After I said yes to his proposal, we sealed that wonderful moment with a heartfelt kiss that turned into an intense one. Halos magkaubusan na kami ng hangin sa paghahalikan noong tinigil na namin.
Ilang sandali din kaming tahimik habang tinitingnan ko ang singsing na sinuot niya at hawak naman niya ang kamay ko at inaangat para matitigan ko 'yon ng maayos. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya habang yakap niya ako sa bewang.
At first I thought he would ask me to go straight to bed and do some loving after our kiss, but I guess pareho kaming mas gustong mag-usap muna para mailabas na ang lahat ng saloobin. Siya na nga ang naunang magsalita.
"Baby, tell me. Ba't umalis ka sa simbahan? Ba't plano mo 'kong iwan? Is it because I was busy with lola Patring? Nawalan ako ng oras sa 'yo? I thought naintindihan mo. But I guess I was too insensitive not to think about your feelings." Sabi niya.
"Hindi, Lu.. Naintindihan ko naman 'yon pero may kirot pa din kahit paano kasi magkasama nga kayo ni Marilou.. Uhmm.." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa pag-uusap namin ni Marilou pero naisip kong huwag na lang. "I asked for some signs para makapagdesisyon kung ititigil ko na ang kasal. First, si Lola nagkamalay na, nadelay ang wedding natin, tapos hindi ka nakatingin sa 'kin habang naglalakad ako papunta sa 'yo." Pag-amin ko sa kanya.
"Baby! I wasn't looking at you dahil nahihiya akong umiyak sa harap ng maraming tao!" He exclaimed and it made me bit my lower lip because of guilt.
"'Yon na nga... Nakalimutan kong nahihiya ka nga pala at hindi ka sanay humarap sa maraming tao. But at that time, I thought differently and I always thought you don't love me. And since pinikot kita ay alam kong napipilitan ka lang na pakasalan ako. Nangamba ako, natakot, na baka hindi ka magiging masaya sa pagsasama natin. I don't think I will make you happy, and that its better to give you up para maging masaya ka na sa totoong mahal mo."
"I know it was my fault. So, I deserve what happened yesterday. I wasn't vocal about my feelings for you, pero pinapakita ko naman at pinapadama sa 'yo. Especially when we make love. Akala ko enough na 'yon para malaman mong mahal na mahal kita. I should've known better. Sana hindi na nangyari 'yon kahapon. But baby, the truth is, I am deeply and madly in love with you for a very long time. Duwag lang ako dahil alam kong wala ako sa kalingkingan ng mga taong nagkakagusto sa 'yo. Ayoko ding may masabi ang iba tungkol sa pagkakagusto ko sa 'yo. A mere plain and simple human like me is prohibited to fall in love with a Goddess like you." Nasabi niya na nagpaiyak at nagpatawa sa 'kin.
"Stop it with the Goddess thingy! Tao pa din ako, tao ka din kaya bagay tayo! Tss!" Komento ko pa na ikinatawa niya.
"You are a real Goddess, baby, and I'm just an insecure and low self-esteem fool whose in love with you. Kaya nga mas pinili ko na lang magkagusto sa iba. Ayoko ding masira ang pagkakaibigan natin dahil 'yon lang ang tanging paraan para makasama pa din kita. I tried so hard to suppress it by loving someone else."
"And you did." Inunahan ko na siya at nakaramdam pa din ng kunting kirot ngayon. Hindi naman kasi maiwasan.
"Yeah. Si Marilou.. She's not that hard to love. Bagay kami kasi simple at pangkaraniwang tao lang siya. I thought she could help me let go of my feelings for you pero hindi talaga kaya. When you dated other men, left and avoided me, doon ko lang napatunayan sa sarili ko na walang makakatumbas na babae sa 'yo dito sa puso ko. The truth is, minadali ko ang pagtatapos ng internship ko para makapunta na ng Manila. Para malapit ulit tayo sa isa't-isa, because I can't be myself kapag wala ka. Pero mas pinili mong iwasan ako. Nagselos ako sa mga lalaking nakilala mo, lalo na doon sa model. Kaya ako nakaramdam ng matinding galit at panibugho dahil sa ginawa mong 'yon. I told you not to avoid me.. but you still did that's why I tagged you as a liar."
So... tama pala ang sabi ni Marilou.. Na para talaga sa 'kin kaya lumipat siya ng Manila.. My gosh.. Kumikirot ang puso kong masaya sa nalaman. Posible palang makaramdam ng ganito.
"I'm sorry... 'Yon pala 'yong tinutukoy mong kasinungalingan ko?"
"Uh-huh. And also that time, when you took me home after I took you in Patapat? 'Yung nagpakalasing ako dahil sa sobrang selos? I know what I said that morning, kaya nga nasabi kong nagsinungaling ka na naman dahil tinanong kita kung may nasabi ba ako sa 'yo noong araw na 'yon, but you denied it. I tried to confess my feelings but then I got scared that's why nasabi kong mahal ko si Marilou."
