Their Rituals (Part 1) 2.0
"Tapos ka na ba?.." hindi ako sumagot. Hindi kasi ako kuntento sa damit.
Humarap muli ito sa akin.
"Ang ganda mo. Bagay sayo.." sambit niya. Saka inalok ang kanyang kamay. Hindi ko ito kinuha. Imbes tinalikuran ko siya. Pero wala na rin akong nagawa nang hablutin na niya ang braso ko. Saka pinagsalikop ang aming mga palad.
Kahit mahigpit ang kanyang hawak ay hindi pa rin ako kumakapit sa kanyang kamay. Kahit tumitingin siya sa akin ay hindi ko siya magawang tingnan. Paano ba ako titingin sa kanya pagkatapos ng ginawa niya?.. Badtrip. This is so awkward.
"Humanda na ang lahat.." sigaw nang dalawang lalaki sa may gilid ng pinto pagkalabas namin. May mga bantay?. Ano ba ito?. May narinig ba sila?. Pero wala akong makita na bakas sa mga mukha nila.
Nagsitayuan ang lahat. Bago tuluyang yumuko. Ang dami nga nila. Mga dalawang daan. Mas marami ang kalalakihan kaysa sa kababaihan. Ngunit bakit ang suot ng mga babae?. Hindi katulad ng akin. Balot ang katawan ng ibang mga babae. Ang ilan naman ay kagaya ko. Pero mabibilang mo lamang.
"Simulan na ang ritwal." Anunsyo ng babaeng matanda. Nagtaka ako nang bumuo ng pabilong ang mga karamihan dito. May upuan sa gitna. May humawak sa aking braso saka dinala sa upuan. Pinaupo at tinali. Nagsindi sila nang apoy saka pabilog na namuo dahil siguro sa gas na nilagay nila. Ang init. Sobra!. May nag-umpisang tumambol. Sumunod ay may umawit at saka nagsayawan na sila nang pabilog Hinanap nang mga mata ko si Biya. Pero wala akong makita na anino niya. Si Arka nakaupo na sa kabilang dako may kausap na kasing-edad niya. Lalaki at kasing kisig niya. Nagtawanan sila saka tumanaw sa aking gawi. Pagkatapos nilang sumayaw ay may pinatong sila sa aking ulo. Mansanas na nakatali. Hindi ko alam kung para saan ito. Ngunit nang tumayo si Arka na may hawak na pana ay nanginig na ako.
Nasa kabilang dako pa rin ito. At parang umaasinta na. Kayat hindi na ako nakagalaw saka pumikit at humiling.
"Asintado!.." anunsyo ng isang lalaki. Pumalakpak ang lahat. Naglagay silang muli ng saging sa taas ng ulo ko. Aasinta ba siya ulit?. Umiling ako. Ngunit lumipad na ang isang pana sa gawi ko kaya napapikit na naman ako.
"Asintado!.." anunsyo na naman nila. Tuwang tuwa silang pumalakpak. Humalakhak naman si Arka kasama ng isang lalaki.
"Tapos na ang pangunahing ritwal. Arka. Ikaw na ang bahala sa susunod.." saad ng matanda na nakatanaw kay Arka.
"Masusunod Inang.." yumuko ito sa harap ng matanda saka ako pinuntahan. Sumunod pa rin yung lalaking kasama niya.
"Maganda ka ngang talaga.. Magaling nga si Biya.. Ako nga pala si Deyo.." pakilala nito. Inalok ang kamay ngunit tinampal lang ito ni Arka. Humagalpak ito ng tawa. "Nagpapakilala lamang ako Arka. Huwag kang masyadong mag-alala.. hahaha." Patuloy lang itong tumawa hanggang sa nagpaalam na. Kami na lang ni Arka ang naiiwan rito. Hindi pa niya tinatanggal ang mga tali sa likod ko.
"Arka. Kailangan mo nang magmadali. Malapit nang magumaga.. kailangan matapos ang ritwal.." sulpot nang matanda. Siya pa ang nagtanggal sa taling nasa akin.
"Opo. Inang.. Masusunod.." hinila na niya ako saka marahang tinulak sa loob ng kwarto.
"Anong gagawin mo?. Si Biya?. Kailangan kong siyang makita.." litong saad ko. Hindi niya ako sinagot. Basta niya na lamang akong tinulak sa kama. May kinuha siyang hugis paru paro sa gilid ng kama. Saka agad idiniin sa aking hita. Magkabilaan. Kayat napasigaw ako. Hindi ko napansin na nagbabaga pala ito. Sobrang sakit at hapdi ang dalawa kong hita. May nilagay ulit siya sa hulma ng paru paro sa hita ko. Gamot iyon dahil naibsan na ang sakit dito.
