Chapter 41 - C41

"Nakarating na ba ang groom?" Dinig kong tanong ng assistant ng coordinator namin sa hawak niyang two-way radio.

"Wala pa, pero parating na daw sabi ni Sir Mikael. Kakatapos lang nila mag-usap sa cellphone." Sagot ng sa kabilang linya.

The assistant wedding coordinator then went near me, kumatok pa siya sa bintana ng sasakyan na nakabukas ng kaunti. Kaya napalingon ako sa kanya. She looks like she's panicking or something and there was also a hint of worriedness, as she looks at me.

"Miss Mikaella, parating na daw po si Sir." Pag-iinform pa niya kahit narinig ko naman na ang pag-uusap nila kanina.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at muli akong tumingin sa harapan ng sasakyan. Hindi ko na din siya nilingon ulit ng umalis na siya at nakipag-usap sa ibang kasama.

Kita ko ang pagpapanic ng mga tao sa labas, lalo na ang team ng wedding coordinator namin. Ang ibang tao namang nasa labas ng simbahan ay nakatingin sa bridal car na kung saan ako nakaupo. Hindi naman nila ako makikita dahil heavily tinted ang mga glass na nakapalibot dito pero ang mga mata nila ay pilit pa din akong inaaninag. 'Yong iba sa kanila ay mukhang naiinip na, but similar to the assitant, they all have this worried look on their faces.

Napangiti na lang ako ng tipid habang tinititigan din sila. They shouldn't be worried naman and I don't need their pity because I know dadating naman talaga si Luis. At kalahating oras pa lang naman siyang late kaya huwag dapat silang mangamba, dahil alam kong hindi ako iiwan ni Luis sa ere.

He called me last night and we talked until the clock strikes midnight, dahil hindi nga kami magkasama sa pag-abang ng new year's eve. Sinunod kasi namin ang tradisyon na bawal magsama o magkita ang ikakasal bago ang araw ng kasal nila. He was in his house the whole day yesterday, kasama ang mga malalayong kamag-anak na dadalo din sa kasal namin. Tinupad niya nga ang sinabi niya sa 'kin na magpapahinga siya kahapon para makapaghanda na din sa pag-iisang dibdib namin.

He also called me this morning, and informed me na mag-aayos na siya. Bakas sa boses niya ang excitement at kasiyahan dahil sa nalalapit naming kasal. Sinabi niya ding namimiss na niya ako lalo pa't tatlong araw kaming hindi nagkita, at excited din siyang makita ako mamaya na nakasuot na ng wedding gown ko.

Kaya nga lang ay may nangyari.

Noong paalis na kami sa bahay ng mga magulang ko ay tumawag siya kay bunso. Hindi ko kasi dala ang phone ko dahil ayaw ako payagan ni mommy na dalhin pa 'yon at baka madistract daw ako sa loob ng simbahan. Siya na ang humawak niyon at ibabalik na lang sa akin kapag nasa reception na.

Mikael handed me his phone with Luis on the other line and that's when I found out na nasa hospital pala siya. Papunta na dapat siya sa simbahan pero tumawag ang hospital na nagkamalay na daw si lola Patring at hinahanap siya. Grabeng pagsosorry ang ginawa niya pero pinapangako niyang dadating siya kaya huwag daw akong magalit at mag-alala, pero malilate lang siya ng kaunti.

Naintindihan ko naman kung bakit kailangan niyang unahin si lola. Sobrang naintindihan ko 'yon. And I also know how true he is in his words. Kaya nga heto at hindi ako nakaramdam ng pangamba habang nag-aantay sa pagdating niya.

"Sis." Tawag sa 'kin ni ate na nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan.

Nasa labas siya ng sasakyan and she gave me a half-smile na sinuklian ko naman ng mas malawak na ngiti.

"Can I come in?" Tanong niya sa 'kin.

"Oo naman, ate." Nangingiti ko pa ding sabi at ako pa ang nagbukas ng pinto para makapasok siya.

"Are you okay? Parating na daw si Luis." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Uh-huh." Sagot ko naman ng nakangiti.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni ate bago niya hinaplos ang pisngi ko. "Stop pretending that you're okay, sis.. I hate it when you do that.."

Doon lang nagsimulang mamasa ang mga mata ko. Ang lahat ng tinatago kong emosyon kanina ay nagsilabasan na kaya hindi ko na talaga napigilan at sunod-sunod ng pumatak ang mga luha ko. Mabilis na sinarhan ni ate ang bintana ng sasakyan bago niya ako niyakap ng mahigpit.

Tama si ate, hindi ako okay.

