Sinadya ko talagang magtagal sa banyo para makaiwas sa posibleng mangyari sa 'min ngayong gabi. Isang oras at kalahati yata ako sa loob. Tatlong beses yata ako nag sabon at nagscrub ng katawan, tatlong beses din na nagshampoo at conditioner, nag shave pa 'ko gamit ang electric razor, at dalawang beses na nagsepilyo.
Napaungol tuloy ako sa biglang naisip na conclusion sa ginawa kong maiging paglilinis ng katawan habang naglalagay ng lotion sa legs ko. Feeling ko parang naghahanda pa talaga ako sa mangyayari sa 'min ah!
My gosh!
Hindi ah!
Ginawa ko lang naman magpatagal para paglabas ko ay tulog na siya! 'Yon, 'yon! Stop being marupok, Mikaella!
Napangiti pa ako ng mapait kanina pagkapasok ko dahil nakita kong nandoon pa din ang lahat ng gamit ko sa loob ng banyo niya. Kung paano ko 'yon iniwan ay ganoon pa din ang pwesto ng mga 'to.
Pero bigla kong naalala ang pagpunta ni Marilou dito.
Damn it!
Baka ginamit ng bitch na 'yon ang mga gamit ko! Marahas kong hinablot ang bathrobe ko kung saan 'yon nakasampay at agad na inamoy 'yon.
Hmm.. amoy bagong laba, amoy fabcon.
But who knows, baka nilabhan talaga ni Luis 'to at inayos ang mga gamit ko para walang bakas ni Marilou kung sakaling pupunta ako dito. Basta ba hindi ko lang makita na suot o ginagamit niya ang mga pagmamay-ari ko. Dahil once mahuli ko siya ay hindi ulit ako mangingiming sampalin siya!
Pagkatapos kong isuot ang bathrobe ay napabuga muna ako ng hangin bago ko dahan-dahang binuksan ang pintuan ng banyo. Nakahinga din ako ng maluwag ng makitang nakabaluktot na higa na si Luis sa kama and I can also hear his soft snores.
Thank God, he's asleep!
Nausal ko pa habang maingat na naglakad papunta sa cabinet. I grabbed a pair of cotton shirt and shorts and wore it carefully. Ayokong mag lingerie, hirap na at baka maglaway ang loko at mangyari ang hindi na dapat mangyari.
Noong lumapit na ako sa paanan ng kama ay nagdadalwang isip na naman ako kung hihiga ba talaga ako sa tabi niya. Pero ang braso niya ay naka-extend na sa side ko, na usual pwesto niya kapag matutulog kami. Pinapaunan niya kasi 'yon sa 'kin.
Hay, naku.
Wala naman kasi siyang sofa dito sa kwarto niya. Alangan naman na sa sahig ako matutulog. At kung lalabas pa ako baka makalikha pa 'yon ng ingay at magising siya.
Wala ng ibang choice kaya dahan-dahan na lang akong umakyat sa kama at humiga na sa tabi niya. Nakafold naman ang comforter kaya madali ko lang inangat 'yon at pumaloob na doon. Patalikod 'yong pwesto ko at sinigurado kong hindi ako magdidikit sa katawan niya. Hirap na baka may manusok sa baba! Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na muling makatulog.
"E-Eya.." I heard him murmured behind me.
Malapit na sana akong makatulog eh pero mukhang naalimpungatan ang loko! Naramdaman ko ang kamay niyang dumantay na sa tiyan ko at hinila ako palapit sa katawan niya. Humigpit din agad ang pagkakayakap niya.
"Uhmm.. kakatapos mo lang?" Namamaos na tinig na sabi niya habang nakadantay ang baba niya sa taas ng ulo ko. Naramdaman ko pa ang dalawang beses na paghalik niya sa buhok ko.
"Yeah. Good night." Sagot ko na lang.
"Good night." Sagot din niya bago niya mas hinila ulit ang katawan ko at pinasok pa ang hita niya sa pagitan ng mga hita ko. Maya-maya lang ay naghihilik na naman siya ng mahina.
