Chapter 44 - C44

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang nagbabantay kay Luis. Kaya nagulat ako ng pagkamulat ko ng mga mata ay bumungad sa 'kin ang dibdib ni Lu. Nakahiga na din ako sa tabi niya at yakap-yakap na niya. Agad akong napaigtad tuloy ng maalalang may sakit siya at agad na dinama ang leeg niya.

"Oh, thank God." Nausal ko nang maramdamang hindi na siya gaanong mainit at maayos na din ang paghinga.

I remembered I was sitting on the couch while watching him sleep at magkahawak pa ang mga kamay namin. Noong nadala na kasi siya dito sa kwarto ko ay doon na siya nagkamalay. Agad niya kong hinanap kaya napalapit ako, pagkatapos ay mabilis niyang pinagsalikop ang mga daliri namin at hindi na binitawan hanggang sa makatulog siya ulit.

Its like he wanted to make sure that I won't leave his side while he sleeps.

Hay, Luis..

Napatingala ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. He looks at peace with a wide smile on his face while he's sleeping, like all of his worries are finally gone, now that I'm in his arms.

Ako din naman. Masaya at magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Kahit na hindi pa kami nakapag-usap ay nakaramdam na ako ng kapayapaan sa relasyon namin. Tama na ang pagsasakitan namin. Mahal namin ang isa't-isa at 'yon ang pinakaimportante.

Kahit kanina ko pa siya pinagmamasdan ay hindi pa din siya nagising but then I remembered that he hasn't eaten yet. Timing lang din ng naalala ko 'yon ay biglang tumunog ang tiyan niya.

Gising pala ang loko! Mas lalo nga siyang nangiti at hinigpitan pa ang pagkayakap sa 'kin.

"Tss. Stop pretending that you're asleep, Lu. Kukuha na ako ng pagkain mo sa baba." Sabi ko at akmang bibitaw na sa kanya pero mas lalo nga lang niya tinulak ang likod ko palapit sa katawan niya.

"M-Mamaya na.." Namamaos pa niyang sabi.

"Ngayon na! Hindi ka pa kaya nakakain since kahapon! Tsaka bad breath ka!" Sa huling sinabi ko ay napatawa talaga siya ng malakas kahit namamalat pa ang boses niya.

Natawa na din tuloy ako. Wala lang. 'Yon lang ang naisip kong sabihin para pakawalan na niya ako. Pero wa epek pa din.

"Tss. Naka dextrose naman ako kanina, baby. Okay na 'yon. Busog na 'ko ngayong kayakap kita. At hindi mo na ba ako hahalikan dahil bad breath ako?" Nanunuksong tanong niya na may tunog pagtatampo pa.

Pagkatapos ng tanong niya ay agad ko na siyang hinalikan ng mabilis sa labi. Smack lang at baka saan pa aabot kung patatagalin ko pa. Lalo na't mukhang nabalik na nga 'yong lakas niya.

"Isa pa." Nanunuksong sabi ni Lu pero agad kong nilagay ang palad ko sa bibig niya.

"Kukuha na ako ng pagkain. Nagugutom na din.. ako, Lu." Sabi ko na muntik na namang nabunyag ang tungkol sa anak namin. "Kailangan din nating mag-usap pagkatapos." Seryoso ko ng sinabi at nakita ko din ang pagseryoso niya.

Tumango lang siya at niluwagan na ang pagkayakap sa 'kin. Bumangon na din ako sa kama at agad na tiningnan ang wall clock ko. Mag-alas tres na ng hapon. So, apat na oras pala ako nakatulog kanina. Pero bago pa ako makahakbang paalis ay naabot na niya ang kamay ko.

"Thank you for not leaving me, Eya.." Masuyong sabi niya na may bakas nang lungkot.

Nginitian ko lang siya at masuyong tiningnan.

"Bababa na ako.." Nasabi ko na lang pagkatapos ng ilang sandaling pagtitigan namin.