"You hurt me that time, Lu.. And nasaktan din kita.. Pareho lang tayong duwag kung ganoon. I always thought that this love I have for you was just one-sided.. I never thought that you did love me back.."
"Baby.. I already have feelings for you when I first saw you.. Mas lalo lang umusbong noong naging close na tayo."
"Huh?" Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatingala ako.
"Yes. Why would I brainwash you to reject your admirers, then? Dahil nagseselos ako. Dahil mahal kita." Sabi niya sabay tango at iwas ng tingin sa 'kin. "Kaya sa ating dalawa, sino ang mas duwag? Alam ko din na hinalikan kita noong after party natin. I was damn scared when I remembered it the next day when I woke up kaya pinilit kong kalimutan 'yon at magkagusto na lang sa iba."
"Baby, noong hinalikan mo ako ng time na 'yon, doon ko lang nalaman sa sarili ko na mahal na kita.. So, meaning mas nauna mo pala nalaman na mahal mo 'ko? Then why didn't you try to tell me? Why didn't you woo me? Baka kung nagconfess ka na sa 'kin ay baka doon ko na din malalaman na mahal na pala kita. Sana hindi na tayo nagkasakitan. We wasted years, Lu." Pagsisisi ko sa kanya pero alam kong may kasalanan din naman ako.
"I know.. Kaya nga alam kong mali ko talaga lahat ng nangyari sa 'tin. I deserve all the pain that I've experienced throughout the years of hiding my feelings from you, lalo na sa mga nangyari sa 'tin last year and yesterday, too. Honestly, pareho lang tayo. I don't know about your feelings too, baby. Noong kinausap lang ako ni Marilou noong nahuli mo siyang may iba ay doon ko lang nalaman na mahal mo pala ako. Siya pa ang nagpamukha sa 'kin na mahal mo daw ako. But I'm still scared to finally accept it. Dahil insecure talaga ako at para sa 'kin ay wala akong karapatang mahalin ka."
"Ba't mo naman kasi binababa ang sarili mo? You're Luis Madrigal! The brilliant Doctor Luis Madrigal! Ako nga nainsecure din sa mga babaeng nagustuhan mo eh. Even though, I know that I'm regal, still I feel inferior when you talk about them. Lalo na kay Marilou." Sabi ko habang nakanguso.
"I'm sorry baby, sa lahat. Magkaibigan na lang kami ni Marilou, nakonsensya din naman ako dahil ginamit ko lang siya para pagtakpan ang nararamdaman ko sa 'yo. I talked to her yesterday because she tried to stop me from going to our wedding kaya natagalan ako sa hospital. She tried to talk me out of it. But I told her the truth at pinaintindi ko sa kanya lahat, kasama din namin si Lola Patring ng mga oras na 'yon. Kahit si Lola ay pinagalitan din si Marilou. Lola gave us her blessings, by the way. Kaya huwag mo na ulit akong ipagtulukan kay Marilou."
"I won't do that again, ever.." Sabi ko at agad na naglambitin na sa leeg niya. "I won't ran away from our wedding, too."
Natawa siya ng mahina sa sinabi ko pero may bakas na sakit ang tunog niyon. "Will you forgive me for all the pain and the hurt that I've been inflicting on you for the past years, baby? I promise I will make it up to you for the rest of our lives.."
"Yes, Lu. Basta ba mapatawad mo din ako sa lahat ng pagkakamali ko at pananakit ko sa 'yo.. And I'm gonna do my best to make it up to you, too, until my last breath." Naiiyak ko ng sabi.
"Dapat hanggang kabilang buhay, and our next life, too." Naiiyak niya ding dagdag.
"Yes, baby.." Sabi ko at mas niyakap pa siya ng mahigpit.
"I love you so much, my baby Eya.." Sabi niya at pinatakan ako ng isang mabilis na halik sa mga labi. "I really should say thank you for making the first move, you know. Kung hindi mo ginawa 'yon I would have stayed a coward for the rest of my life."
"Nagpapasalamat ka sa pagpikot ko sa 'yo? You know I was really surprised na hindi ka nagalit nang tuluyan. I mean what I did was a very desperate move. Akala ko nga matatagalan pa bago ka pumayag kahit na binlackmail kita." Sabi ko na parang hindi pa din makapaniwala.
Napatawa siya sa sinabi ko. "Yeah. I already accepted my fate, baby. Sumuko na ako sa pagiging duwag noong madaling araw pagkatapos ng birthday mo. I finally realized that my love for you is greater than my anger and resentment towards you. Kaya nga kahit ano pang nangyari pagkatapos noon I didn't have any plans to let you go anymore. I finally have you after years of hiding my feelings."
Napangiti ako ng malawak sa kanya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Napaluha ulit ako. Ang saya ng puso ko.
"I love you so much, Luis, my baby.. Thank you.." Masuyong nasabi ko na lang and after I said that ay agad na niya akong hinalikan.
