Habang nasa pasilyo ako papunta sa dining area namin ay dinig ko ang mga boses ng mga pamilya ko. Its like they're discussing and debating about something, at alam kong ako ang topic nila. Tama nga ang naisip ko dahil noong nakita na nila ang bulto ko na papasok ay nagsitahimik sila.
"Good morning." Bati ko sa kanila na nakangiti.
Kompleto silang lahat, kahit si sis-in-law ay nandito. Isa-isa ko silang hinalikan sa mga pisngi, kahit ang kapatid kong engot ay hindi man lang nagreklamo. Tahimik pa din silang nakasunod ang tingin sa 'kin kahit na umupo na ko sa pwesto ko sa mesa.
"Hindi pa kayo kumain? Let's eat!" Pag-anyaya ko pa sa kanila at doon lang nagsigalaw ang lahat.
"Mikaella, anak.." Si mommy na hindi na yata nakayanan ang katahimikan sa paligid.
"Yes, mommy?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Uh.. Uhmm.. What time is your flight? Are you taking the international flight to China?"
"Ah. Hindi po. Didiretso po muna ako sa Manila. May aasikasuhin pa kasi ako sa office. Then my flight to LAX is at midnight po." Sagot ko naman.
"Oh.. Okay. Uhmm.." Sabi ni mommy na alam kong may gusto pa sanang sabihin pero hindi niya masabi kaya kay daddy siya napatitig at nanghihingi ng tulong.
"Sorry about yesterday, mommy, daddy, ate, bunso, and sis-in-law. I know napahiya kayo doon sa ginawa ko.. But-" Inunahan ko na sila dahil alam kong eto 'yong sasabihin nila.
"No, no.. You don't have to say sorry to us, anak. We perfectly understand where your coming from. Hindi ba? Sinabi namin sa 'yo that we will always support you?" Sabi ni mommy na agad na lumapit para yakapin ako.
Napaluha naman tuloy ako at agad na nagpasalamat sa kanilang lahat. Kahit hindi ako sinwerte sa lovelife ay napakaswerte ko naman sa pamilya ko. Sisiguraduhin kong hindi na ko bibigay ng problema ulit sa pamilya ko. Alam kong nasaktan din sila sa nangyari, napahiya. Kahit hindi nila sabihin ay alam ko na 'yon. But I will definitely make it up to them in the future.
"But honestly, I don't think that you've made the right decision." Biglang sabi ni daddy na seryoso ang itsura. "You see, Luis is still outside. He hasn't left since yesterday."
"W-What did you say, daddy? I talked to him and told him to go home last night!" Sabi ko na natataranta na.
"He didn't, ate. Nasa labas pa din ang sasakyan niya." Sabi ni Mikael.
Napaawang ang bibig at nanlaki talaga ang mga mata ko sa nalaman. Dali-dali akong tumayo at humakbang na papunta sa labas.
Bakit hindi siya umuwi? He was drenched in the rain last night! Paano kung...
Oh, my God!
Pagkalabas ko sa main door namin ay hindi ko na napigilang tumakbo ng makita ang sasakyan niya na nasa labas pa rin ng gate namin. Dali-dali kong binuksan ang gate at patakbong pumunta sa harap ng sasakyan niya.
And I was very horrified and almost had a heart attack to see his awful state inside his car!
Nakahiga siya sa upuan, still wearing his wet tuxedo, habang yakap-yakap ang sarili! Nanginginig din ang katawan niya at mukhang nahihirapan na huminga!
"Luis!" Tawag ko agad sa kanya sabay kalampag ng pintuan ng sasakyan niya. I tried to open it pero nakasarado 'yon. "Luis! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ko na habang malakas na hinahampas naman ang bintana ng paulit-ulit.
Tumutulo na din ang mga luha ko habang patuloy sa pagsigaw sa pangalan niya. Ramdam ko na din ang presensiya ng ibang tao sa likuran ko. Ang buong pamilya ko, mga guards at ibang mga kasambahay ay nandoon sa likod ko. Lahat sila ay nag-aalala na.
