Chereads / Sitio Galiw (COMPLETED) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Second Encounter 1.0

Dahil sa ganda ng Makahiya Falls ay nakalimutan kong mag-enjoy maligo rito. Pagkatapos kong mabangga sa tao kanina ay di na ako bumalik pang naligo.

"Ang bilis mong umahon ah?." Tanong ni Biya pagkaalis namin doon.

"Baka kasi makalimutan ko ang ipinunta ko rito. Kaya medyo nagpabasa lang ako. Para masubukan ang ganda nito.."

"Ganoun?. Baka naman kakaisip mo sa ginagawa mo ay di mo na maenjoy ang pagpunta mo rito."

"Okay lang. Basta makakuha lang ako ng magandang litrato parang andun na rin naman ako."

"Pero iba pa rin pag nagenjoy ka."

"Siguro pagbalik ko na lang.."

"Babalik ka pa?."

"Oo naman. Nabighani na kasi ako sa ganda ng lugar niyo."

"Kelan naman?."

"Di ko pa alam pero babalik talaga ako rito."

"Hihintayin ko yan. At sana magkita pa tayo sa araw na iyon."

"Oo naman Biya. Bakit may balak ka bang umalis dito?."

"Wala. Bakit ko naman iiwanan ang lugar na dinadagsa ng mga dayuhan. Hindi kailanman. Maliyah."

"Mabuti naman kung ganun Biya.. Nasaan ang sunod nating destinasyon?." Tanong ko. Dahil pagkatapos ng Makahiya Falls kahapon ay di na kami ulit lumabas ni Biya. Pareho kasi kaming pagod.

Biruin mo pati siya napagod. Sa layo ba naman nung paraisong iyon. Pero sinasabi kong sulit ang pagod mo. Bago mo kasi makikita ang Talon ay dadaan ka muna sa burol. Kailangan mo munang umakyat at syempre bumaba para marating ito. Pero hindi pa rin iyon ganun kadali marating dahil sa lubak lubak na daan.. kaya't pagod ka talaga pag nakauwi ka na.

"Sa Matinik naman tayo." Biglang sambit niya.

"Matinik?.."

"Oo. Matinik dahil matinik ang daan papunta roon?..."

"Na naman?."

"Oo, bakit hindi diba?. Paraiso nga. Maliyah."

"Oooookayy.." malamya kong sagot.

"Bakit parang ayaw mo?." Tanong niya.

"Wala naman akong sinabi. Biya."

"Wala ba?."

"Sige na nga. Bat naman kasi Matinik?.."

"Matinik dahil ang mga bulaklak rin doon ay matitinik."

"How true?.."

Di makapaniwala.

"Ano?." Kunot noo niyang tanong.

"Ibig kong sabihin paanong ganun?."

"Basta makikita mo mamaya.."

"Kamusta naman ang daan papunta dun?."

"Medyo maayos naman kumpara sa Makahiya Falls. Haha.."

"Totoo?."

"Oo. O, bat parang di ka naniniwala?." Namaywang siya.

"E bat ka kasi tumawa?."

Di ko siya matingnan dahil abala ako sa aking camera.

"E sa natawa lang ako. Maliyah. Anong masama roon?.."

"Sa amin kasi kapag may ganun ay may nakakatawa.."

"Sa inyo iyon Maliyah. Hindi dito..."

"Ay ganun?.."

"Ganun na nga..."

"Tara na nga. Di ka pa ba tapos diyan?."

Abala pa rin kasi ako sa isang puno na maraming bunga. Gusto kong kumuha pero baka mabigatan pa ako mamaya. Dagdag abala pa sa akin. Kaya kinuhanan ko na lamang ng marami.

"Gusto mo?." Sabay bigay ni Biya ng Mangga na malaki. Ito ata yung Karabao manggo na sinsabi nila.

"Gusto pero baka mabigatan pa ako mamaya. Saka na lang pag bumalik tayo.." tanggi ko kahit takam na takam na ako dito.

"Ikaw bahala. Siguradong wala iyan sa inyo, diba?..."

"Oo e. Pero may mas importante pa sa akin ngayon kaysa diyan."

"Sigurado ka talaga?. Kasi ako, kukuha ako kahit isa lang. Pangamoy lang.." inamoy amoy pa ito na parang kumaakain.

"Mamaya na.."

"Sigurado ka?.." hinarap pa sa akin ang hawak niyang isa. Nang-aasar.

"Oo nga. Kulit mo rin no?. Tara na nga..." hinila ko siya saka nagtungo na kami sa Matinik na iyon.