Chapter 42 - C42

"Darling?" Dinig kong tanong ni daddy noong tumigil ako sa paghakbang.

Hindi pa namin nakalahati ang red carpet pero sa tingin ko ay hanggang dito lang ang kaya ng mga paa ko, ng puso ko. Nanatili pa din ang tingin ko kay Luis pero unti-unti ng lumalabo ang imahe niya sa mga mata ko.

"Anak?" Boses naman ng mommy na tunog nag-aalala na.

Napabuntong-hininga muna ako bago ako matapang na tumingin sa mga magulang kahit hilam na sa masaganang luha ang mga mata ko.

"I'm sorry, mom, dad, but I can't take another step further." Nasabi ko ng diretso kahit grabe na ang pag-iyak ko sa likod ng veil.

Nakita ko ang lungkot sa mukha ng mga magulang ko nang marinig ang sinabi ko. My mom's eyes began to tear up. Then, I saw daddy nod his head and I know that he understands what I mean and knows what I'm about to do.

"Thank you." Nasabi ko pa bago ako tumalikod at mabilis na humakbang papunta sa direksyon kung saan ako nanggaling kanina.

Dinig ko ang bulungan at singhapan ng mga tao sa ginawa ko. At noong malapit na ako sa pwesto ng babaeng kanina pa nakayuko ay doon ko lang narinig ang boses ng mahal ko.

"Eya? Eya!" Tinatawag ang pangalan ko na may bakas na gulat at pagtataka.

Pero hindi ko siya nilingon at noong nasa harap na ako ng babae na nakataas na ang tingin sa 'kin ngayon ay nakangiti kong binigay ang bouquet na hawak ko sa kanya. Parang wala sa sarili na inabot niya rin 'yon kahit na may pagtataka sa mukha niya. Mabilis ko ring hinubad ang singsing sa daliri ko at ako na mismo ang nagsuot sa palasingsingan niya.

"A-Ano 'to, Mikaella?" Tanong niya habang nakatingin sa daliri niya.

"Sa 'yo yan. Sa 'yo dapat talaga yan. Kinuha ko lang. Please, take good care of him." Madali kong sinabi ang huling kataga lalo na ng marinig ko ang muling pagtawag ni Luis sa pangalan ko.

"Eya! What.. Teka!" Umalingawngaw ang boses ni Luis na humahangos na tumatakbo na pero nasa gitna pa lang siya ng mahabang aisle.

"Luis!" I called out his name, too, and it made him stop in his tracks. Hinawi ko ang veil ko sa mukha bago ako humarap sa kanya.

Kita ko ang takot at matinding kaba sa mukha niya, meron ding pagsusumamo, but its not going to stop me, now. I've already made my decision.

"I don't want to force you into this marriage anymore. Please be happy.. Pinapakawalan na kita!" Pasigaw kong sinabi ng diretso habang nakangiti bago ako mabilis na tumalikod at lumakad palabas na ng simbahan.

"W-Wait, baby! Please, wait! Eya!" Dinig ko pang sigaw niya sa loob ng simbahan pero hindi ko na siya nilingon pa.

Mabilis na akong pumasok sa bridal car at mabuti na lang at nandoon ang driver sa loob na mukhang naguluhan din sa pagsakay ko.

"M-Ma'am?"

"Sa bahay, kuya." Mahinang utos ko at doon ko nakita ang paglabas ni Luis sa simbahan na napatigil pa dahil hinihingal na sa layo ng tinakbo niya.

Pakiramdam ko ay nagtama ang mga mata namin kaya nakaramdam ako ng pagkataranta lalo na noong nagsimula na ulit siyang tumakbo papunta sa direksyon ko.

"Bilisan mo, kuya!" Pasigaw ko ng sinabi kaya mabilis ngang pinaandar ng driver ang sasakyan at pinasibad 'yon palayo sa simbahan.

"Huwag niyong papasukin si Luis, kuya! Pakisarado ang gate!" Humahangos na utos ko kay kuya Victor pagkababa ko ng sasakyan.