Tinulungan din ako nina kuya, daddy at Mikael na tingnan at subukang buksan ang mga pintuan ng sasakyan ni Luis pero sarado talaga ang lahat. Then I heard yaya's voice, inutusan niya ang isang kasambahay na tumawag na ng ambulansya.
"Luis, please! Luis!" Pasigaw na tawag ko ulit sa pangalan niya.
Nakasampung tawag na yata ako bago ko nakita ang dahan-dahang paglingon niya sa direksyon ko.
Mas nahabag ako at napaiyak pa lalo ng makita ang mukha niya. Namumutla siya! His lips are all-white at nanginginig din 'yon habang pilit niyang binubuka para magsalita.
"Open the door, Luis! Please!" Sigaw ko ulit sabay hampas ulit sa bintana.
Kita ko ang mga kamay niya na nanginginig habang pilit na binubuksan ang pintuan. Hinang-hina na talaga siya kaya paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan niya habang hinahampas ang bintana para hindi siya mawalan ng malay.
When he finally unlocked the door ay agad kong binuksan 'yon at mabilis siyang niyakap. I cried in his arms. Ang init-init niya na halos mapaso na ako ng dumikit ang balat ko but his fingers and hands are cold at namumuti na ang mga kuko.
"E.. ya.." Dinig kong boses niya na alam kong nahirapan ng magsalita..
"Luis, bakit! Bakit! I told you to go home.. Bakit hindi mo 'ko sinunod.." Iyak ko habang patuloy na niyayakap siya at hinahaplos ang mga kamay niyang malalamig para uminit.
Hindi siya sumagot dahil talagang nanghihina siya kaya nga mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
"I need some blankets! Or jacket o kahit anong tela!" Sigaw ko at agad namang tumalima ang mga tao at binigyan ako ng kumot at jacket. Agad kong binalot 'yon sa katawan ni Luis at niyakap siya ulit ng mahigpit.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig ko na ang siren ng ambulansya. Noong lumapit na ang isang paramedic sa pwesto namin ay doon ko lang binitawan si Luis. Pilit niya pa akong hawakan para pigilan sa paglayo sa kanya pero dahil nanghihina siya ay hindi na niya nagawa pa kundi umungol na lang bilang protesta.
Agad na siyang nilapatan ng first aid ng mga paramedics at sa sobrang panghihina niya ay binuhat na siya palabas ng mga ito bago pinasok sa loob ng ambulansya.
"Sasama ka, Mikaella?" Tanong sa 'kin noong isa habang nakatulala ako sa labas ng sasakyan ni Luis.
Doon ko lang nalaman na si Basty pala 'yon at mukhang sumama dahil nalaman na sa bahay namin ang tungo ng ambulansya.
Dahan-dahan akong umiling. "Please call Marilou, Basty. Sabihin mo sa kanya ang nangyari kay Luis."
Kahit parang nag-aalinlangan ay tumango na lang si Basty bago ito sumampa din sa loob ng ambulansya. Tahimik lang akong tinitingnan ang ginagawa nila sa loob. Nanatili lang din ako sa pwesto ko hanggang sa umalis na ang ambulansyang may dala kay Luis.
"I already informed your Aunt of your arrival, darling." Sabi ni daddy habang sinasamahan na nila ako ni mommy at ng mga kapatid ko palabas ng bahay.
"Mag-ingat ka doon, anak. We'll try to visit you every week." Sabi naman ni mommy na bakas pa sa mukha ang matinding pag-iyak kanina.
Pinakiusapan nila ako na huwag ng ituloy ang balak kong pag-alis at puntahan si Luis sa hospital, pero syempre tumanggi ako. Sobra talaga ang pag-iyak ni mommy kanina at alam kong hindi siya naka drama queen mode. Kahit sina ate at Chloe ay napaiyak din. Talagang naaawa sila kay Luis at nasasaktan para sa amin. Pero sabi ko nga ay nakapagdesisyon na ako.
