Their Rituals (Part 2) 2.0
"Mahal na Datu!. Handa na ang lahat.." boses ng lalaki.
Hinarap nya ang bandang pintuan kahit hindi ito nakabukas.
"Sige. Salamat. Susunod na lang kami."
Utos nya sa taong nasa labas bago pumihit paharap muli sa akin.
"Tumutupad ako kung sumusunod ang taong kausap ko."
"Fine! Let's make a deal.."
"What's with the deal.." ni Dos. "Dos" ang pangalan nya sa syudad.
"Pagkatapos ng lahat ng ipapagawa mo ngayon.. palalayain mo na ako..."
Hingi ko rito.
"Game!. Deal.."
Lumapit sya ng ilang dipa.
"At si Biya--."
"What about her?.."
Ngisi nito.
"Gusto ko syang makita.."
Matapang akong tumayo at nilapitan rin sya. Wala kaya akong kinakatakutan. Kahit sya. No. Never.
"Okay. It's a deal. Can we seal it?.." anya na titig na titig sa aking mukha pababa sa aking labi.
"Ho---??." Di ko natapos ang akmang sasabihin ng humalik na ito sa aking labi... di ko man lang napansin ang agwat namin kanina na sobrang lapit na pala.
"The he---!" Mura kong di na naman natapos dahil sumunggab na naman ito.
"Ano ba?! Anong klaseng selyo yun?.." asar komg tanong na nakapagpangisi pa lalo dito. Tinulak ko sya ng bahagya.
"Selyong hindi na kailanman matatanggal sayo.."
Sutil nya. Sabay haplos pa sa braso ko. Tinampal ko ito agad.
"You wish!.." I cursed. Saka lumayo sa kanya.
"Kahit palayain pa kita.."
Patuloy nya.
"In your dreams!!" Pagtataray ko.
"Kahit malaya ka na.."
"Go to hell!!.."
Di ko mapigilang magmura sa mga lintanya nya. Kahit natatawa pa sya.
"Hahaha... Let's see, later.." hamon nya pa.
"Let me see now.." matapang rin na hamon ko. Titigan pa rin kami habang nag-uusap. Walang bumibitaw. Dahil ang bumitaw ay talo.
"Let's go, then.." binuksan nya ang pintuan saka minuwestra ang daan palabas. Kaya wala na rin aķong choice. Nagmartsa akong palabas kahit madilim. Walang ilaw. Walang kahit anong liwanag na makikita sa bawat bahagi. Nangangapa ako ngayon sa dilim.
"Ano to!!. Bat wala man lang ilaw?.." reklamo ko kahit patuloy pa rin ako sa paglakad at pagngapa.
"Basta maglakad ka nalang.." utos nya sa aking likod. Ramdam kong nakasunod lang ito sakin.
"Dos!!.." inis kong sigaw.
"I'm just behind you.."
"What?!. Are you tricking me?." Tanong ko. Naiinis ako. Bakit kasi nakasunod lang sya?. Bawal bang sabayan nya ako?.
Hindi ko tuloy alam kung saan ba tutungo. Basta diretso lang akong maglakad. Ang hirap naman kasi. Kahit man lang sana liwanag ng buwan ang meron, kaso wala rin.
"Nope.." anya bigla. Sa likod ko pa rin galing ang boses nya.
"Teka!.." pigil hiningang sambit. Saka humugot ng malalim na hininga. Huminto rin akong maglakad dahil nahihilo na ako.
"Saan ba dapat ako pumunta?." Inis kong tanong dito.
"Sabi ko naman sayo... maglakad ka lang.."
"What the hell!!.." walang malay kong bulalas. Nang tanawin ang ibaba ng tulay na may nagbabagang apoy.
"Is this hell??.." nilapitan ko pa ito. Laking gulat ko pa ng maaninag ang kawayan na pamilyar sa akin.
"Matinik?.. totoo ba to?.." bulong ko. Di pa rin makapaniwala. Wala kasi ito sa hinuha ko. Dahil ang nauna kong nasilayan nasa lugar na ito ay magaganda. Hindi ganito. Hindi parang impyerno.
"Binibini..." biglang may sumulpot na babae saking tabi. Napatalon ako sa gulat.
"Maaari na po kayong tumawid.." muwestra nya sa akin na tumawid na sa nag-iisang kawayan na may isa ring hawakan na may nagbabaga pa ring apoy sa ibaba.
Paano ako tatawid dun?. Juice ko!. Ano bang klase itong napasok ko.?.
"Ta-tatawid ako dyan?." Utal kong tanong sa babae na nakayuko pa rin sa akin.
"Opo. Binibini. Parte ng ritwal.."
"Kailangan talagang tumawid ako dyan?.." turo ko sa tulay. Hindi ko ito magagawa. Alam ko. Ramdam ko na. Magpapakamatay nalang akong pakisamahan sya kung ganun.
"Kailangan po Binibini. Hindi nyo po matatapos ang ritwal kung hindi kayo tatawid dyan.."
"Huh?.. grabe!. Kakaiba ka talaga Dos. Patayin mo na lang kaya ako.." bulong ko. Paano naman kasi ako tatawid dun?..m
"Ang bilin po ng Datu. Kung gusto nyo raw pong makita si Biya ay kailangan nyo pong tumawid." Nagbilin pa sya.
"Sige. Gagawin ko pero kailangang matanaw ko muna si Biya sa kabilang dulo.."
"Sige Binibini. Makakarating." Paalam nito.
Ako naman. Nakatayo lang. Pinagmamasdan ang umaalab pa rin na apoy sa ibaba ng tulay. Nag-iisip ng plano kung paano magiging mabilis ang pagtawid ko.
"Maliyah!!.." sigaw ng isang pamilyar na boses. Nangilabot ako. Isang araw ko lang syang di nakita pero parang kaytagal nun para sakin dahil sa dami ng nangyari.
"Maliyah!!." Muling tawag nito sa akin. Lumapit ako sa dulo ng tulay para matanaw si Biyang kumakaway. Nabuhayan ako ng loob. Saka tinawag rin ang pangalan nya.
"Biya!!!.." malakas kong sigaw.
"Biya!.." mangiyak ngiyak kong sambit sa kanyang pangalan.
"Maliyah!.. Tumawid ka na. Bilis. May pupuntahan pa tayo.." sigaw nya rin sakin. Tumango naman ako kahit na di nya makita. Yun naman ang hudyat ng tuluyan ko nang paghawak sa kawayan. Tumapak sa isa ring kawayan nang dahan dahan. Parang pagong rin ako kung umusad. Kung di pa sumigaw si Biya na bilisan ko ay baka naunahan na ako.
"Bilis Maliyah. Baka maunahan ka ni Manarka. Hindi ka na talaga makakaalis dito!.." kaya minadali ko na talagang umusad patungo sa lugar ni Biya ngunit nang nasa bandang dulo na ako ay may taong tinalon ang pagitan ng likuran ko at ang lugar ni Biya sa lupa. Nakanganga akong tumitig sa tao. Nakangiti na ito. Wala na talaga, talo na ako. Naunahan na nya ako. Pero. Pinagpatuloy ko pa rin umusad kahit umiiyak ako. Ayokong tumira dito. Trauma na sa akin ang lugar na ito. Ayoko dito. Ayoko. Nang umapak na ako sa lupa ay inilahad ni Dos ang kanyang kamay ngunit inilingan ko lang. Nagitla naman sya ng makitang umiiyak ako. Lumapit ito ngunit natigilan rin nang umatras ako.