"Pasensya na. Kailangan kong gawin iyon.." tumulo na ang aking luha. Pinunasan niya agad ito gamit ang kanyang mga kamay.
"Pasensya na talaga.." niyakap niya ako't hinalikan sa noo. Pero hindi parin natitigil ang luhang pumapatak sa aking mata.
"Gusto ko nang umuwi.." gusto ko na talagang umuwi. Ayoko na rito. Ayoko na.
Hindi siya nakapagsalita sa aking hiniling. Bagkus niyakap niya lamang ulit ako ng mahigpit.
"Maliyah.."
"Gusto ko nang umuwi.. Arka. Gusto ko nang umalis dito.." umiling siya.
"Hindi pwede Maliyah. Paano ako?.. paano na ako?.." tanong nito sa harap ko.
"Paano naman ako Arka?.. Paano rin ang dating buhay ko?.. " hindi siya nakaimik.
"Hindi mo ba ako natatandaan?.." kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.
"Kilala na kita Arka. Sa Makahiya Falls. Sa Matinik. At sa Batis Laro.. nakasunod ka lagi. Di ba?.." umiiling ito. Hindi ko naiintindihan ang nais niyang sabihin gamit ang iling.
"Hindi mo na talaga ako kilala?.." umiling rin ako.. nalilito..
"Ako si Manarka Gimenez 11.." hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
Manarka Gimenez 11..
Manarka Gimenez 11.
Manarka Gimenez 11.
Manarka Gimenez 11.
Manarka Gimenez 11...
Paulit ulit ko pang sinasabi ito sa utak ko nang mapagtanto ang 11 sa pangalan niya. Siya yung?.
O my ghad!.
O myghaad!.
No way in hell!...
"M--mG11??..." ayaw kong sambitin pero kailangan. Dahil ang dami kong tanong. Sobra.
Tumango lamang ito.
Nanigas na talaga ako.
Paanong?.
Anong ginagawa niya rito?.
Paano siya napadpad rito?..
"Nagtataka ka na siguro?.. kung paano ako napunta rito?. Kung sinubaybayan ba kita?. O kung paano ko nahanap ang lugar na ito?.." salaysay niya. Wala akong reaksyon sa mga sinabi niya. Speechless ako.
"Alam mo ba kung bakit ako napunta dito?.." umiling ako. "Dahil sayo."
"Alam mo rin ba kung bakit nandito ako?.." umiling akong muli..
"Dahil lugar ko ito.." napamaang ako.
"Alam mo rin ba kung bakit ako biglang nawala?.." iling ulit ako habang nakayuko. Alam ko na. Siya yung may eskandalo sa isang sikat na artista. Dahil sa akin kumalat ang video nila. Hindi ko alam na yung usb pala na ginamit kong pang present ay hindi akin. Kundi sa isang kaofficemate ko na kaibigan niya.
Wait si Deyo???...
Siya si Dennis Hilaryo. Pareho silang sikat na Model sa syudad.
O my myghad!.
This can't be happening..
Hindi ko naman iyon sinadya. Nagkataon lang. At minalas ako dahil natuon nga sa akin.
"Dahil sa ginawa mo."
"Hindi ko iyon sinasadya.."
"Alam ko. Pero may kasalanan ka pa rin."
"Hindi ko nga kasalanan iyon." Pilit ko.
"Alam ko, okay. Pero sa ngayon pwede, huwag na muna nating pagusapan ang nakaraan. Basta ang mahalaga ay akin ka na.."
"Bakit ako?. Wala talaga akong alam doon.." giit ko dahil wala naman talaga.
"Walang bang sinabi si Biya sayo?.." doon na ako nagtaka.
Bakit si Biya?..
"Si Biya?. Wala. Bakit may alam ba siya?.." takang tanong ko..
Tumango lamang sya. Ibig sabihin, simula pa lang. Nasa likod ko na si Biya.
Sumusunod.
Nanonood.
Nakabantay.
Sa bawat galaw ko.
"Na plano ang lahat simula pa lang.."
"Plano?." Ayokong maniwala. Iniisip ko pa lang na kakumtsaba nya sila ay hindi na matanggap ng isip ko.
Paano nya nagawa ito sa akin?.
May kasalanan ba ako sayo, Biya??.
Wala kasi akong matandaan.
Ipaalala mo naman.
"Sa syudad. Maging dito.." tuluyan na akong natulala.
Umiling
Hindi makapaniwala.
Ayaw maniwala.
"Nanlilinlang ka di ba?. Ngayon ikaw naman. Ang NALINLANG..." nakanganganga na nga ako sa huling nasabi niya.
This is so INSANE!...