Gustong-gusto ko din talaga sumama kanina sa ambulansya at noong nakaalis na ito ay parang may nagtutulak sa 'kin na sumunod sa hospital. Pero pinigilan ko talaga ang sarili ko. I know nandoon na si Marilou. He will be okay now, dahil nandoon na ang mahal niya at aalagaan siya. Alam ko din na kung pupunta pa ako doon ay magbabago talaga ang isip ko at mababali lang ang desisyon kong magpakalayo-layo na.
Ang dami kong nagawang pagkakamali sa buhay ko dahil sa pagmamahal ko kay Luis. At ngayon na itinatama ko na ang lahat ng pagkakamaling 'yon ay parang naging mali pa sa iba. Hindi ko naman sila masisisi. Hindi kasi malinaw ang mga desisyon ko sa buhay at kahit ako ay naguguluhan din sa sarili. Pero ngayon alam kong hindi ko na 'to pagsisisihan.
I may regret a lot of things that happened in my life right now because of my selfishness and bitterness, but I will never regret it entirely because of my baby. Ang bunga ng matindi kong pagmamahal kay Doctor Luis Madrigal. Ilalaan ko na ang buong buhay ko at lahat ng pagmamahal ko sa anak namin. I don't think I could ever love again after him, anyway.
Dalawang maleta ko na lang ang hindi pa naipapasok sa loob ng sasakyan. Kaya napatingin muna ako sa bahay ng mga magulang ko na alam kong hindi ko makikita sa loob ng ilang taon o baka habambuhay na. Hindi ako sigurado kung uuwi pa ba ako dito.
Baka hindi na.
But who knows what the future holds, anyway.
Parang gusto ko tuloy dumaan sa beach house kaso baka magahol na ako sa oras at mapag-iwanan pa ako ng eroplano.
Tinitingnan ko pa din ang bawat sulok ng bahay namin ng may marinig akong malakas at tuloy-tuloy na busina ng paparating na sasakyan. Napabaling tuloy ang tingin naming lahat sa direksyon niyon.
Its an SUV na hindi ko alam kung kanino kaya napaisip pa ako kung kilala ko ba 'yong may-ari niyon o kung sa amin ba ang tungo niyon. Pero noong dire-diretso itong pumasok sa nakabukas naming gate at tumigil talaga sa harap ng sasakyan kung saan inaayos ang mga maleta ko ay nakaramdam na ako ng matinding kaba.
Mas tumindi nga lang ang kaba ko ng makita ang paglabas ni Basty sa driver's seat at tinakbo ang sa kabilang side na unti-unting bumubukas na ang pinto. Agad na bumungad sa 'min ang nanghihinang mukha ni Luis, na kahit paano ay may kulay na.
He's looking at me directly habang inaalalayan siya ni Basty. Hindi ako nakagalaw at parang natulos na lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa nakalapit na siya sa pwesto ko.
Kahit mahina at nanginginig ang kamay niya ay nagawa niya pa ding hawakan ang kamay ko at pinagsalikop 'yon. Napatitig ako sa mga kamay namin at nakita kong may karayom pang nakadikit sa likod ng palad niya.
"E-Eya.." Nanghihinang boses na tawag niya sa pangalan ko at doon lang ako natauhan.
"L-Lu.. B-Bakit ka nandito? Basty? Bakit-"
"He's going berserk at the hospital, Mikaella. Ayoko din siyang turukan ng pampakalma. I called Marilou and she did came pero kahit siya ay hindi mapakalma si Luis. Ayokong manghimasok sa inyo but the two of you are my friends, and I can't bear to see my friends hurting." Seryosong sabi ni Basty na mas ikinahabag ng damdamin ko.
Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Basty. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Bakit ganoon? I'm doing this for Luis para maging masaya na siya. Pero bakit parang naging mali talaga lahat ng desisyon kong akala ko ay tama?
I suddenly remembered the time I avoided him.. Nasaktan ko din siya noon ng sobra, and he almost ruined his life at that time. At ngayon naman.. Inulit ko na naman!
How could I be so cruel? Pero ano ba dapat ang gagawin ko? If I'll stay, mahihirapan at masasaktan lang siya 'di ba? I'm not the one he loves, I can't make him happy.. Ngayong aalis na ako ay bakit parang ganoon pa din? Hindi ko na maintindihan..
Nasa ganoong pag-iisip pa din ako ng biglang lumuhod si Luis sa harap ko. Singhapan ang lahat sa paligid.
Ginamit pa niya ang libreng kamay para mayakap ang mga binti ko. He also buried his face in one of my thighs and I can feel his lips planting some soft kisses as if I am a goddess and he's worshipping me. Kahit nanghihina siya ay ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa mga binti ko na para bang mawawala na lang ako bigla kung bibitawan niya.
"Luis, w-what are you doing? Tumayo ka, please." Pagmamakaawa ko sa kanya habang pilit ko siyang pinapatayo. My huge tears started to fall from my eyes.
"No, Eya.. K-Kung tatayo ako, aalis ka at iiwan mo ako.."
"Luis, please.. Mahina ka pa.. Stand up, please.."
"No.." Sagot niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkayakap sa mga binti ko.
Napabaling na ang tingin ko kina Basty, mga guards namin at kina daddy at bunso, nanghihingi ng tulong para mapatayo si Luis.
"Please, tulungan niyo akong itayo siya. Daddy, please." Pagmamakaawa ko pero lahat sila hindi kumilos.
I even saw daddy shook his head at me, while he's looking at Luis with pity. Sina mommy naman at ang mga kasambahay ay umiiyak na.
"Baby.. D-Don't leave me, please. N-Nagmamakaawa ako.. M-Mas mabuti pang p-patayin mo na lang ako kung iiwan mo ako.. Ganoon na din naman ang mangyayari sa 'kin kung mawawala ka.." He begged at me at mas lalo pa akong umiyak at 'yong kamay ko na ginamit ko para patayuin siya kanina ay ginamit ko na para takpan ang mga mata ko.
"Let me go, Lu. Can't you see? I'm doing this for you! Pinapakawalan kita dahil ayokong makulong ka sa akin habambuhay! I know you don't love me Luis.. You deserve to be with Marilou! Siya ang mahal mo! Siya-"
"Sino ba nagsabing hindi kita mahal, Eya? Hindi mo ba nararamdaman? Nakikita? Na mahal na mahal kita? Ikaw ang mahal ko, Eya.." Sabi niya na nagpatanggal na ng kamay ko sa mukha at napadungaw sa kanya. Kahit siya ay nanunuyong nakatingala din sa 'kin.
"P-Please, baby.." Pagmamakaawa niya ulit at dahil hindi ko na kayang magmatigas pa ay napaluhod na din ako para mayakap siya.
"I'm sorry.. I'm sorry, Lu.. Hindi na 'ko aalis.. Hindi na kita iiwan.. Mahal na mahal din kita.. I'm sorry.." Paulit-ulit kong sinabi habang umiiyak sa balikat niya.
"T-Thank you.. Thank you.." Paulit-ulit niyang pasasalamat.
He also buried his face on my shoulder as we continued crying on each other's arms. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagluwag ng pagkakayakap niya at pagbigat ng katawan niya.
"Lu!" Tawag ko sa kanya sabay tapik ng paulit-ulit sa likod niya.
Nawalan na pala siya ng malay kaya dali-dali akong tinulungan nina Basty na hawakan siya at buhatin. Si daddy na ang nag-utos na sa kwarto ko na siya dalhin. May dala naman daw na mga gamot at IV fluid si Basty in case na kinakailangan 'yon ni Lu.