"Bumalik ka agad.." Nasabi pa niya at noong tumango ako ay binitiwan na ang kamay ko kaya dumiretso na ako papunta sa pintuan.

Pagkababa ko sa hagdanan ay nadinig ko ang mga boses nina daddy, mommy, at ate Michelle. Nag-uusap sila sa sala. Kaya noong tuluyan na akong nakababa ay agad akong lumapit sa kanila.

"Anak." Tawag agad ni mommy sa 'kin na nakagayak, pareho sila ni daddy. Habang si ate naman ay nakapambahay lang at nakaupo sa couch.

"How's Luis?" Tanong agad ni daddy pagkalapit ko.

I kissed the three of them on the cheeks. "He's fine na po. Wala na siyang fever. Kukuhaan ko nga ng pagkain para makakain na."

"Good then." Sabi ni daddy at tumango lang.

"I hope this won't happen again, anak. That man clearly adores and loves you. A man with such pride wouldn't do that for the woman he's not deeply in love with. Huwag mo ng pagdududahan ulit si Luis. Before you do some drastic decisions again, dapat pag-usapan niyo muna." Parang pigil na panenermon ni Mommy na tinatanguan ko naman. "Ano na pala ang plano niyong dalawa sa kasal niyo? Aalis dapat kami ng daddy mo sa makalawa papuntang Japan, but since this happened ay mukhang mananatili na lang muna kami after your wedding."

"Uhmm.. Hindi pa po namin napag-usapan."

"You're not backing out again, are you?" Seryosong tanong ng daddy ko.

"No, daddy. Pero baka ayaw na 'kong pakasalan ni Luis. Baka magkakatrauma siya noong iniwan ko sa simbahan. And for sure, ayaw rin pumayag niyon na kayo ulit ang gagastos." Nasabi ko ang naging agam-agam ko.

Pero kung matatagalan pa nga ang pagplano namin sa kasal ay wala ng problema sa 'kin. I know dadating din 'yon. I just have to wait patiently. 'Yon kasi ang mga hindi ko natutunan ng maayos. Ang maging pasensyosa. At 'yong pagiging overthinker ko din ay kailangan ko na talagang burahin sa sistema ko. At lalo na ang pagiging dudadera ko. Now, that I have the assurance of his love ay enough na 'yon sa 'kin.

"Hmm.. Baka ikakasal din naman kayo agad, sis. I'm pretty sure hindi papayag si Luis na patatagalin pa." Sabi ni ate kaya napabaling ako sa kanya. May makahulugang ekspresyon siya sa mukha habang nakatingin sa tiyan ko.

I guess she's right. Lalo na at plano ko ng sabihin sa kanya mamaya ang tungkol sa anak namin.

Then, she slowly shoved a small box that was already on top of the coffee table papunta sa 'kin. May tatak 'yong isang kilalang jewelry store.

"A-Ano 'to?" Nagugulahang tanong ko pa habang nakatingin lang sa box sa mesa.

I have a notion of what's inside inside the box. Kaso..

"Ano sa tingin mo?" Sabi ni ate at inikutan pa ako ng mga mata. "Galing daw 'yan sa pantalong suot ni Luis. Binigay ni yaya dito at muntikan ng malagay sa loob ng washing machine kanina."

"Its his?" Parang hindi pa din ako makapaniwala.

Nakita ko ulit ang pag-ikot ng mga mata ni ate na sinabayan din ni mommy, habang napailing naman si daddy.

"You can ask him yourself for confirmation, my darling. Me and your mom needs to go." Ani ni daddy na masuyong nakatingin kay mommy at akmang lalakad na ang dalawa.

"Where are you going?" Pabahol ko pang tanong.

"Date, of course." Si mommy.

"Nainggit daw si mommy eh. Ba't hindi daw ganoon si daddy sa kanya noong binasted niya dati. Tss." Pagbulgar ni ate na ikinairap ni mommy at ikinatawa ni daddy.

