Chapter 46 - Wakas

"Lucas! Eyana! Come here!" Galit kong tawag sa mga kambal namin ni Luis na nagpapasaway na naman.

Nandito kasi kami ngayon sa beachhouse at kanina pa hinihingal ang mga yaya nila kakahabol sa kanilang dalawa sa dalampasigan. Naawa naman ako sa dalawang yaya at baka mapaano pa sila.

They're turning five months from now. Si Lucas ay halos nakuha ang lahat ng physical features ko except for his skin complexion na namana sa ama, while our daughter, Eyana, ay kamukha ng ama pero nakuha ang kaputian ko. Pero ang ugali nila magkapareho! Parehong pasaway!

Ewan ko ba talaga dito sa mga anak namin! Ang lilikot! Mana yata sa 'kin ah! Masyado naman kasing inispoiled ni Luis ang mga ito eh. Ayan tuloy at nagiging matigas ang mga ulo.

"I said come here both of you! Now!" Sigaw ko ulit noong tumayo lang ang dalawa sa harap ng swimming pool kung saan sila kanina noong unang pagsigaw ko at napayuko lang.

Takot ang mga ito sa 'kin eh. Kaya sa huling sigaw ko ay akala mo'y mga behave na mga bata na mabagal na naglakad palapit sa 'kin. Sumusunod din ang mga yaya nila na pinupunasan na ang mga pawis nila.

"Anong sabi ko sa inyo? Makinig kayo sa mga yaya niyo, hindi ba? Kanina pa kayo sinasaway na huwag masyadong lumapit sa dagat at sa swimming pool! At huwag tumalon-talon habang umaakyat sa gazebo! Ngayon, papakinggan niyo ba ang mga yaya niyo o uuwi na lang tayo sa bahay?"

"Magbehave na kami, mama." Sabi agad ni Lucas na tumango-tango pa.

"Yes, mama. Maglisten na kami kina yaya." Dagdag pa ni Eyana na nagpapuppy eyes pa.

My gosh!

"Oh, pinapainit niyo na naman ang ulo ni mama?" Dinig kong tinig sa bandang likod ko na ikinaikot ng mga mata ko.

Tss. Eto na ang nagpapakahero nilang ama!

Sinulyapan ko lang siya ng isang beses bago tumalikod ulit at tumingin sa dagat.

"Papa!" Magkasunod na tili ng dalawa at agad na tumakbo papunta sa ama nilang may hawak pang attache case at isang supot na may tatak ng isang store na nagbebenta ng special royal bibingka.

"Yehey! Our favorite!" Dinig kong pagtili ng mga anak namin ulit na mukhang binigay na ng papa nila ang pasalubong sa kanila.

"Nag misbehave ba kayo? Ba't galit si mama?" Sabi pa ng papa nila na alam kong nasa likod ko na. He hugged me from behind before he planted a soft kiss on my neck.

"Kunti lang po na misbehave, papa." Sagot ni Eyana. "Yum!" Dinig ko pang komento niya na mukhang binuksan na ang dalang pasalubong ng ama.

"Can we eat these now, papa?" Malambing na tanong pa ng anak naming lalaki.

"Of course. Doon na kayo sa loob kumain, mga anak. Bigyan niyo din sina yaya ah."

"Yes, papa!" Magka sunod ding sabi ng dalawa at narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ng mga yaya nila para yayaing pumasok sa bahay at kumain.

Tss.

Inirapan ko si Luis pagkatapos niyang hawakan ang batok ko para mapalingon sa kanya at mabilis akong pinatakan ng halik sa mga labi.

"Oh, ba't pati sa 'kin eh galit ang buntis kong misis na ubod ng ganda?" Sabi niya sabay haplos sa maumbok ko ng tiyan.

I'm 6 months pregnant at laking pasalamat ko at hindi na kambal. Mahirap magpalaki ng kambal, lalo na ang i-iri sila ng magkasunod na ilang minuto lang ang pagitan. My gosh! Loko kasi 'tong si Luis at talagang tinotoo ang sinabi!

"Tss. Spinospoiled mo kasi ang mga bata." Reklamo ko.

"Hindi naman sa ganoon, baby." Sabi niya at niyakap na naman ako sa likod at sabay na kaming tumitig sa dagat. "Mas spinospoiled nga kita, eh. Gabi-gabi pa nga, 'di ba? Minsan umaga din." Sabi niya na siyang ikinangiti ko na sabay kagat ng labi.

"Punta tayo sa gazebo? Hindi pa ako makaiscore at baka kalampagin lang ng kambal natin ang pintuan at mabitin na naman ako." Sabi niya pagkatapos akong muling halikan sa leeg at agad naman akong tumango habang natatawa sa huli niyang sinabi.

