Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

ENCOUNTER THREE 2.0

Sa iisang kubo lang rin kami natutulog pero may double deck na higaan dito. Hindi siya gawa sa modernong istruktura. Ito'y gawa pa rin ng kawayan at mga kahoy. Maging ito nga ay hindi napalampas ng magiwaga kong camera.

"Biya!.. Namitas ka pala ng mangga?.." sigaw ko sa kanya. Nasa banyo kasi ito nagbibihis.

"Hindi. May nagdala lang rito.."

"Ah. Okay. Matamis ba?.."

"Oo. Tikman mo pagkauwi natin.'

"Sige." Saka na siya lumabas.

"O?. Ganyan ka na?.." pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Bakit may problema ba sa suot ko?.."

Same pa rin kasi ng get up ko. Tshirt. Shorts na kalahati ng hita. At sapatos.

"Meron. Magsasapatos kang pupunta ng Batis?." Naghanap siya ng tsinelas.

"Tanggalin mo yan at isuot ito. Masasayang lang yang sapatos mo pag yan ang ginamit mo. Madulas kasi doon. Baka di pa tayo nakakarating ay nadulas ka na.." saad niya lamang. She's like Mom.

"At yang short mo?. Wala na bang mas mahaba diyan?.." umiling lang rin ako. Nadismaya siya.. "kaya ka sinusundan e.." bulong niya. Na rinig ko naman. Sinusundan nino?..

"Bakit may sumusunod ba sa atin Biya?.." hindi ko na napigilang nagtanong. Naman kasi. Parang tinatakot pa niya ako.

"Wala. Guni guni mo lang iyon. Tara na. Para mabilis tayo." Kinuha niya ang dalawang kawayan na nasa labas ng kubo. May korteng matulis sa tuktok ng mga kawayan. Hula ko'y pantusok sa isda ito.

Heto na naman kami. Nagumpisang naglakad. Pero bawat nilalakaran namin ay puro puno ng mangga na hitik sa bunga. Di ko maiwasan kuhanan ng litrato ang mga ito. Tuwang tuwa pa ako ng makakuha pa ako ng Tarsier na kumakain ng mangga sa sanga nito.

Niyaya na ako ni Biya na magpatuloy. Kaya mabilis naming narating ang Batis Laro. Ito raw ang binansag dito ng kanilang Datu.

Napatakip ako ng bibig nang matanaw ang Batis Laro na sobrang linaw. Katulad ng purified water lamang. Makikita mo rin agad ang mga naglalanguyang isda rito.

"Biya, ang daming isda." Parang bata kong sambit. Humagalpak naman siya.

"Bakit wala bang isda sa inyo?." Tanong nito pagkatapoa tumawa.

"Meron sa palengke marami doon.."

"Kaya naman pala.. ignorante ka rin pala no?.."

"Ay grabe ka. Ang sakit nun Biya ha.." bosea nagtatampo ako.

"Pareho lang naman tayo. Maliyah. Kaya huwag kang magalit. Magkaiba kasi tayo ng mundo kaya ganun.."

"Sabagay.." humiyaw ako nang may lumapit na isda sa mismong paanan namin. Tinawanan na naman ako.

"Hulihin mo na.."

"Ikaw muna." Hamon niya sa akin. Aba ako to. Si Maliyah Sarmen ng Cebu City. Hinahamon ng isang Biya. Pagbigyan. Tutal tapos na akong kumuha ng mga litrato kanina pa.

"Sige nga. Tingnan natin. Kung kaya nga ng taga syudad.."

"Kaya ko to.." di na ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil nasa mismong harap ko naman na ang isda. Nakapaa na rin naman ako. At nasa medyo malalim na kasi kami ni Biya. Bumilang siya ng tatlo. Tinusok ko ang kahoy. Nagdiwamg na rin ako. Pati siya. Ngunit nang iangat ni Biya ang kawayan ay wala naman itong laman. Ay hindi ko natamaan?. Sayang naman.

"Ako naman.." si Biya. Kumpyansa ang kilos. Isang tusok niya lamang ay may nahuli na siya. Kaya't nagdiwang kami.

Pinasa niya ulit sa akin ang kawayang gamit niya dahil ako raw ulit. Hiniram ko ang kanyang kawayan dahil parang malas yung akin.

Nalungkot na ako ng wala pa rin akong nahuli. Si Biya, ganun na naman. Bale dalawa na ang isda niya.

Pangatlong subok ko na to. Kapag wala pa. Ayoko na talaga.

Niloloko lang ata ako ni Biya.

Dahan -dahan kong binaba ang kamay kong may hawak na kawayan saka tinusok agad sa isda ngunit nagitla ako nang may biglang humawak sa kamay ko at idiniin pa nang mas mariin sa tubig dahilan para mahuli ang isda.

Di pa rin ako gumagalaw nang iangat na nang taong nasa likuran ko ang kawayan na may lamang isda na buhay. Ang isang kamay ng tao ay nasa kabilang banda ng baywang ko. Whatda!?...

Nagkakataon lang ba ito o sinasadya na. Pansin ko na kasi. Yung lalaki sa Makahiya Falls. Yung sa Matinik na tulay. At dito. Iisa lang ba ang taong iyon?.. Biya nasaan ka?..