Tumugon din ako kaya mas lumalim na naman ang paghahalikan namin. I know what's coming next at mas naging tama ang alam ko ng maramdaman ko ang kamay niyang pumapasok na sa loob ng shorts ko. Dinadama ang gitna ko. I started to purr as he continued to travel downwards. Pero noong naalala ko 'yong anak namin ay hinawakan ko na ang kamay niya para pigilan.
Hindi ko pa pala nasabi.
Napatingin tuloy siya sa 'kin na parang gustong magreklamo sa pagpigil ko sa kanya. Napangiti na lang ako habang tinutulak na ang kamay niyang mas pumasok pa sa loob ng panty ko.
"Baby.. Huwag masyadong marahas, ha? Baka masaktan ang baby natin.." Pag-amin ko sa kanya na siyang ikinasinghap niya.
"You.. You're pregnant?!" Sabi niya habang pabalik-balik na tumitig sa mukha ko at sa tiyan ko na natatakpan pa ng damit.
"Y-Yeah." Pagkukumpirma ko at tama nga ang hula kong magagalit nga siya dahil kitang-kita 'yon sa ekspresyon niya ngayon.
"Why didn't you tell me? Kelan mo nalaman? And why-.. Why are you still leaving me kung buntis ka? Are you going to keep this from me, Eya? Saan mo balak pumunta? Paano kung hindi kita napigilan kanina? Anong balak mong gawin? Anong-" Ang galit niya ay napalitan na ng lungkot.
"I'm very sorry.. Baka kasi magalit ka kaya hindi ko agad sinabi. Noong 24 ko nalaman. I was planning to tell you naman and surprise you after ng kasal eh.. Kahit sina mommy hindi pa alam. Si ate Michelle kahapon niya lang nalaman. Sorry na.."
"Bakit naman ganoon, Eya? Anong balak mo kung ganoon? Itago sa 'kin 'to kung nakaalis ka nga?" Namamasa na ang mga mata niya habang nagtatanong.
"Y-Yeah.." Kita ko agad ang pagpatak ng luha niya sa pag-amin ko.
Agad ko ring pinahiran 'yon pero pasuplado niyang iniwas ang mukha pagkatapos. Tinanggal na din niya ang kamay sa panloob ko at inayos ang shorts ko. He then placed his hands below my thighs before he carried me carefully towards the bed.
"Lu-" Pagpigil ko sana sa kanya kasi akala ko aalis siya pagkalapag niya sa 'kin sa taas ng kama pero hindi ko din tinuloy dahil agad naman siyang tumabi sa 'kin. He even placed his arm below my head.
He then pulled my shirt up just below my chest, then stared at my flat stomach before he finally touched it with his barehands. Nanginginig pa ang kamay niya habang hinahaplos 'yon.
"I'm sorry, anak.. Muntik na kayong makawala ni mama dahil sa kaduwagan ng papa mo. Babawi si papa kay mama at sa 'yo. Mahal na mahal ko kayo." Masuyong sabi niya.
Napakagat-labi tuloy ako habang nakatitig lang sa kanya habang patuloy niyang hinahaplos ang tiyan ko. "Pareho talaga tayo ng tawag sa sarili ah kapag kinakausap ko siya. Papa and mama." Sabi ko pero pasuplado lang siyang sumulyap sa 'kin bago binalik ang tingin sa tiyan ko.
"Baby.. Sorry na.." Panunuyo ko na sa kanya. "Sige ka, magagalit ang anak natin kapag nagtatampo ka sa mama niya."
"Tss. Pero malalaman ko pa din naman. Kung hindi kita naabutan kanina ay susundan pa din kita kahit saan ka pa pupunta. You can't hide and get away from me, Eya. Tss." Sabi niya na tunog sigurado talaga.
"Alam ko naman 'yon, baby. Kaya sorry na.."
"Oo na. Pasalamat ka mahal kita. Basta magpapakasal tayo ngayon."
"Huh? Ngayon?"
"Sa huwes lang muna, sa susunod na ang sa simbahan kapag nabayaran ko na sina mommy sa nagastos nila sa kasal dapat natin kahapon at makaipon na ako ulit. Tatawagan ko si Mayor, baka available siya ngayon. Kung hindi siya pwede, eh 'di maghanap ng abogado. Basta kailangan nating magpakasal ngayon. Itatali na talaga kita para wala ka ng kawala. Tss."
"Oh, sige. Tatawagan ko din sina mommy kung ganoon." Sabi ko naman at akmang babangon na sa kama pero pinigilan niya ako.
"On second thought, bukas na lang pala." Sabi niyang nakangisi na ng nakakaloko. "Try natin baka maging twins or triplets pa."
"H-Huh? Mahirap 'yan, Lu. Wala kaming lahing kambal."
"I have on my mother's side, Eya. I'll be extra careful, I promise, anak." Nakangising sabi niya habang dahan-dahang binababa na ang shorts ko.
—Wakas na po next! Thank you for reading po!—