Pero paano naman ako? Paano ako makakatulog ulit nito? I can feel his hard thingy poking on my bare back dahil lumihis ang damit ko. Hay! Pero ayoko namang magising siya kaya tiniis ko na lang ang init na nararamdaman at pinilit na ang sariling makatulog.
Tanghali na 'ko nagising kinabukasan. Napaigtad pa nga ako sa kama ng makitang malapit ng mag-alas onse.
My gosh!
This is the first time I woke up this late! Napasarap yata talaga ang tulog ko noong maramdaman ko na may nanigas na bahid ng laway sa gilid ng labi ko.
Wala na din si Luis sa tabi ko kaya paniguradong nakaalis na siya para pumunta sa trabaho. But then I remembered na sunday pala ngayon. Kaya baka nasa labas lang siya or wherever he is, ay wala na 'kong pakialam.
Dali-dali akong bumangon sa kama at dumiretso na sa banyo. Mag-aayos na 'ko at uuwi na sa condo ko. Isang gabi lang naman ang sinabi ko sa kanya kagabi. At least pinagbigyan ko na siya, 'di ba?
Kakalabas ko lang sa banyo ng marinig ko ang malalakas na tawanan sa labas ng kwarto. May nag-uusap din pero hindi ko gaanong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Alam na alam kong kay Luis 'yung isa, pero 'yung isa ay pilit ko pang tinutukoy kung kanino pero parang sa babae.
Agad na pumasok sa isip ko ang babaeng 'yon. Kaya dali-dali akong lumapit sa pintuan para pakinggan ang pinag-uusapan nila.
Doon ko din nasiguradong na kay Marilou nga 'yong isang boses na naririnig ko. They're like talking some random things, pero bakas ang kasiyahan sa boses nila.
Fuck them!
Habang nandito pa talaga ako, ah!
Kahit naka bathrobe lang ako ay matapang akong lumabas ng kwarto. Agad ko silang nakita. Nasa kusina sila at parang nagtutulungan sa pagluluto ng kung anong mabaho.
Napalingon agad ang dalawa sa direksyon ko ng pinasadsad ko ang tsinelas ko sa sahig para makagawa ng ingay. Napatigil tuloy sila sa pagkekwentuhan. Napangisi na lang ako ng makita ang pagkasindak sa itsura ni babae habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko tinitingnan si Luis, kay Marilou lang nakafocus ang tingin ko habang naglalakad ako palapit sa kanila.
"Hi, Marilou." Bati ko pa sa kanya noong nakalapit ako, bago ko binaling ang tingin ko kay Luis na nakababa ang tingin sa katawan ko.
"Good morning, baby." Malambing na bati ko habang inaangat ang kamay ko at agad na hinila ang batok niya para mahalikan siya sa labi.
I kissed him sensually. Pinasok ko pa ang dila ko sa loob niya at kinagat ang pang-ibabang labi bago ko siya pinakawalan. Hindi man lang siya tumugon sa paghalik ko. Gago siya.
Narinig ko na lang ang pagtikhim niya at pinagpatuloy na ang pagluluto.
"Malapit ng maluto 'to, Eya." Tanging sinabi niya.
Tumalikod na lang ako at agad na binalingan ang mesa habang nanatiling walang imik si babae. May mga lutong ulam na doon na pang-agahan kaya naupo na lang ako.
"Kain tayo." Parang wala lang na pag-anyaya ko pa sa kanila habang kumukuha na ng kakainin ko.
"D-Dito siya natulog, Luis?" Narinig kong pabulong na tanong ni Marilou noong nahimasmasan na siya.
"Yeah. Got a problem with that, Marilou?" Ako na ang sumagot habang sinimulan na ang pagkain ko.
"W-Wala naman." Parang natatakot pang sagot niya.
"Good. Aalis din naman ako, kaya pwede ka na ulit magstay dito. Just don't wear nor use any of my personal stuff. Got it?" Mariin kong sinabi habang kinakagatan ang chicken hotdog.
