."

"Huwag kang panghinaan ng loob Arka, isipin mo na lang SYA, MG11.." huling bulong nya saka na umalis. Naiwan na akong mag-isa rito.

Nananalangin.

Naniniwala.

Nagtitiwala.

Na magkakaron pa ako ng pangalawang tyansa.

Nang maramdamn na may mga kaluskos na akong marinig ay dumagundong na ang puso ko ng kaba. Pumikit ako ng mariin.

May mga umamoy na sa akin, dumila sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. May maikli nang kamugat na sanhi ng pagpiksi ko. Saka unti unti nang dumadami ang mga kamakagat saking balat. Saka ko na naramadam ang sakit at hapdi. Walang pagsadhan ang sakit sa bawat parte ng katawan ko. Tunulo na rin maging ang luha ko. Napahiyaw na ako ng may sumuntok saking tyan at pilit tinutusok. At wala na akong ibang narinig pa at dilim na ang bumalot saking paningin.