"By the way, tumawag pala si Lola Patring kanina. Gustong makita ang mga bata. Namimiss na daw niya ang kakulitan ng dalawa. Pinapapunta tayo doon sa kanila bukas ng gabi at maghahanda daw sila ni Marilou." Sabi ko habang naglalakad na kami ng magkahawak kamay papunta sa gazebo. "Umu-o na ako. Excited yata si lola mag-alaga ng apo sa tuhod, lalo pa't apat na buwan pa ang hihintayin niya sa panganay nina Marilou at Dominic."

Dalawang taon ng kasal sina Dom at Marilou. Ang saya ko nga noong nalamang sila ang magkakatuluyan at dahil na rin 'yon sa matchmaking skills ni Lola Patring. Nakapag-usap na kaming dalawa ni Marilou, nagkalinawagan at nagkapatawaran na noong mismong kasal namin ni Luis sa huwes. Balak pa nga sanang ibalik ni Marilou ang singsing na bigay ni Luis ng araw na 'yon, pero tinanggihan ko na dahil regalo naman talaga 'yon sa kanya. Ngayon ay magkaibigan na kaming dalawa at ginawa pa namin siyang ninang ni Eyana.

Kahit nakakahiya ay natanong ko pa kay Luis kung may nangyari nga ba sa kanila ni Marilou noong magkarelasyon pa sila. Wala daw kahit itanong ko pa daw kay Marilou, na siyempre hindi ko naman ginawa. Tsaka ba't ko daw iisipin na may nakasiping siyang iba eh sa akin lang daw tumatayo at tumitigas 'yong ano niya!

Tss! Napakabolero!

At noong tinanong ko kung bakit magaling siya sa kama ay pinagtawanan talaga ako ng loko! Naisip ko pang baka nakuha nga niya ang lahat sa panonood ng porn!

My gosh! Masterfully and skillfully trained by porn? Ganern?

Then, I remembered pinagpantasyahan niya pala ako!

Kaya noong minention ko 'yon sa kanya ay talagang napahalakhak siya ng malakas! Dinagdagan pa ng pag-amin na nagawa na nga daw namin sa totoong buhay ang lahat ng posisyon na ginagawa namin sa panaginip niya! May mga bonus na posisyon pa nga daw.

Hay, naku!

Pero syempre hindi naman ako nagrereklamo talaga. Nag-enjoy naman ako sa lahat ng 'yon.. Ang sarap kaya!

"Alright. Punta tayo, basta request ni lola Patring. Magkasunod lang pala kayo ng kabuwanan ni Marilou, baby." Tugon niya.

"Oo. Excited na nga ako eh! I'm sure pogi 'yong anak nila. Pogi ni Dom eh." Tukso ko na ikinasimangot niya. "Pero mas pogi ang mahal kong asawa siyempre. Kita mo ang ganda ng Eyana natin." Pagbawi ko naman.

"Tss. Namana niya ang kutis mo kaya siya gumanda." Aniya na tuksuhin ko pa sana pero may kabakasan ng kapaguran sa boses niya kaya hindi ko na tinuloy.

"Hmm.. How's work, Lu? You seem tired." Tanong ko noong palapit na kami sa paborito naming pwesto sa gazebo.

"A bit fine, I guess. Nakipag virtual meeting 'yong isang malaking kompanya sa Brunei na gumagawa at nagbebenta ng mga canned and frozen salmon. We successfully closed a deal with them. Nahirapan pa ako makipag negotiate noong una. Mabuti na lang at dumating si Mikael kahit nalate na naman dahil nagbantay pa sa panganay nila." Tugon ni Luis na napabuga pa ng hangin.

"Congratulations! You'll get to learn it eventually, baby. I'm still proud of you, though. Very, very proud." Sabi ko naman na siyang ikinangiti na niya.

Mag-iisang taon pa lang siya sa posisyong COO sa company namin. Natigil siya sa pagdodoktor dahil nangangailangan na ng tulong niya sina mommy at daddy, lalo pa't lumalago na talaga ang family business namin. He sacrificed his career for the sake of my family, our family.

Ako naman talaga dapat ang hahawak sa posisyon niya sa kompanya pero ayaw naman pumayag ng loko. Ayaw niya akong pagtrabahuhin at baka may makasalamuha pa daw akong ibang lalaki.

As if ipagpapalit ko siya sa iba! As if maaagaw pa ako ng iba! Duh!

Kaya nga noong nanganak na ako ay ginive-up ko na ang shop at naging work-at-home and freelance designer na lang ako ng brand ni Aunt Margaret. May shares pa naman ako sa company pero sa bahay na lang talaga ako nagiistay.

Kakauwi nga lang namin dito sa Laoag para mabisita niya ang main fish farm namin. At para makapagbakasyon na din kaming mag-anak, lalo pa't summer break ng kambal ngayon.