Mabilis na lumingon sa Luis sa 'kin na bakas ang gulat sa mukha niya at maya-maya lang ay naging seryoso na 'yon. "What do you mean by that, Eya? Anong aalis ka?"
"I told you last night, I'll just stay here for one night." Sagot ko at napataas ang kilay nang humakbang palapit si Luis sa 'kin.
"Pumayag ba ako na isang gabi ka lang matutulog dito?" Pabulong na tanong niya na may riin ang bawat salita.
"I don't need your approval." Sagot ko naman at nagkibit pa ng balikat.
Nakita ko sa gilid ng nga mata ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib niya habang nakadungaw sa 'kin.
"Eya-"Magsasalita sana ulit si Luis pero naunahan na siya ni Marilou.
"Luis, luto na 'tong pinakbet.." Napakamahinhing sabi ni Marilou na sawsawera. "Baka masunog ang paborito ko."
Wow, ha! Pinagluto niya pa talaga ang mahal niya! Ang sweet naman ng mga bwisit! Sarap bigwasan!
Pinakbet? Really? Cheap!
Malakas na napabuga muna ng hangin si Luis bago siya tumalikod at lumapit kay Marilou para tingnan nga ang niluluto niya. Nag-usap pa sila habang pinupuri ni Marilou ang luto ni Luis. Kahit hindi pa naubos ang pagkain ko ay ayoko ng hintayin na bumalik pa siya sa tabi ko at pigilan ako sa pag-alis.
Diyan na lang siya kay Marilou! Magsama sila!
Dumiretso na 'ko sa kwarto at basta na lang kumuha ng isusuot sa cabinet. Minadali ko ang ginawa kong pag-aayos para makaalis na ko dito.
Ayokong manatili dito. Delikado ang lugar na 'to sa puso kong mahina pa din sa sakit na dala ng katotohanan. Kahit anong pilit kong maging matapang at malakas siya ay lumalabas pa din talaga ang pagiging mahina niya. Kaya dapat makaalis na ko bago pa siya mawasak ulit ng tuluyan.
Palabas na ko sa kwarto nang siya ding pagbukas ni Luis nang pinto. Napasinghap tuloy ako at napaatras dahil sa gulat. He's eyeing me dangerously and I can't help but to avoid his death-glare.
Ba't ba gusto niyang manatili ako dito eh andito nga 'yong mahal niya? Anong gusto niya? Maging third wheel ako? Magthreesome kami? Like duh!
"Where do you think you're going, Eya?" Mariing tanong niya pagkatapos sarhan ang pinto sa likod niya.
"May lakad ako." Pagdadahilan ko na lang.
"Saan?"
"Basta! Wala ka ng pakialam doon, Luis!" Inis kong turan sa kanya.
"I am your fiancee, Eya! Paanong hindi kita papakialaman, huh?" Galit namang sagot niya.
"Aba! Makapagsabi ah! Ako ba pinapakialaman pa kita? Hinahayaan na nga kita eh! Ayoko ding makaistorbo sa inyong dalawa kaya aalis na lang ako!"
"What the hell, Eya! Malapit na tayong ikasal! Iniisip mo bang may relasyon pa kami ni Marilou?! I tried to explain everything to you but you just wouldn't listen! You didn't let me finish my words! Tapos ngayon pinag-iisipan mo na ako?" Nafufrustrate ng sinabi niya.
Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ako agad nakapagreact kaya kinuha ni Luis ang pagkakataong 'yon para hilahin ako at yakapin ng mahigpit.
"Please, baby. Stay here. Don't leave. Hindi ako nakakatulog ng maayos ng isang linggo dahil wala ka sa tabi ko.."
Should I believe him? Susundin ko ba ang gusto niya? Pero..
"Paano si Marilou?" Natanong ko na sa kanya ang nagpapagulo sa isip ko ngayon.
