Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

SECOND ENCOUNTER 2.0

Ang sinasabi niyang madaling puntahan ay kabaligtaran pala nito. Tawang tawa siya nang makita ang mukha kong busangot na sa pagod. "Di ba?. Anong masasabi mo Maliyah?." Tanong nya pa habang tumatawid kami sa makipot na tulay na gawa pa sa kawayan. Nanginig ako nang tumuntong ako rito. Isang piraso lang naman ng kawayan ang tulay na may hawakan sa magkabilang gilid. Kaya sinong hindi manginginig?..

"Kaya mo ba?." Hamon niya talaga sa akin. Tawang tawa sa kabilang dulo ng tulay. Nakatawid na ito nang walang kahirap hirap.

"Ako pa. Hintayin mo ako diyan.." matapang na sagot ko sa kanya. Kaso sinenyasan niya lang ako gamit ang kanyang thumb.

"Kaya mo yan, Maliyah! Ikaw pa.. Natiis mo nga ang byahe diba. Huu!.." huminga muna ako ng malalim bago sumubok maglakad.

Ngunit wala pa akong dalawang hakbang ay gumewang na ang kawayan kaya't naestatwa na ako sa kaba. "O my ghad. Dito na ba ako mamamatay?." Bulong ng isip ko. "Biya, naman!." Sigaw ko na sa kanya nang di ako makagalw sa lugar ko. Baka hindi na kami matuloy sa Matinik na yun kung hindi talaga ako makatawid rito. "Kaya mo yan. Maliyah. Di ba sinabi mo kanina. Hahaha.." nang-asar pa siya. E siya kya nasa kalagayan ko?. Maswerte ka lang at nasanay ka rito..

"Hindi na pala. Naman Biya e. Wala ka man lang bang malasakit sa akin ha?.." pawis na ang buo kong katawan. Grabe siya. Di talaga nagpatinag na tulungan ako. Humanda ka sakin kapag ikaw ang nangailangan.

"Kaya mo yan Maliyah. Maliyah. Maliyah..." para siyang baliw na makasigaw sa aking pangalan.

Sinubukan kong muli ngunit gumewang na naman ito. Lintik na tulay ito. Matinik ka nga.

Pangatlong subok ulit ako ay nasa medyo kalahati na ako. Subalit bigla namang umihip ng hangin kaya nahinto na naman ako. Si Biya kontento na sa kabilang banda. Ako heto, pawisin na.

Di pa ako gumagalaw. Di pa kasi huminto ang hangin. Nang ika apat na subok na ako ay may humawak na sa aking baywang. Mas lalong nanlamig naman ako sa ginawa ng kung sinong pontio pilato sa likod ko.

Tinulak niya ako nang bahagya dahilan upang makausad ako ng mabilisan. Para pa nga akong tumakbo dahil sa kabang nadama. Pero salamat at nasa kabilang dulo na pala ako. Si Biya ay tawang tawa sa harap ko ngunit nahinto at namangha nang makita ang taong nasa likod ko.

"Ta--tara na Maliyah... ang tagal mo naman.." utal siyang magsalita. Nakakapagtaka..

Magpapasalamat na sana ako sa taong tumulomg sa akin pero bigla naman itong nasa kabilang dulo na ng tulay. Tinuro nito ni Biya. Nakatalikod na itong maglakad. Kaya nagkamot na lang ako ng ulo.

"Malapit na ba tayo Biya?.." tanong ko habang umiinom ng tubig..

"Andito na tayo. Maliyah..." ngumiti ito saka inginuso ang bandang likod ko dahil kaharap ko pa rin ang tulay sa kabilang dulo. Nagbabaka sakaling makita ang taong tumulong sa akin.

"Biya.." pangalan niya ang tanging nabanggit ko nang makita ang iba-t ibang kulay ng mga bulaklak na napaliligiran ng kulay berde na halaman.

"Matinik di ba?.." tanong niya. Tinapik ang likod ko saka pumunta sa mga bulaklak.

"Grabe. Biya.. ang gandaaa..." di pa rin makapaniwala. Tunay ba ito o artipisyal?.. "di ba?. Sabi sayo e... haha.."

"Ang alin?." Tanong ko habang kumukuha ng mga litrato sabay haplos sa mga bulaklak. Tunay nga sila. Nakakamangha...

"Na matinik ito. Haha.."

Tinuro ang mga halaman.

"Paano naman naging matinik ito, aber?.. wala naman akong nakikitang tinik sa mga bulaklak.." pumitas siya ng isang pulang bulaklak saka inipit sa aking tainga. Nagulat pa nga ako. Baka kung sino na naman.

"Dahil sa tulay iyon. Maliyah. Hindi mo ba nakuha?.. nakatawid ka ba rito kumg walang tumulak sayo?..at hindi ba matinik sa ganda ang mga bulaklak?."

"Talaga?.. kaya pala..."nilibot ang paligid. Amazing flowers..

"Matinik ngang talaga. Biya.. grabe sa ganda, pero teka kilala mo yung lalaking tumulak sa akin kanina?.." napatigil ako sa pagkuha ng litrato saka nilingon siya.

"Hindi. Maliyah.." sambit niya pero hindi siya makatingin sa akin. Sinungaling to.. Nag- iba nga mukha mo kanina e.. di ko na lang sinabi baka magtampo at iwan akong mag-isa rito. Di pa ako tulungan makatawid sa tulay...

"Kumuha ka nang maraming litrato para makauwi na tayo. Kanina pa kumukulog ang tiyan ko. Ang tagal mo naman kasi.. gutom na ako.." reklamo niya. Kasalanan mo di mo kasi ako tinulungan.

"Sige sandali na lamang ito..." saad ko. Kumuha na ako ng iba't ibang anggulo ng iba-ibang kulay ng bulaklak. Napaganda. Hindi ako magsasawa sa mga kulay nila. Ngunit kinilabit na nga ako ni Biya, hudyat na para lisanin ang matinik sa ganda na hardin.