At kahit naguguluhan sa nangyayari at sa inutos ko ay ginawa pa din nina kuya. Timing lang talaga 'yong pagkasarado nila ng gate dahil natanaw ko na ang sasakyan ni Luis na parating na.

Imbes na tingnan at hintayin pa ang pagdating niyon sa harap ng bahay namin ay mabilis na 'kong tumalikod at pumasok sa bahay. Hindi ko na kinausap ang mga kasambahay namin na nakasalubong ko. Lahat sila ay nakaayos na para makadalo sa dapat ay reception ng kasal namin ni Luis. Pawang naguguluhan ang mga mukha nila pagkakita sa 'kin.

I immediately went to my bedroom and locked the door shut. I also took off my wedding gown and heels bago ako nanghihinang binagsak ang katawan sa kama. Hindi ko din napigilang himasin ang tiyan ko dahil alam kong nalulungkot din si baby sa naging desisyon ko ngayon. But I know tama 'tong ginawa ko. I won't regret this dahil alam kong magiging masaya na ang mahal ko.

Luis deserves to be happy and his happiness lies with Marilou. Hindi sa 'kin. At hindi ko rin gagamitin ang anak namin para manatili siya sa 'kin.

"Anak.. Pasensya na at madadamay ka sa kamalian ni mama.. Pero huwag kang mag-alala.. I'll give you all the love that you need until my last breath.. Mama's gonna take good care of you.. dahil ikaw ang matitirang katibayan kung gaano ko kamahal ang papa mo.." Kausap ko sa baby ko habang patuloy na hinihimas ang tiyan ko.

"Eya!!!!" Umalingawngaw ang boses ni Luis sa labas at nakaabot pa talaga 'yon sa pandinig ko.

Hindi ko pa pala nasarhan ang bintana ko kaya narinig ko ang sigaw niya.

"Eya, please!! Kausapin mo 'ko, baby!" Sigaw niya ulit kaya hindi ko na napigilang tumayo sa kama para tingnan siya sa labas at nagtago sa likod ng kurtina.

Agad na tumulo ang mga luha ko ng makita ko ang kalagayan ng mahal ko sa labas ng gate namin. I think he's crying.. No, he really is crying. Nagmamakaawa siya kina kuya Victor pero dahil sa utos ko ay hindi talaga nila pinagbuksan si Luis.

"Eya! Please, baby! Please!" Dinig kong sigaw niya ulit habang nakatingin sa kwarto ko na halos mapaluhod na siya sa sobrang paghihinagpis.

Bakit, Luis? Why are you crying? Why are you begging for me? You should be happy, now.. Pinakawalan na kita ah.. Please, go away now.. Bumalik ka na sa babaeng mahal mo.. You're free now..

Nasabi ko sa isip ko habang tinitingnan siya. Hoping that my inner plea would reach him.

He continued screaming for me and calling out my name, ng may biglang dumating na sasakyan. Humahangos na lumabas si Marilou doon at nilapitan siya. Pansin kong umiiyak din si Marilou habang niyayakap niya si Luis sa likod na mukhang hinihila na paalis sa gate namin. Pero nanatili

lang siyang nakatingin sa kwarto ko. Noong nilingon niya na si Marilou ay doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para isarado na ang bintana at kurtina.

Nandito na si Marilou.. Magiging okay na si Luis.. Magiging okay na siya dahil nandiyan na ang mahal niya.

Paulit-ulit kong sinabi sa isip ko bago ako bumalik sa kama at nahiga doon at muling hinaplos ang tiyan ko.

"Sis?" Narinig kong boses ng ate ko sa labas ng kwarto ko pagkatapos niyang kumatok sa pinto kaya nagising ako.

I looked at the wall clock to check the time. Mahigit sampung oras pala akong nakatulog at ngayon ay mag-aalas otso na ng gabi. Napasarap yata ang tulog ko dahil sa malakas na ulan sa labas, at dahil na rin sa pagod.

