Chapter 33 - C33

Me and Luis and our extravagant engagement party became the talk of the town for the whole week and the week after that. At dahil wala akong soc meds at hindi rin naman updated si Lu ay nalaman ko lang lahat through my friends and employees who reported everything to me.

Ang dami daw nilang nababasang magagandang komento galing sa mga tao, but there are some negative comments too. And one of those negative ones came from the paparazzi named Jose!

May pasabog daw siya tungkol sa 'kin, like what the hell?

I knew it all along na tungkol sa pagsayaw namin ni Xave ang tinutukoy niya. But I don't give a damn about him. I'm not a celebrity, anyway, but since part nga daw ako ng upper class ay malamang pagkakakitaan pa din daw ang magiging scoop ng paparazzi na 'yon.

I just disregarded all of those negativities at mas maiging hayaan na lang ang paparazzi na 'yon. Kung papansinin ko lang din siya ay baka mas lalo lang lalala ang sitwasyon at ayoko din naman masira ang mga araw ko na sumasaya dahil kay Luis.

Ngayon ang araw na makikipagkita na kami sa wedding coordinator namin na hinire ni mommy. Hinihintay ko na lang na dumating si Luis dito sa shop para sunduin ako at sabay na kaming tutungo doon.

Pwede ko naman sanang i-asa na lang ang lahat sa coordinator/planner but since gusto kong may personal touch ko ang magiging kasal namin ay mas pinili kong maging hands-on. Sa wedding dress ko nga kasi ay hindi na ako 'yong magdedesign kaya nga sa ibang importanteng bagay ay mas gusto kong ako na mismo ang magdedesisyon.

Nakaupo lang ako sa lobby ng shop ko while waiting for him to arrive. Sabi niya 15minutes na lang daw kaya nga lumabas na 'ko ng office at tumambay na lang dito.

Tapos na din kasi ang office hours kaya tatlong staff ko na lang ang natira dito sa loob ng shop at yong dalawang guards namin. I was busy scrolling the list of my Spotify account ng biglang may nagkalampag ng pintuan ng shop ko.

Mabilis na pumasok ang taong 'yon sa loob na halatang nagpupuyos sa galit habang tinitingnan ako ng diretso. And guess who the unwanted visitor is?

Si Marilou!

"Walang hiya ka, Mikaella!" Sigaw niya at akmang susugod sa 'kin pero dahil alerto ang mga guards namin ay nahawakan agad siya sa braso para pigilan.

Napatayo tuloy ako at tinititigan lang siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga guards. Kahit ang mga staff ko ay nabahala din sa pagsigaw niya kaya napapunta din sa lobby.

"Bitawan niyo 'ko!" Sigaw pa niya habang nanatili ang mga galit na mga mata sa 'kin kahit puno ang mga 'yon ng luha.

How pitiful.

"Kumalma ho muna kayo, Ma'am." Dinig ko pang mahinahong sinabi ni kuya guard sa kanya.

"Bitawan niyo siya, kuya." Utos ko na lang pagkatapos kong mapabuntong-hininga.

"Pero Ma'am.." Pagdadalwang isip pa ng guard namin na mukhang kinakabahan sa maaaring gawin ng babae sa 'kin.

"Its okay, kuya. I can handle her." Prente ko pang sinabi kaya kahit nag-aalinlangan ay binitiwan nga nila si Marilou na agad na sumugod talaga sa 'kin.

"Mang-aagaw ka, Mikaella!" Sigaw pa niya.

She tried to slap me pero nailagan ko at malakas ko siyang tinulak palayo sa kin. Nanghihina yata siya kasi sa pagtulak ko ay natumba talaga siya sa sahig. Singhapan ang mga tauhan ko sa nangyari.

"How dare you tried to slap me, Marilou? Tapos ngayon para kang nakakaawang bubwit diyan sa sahig! Ano? Susugod ka tapos magpapaawa?" Sabi ko pa sabay duro sa kanya.

Grabeng pagtangis ang ginawa niya habang nakatingala sa 'kin. "Ibalik mo si Luis sa 'kin, Mikaella... Maawa ka.."

"And why would I do that, Marilou? Ikaw ang nagkasala sa relasyon niyo! And what did you after that? Ang tapang mong hamunin ako, 'di ba? And you even have the guts to lie to him para lang maitago ang pagkakasala mo! You made him think the worst of me! And now, you're asking me to return him to you? Really, huh? Hindi isang bagay si Luis, Marilou!"

