Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Hot Stranger

Hinanap nang mga mata ko si Biya. Nasa kabilang dako na ito ng Batis. Nakahawak pa rin sa baywang ko ang lalaki..

Unti unti ko itong tinanggal saka hinarap siya. Imbes na ako ang mabigla ay parang siya pa ito.

"Excuse me po kuya.." di ko matuloy ang gusto kong sabihin ng mataman niyang akong tiningnan.

"Maliyah!!.." sigaw ni Biya, winawagayway pa ang isdang nahuli ngunit pumakla bigla ang timpla ng kanyang mukha ng matanaw na may kasama akong lalaki.

"Biya!." Iyon lang rin ang kaya kong itugon sa kanya. Para mawala ang kabang nadarama sa taong kaharap ko.

Lumapit ito nang dahan-dahan. Oo, dahan dahan talaga. Parang ang bagal nga nang oras ng maglakad siya.

"Ma--maliyah. May isda na naman akong nahuli.." ipinakita ang isdang nakatusok pa sa kawayan.

Guato kong nguniti pero di ko magawa.

"Ahh. Ar-arka?. Andito ka pala?.." uutal-utal siyang nagtanong sa lalaki.

Tumango lang naman ang lalaki saka tiningnan ako at ibinalik kay Biya ulit ang tingin. Di ba siya nagsasalita?.. tanong ko sa aking isip.

Natatandaan ko na. Siya nga yung lalaking nabangga ko sa Makahiya Falls.

Hindi ko makuha ang tinginan nila. Wala akong maintindihan dahil wala namang namumutawing salita na galing sa kanila.

"Ah.. Maliyah. Tara na. Di ba sabi mo gutom ka na?." Nalito ako sa inasta ni Biya.

"Ay. Oo nga pala. Biya. Actually. Kanina pa nga. Ikaw kasi lumayo ka pa e.." sumakay ako sa gusto niyang iparating.

"Tara.." yaya ko. Di ko na kinuha ang isda sa lalaki na kanina pa nakatayo, at nakatitig sa akin. May dumi ata ang mukha ko?..

"Tar--" di na natuloy ni Biya ang sinasabi dahil pinutol ito ng boses nung lalaki.

"Biya..." wow ang ganda ng boses niya. O my ghad. Is he a goddess?..

At magkaano-ano sila ni Biya?.. Biya ha?..di ko rin masambit ito.

"Biya." Ulit ng lalaki nang hilahin na niya ako. Ngunit huminto rin kamakailan nang mapagtanto ang tinig nito na boses nang-uutos..

"Kailangan na naming umalis Arka. Kanina pa gutom tong kasama ko e.." kinurot pa ang kamay kong hawak niya. Ni Biya.

"Ganun ba. Pwedeng sumama?." Imbes na kay Biya siya tumingin ay sa akin siya nakatitig.. Para bang ako ang kanyang tinatanong. Umiwas agad ng tingin. Ano ba to?..

Pinisil ni Biya ang aking kamay. Parang humihingi ng tulong o opinyon sa tanong.

"Si---sige.." tanging nasambit ko.

Nagkamot ng ulo niya si Biya. Ramdam kong hindi siya komportable sa lalaki pero anong magagawa ko.. Baka sabihing bastos pa ako kapag sinabi kong hindi pwede kanina.

Hindi naman ako nagpadaig sa presensya nito sa aming likod. Patuloy pa rin akong kumukuha ng mga litrato. Nakasunod lamang ang lalaki sa aming likod.

"Di ka pa ba tapos dyan Maliyah?." Si Biya na parang natatae. Nginisihan ko siya sabay kuha ng anggulo niya. Sinunod ko naman ang taong nakasunod pa rin sa amin. Nang itutok ko sa kanya ang lens ay parang nakakita ito nang anghel. Mabilisan ko naman siyang kinunan baka kasi mailang. Mapahiya pa ako kay Biya. Malay ko ba kung anong relasyon nila..

"Yon. Tapos na ako. Hehe.." pinilit ko pa ring gawing magaan ang paligid namin dahil ramdam kong mabigat ito dahil sa mga kasama ko.

"Hahaha.." biglang tumawa ng malakas ang lalaki. Nagulat tuloy ako. Naestatwa ako sa naging ngiti niya Ang gwapo niya Dad... sorry Daddy..

"Hehehehe.." tumawa na rin si Biya. Para kaming mga timang.