"Sis? Open up, please. You need to eat." I heard my ate's voice again outside my bedroom door kaya napilitan na 'kong bumangon kahit ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko.

But I do need to eat. Not just for me but for my baby. Doon ko lang din naramdaman ang matinding gutom at pagkauhaw.

"Teka, ate.." Sagot ko habang dahan-dahan akong humahakbang papunta sa pintuan.

Pagkabukas ko ng pintuan ay agad na bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ng ate ko. May hawak siyang tray na puno ng pagkain kaya napangiti talaga ako ng malawak habang nakatitig doon. Gutom na nga talaga ang anak ko.

"Sabi ko na nga ba at gutom ka na." Masuyo ng sabi ng ate ko at napangiti na ng makita niya ang pagkatitig ko sa dala niya. "Dito ka ba kakain? O sa baba na?"

"Dito na.. I'm really hungry." Sabi ko pa at napahawak pa sa tiyan ko.

"Alright. Get inside. I'll place this on your coffee table." Nakangiting sabi niya at agad na kaming pumasok dalawa sa kwarto ko.

She placed the tray on the small coffee table na tamang-tama lang sa tray. At pagkaupo ko sa sofa ay nilantakan ko na talaga agad ang dala niya.

"Dahan-dahan, sissy." Nasabi pa niya pagkatapos niyang umupo sa tabi ko.

"Nagugutom ang anak ko, ate." Nangingiti ko pang sinabi pero agad na napatigil at napatakip sa bibig kong may laman pang pagkain ng marealize ko ang nasabi ko.

Oh, my gosh! Nasabi ko ang sekreto ko!!!

"A-Ano? Mikaella! Y-You're-"

"Shh! Please, ate!" Pagpigil ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"What the hell! And you're going to keep this from us? From me?!" Galit na sabi ng ate ko pero napakagat-labi din ng makitang naiiyak na ako. "I'm sorry.. Don't cry, sis.. Makakasama 'yan sa pamangkin ko.. Shh.." Sabi niya sabay haplos sa likod ko.

"I'm sorry, ate.. Sasabihin ko naman sana pagkatapos ng... k-kasal.. Pero.." Hindi ko na tinuloy at napabuntong-hininga na lang habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Shh.. C'mon.. Kumain ka pa.. May gusto pa bang kainin ang pamangkin ko?" Masuyo ng boses ang gamit ni ate kaya napasinghot na lang ako.

"Bibingka sana 'yong sa Vigan City..." Sagot ko naman habang kumakain na ulit pero natawa din ng makita ang pagngiwi niya.

Alam ko kasing sarado na 'yong store sa mga oras na 'to kaya hindi niya talaga mabibigay ang gusto ng baby ko.

"Pamangkin, bukas na lang ha? Aagahan pa ni tita mong maganda bukas." Kausap pa niya sa anak ko habang nakatitig sa flat kong tiyan.

"Aalis ako bukas, ate.." Nasabi ko sa kanya pagkatapos kong uminom at ubusin ang gatas.

Agad siyang napatingin sa 'kin na bakas ang pag-alala sa mukha niya pero dahan-dahan din namang tumango.

"Okay. Saan ka pupunta? Babalik ka ng Manila?"

"Hindi.. Baka kina Auntie Betty na muna ako tutuloy or sa bahay nina grandpa. I.. I can't stay here."

Si Auntie Betty ay ang nagiisang kapatid ni daddy na nasa California, 'yung bahay naman nina lolo't-lola ay nasa Colorado.

Napabuntong-hininga agad si ate ng marinig ang napagdesisyonan ko.

"Ayoko sa desisyon mo, sis. Malayo ang America and we won't be able to see each other often kung doon ka pupunta." Sabi niya na bakas ang lungkot sa tinig. "Pero kung 'yon na talaga ang desisyon mo na sa tingin mo ay makabubuti sa 'yo, then wala na 'kong magagawa. Isa pa, mas maganda nga na malayo ka dito para iwas stress. Lalo na at may pamangkin na pala ako." Nakangiti pa niyang sinabi habang masuyong nakatingin sa tiyan ko.