"Alam mong ako ang mahal niya, Mikaella, pero inagaw mo pa rin siya! Hindi ako nagsinungaling sa kanya! Sinabi ko sa kanya ang totoo at pinatawad niya ako! Tapos anong ginawa mo, huh? Nilandi mo siya at pinilit na maging kayo! Malandi ka! Mang-aagaw!" Sigaw niya pabalik na siyang ikinasinghap ng mga staff ko.

Nakaramdam ako ng sobrang pagkahiya dahil sa sinabi niya. Totoo naman talaga kasi kaya hindi ko na nacontrol ang sarili ko at kahit nakaupo pa din siya sa sahig ay sinampal ko pa din siya ng malakas. Hindi alam ng mga tauhan ko ang gagawin at kung paano nila ako pigilan. Tatlong beses ko pa siya sinampal at kinalmot pa bago may humawak sa kamay ko at kinaladkad ako palayo kay Marilou.

"Eya! Stop it!" Sigaw ni Luis sa mukha ko habang niyugyog ako ng malakas.

"Siya ang nagpunta dito para mageskandalo, Lu! At kung anu-ano ang inaakusa sa 'kin!" Pagsusumbong ko pa dahil ang buong akala ko ay kakampihan niya ako.

But I was wrong.

So wrong.

Dahil hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay binitiwan na ako ni Lu at lumapit na siya kay Marilou para aluin ito. He helped her stand up and even held her close to his chest.

"Are you okay?" He softly asked her habang hinahaplos ang buhok ng bitch!

"Luis... sinampal niya 'ko! Sinaktan niya 'ko, Luis." Dinig ko ding pagtangis ng walangyang babae!

"I'm sorry.." Pabulong pang sabi ni Lu sa kanya.

"Ba't ka nagsosorry sa kanya, Lu! She made me do it!" Sigaw ko na halos hindi makapaniwala sa pagkampi ni Lu sa babae.

"I saw what happened, Eya! She was already on the floor when you slapped her! Hindi ka pa nakuntento sa isa! Wala ka bang awa, ha?!" He snapped at me that made my heart hurt too much.

"Are you seriously going to take her side, Lu? Siya ang sumugod dito!"

"Kahit na! Kung siya man ang sumugod ay ikaw pa din ang naunang nanakit! I'm so disappointed in you, Eya. I can't believe you can hurt someone whose clearly unable to defend herself and fight back!" Sabi pa niya na sa huling kataga ay ilang beses pa siyang umiling.

Napakagat-labi lang ako sa sinabi niya at nakaramdam ako bigla ng sobrang awa sa sarili. Lalo na ng malaman ko na ang sagot sa iniiwasan kong itanong sa kanya sa mga araw na magkasama kami.

Si Marilou pa din talaga ang mahal niya. There's no doubt about that anymore. Klarong-klaro na talaga sa kaganapan ngayon.

"I-uwi mo na 'ko, love. Umuwi na tayo." Dinig kong pakiusap ni Marilou sa kanya habang nanatili silang magkayakap.

"Dadalhin muna kita sa ospital." Sagot naman ni Luis na mukhang nakalimutan na ang presensya ko dito.

Its like they have their very own world where I clearly don't belong.

Noong nagsimula na silang humakbang paalis ay doon lang ako natauhan. Mabilis akong lumapit at hinawakan si Lu sa braso para pigilan.

"Why are y-you going with her, Lu? K-Kung gusto mo siyang pumunta sa o-ospital.. ay pwede na ring si kuya na lang ang sasama sa kanya! M-May lakad pa tayo, remember?" Parang humihiling ako ng himala sa pakiusap ko sa kanya pero sadyang wala nga talagang himala dahil tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya bago siya tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Ako na ang magdadala sa kanya sa hospital, Eya. Marami pang araw para sa walang kabuluhang lakad na 'yan. Umuwi ka na." Maanghang niyang sinabi at tuloy-tuloy na silang lumakad paalis sa harap ko.

Naiwan lang akong nakatingin sa kanila palayo at bago pa sila nawala sa paningin ko ay nakita ko pa ang nakangising mukha ni Marilou na lumingon sa 'kin.

