First Encounter
"Maliyah. Sama ka na. Atsaka di ka talaga magsisisi. Baka nga ayaw mo nang umuwi pa ng Cebu.." Pinipilit pa rin ako ni Biya. Ang kauna-unahang tao na naging kakilala ko dito sa may Sitio Galiw.
"Pagod pa ako Biya. Baka bukas nalang. Gusto ko munang magpahinga kahit sandali." Nakatihaya na ako sa papag. Nakatingala sa bubong ng kubong nirentahan ko.
"E bakit ka pa pumunta rito kung magpapahinga ka lang Maliyah. Sayang ang oras at ang babayaran mo rito sa kubo." Naupo ito sa gilid ko. Tinitingala rin ang itaas.
"Hindi iyon sayang sa akin Biya. Pumunta lang talaga ako rito para magpahinga." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bumyahe ka ng mahaba para lang makapagpahinga rito. Nagpagod ka lang pala sa byahe mo. Hija." Tumayo ito at nagsalin ng kape. Medyo malamig ang simoy ng hangin dahil madaling araw pa lamang. At kararating ko pa lang. At si Biya ang nagturo at nag asikaso na sakin patungo rito.
Can't believe that there is still some amazing places here in the Philippines.
Nahanap ko ang Sitio Galiw na ito sa isang Magazine nang araw na nagbasa ako para makahanap ng ideya para sa next subject ko.
Breathtaking view.
Jaw dropping falls.
And clear water lakes... I've been dreaming for that place to be in. And so, I'm not dreaming anymore cause I am here now.
Feeling.
Taking.
And even touching the beauty of Sitio Galiw.
"O sya. Tutal masyadong maaga pa naman. Matulog ka na muna. Mamaya babalikan kita rito. Ha?." Sabi nito habang humihigop ng kape.
Tumango lang ako.
Nakatulog rin ako ng ilang oras. Ngunit nagising ako nang wala sa oras ng makaramdam ng sakit ng likod. Dahil first time kong mahiga sa papag ay sumakit ito.
"Masakit ba?." Si Biya na may hawak nang pinggan at tasa. Umuusok pa ito. "Ganyan ang daing ng mga taong hindi sanay matulog sa papag tuwing nagpupunta rito." Hinilot ko ang bandang balikat ko dahil masakit talaga.
"Mga ilang araw Biya para maalis ang sakit?." Tanong ko habang naghihilot pa rin na nakapikit.
"Mawawala na yan kung gagamutin mo agad." Sabay lapag sa harap ko nang pritong isda, sinangag at kapeng itim..
"Kumain ka na habang hinihilot ko iyang likod mo." Pagkasabi niya ay agad siyang nasa likod ko at hinilot ito.
"Masarap ba?." Hindi ko maintindihan kung para sa pagkain ba yon o sa hilot niya. "Ang alin po?." Di ko mapigilang magtanong.
"Nang isda at ng kape?."
Tumayo siya at may kinuha sa bulsa. May hawak na siyang boteng maliit. Naglagay ng kaunti sa kamay saka hinilot muli sa likod ko. I feel relieved.
"Pareho. Pero masyadong matapang ang kape."
Ang sarap ng hilot niya. Nawawala ang pagod ko.
"Puro kasi yan. Barako ang tawag diyan."
Sabay hagod sa likod ko.
"Kaya pala. Di ko aakalain Biya na ganito pala kaganda ang Sitio Galiw sa personal. Namangha na ako sa litrato nito ngunit mas lalong namamangha ako sa tunay nitong ganda." Di ko maiwasang humigip ng kape dahil sa sinangag. Masarap kasi.
"Di na ba masakit ang likod mo?."
"Hindi na masyado. Salamat sayo, Biya."
"Walang anuman. Huwag ka munang magpasalamat baka hindi na maulit. Hahaha..." humalakhak siya.
"Hehe.." iyon lamang ang naisagot ko. "O siya, maghanda ka na para makalibot na tayo. Sayang ang panahon. Hija."
"Maliligo muna ako Biya.."
"Sige. Gumagamit ka ba ng mainit na tubig?."
Tango lang ako.
"May mainit na diyan. Ilagay mo na lang. Hihintayin kita dito sa labas."
"Hindi ka ba maliligo?." Tanong ko kahit nasa labas na siya.
"Tapos na, kanina pa."
"Sige. Mabilis lang naman ako maligo."
Wala na siyang imik. Kaya mas binilisan ko pa ang pagligo..
Nagdamit nalang ako ng maluwag na tshirt at short na kita ang kalahati ng hita para mas mabilis. Atsaka sapatos na pang hiking.
Pagkalabas ko ay nasa labas pa rin si Biya. Nagwawalis. Ngayon ko lang rin napansin ang mga bulaklak sa labas na basa pa rin sa hamog.
"Tara na." Anyaya ko.
Mabilis naman siyang kumilos kaya nag umpisa na rin kaming naglakad.
"Saan ang una nating pupuntahan?." Tanong ko habang inaayos ang camera ko.
"Tanaw mo ba ang burol na iyon?." Tinuro niya ang burol na nababalutan ngayon ng hamog at sumisilip na araw.
"Diyan tayo dadaan patungo sa Makahiya Falls." Kinuhanan ko naman ang ganda ng burol. Kahit si Biya ay hindi pinalampas ng camera ko.
"Wala na bang ibang daan?." Dahil hindi ko pa ata kayang umakyat ngayon. Pagod pa ako. Swear.
"Wala na. Ang lahat ng bagay na magaganda ay kadalasang nakatago at mahirap puntahan. Kaya kung gusto mong makakita ng paraiso. Magtiis ka." She's so hard sometimes bro. Yeah. Sometimes.. But yet sincere huh..
"Hindi ako pupunta rito kung hindi ko matitiis ang hirap. Kaya kakayanin ko." Lakas ng loob mo Maliyah. Baka mamaya pumalya ka, ha?.
Mabato ang unang dinaanan namin. May maputik rin. Madamo. At baku-bako.
At sa wakas narating rin namin ang Makahiya Falls. And wow!. As in wow. Worth it. Ang pagod. Pawis at hingal ko. Sobrang ganda. Sumasabog ang tubig pababa na galing raw sa batis sabi kanina ni Biya. Blue ang kulay nito. Ang sarap magtampisaw.
Pinuwesto ko agad ang dala kong camera at kumuha ng iba't ibang anggulo ng tubig na umaagos mula sa taas. Napaganda. Kulang ang salita para idetalye ang kabuuan nito.
"Hindi ka ba maliligo?." Sulpot sa gilid si Biya sa tubig. Kanina pa itong naliligo. Matapos ang kaunti naming pahinga ay tumalon na ito sa tubig at lumangoy.
"Maliligo. Ayusin ko lang to." Sabay set ng video sa Camera.
Tinanggal ko pa ang aking damit saka tumalon na rin sa nagniningning na tubig.
Pag-ahon ko ay may natamaan akong parang kahoy. Kaya tiningnan ko ito. O my ghad!. "Sorry. Di ko sinasadya." nasabi ko lang dahil sa hiya. May tao pala sa paligid. Bakit di ko iyon naramdaman?.
Si Biya na sa baba na ng Falls. Gusto kong sumunod sa kanya pero nahiya na ako doon sa lalaki na nabangga ko kanina. Nakatitig pa kasi ito. Kaya mas pinili kong umahon na lang at ayusin ang Camera. Para mamaya.
"Biya tara na." Kaway ko sa kanya. Kumaway naman ito pabalik.
Saka kami umalis. Iniwan ang estrangherong mataman pa rin kung tumingin sakin.