Nasasaktan ako ng sobra. Kahit pilit kong iniintindi ang ginagawa ni Luis ay hindi ko pa rin talaga maiwasang masaktan at mangamba sa naging desisyon ko. The truth is after namin magkita ni Marilou at mag-usap ay gusto ko ng ipakansela ang kasal. Kasi alam kong tama siya.

Tama siya na hindi sasaya si Luis dahil sa simula't-sapul pa lang ay napipilitan lang siya. I don't think I can make him happy and I don't think I can also be happy kapag kasal na kami at maging akin na siya ng tuluyan. Hindi ako ang mahal niya. Ako lang ang nagmamahal sa kanya. Kaya paano ko siya mapapasaya kung ang puso niya ay pagmamay-ari ng iba..

I just need more signs for me to finally stop this wedding. Isang sinyales na 'yong kanina na nagkamalay ang lola Patring ni Marilou. Kaya nga natagalan ang pagstart ng wedding namin na dapat ay malapit ng matapos ngayon. But I need more.. I need more signs.. Kahit isang sinyales na lang..

Tahimik na nakayakap pa din si ate sa 'kin at patuloy pa din akong umiiyak sa balikat niya. Kaya noong may humahangos ng kumatok sa bintana namin ay napaigtad pa kaming dalawa.

"Nandito na si Sir, Miss!" Nagpapanic na boses ng assistant na kumatok sa bintana.

Napalingon tuloy kami ni ate sa harap ng simbahan na kung saan nagkakagulo na ang mga tao. Pinapapwesto na ang lahat. Then, I saw my parents with Luis. Inaayos niya ang cuffs niya habang nakikipag-usap sa mga magulang ko. Kahit siya ay mukhang natataranta na din at kita ang paghingi niya ng depensa sa mga magulang ko. I saw daddy tapped his shoulders, and I know na okay lang ang lahat sa pagitan nila. Hindi ko naiwasang ngumiti bago pinahiran ang pisngi kong may bakas ng luha.

"Miss Mikaella?" Dinig ko ulit na boses ng assistant sa labas.

I looked at my ate, and I think she knows kung ano ang desisyon ko. She smiled at me then caressed my face para tulungan ako sa pag-aayos ng mukha. Siya na ang nagbukas ng bintana para humarap sa assistant.

"Kailangan niyang magretouch. Pakitawag ang make up artist." Sabi niya at agad namang tumalima ang assistant para sundin ang utos ni ate.

"Thank you, ate.." Nasabi ko habang nagkatitigan na naman kami.

"Are you sure about this?" She asked.

"Oo." Sabi ko habang nakangiti na ng totoo kaya muling napangiti si ate bago ako niyakap ng mahigpit.

"Always remember that we're here for you, okay? Lalo na ako.. I will always have your back. And if you will have marital problems in the future huwag kang mag-alala dahil ako na ang bubugbog kay Luis." Biro pa niya na ikinatawa ko. "I love you, my baby sis." Sabi niya habang sumisinghot.

"I love you, ate. Thank you sobra.." Sabi ko naman habang humikhikbi din.

"This is it, huh?" Sabi ni ate habang naglalakad na kami papunta sa harap ng simbahan na nakasarado na ang malaking pinto kung saan ako papasok mamaya. Nakaagapay naman ang team ng coordinator sa 'kin. Lalo pa't medyo mahaba ang train ng gown ko.

Natapos na akong iretouch at wala ng bakas ng luha sa mga mata ko. Mabuti na lang at madali lang natapos ang pag-aayos sa make-up ko dahil smudge-free at waterproof naman ang ginamit ng make-up artist. At natatakpan naman ng veil ang mukha ko kaya hindi rin masyadong halata na umiyak ako kanina.

"Yeah, this is it. Finally." Sabi ko habang nakatingin sa nakasaradong pinto.

"Miss Michelle. Kailangan niyo na pong pumasok sa loob." Sabi ng assistant kay ate.

"Alright." Sagot naman niya bago binalingan ulit ako. "Ikaw ang pinakamagandang babae ngayong araw na 'to, sis. Put that in mind habang naglalakad ka sa red carpet, okay? Lift your chin up and walk like a real princess. Huwag kang magmadali at huwag kang kabahan. Take your time sa paglalakad as if you own it. Got it?" Pagpapaalala pa niya sa 'kin.

Natawa naman ako. "Oo na, ate. Sige na, para maikasal na ako. I love you." Pahabol ko pang sinabi bago siya naglakad na papasok sa simbahan.