"I love you so much, baby. I can't believe we surpass our five years of marriage. Parang napakabilis lang ng panahon." Masuyong sabi niya habang niyayakap ako sa likod habang nakaharap kami sa dagat na tila kumikinang dahil sa sinag ng araw.

Pitong buwan mahigit na lang ay sixth-year wedding anniversary na namin. Natuloy kasi 'yong sinabi niyang kasal namin sa huwes pero sa sumunod na linggo pagkatapos noon ay sinurprise kami ni mommy at daddy. Inarrange na nila lahat sa church wedding namin kaya kahit gustong tumanggi ni Luis ay wala na siyang nagawa. Nagkapirmahan nga lang bago siya tuluyang napapayag para sa pagbabayad niya ng mga nagastos ng mga magulang ko sa kasal namin.

Kaya nga mas lalong napahanga ang mga magulang ko eh, lalo na si daddy na parating sinasabi na si Luis ang paborito niyang manugang until now.

Wala na talaga akong mahihiling pa sa buhay ko ngayon. Lahat ay perpektong-perpekto na para sa akin.

Napag-usapan din namin minsan ni Luis 'yong nakaraan. Naiisip nga niya na baka tatandang binata na lang siya kung sakaling nakahanap ako ng iba. Baka hindi rin daw kasi sila magkakatuluyan ni Marilou dahil ayaw niyang tuluyang dayain ito.

Kaya nga tuluyan na ring nawala sa sistema ko ang pagsisisi sa sarili dahil sa mga nagawa ko. Lalo pa sa naging resulta ng ginawa ko dati na natatamasa ko na ngayon. Kung kaya kong ibalik ang oras ay hinding-hindi ko pa din babaguhin ang mga naging desisyon ko noon. Our past defines who we are as husband and wife, today. Sturdy and very intact, na walang ibang makakagiba.

Looking at us now, along with our bulilits and our future children ay sobrang kuntento na ako. We do quarrel sometimes over some petty stuff just like how normal married couples do, pero hindi hinahayaang abutin pa 'yon kinabukasan ni Luis.

Isang lambing lang naman niya eh bibigay din naman ako agad eh. As always. Ganoon ako karupok at ganoon ko din siya kamahal. At alam kong mahal na mahal din niya ako. Siguradong-sigurado na ako sa part na 'yon at wala nang kailangang pagdudahan pa.

"Yeah. Magugulat na lang tayo na tinutubuan na tayo ng puting buhok. But I don't mind. I can't wait to grow old with you, baby. Tapos may mga apo na. My gosh! May tatawag na sa 'king lola!" Nasabi ko pa na siyang ikinatawa niya.

"Yeah. Dagdagan pa natin ng lima, after ni Luis Jr." Sabi niya habang hinahaplos ang umbok ng tiyan ko. Lalaki nga kasi ang third baby namin at napag-usapan na naming Jr. niya ito. "Para madami ang tatawag sa 'yong lola at lolo naman sa 'kin sa hinaharap."

"Tss. Kung ikaw ba manganganak eh 'di good. Ang hirap kaya umiri! Tapos nahihimatay ka pa sa tabi ko eh 'di mas lalo akong nahihirapan." Sabi ko na siyang ikinatawa niya ng malakas.

"Please, huwag mo ng paalala, baby. Huwag mo ring ipanood 'yong video sa mga anak natin at mga apo at kahit sa mga apo natin sa tuhod at baka pagtawanan ako." Sabi niya na siyang ikinatawa ko din. "Wait. Hindi mo pa pala binalik ang sinabi ko kanina." Tunog pagtatampo naman na sinabi niya na alam kong gusto lang walain ang usapan tungkol sa nakakatawang ganap noong nakita niya ang paglabas ng ulo ni Lucas sa ano ko.

Akala mo hindi doctor eh!

"Sus. I love you so much more, my hubby, Luis, my baby." Sabi ko na lang at agad na nilingon siya para mahalikan.

We were still kissing and almost ran out of breath noong narinig na namin ang mga yabag ng mga anak namin sa baba ng gazebo.

"Mama! Papa!" Kasabay na tawag ng dalawa.

Napabitaw na lang kami at nakangiting nilingon ang direksyon ng dalawang batang unang naging simbolo ng wagas at tunay na pagmamahalan naming dalawa.

I simply couldn't wish for another husband and our children couldn't wish for a better father, dahil sa kanya na talaga ang lahat. There's really no other love like his love for me and our offsprings.

Now, I can confidently say that Luis Madrigal really is my soulmate. We are definitely made for each other. For better or for worse. Through thick and thin. We did hold on to our vows.

And my love for him is a hundred and one percent not unreciprocated, after all.

-End-