Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Hot Man 1.0

Naglibot agad ang aking mga mata nang tanggalin na ang piring ko. Medyo malabo pa iyon dahil sa higpit ng pagkakatali nito.

Tumambad sa akin ang kulay pulang paligid.

Nasaan na kaya ako?.. Kinabahan ako ng sobra. Higit pa kanina.

Kaya naman pala pula ay dahil sa pulang kurtina na nakapalibot sa buong lugar. Hula ko'y kwarto ito ng isang mayamang tao. Makikita sa mga muwebles at gara ng mga gamit na naroon.

Medyo may kalakihan ang kabuuan nito. Ang inupuan ko kanina ay isang klase ng upuan na gawa sa magandang uri ng kahoy na hinulma ng mahusay at pinakintab ng husto kaya ito nagniningning sa lahat. May malambot rin itong unan sa bandang pangupo. Ang kama dito ay katamtaman lamang sa dalawang tao. Ngunit may mga nakatabing pa ring mga kurtina sa paligid. Parang hari o reyna ang natutulog dito.

"Binibini..." napatalon ako nang may biglang sumulpot sa aking likod. Babae na nakayuko. May dalang pagkain.

"P-po?.." utal na nasambit ko dahil pa rin sa gulat.

"Kumain na po muna kayo binibini.." inilapag niya ang kanyang hawak. Nakatinigin lamang ako dito. Paano ako kakain kung hindi ko alam kung sino kayo?. O nasaan ako?. O kung may lason bang nilagay sa pagkain ko?..

"Walang nilagay na nakakalason dyaan binibini.." napagtanto niya siguro ang aking reaksyon kayat nasambit niya ito. Naniniguro na wala ngang ganun. At paano naman ako makakasiguro??.. ni hindi nga ako sigurado kung sino kayo?.. hindi ko magawang isambulat ang nasa aking isip dala na rin ng takot sa kanila.

"Hindi kami mamamatay tao.." patuloy niya. Ang babae ay medyo may katandaan na. Halata ito sa kulubot ng kanyang mukha.

"Paano ako makakasiguro?. Ni hindi ko nga kayo kilala.." sa wakas ay nasabi ko ito sa kanya. Mas lalo lang siyang yumuko na kulang na lang ay hindi ipakita ang mukha.

"Paumanhin.." hingi niya. Saka mabilis na umalis..

Paumanhin?. Sa ano?.. sa pagdukot sa akin?.. mga walang hiya.. Biya?. Nasaan ka na ba?.. Imposible namang hindi ka pa nagtataka sa hindi ko pagsulpot sa iyong pagtawag?..

Tinitigan ko lamang ang pagkaing dinala. Wala akong gana. Kahit pa adobong manok at pritong isda na may kasama pang ubas at gatas ang laman ng tray ay wala akong pakialam.

Nakatingin lamang ako rito. Wala akong maisip na gawin para makatakas. Blanko ang aking utak. Maraming tumatakbo rito ngunit hindi ko mawari kung alin sa mga ito ang dapat unahin.

"Kumain na po kayo binibini.." hindi ko siya sinagot. Boses naman ngayon ng isang lalaki sa labas. Nagtaka ako kung bakit hindi ito pumasok.

"Maawa po kayo sa amin. Hindi pa rin kami kumakain.." patuloy ng lalaki. E anong pakialam ko. Sa hindi ko nga malunok ang mga iyan. Gusto kong isagot sa kanya ngunit nagsalita ulit ito.

"Nag-iiyakan na rin po ang mga bata sa gutom. Binibini.. maawa po kayo sa kanila.."

"Sa akin ba hindi kayo naawa?.." sagot ko sa kanya.. Gumamit pa sila ng bata.

Wala nang nagsalita sa labas. Umalis na yata.