"Thank you, ate.." Naluluhang sabi ko at agad na niyakap siya. "Huwag mo na muna sabihin kina mommy, ate. Malamang pipigilan niya ako. But I will tell them naman pagkarating ko doon."

"Kay Luis? Hindi mo ba sasabihin?" Seryosong tanong niya.

"Hindi na." Diretso ko ring sagot.

Narinig ko ulit ang pagbuga niya ng hangin sa sinabi ko.

"He's still outside, sis. Basang-basa siya sa ulan kanina. Ayaw niya pa ring umalis kahit anong sabihin nina kuya Vic sa kanya. Kung hindi pa siya kinausap ni daddy ay baka hindi na siya papasok sa sasakyan niya para sumilong man lang." Pag-iimporma niya sa 'kin na agad na nagpataranta sa 'kin.

"H-Hindi siya umalis?"

"No.. Since, he followed you home."

Napamaang ako sa sinabi ni ate! Like, that is so impossible! Mahigit ten hours akong natulog!

"B-But...Why? Nagpunta kanina dito si Marilou ah? Sinundo siya kanina ni Marilou, ate!" Parang hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bago ako umakyat dito ay nakita ko pa din ang sasakyan niya sa labas, sis. You can check it yourself." Sabi niya sabay turo sa bintana ko.

Dali-dali nga akong tumayo para puntahan ang bintana. And I gasped out loud while holding my chest nang makita ko siya! He's not inside his car! He's outside! Standing in the rain while holding our gate railings! He's also wearing his tuxedo and its clearly drenched all over!

"Ate! Tell him to go home!" Nahihindik ng sabi ko.

"Ilang beses na siyang sinabihan, sis.. Ayaw niya talaga.. Do you want us to call.. the police?" Parang nag-aalinlangan na tanong ni ate.

"Of course not, ate! Ayokong makulong siya, but I want him to go home!" Mabilis na kong naglakad papunta sa extension phone para tawagan ang mga guards namin.

"Kuya! Pakisabi kay Luis na umuwi na siya!" Agad kong sabi pagkasagot ng gwardiya ng tawag ko.

"Nasabihan na namin siya, Mikaella. Pero hindi daw siya aalis dito hangga't hindi kayo nag-uusap."

"Damn it!" Napamura pa 'ko. "Please give him the phone, kuya! I'll talk to him!" Utos ko na habang bumabalik sa bintana.

Kita ko ang pag-abot ng gwardiya sa cordless phone kay Luis pero tumanggi pa siya.

"Si Mikaella ang nasa kabilang linya, Luis." Dinig kong sabi ng guard at dali-dali ngang kinuha 'yon ni Lu.

"E-Eya?"

"Luis! Go home!" Agad kong sabi sa kanya.

"No, baby.. Mag-usap tayo.. Please.. I wanna see you.." Sabi niyang nagmamakaawa at doon lang siya napatingin sa bintana ng kwarto ko. Agad na lumiwanag ang mukha niya ng makita akong nakadungaw sa kanya.

"Baby.." Tawag niya ulit sa 'kin.

"Luis.. Bumalik ka na kay Marilou.. Wala na din tayong pag-uusapan pa.."

"No, b-baby! W-We need t-to talk. Hindi-" Pagmamakaawa niya sana ulit at narinig ko pa ang paghikbi niya kaya hindi ko na siya pinatapos pa.

Nakaramdam kasi ako ng sobrang takot.

Takot na baka kung tatagal pa ang pag-uusap namin at marinig ko pa ang pag-iyak niya ay magbago pa ang isip ko. I can't change my mind anymore. I need to be firm on my decision dahil hindi na lang ako ang maapektuhan dito kundi pati na ang anak ko.

"Please, go home. I don't want to talk to you and I don't want to see you again. Kaya umalis ka na!" Huling sinabi ko bago ko pinatay ang tawag at umalis na sa bintana.