"Leeet's go!.." anyaya ko pero walang gumalaw sa kanila.

Tiningnan ko si Biya. Tulala ito sa akin. Pilit kong binabasa ang reaksyon nang kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo. Ganun rin ang tinatawag niyang Arka.

"Biya. Ang ibig sabihin nun ay tara na.. Tara na.." ayun naman pala e. Umenglish ka pa kasi Maliyah e. "Ano nga palang tawag sa salitang ginamit mo kanina?." Si Biya na nasa tabi ko na.

"English ang tawag doon.."

"Ano yun?.."

"Lenggwahe yun sa ibang bansa. Pero pwede rin dito. At para sa lahat ng tao."

"Para sa lahat?.."

"Oo, Biya.."

"Pwedeng magpaturo?.."

"Oo naman. Ikaw pa.."

"Sigurado ka?.."

"Oo. Bakit di ba ako mapagkakatiwalaan?.."

"Baka kasi pagod ka?.."

"Hindi naman masyado. Malapit lang naman kasi ang Batis Laro. Kaya pwede kitang turuan mamaya.."

"Sige ba..." masigla na siyang sumang ayon.

Si Arka palipat lipat lamang ang kanyang tingin sa amin.

Paliko na sana kami papunta sa kubo ngunit may biglang nagsalita..

"Hanggang dito na lamang ako. Biya---..." tumigil siya saka tumingin sa akin. Parang may hinihintay na sagot.. Alam ko na. "Maliyah.." saad ko. "--Maliyah.. mauna na ako.." inabot niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito..

"Sige.." pormal kong tugon. Pero si Biya ay walang kibo.

Umalis naman ito agad. Saka naman ako nakahinga ng maluwag. At lalo na ang kasama ko. Di na ako nakapagtimpi at nagtanong.

"Ikaw Biya ah. May tinatago ka sa akin. Aminin mo na.

Kasintahan mo siya no?."

Kiliti ko sa tagiliran niya.. patuloy ko siyang tinukso pero tinampal niya lang ang kamay ko.

"Hindi no.." tanggi pa nito.

"Imposible. Iba tinginan niyo e.." kulit ko pa rin. Sumalpak agad ang likod ko sa papag pagkadating namin sa kubo.

"Hindi mo lang naiintindihan.." seryoso siya.

"Ang alin naman?." Tanong ko.

"Malalaman mo rin.."

"Kelan naman?. Pag balik ko pa?.."

"Kung pwede sana huwag ka nang bumalik pa.." napatayo ako sa naging sagot niya..

"Bakit may problema ba Biya. May ginawa ba akong mali?.. pasensya na.."

"Wala. Walang mali sayo Maliyah.."

"E ano nga?.."

"Basta. Maiintindihan mo kalaunan. Di ko kayang iparating sayo nang basta basta.."

"Hayy. Ewan sayo. Biya. Matutulog muna ako ah.."

"Hindi ka ba magpapalit ng damit?.."

"Hindi na muna. Di naman basa ang damit ko."

"Sige. Gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ako.."

"Salamat Biya.. hayaan mo. Malapit naman na akong umalis. Kaya pagpasensyahan mo na lang muna ako."

"Oo naman. Maliyah.." sambit niya ngunit may sunod pa siyang sinabi.

"At sana makaalis ka na kahit bukas pa.."dinig ko iyon. Ayokong mag-away kami ni Biya pero para kasing ayaw na niya ako dito kaya "ano iyon Biya.." tanong ko.

"Ang alin?.." astang nagulat siya.. "yung sinabi mong kung pwede bukas sana ay aalis na ako.." nagawa kong umupo nang walang kahirap hirap sa papag.

Parang hindi pagod.

"Huwag mo akong mamasamain Maliyah. Pero kasi dapat ka na talagang umalis dahil mapapasama ka talaga dito kapag nagkataong nagtagal ka pa rito.." lito ako sa mga sinabi niya. Bakit naman ako mapapasama?.. at sino ang gagawa nun??..

"Pero di ko pa nakikita lahat ng lugar niyo Biya.."

"Hindi mo na dapat makita ang lahat Maliyah.."

"Biya?.."

"Dahil hindi mo na magugustuhan ang mga mangyayari.." kumalabog bigla ang aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking kaba.

Bskit kaya ganito umasta si Biya. Si Arka nga ba ang dahilan?.. hindi naman ako tanga para hindi ko malaman iyon.. siguro nga Maliyah. Kaya mag-empake ka na.