Alam ko namang talo talaga ako pagdating kay Marilou. At kahit mas nauna kong nakilala at matagal kong nakasama si Lu ay wala pa ding makakatalo sa pagmamahalan nila.

I was just in denial for the past few days. I thought may magbabago dahil nagbago ang pakikitungo ni Lu sa 'kin. Pero wala pala. Talo pa din pala ako.

Hindi ko na alam kung paano ako nakaalis sa shop. Kinausap ako ng mga tauhan ko pagkaalis ng dalawa pero wala na ako sa katinuan sa mga oras na 'yon. Basta na lang ako nagpaalam sa kanila. Hindi ko din alam kung paano ako nagtawag ng taxi.

Habang nakasakay na 'ko sa taxi ay hindi ko din alam kung saan ako uuwi. Sabi niya uuwi na daw ako, pero saan? Sa condo niya?

"Ma'am, saan kayo ihahatid?" Tanong ng driver sa 'kin noong nakaalis na kami sa shop at nanatiling tahimik lang ako.

I told him my address. Address ng sariling condo ko. Doon na lang muna ako pansamantala. Ayokong umuwi kay Lu. Ayokong makita si Lu. Ayokong makausap si Lu.

Natatakot ako sa maaari niyang sabihin pagkatapos ng nangyari kanina. I have this odd feeling that he might ask me to let him go, and that's definitely possible dahil mas pinili nga niya si Marilou kaysa sa 'kin.

Pagkarating ko sa condo ko ay agad ko ng pinatay ang phone ko. Gumala ang mga mata ko sa paligid ko, at hindi ko naiwasang ngumiti ng mapait.

Ang tahimik, at ito ang kailangan ko ngayong gabi.

Its been a long while since I went home here. Plano ko na sanang ibenta, mabuti na lang at hindi ko tinuloy. Dahil babalik pa din pala ako dito.

Dumiretso na 'ko sa kwarto ko at humiga sa kama pagkatapos kong hubarin ang mga damit ko. Hindi na ako naligo o nagpalit man lang ng damit. I just want to sleep all of my worries for tonight.

The next morning pagkagising ko ay may nabuo na 'kong desisyon sa isip ko. Ewan ko ba sa utak ko. Habang tulog yata ako ay gumana na lang siya ng basta-basta.

I took off the engagement ring in my finger and hid it in the drawer of my bedside table. Nakaramdam ako ng kunting kaginhawaan sa ginawa ko.

Naligo ako agad ng makita ang itsura ko sa mirror. Natakot pa ako dahil mukha pala akong baliw dahil sa gulo ng buhok ko at hindi ko din natanggal ang make-up ko kagabi.

Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko na ang phone ko. Tuloy-tuloy lang ang tunog niyon pero hindi ko na muna tiningnan dahil gutom na gutom na 'ko. I forgot to eat dinner last night kaya eto at nagbinge eating talaga ako.

Habang nagsesepilyo na ako ay doon ko lang naisip 'yong sasakyan ko. But instead of going to his condo building para kunin 'yon, ay mas mabuti pang ipadala ko na lang ang isang sasakyan namin dito.

I grabbed my phone and smirked when I saw almost a hundred of text messages from him. I ignored all of it and continued to call one of our drivers at home.

I bet its already clear what my plan is, huh?

Hindi ako papayag na itigil ang kasal namin pero magiging casual na lang ang pakikitungo ko kay Lu. Hindi ko hahayaan si Marilou na maging masaya, because if I will give in to her beggings then paniguradong magpaparty ang bitch na 'yon. Ang iniwang ngisi pa lang niya kagabi ay isang indikasyon na hinahamon niya pa din ako. Hindi ko siya hahayaang manalo dito!

I won't allow that to happen, ever!

Kung ipagpapatuloy pa din nila ang relasyon nila kahit na kasal na kami ay wala na din akong pakialam. Pagod na kong masaktan ng paulit-ulit. Tanggap ko ng hindi na ako ang mahal ni Lu at hindi na mangyayari 'yon dahil nandiyan nga si Marilou.

Kaya, why not play this game with them?

Hindi naman pwedeng ako lang ang parating nasasaktan dito. Sabi ko nga, pagod na 'kong masaktan at magpumulit pang mahalin niya 'ko.