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay muntik ko ng matulak ng malakas pabalik sa labas si Kyla na siyang nagdala ng tray na may lamang pagkain namin ni Lu.

"T-Teka lang!" Natatarantang sabi ko habang sinasarado ang pintuan ng kwarto ko. Naiwan tuloy na naguguluhan ang bata sa inasta ko.

Paano ba naman kasi ang loko! Nakaupo sa sofa ko na mukhang bagong ligo at naka roba nga pero nakabukas naman sa harap! Kaya labas 'yong ano niya!

Bwisit siya!

"Luis!" Sigaw ko sa pangalan niya habang nagkakahumahog naman siyang ayusin ang sarili. Akala mo'y parang hindi nanghina kanina at nagkasakit eh! Ilang oras pa lang kaya ang nakalipas!

Mabuti na lang at hindi pa gaanong nakapasok si Kyla kanina. Kundi paniguradong nakita na 'yong ano niya na naghuhumindig na! Ready to attack na! Langya! Baka mahimatay pa 'yong bata kung sakaling nakita nito ang hindi dapat makita ninuman! Its for my eyes only!

"Ano ka ba naman, Lu! Galing ka pa sa sakit ah!"

"I didn't know! Akala ko ikaw lang ang papasok! Baka lang kasi.. makalabas din ng init, Eya.."

"The hell!"

"Namiss kita eh.. Tsaka gusto ko din magpapawis. It can help in lowering my fever, baby!"

"Wala ka ng lagnat! Huwag mo akong lokohin!"

"Kaya nga! Eh baka bumalik!"

What the hell's with this conversation! My gosh!

"Tss! Magbihis ka na nga muna! Malamigan ka! Tsaka ba't ka naligo?"

"Pinahinaan ko na ang aircon. Ang baho ko na eh, mamaya ayaw mo na din akong yakapin dahil mabaho ako." Nagpapaawa effect pa ang loko. "And I don't have clothes here. Sa sasakyan meron ako doon."

"Tss! Ipapakuha ko kay Kyla! Takpan mo muna 'yan! Gamitin mo ang unan!" Inis ko pa ding sabi at umirap.

Ginawa naman niya ang sinabi ko kaya humakbang na ako palabas ng kwarto para kunin ang tray kay Kyla. Hindi ko na siya pinapasok. Inutusan ko na din ang bata na pilit pang sumilip sa loob dahil sa sobrang kuryuso ng nangyari kanina. Baka ang akala'y may nangyari kay Lu, naku! Kung alam lang niya.

Kahit kumakain na kami ay nananatili pa din akong nakairap sa kanya. Kaya todo sorry ang loko. Pero hinihipan ko naman ang isang maliit na bowl na may lamang chowder na isinandok ko para sa kanya.

"Subuan mo ako, baby. I can't move my hands." Paglalambing pa niya na ginawa ko naman.

Tss. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lokong 'to.

Maya-maya lang ay sinubuan niya din ako na kinain ko din naman. Kaya ang ending ay nagsusubuan na kaming dalawa. Parang ewan lang eh. Timing lang din na patapos na kaming kumain ay siya ding pagdating ni Kyla na dala na ang isang duffel bag.

"Busog na busog ako." Aniya habang nagsusuot ng tshirt na siyang inuna pa niya kaysa sa pang-ibaba niya. "Parang gusto kong magpapawis, baby."

"Tumigil ka diyan! Mag-uusap pa tayo. Tss." Seryosong sabi ko.

"But I haven't had my fill for the last four days, baby. Maawa ka naman. And I wanted to make sure to get you pregnant this time para hindi mo na maisip na iwan ako." Parang tunog nagmamakaawa pa ang loko.

But I am pregnant..

Gusto ko na sabihin sana pero mamaya na lang siguro para kung magalit man siya ay lalandiin ko na lang ang loko. Kasi kung ngayon ko sasabihin 'yon ay baka hindi na kami makapag-usap ng maayos. Masisira ko na ang mood. But damn.. 'yon talaga ang ginawang rason para hindi ko siya iwan?

