Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Their Rituals (Part 2) 3.0

"Binibini.." anya. Inilingan ko pa rin sya. Akma pa rin syang lalapit pero mas lalo pa akong umatras.

"Huwag kang lalapit." Banta ko.

"Pero Maliyah.." kunot noo nyang sambit.

"Huwag mong subukang lumapit Manarka.." banta ko pa rin. Niloko nya ako. Pinaglalaruan nya ako.

"Ali.." pagsusumamo nito.

"You fooled me!.." nauubusan kong pasensya sa kanya.

"Hindi kita niloko. Hindi ako manloloko!!." Sigaw nya rin sakin. Lalapit na naman ito sakin ngunit umatras pa ako pero hindi ko alam na bangin na pala iyon. Kaya nadulas ako at nahulog. Pero may kamay na humablot saking braso kaya di pa rin ako tuluyang nahulog.

"Humawak kang mabuti Ali.." nag-aala ang kanyang tinig. Pati rin si Biya ay di alam ang gagawin. Kung tutulong ba hihingi pa ng tulong.

"Bitawan mo na ako Manarka.."

"Hindi!.." galit nyang sigaw nya sakin.

"Mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa tumira dito.. ayoko na dito.. natatakot na ako.. Dos.. pagod na ako.." nanginginig kong sabi.

Sandali syang hindi umimik. Parang nag-isip.

"Sige.. kung yun ang gusto mo gagawin ko. Ibigay mo muna sakin yang isang kamay mo. Maliyah.."

Utos nya pero ayokong maniwala.

"Hindi na ako naniniwala sayo.."

"Maniwala ka sakin. Tumutupad ako." Tinitigan ko sya. Bakas sa kanyang mukha ang sinseridad.

Inabot ko ang kamay nya saka nya ako hinila pataas. Nahulog naman ako sa katawan nya. Hanggang ngayon hinihingal pa rin ako dahil sa kaba. Umiiyak dahil sa takot. Hindi ko inalintana ang posisyon namin dahil hanggang ngayon di ko pa rin alam ang gagawin.

"Sshh... You're safe now.. Sorry..." sambit nya na mas nagpahagulgol pa sa akin.

"Alam kong hindi mo ito ginusto pero pinilit pa rin kita. Sorry.. Mas lalo palang mahirap para sakin ang makita kang umiiyak at nahihirapan.. Sorry.. Baby.. Sorry.. Simula ngayon,.. malaya ka na.. pinapalaya na kita.. dahil ganun ka kahalaga... para sakin.. patawarin mo rin ako Maliyah. Hindi ko kailanman inisip ang naramdaman mo.. Alam kong galit ka sakin.. galit na galit.. walang katymbas na galit... pero sana balang araw... mapatawad mo pa ako.." saka nya ako tinulungang tumayo. Wala akong maisip na sabihin sa kanya. Basta ang gusto ko lang ngayon ay umuwi na.

Pagod na rin akong umiyak. Ang tanging naiisip ko lang gawin ngayon ay ang makinig. Wala akong lakas. Naubos. Naging abo na.

"Biya.. Tulungan mo syang mag-ayos. Samahan mo na rin syang mapahinga. Bukas na bukas rin. Ihatid mo na sya sa bayan.." utos nya kay Biya na hindi matanggal ang titig sa akin ngayon.

"Sige. Manarka. Ako nang bahala sa kanya.." sabi ni Biya. Saka ako inakay. Pinunasan nya pa ng ilang ulit ang pisngi ko dahil sa walang humpay pa ring luha ko.

"Simulan mo nang magdasal Manarka. Dahil kahit patawarin kita ngayon, hindi na kailanman mabubura pa ang sakit na naranasan ko sa mga kamay mo.."

"Naiintindihan kita..."

"Arka!!.." hiyaw ng isang lalaking maawtoridad ang boses.

"Anong ginagawa nyo. Hindi pa tapos ang ritwal.." galit nyang sigaw sa mukha ni Dos.

"Kamahalan.. paumanhin. Wala na pong magaganap pang ritwal. Hindi ko kayang isakripisyo ang taong mahalaga sa akin.." napapikit ako nang sampalin sya ng malakas ng tinawag nyang kamahalan.

"Wala kang galang. Wala kang respeto. Walang hiya!.." sigaw nya pa rin. Pagkatapos nyang sigawan si Dos ay tiningnan nya ako ng masama saka hinablot ang braso ko kay Biya.

"Kung hindi mo magawa. Ako nalang ang gagawa.." hinila nya ako paalis ngunit inablot rin ni Dos ang isang kong braso.

"Pa!!.." banta nya dito. Ama nya pala ito. Hindi halata dahil mukha pa itong bata.

"Ako nalang ang gagawa. Huwag lang sya.." nagtitigan silang mag-ama. Pasimple namang inabot ni Dos ang kamay ko kay Biya.

"Kung bakit pinatagal mo pa ng ilang taon. Naghanap ka pa ng kapalit hindi mo naman pala kayang tiisin.. kung gayong... buo na ang desiayon mo. Maghanda ka na.. alam mong kailangang matapos ang ritwal bago sumikat ang araw.." mahaba nyang paliwanag. Nalito naman ako.

Ano bang ritwal ang kailangan nilang tapusin?..

"Halika.." tawag nya sa anak. Ngunit di naman natinag ang binata. Nakatitig lang ito sa akin. Kinabahan naman ako ng husto. Kakaiba kasi sya kung tumingin. Nagsusumamo. Humihingi ng tawad. Nagsisisi. Nagpapasalamat.

"Susunod nalang ako Kamahalan.." tumango nalang ang lalaki bago tuluyang umalis.

Wala na namang namutawi na salita sa pagitan namin.

Tinitigan ko sya sa huling pagkakataon. Naghahanap ng sagot sa mga narinig kanina.

"Tara na Maliyah. Mahaba pa ang lalakarin natin.." hila nya sakin pero pinigilan ko sya.

"Teka lang Biya.. yung mga sinabi nung lalaki kanina ano yun?.." tanong ko kay Biya na hindi maalis kay dos ang tingin.

"Hindi mo na kailangan pang malaman.. masyadong delikado kapag nagtanong ka pa. Kung gusto mo ng makauwi na. Umalis na tayo dito.."

"Sandali lang Biya.." pigil ko pa rin sa kanya.

"Sige na Maliyah. Umalis ka na.." malumanay na sabi ni Dos habang hinahalikan ako sa sentido. Naluluha na naman ako. "Umalis ka na... umalis ka na.. habang kaya ko pa.. please baby.." tumango ako.

Humalik sya ng matagal pa sa noo ko bago nagpaalam.

Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Di ko maipaliwanag. Kumabog ang dibdib ko ng walang dahilan. Parang may gusto pero di ko matukoy.

Tuluyan na nga syang nawala. Di ko na matanaw pa ang likod nya.

Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod nalang kay Biya.

At nang bagong araw na ay hinatid na rin ako ni Biya sa bayan papunta sa aming syudad.

Babalik na talaga ako sa dati kong mundo.