"Magkaibigan na lang kami, Eya. Tinapos na namin ang lahat noong gabi bago ang engagement party natin. But you know I can't avoid her completely. Napalapit ako sa mga kamag-anak niya, lalo na kay lola Patring because she reminds me of my own grandmother.." Bakas ang pagkabasag ng boses ni Lu sa huling sinabi niya.
Okay.. Gets ko na.. Naiintindihan ko naman ang rason niya pero ang hirap lang talaga matanggap na kahit anong mangyari ay hindi pa din sila pwedeng maghiwalay ng landas ni Marilou.
Pero masyadong mali na ba kung hihingin ko ding iwasan niya ang lola ni Marilou?
No, I won't ask him to do that. Alam ko kung gaano kasabik sa pamilya si Luis. And knowing na nagpapaalala kay lola niya ang lola ni Marilou then.. wala na 'kong magagawa.
"Then, why is she here? Ba't nakakabisita siya dito sa condo mo? Sabi niya hindi niya maiwan ang lola niya, kaya bakit siya nandito?"
"She's with her lola. Magkasama silang lumuwas dahil naadmit 'yong tita niya sa Makati Med." Pagsagot niya sa tanong ko.
"Sabi mo naghiwalay na kayo.. pero hindi mo siya maiwasan dahil kay lola. Pero... ang tanong.. mahal mo pa din ba siya?" Tinapangan ko na ang sarili kong itanong 'yong alam kong makakapanakit sa damdamin ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa tanong ko. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na. She was there, you know.. When I almost ruined my life.. But I'm already committing myself to you noong pumayag akong maging officially engaged tayo, Eya. You're going to be my wife, and I'm going to be your husband." Masuyong sabi niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa sentido ko at mas lalong humigpit din ang pagyakap niya sa 'kin.
"H-How about-" Dagdag ko pa sanang tanong na kung ako ba mahal na niya ulit pero may biglang kumatok sa kwarto na istorbo. Sunod-sunod pa 'yon!
"Luis?" Boses ni Marilou na nasa labas ng pinto.
Damn her!
Hindi pa tapos ang moment namin eh! Nang-istorbo na ang bitch! I haven't finish asking the most important question that I want to know from Lu! Pero wala na! Napabitaw na sa 'kin si Luis at agad na tinungo ang pintuan para harapin ang istorbo.
"Yeah?"
Kita ko pa ang pagsilip ni Marilou sa loob ng kwarto bago niya nahanap ang mga mata ko. Pinaningkitan ko nga ng mga mata! Sinadya niya talagang mang istorbo eh!
"Babalik na ako sa hospital. Pwedeng magpahatid?" Masuyong sabi ng gaga!
Don't you dare, Luis! Sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa likod ng batok niya.
"Huh? Ah.. Sige." Tunog nag-aalinlangan ang boses niya pero kahit na! Pwede namang umayaw ah! Bigyan ng pamasahe sa taxi or grab o uber! Pero hindi! Pumayag talaga siya dahil gusto niya ding ihatid ang gaga!
"Salamat! Bye, Mikaella!" Maligaya pang sabi niya bago nauna ng humakbang palayo.
"Uh.. Babalik ako agad.." Sabi niya sa marahang tinig pagkatapos niya akong lingonin.
So, gusto niyang antayin ko siya? Pagkatapos niyang ihatid ang mahal niya? As if!
Hindi na 'ko nagsalita at basta na lang humakbang palabas ng kwarto. Binilisan ko din ang lakad ko at hindi na rin tiningnan ang direksyon ni Marilou na prenteng nakaupo sa sofa sa sala.
"Eya!" Tawag pa sa 'kin ni Luis habang sumusunod sa likod ko. He tried to grab my arm pero agad kong nilagay sa harap ko 'yon para hindi niya maabot. "We're not yet done talking, Eya." Dagdag pa niya.
"We are! Pero uuwi ako dito mamaya!" Huling sinabi ko habang binubuksan ang pinto ng condo niya at sinarado ng malakas sa mukha niya.