I was still waiting for my queue from the coordinator at habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

This is my final decision, and that is to push through with the wedding. Dahil naisip ko na kung ititigil ko 'to ay baka matinding pagsisisi ang habambuhay kong dadalhin.

Luis made it, anyway. And he fulfilled his promise to me na talagang dadating siya. Nakita ko din ang matinding pagsisisi niya sa pagiging late sa kasal namin. He even looked at the bridal car where he knew I was at, bago siya pumasok sa loob ng simbahan. That's enough reason for me to go on with my decision to marry him.

"Kapag tutunog na ang music, doon na bubukas ang pintuan, Miss Mikaella. 'Yon na din po ang queue sa pagsimula ng paglalakad mo." Paalala pa ng coordinator sa 'kin.

"Alright. Thank you." Sagot ko naman but someone caught my eye noong binalik ko na ang tingin sa harap ng simbahan.

And that's when I saw Marilou.

She's wearing a casual dress habang nakatingin sa 'kin with huge tears streaming down her face. She didn't utter a single word, but she gave me a half smile, though, bago siya tumalikod at tahimik na pumasok sa loob ng simbahan kung saan din dumaan si ate Michelle kanina.

She gave me a half-smile. Does that mean na tinatanggap na niya ang pagpapakasal namin ni Luis? Though, I can see sadness and sorrow in her eyes ay mukhang natanggap na nga niya ang lahat.

Sana nga..

Nasa ganoon pa rin akong pag-iisip ng bigla akong kinalabit ng coordinator. Nagstart na pala ang music at pabukas na din ang malaking pintuan pero napatulala na pala ako.

"Go, Miss." Mahinang sabi ng assistant sa 'kin kaya nagsimula na akong lumakad papasok.

Sa laki ng simbahan ay malayo-layo pa ang lalakarin ko bago ako makarating kay Luis. I stared at everyone through my veil. They were all smiles, lalo na ang mga magulang ko na nasa tapat lang din ng pintuan nakapwesto. Napangiti din tuloy ako.

This is it..

I was about to focus my eyes on my parents when my gaze went to Marilou. Nakapwesto siya sa pinakahuling upuan. Nanginginig ang balikat niya habang nakayuko. And I can hear her sobs, too, na pilit niyang pinipigilan. Some of our guests are also looking at her with pity.

Hindi ko rin tuloy maiwasang mahabag para sa kanya. She's clearly hurting because the man she loves is marrying someone else. And that someone is me. I commend her for her bravery to attend such heartbreaking event. Kasi kung ako 'yong nasa pwesto niya ay hinding-hindi ako aattend ng kasal ni Luis sa iba.

I am a coward, anyway.

Hindi ko namalayang napatigil na pala ako sa paglalakad habang nakatitig lang kay Marilou. Kaya muli akong kinalabit ng assistant.

"Oh, sorry." Nausal ko pa bago ako lumakad na ng tuluyan papunta sa mga magulang ko na nag-aantay na sa paglapit ko.

"You're the second most beautiful bride that I have ever seen in my life, my darling. Your mom will always take the first spot." Bulong ng daddy sa 'kin pagkatapos kung bumeso sa kanila at humawak na sa braso nilang dalawa. It made both of me and mommy smile from ear to ear.

Noong sinabihan na kami ng coordinator na magsimula na sa pagmartsa ay hindi ko naiwasang lumingon muli sa pwesto ni Marilou. Ganoon pa din ang pwesto niya, nakayuko habang umiiyak.

I'm sorry, Marilou.

Nabulong ko pa sa isip ko habang magkaagapay na kaming naglalakad ng mga magulang ko papunta sa malayo-layo pang altar.

Papunta sa kung nasaan si Luis.

Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala natingnan ang mahal kong alam kong naghihintay na sa harap. Natanong ko pa sa sariling isip kung pareho lang ba kaming dalawa na nakakaramdam ng nerbyos ngayon.

Its our wedding day, ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay namin, kaya nakakanerbyos naman talaga dahil lahat ng mga tao sa loob ng malaking simbahan na 'to ay nakatutok ang tingin sa 'min. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti muna bago ko matapang na tinutok ang mga mata ko sa alam kong magiging pwesto niya sa harapan.

Pero nanghina na lang ang katawan ko sa nakita.

Ang mahal ko.. si Luis.. nakaiwas ang tingin sa 'kin.

He looks frantic, too. Naghintay pa ako ng ilang segundo habang patuloy kami sa mabagal na paglalakad ng mga magulang ko. Naghihintay ako kung titingin ba siya sa direskyon ko.

Pero nanatili lang siyang nakaiwas ang tingin sa 'kin and that's when I realize that it was the sign that I've been waiting for.