Hay naku, Luis..

"Oh, wait. Nasaan na pala 'yong suot kong pantalon kanina?" Natanong niya bigla.

"Nasa labahan na." Sabi ko na parang wala lang pero kinakapa ko na ang maliit na box sa bulsa ng suot kong shorts.

"Huh?! Eh puntahan ko muna baka masama pa 'yung ibibigay ko sa 'yo." Natatarantang sabi niya at akmang tatayo na ng pinigilan ko ang braso niya.

So, it really is for me.. Damn it! Naiiyak na talaga ako.

"Eto ba 'yon, Lu?" Tanong ko at agad na inilabas ang box at nilahad sa kanya.

Napakamot tuloy siya sa ulo. "Yeah.. Nakita mo na pala. I was supposed to give it to you after the priest announced us as husband and wife.."

Napabuga tuloy ako ng hangin. Sayang. I should've waited. Ansaya sana kung natuloy 'yon. Maybe I would've cried a river because of too much happiness after he showed it to me. Sana hindi na rin kami nagkasakitan. Sana sa mga oras na 'to ay nasa himpapawid na kami patungo sa Manila at papunta na sa honeymoon namin pagkatapos. Lubos akong nakadama ng pagsisisi tuloy. Ba't kasi napakadrama ko? Ang bilis kong bumitaw. Wala talaga akong paninindigan. Hay.

"Baby.. you're still willing to marry me, right?" Parang nagsusumamong tanong niya.

"Of course, Lu.." Naiiyak ko ng sabi pero pinigilan ko ang tuluyang pag-iyak kaya sumisinghot-singhot ako.

Napangiti naman siya habang namamasa na din ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko at agad na dinama ang palasingsingan kong may bakas pa ng tinanggal kong engagement ring kahapon.

"D-Do you like what I bought for you? Uh.. Mas mahal yan doon sa una.. Uh.. I don't know kung magugustuhan mo.. Uhmm.." Parang kinakabahan pang sabi niya.

"Hindi ko pa nakita, actually. Gusto ko ikaw ang magbukas at magsuot sa daliri ko.. And why did you buy another one? Okay naman ako doon sa una."

"Baby.. its unfair on your part if you settle with that ring at hindi ikaw ang naisip ko noong binili 'yon. I mean ikaw ang naisip ko habang nakatingin ako sa mga singsing. Ah, basta.. The truth is it wasn't meant to be an engagement ring.. Bale, regalo ko lang sana kay Marilou as a promise ring, or some sort of that. Wala pa sa isip ko ang pakasalan siya."

"Huh? But you told me you're about to propose to Marilou.. that morning after we had our first night?"

"Yeah.. I was lying.. Sorry, baby. Nasabi ko 'yon dahil galit na ako sa 'yo tapos nadagdagan pa dahil pinangunahan mo ako.. Pinamukha mo kasi sa 'kin kung gaano ako kaduwag para aminin ang totoong nararamdaman ko sa 'yo. Nasaktan ang pagkalalaki ko." Parang nahihiya pang pag-amin niya. "Will you forgive me, now, and marry me, baby? Please?"

"Open the box first, show it to me and ask me properly, Lu."

And he did what I ask him to do.

Noong nabuksan na niya ay agad akong namangha sa nakitang disenyo ng singsing. Ang singsing na para talaga sa 'kin. May malaking pear-shaped diamond sa gitna at may maliliit na diamonds na nakaikot dito. Halatang mahal nga!

"That is too much, Lu." Nasabi ko pa habang nananatili ang mga mata sa singsing na hawak na niya.

"Anything for my baby.. So, now, will you really marry me, Mikaella Edwards?" Napakasuyong tanong niya habang nakatutok na ang singsing sa palasingsingan ko.

"Yes, Luis Madrigal!" I screamed my answer so loud and that made him laugh with tears in his eyes as he slid it on my ring finger.