"Miss! Nasaan si Patricia Moreno?" Halos kapusin na sa paghinga na tanong ni Luis sa nurse na nakita sa ER.
Hinihingal siya at kahit ako ay ganoon din dahil sa pagtakbo namin papasok ng ospital.
"Nasa OR 4 siya, Doc." Sagot naman ng nurse na mukhang nakilala si Luis.
"Salamat." Sagot naman ni Lu bago napatakbo ulit papunta sa tinutukoy ng nurse at nakasunod lang din ako sa kanya. Ramdam ko ang sobrang pag-alala ni Luis.
Alam ko din kung gaano ka importante si lola kay Lu kaya nga noong narinig ko ang sinabi ni Marilou ay agad na 'kong bumaba sa sakyan para puntahan siya at ibigay ang phone sa kanya. Hindi na rin siya nakabili ng bibingkang gusto ko at agad na kaming bumyahe pabalik sa Laoag para puntahan si lola.
I don't mind at all. Alam ko kasi kung gaano kahalaga si Lola Patring kay Luis. At alam kong maiintindihan din 'yon ng anak namin.
Noong palapit na kami sa OR 4 ay agad ko ng natanaw si Marilou kasama ang isang kamag-anak. Nakayuko siya habang umiiyak but I know its her. Kaya noong nakalapit kami at napansin nito ang pagdating namin ay hindi na 'ko nagulat ng nagyakapan sila.
"Luis! Si lola, Luis!" Pagtangis nito habang umiiyak sa balikat ni Lu.
"Shh.. Lola's gonna be fine.. Shh.." Pag-aalu naman ni Lu dito.
Hindi ako umimik at nagdesisyon na lang na umupo sa pinakadulong upuan habang nakatitig sa kanila.
Oo, nakaramdam pa din ako ng pagseselos but I know they need comfort from each other and its fine with me. Naiintindihan ko. Lalo pa't napakaimportanteng tao sa buhay nila ang nasa panganib ngayon.
"Ano bang nangyari?" Tanong naman ni Luis noong pinaupo na niya ulit si Marilou at tumabi siya dito habang magkayakap pa din ang mga ito.
"Hindi ko alam. Kasi okay naman siya kaninang umaga.. pero noong.. t-tanghali sabi niya sumasakit daw ang ulo niya. Binigyan k-ko siya ng gamot.. T-Tapos noong nagbanyo siya ay nakarinig na lang kami ng kalampag. Bumagsak na pala siya at ang ulo niya t-tumama sa sink... Ang daming d-dugo, Luis! Ayokong mamatay si Lola! Hindi ko kaya kung mawala siya!" Pahysterical na ang sigaw niya sa huling mga kataga and I can't help but get teary-eyed.
"She won't die, Marilou... Don't worry.. Hindi tayo iiwan ni Lola.." Dinig ko namang pag-alu ni Luis sa kanya sa basag nang boses.
Habang nakatitig ako sa kanila ay ramdam ko na naman ang dati kong naramdaman noong naging sila.. At noong kinampihan ni Luis si Marilou sa pagsugod sa 'kin sa office...
They really have their own world, and no matter how much I tried to destroy that ay hindi pa din ako magtatagumpay.. dahil hindi ako nabibilang doon. Hindi ako nabibilang sa mundo ni Luis na binuo nilang dalawa ni Marilou.
Ilang sandali pa ang lumipas at tanging paghikbi lang ni Marilou ang naririnig namin sa paligid. Hindi na rin yata ako naalala ni Luis dahil sa higit na tatlumpong minuto na pagkadating namin dito ay hindi man lang niya ako nilingon.
Its okay, Mikaella. Alam mo naman ang totoo, 'di ba? Naalala ni Luis ang namayapang lola kay Lola Patring na nasa panganib ang buhay ngayon. You just need to understand and take that into consideration.
Ilang minuto ulit ang lumipas at sabay-sabay na kaming tumayong apat ng may lumabas na sa pinto ng OR4.
"Doc! Kamusta ang lola ko?" Nanginginig na tanong ni Marilou habang nakaalalay si Luis dito.
"She's out of danger." Sagot naman ng doctor na nakangiti.
"Thank God!" Sabay na usal ng dalawa at agad na nagpasalamat sa doctor.
"Papahingahin lang muna ang lola mo dahil malaki ang posibilidad na magka concussion siya dahil sa nangyari. We still need to run some tests. So, for the meantime ay kailangan niyang manatili dito sa ospital."
"Thank you, Doc! Salamat po talaga!" Sabi pa ni Marilou at agad ding yumakap kay Luis noong nakaalis na ang doctor.
"Kailangan na muna nating pumunta ng admitting, Marilou, para sa pagkuha ng kwarto ni lola." Pagmumungkahi ni Lu.
"Sige.. Salamat talaga, Luis.." Sagot naman ni Marilou at agad na silang tumalikod at basta na lang umalis na dalawa kasama ang kamag-anak.
Naiwan na lang akong mag-isa doon at hindi na nakapagsalita sa buong panahong 'yon..
Nanghihina ang mga tuhod kong napaupo na lang pabalik sa upuan. Hindi ko na din namalayang hilam na pala ng luha ang mga pisngi ko. Mabilis kong pinahiran 'yon habang nakayuko.
Nanatili pa din ako doon sa pwesto ko ng ilang sandali habang pinapakalma ang sarili. Nagdadalwang isip pa ako kung susunod ba sa kanila o uuwi na lang. Total hindi naman na ako naalala ni Luis, ay mabuti pa ngang umuwi na lang akong mag-isa. Patayo na sana ako sa inuupuan ko nang may marinig ako na humahangos na mga yapak papunta sa direksyon ko. Paglingon ko ay kitang-kita ko ang nag-aalala at nababahalang mukha ni Luis.
"Eya!" Tawag niya sa pangalan ko at agad na hinila ako patayo para yakapin. "I'm sorry."
He came back.. He came back for me..
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng nangyari 'yong aksidente ni lola Patring. At sa dalawang araw na 'yon ay hindi kami nakapagkita ni Luis dahil doon siya namamalagi sa ospital para bantayan si Lola. Hindi pa rin kasi ito nagkamalay pero stable naman daw ang lagay niya. Naintindihan ko naman 'yong kagustuhan ni Luis na manatili sa hospital, pero hindi ko lang talaga mapigilang masaktan at makaramdam ng pangamba. Lalo na't alam kong magkasama sila ni Marilou.
Pero winawaksi ko lang sa isip ko ang mga alalahanin para mapigilan na masaktan pa lalo. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay ng mga magulang.
Nag-aantay sa araw ng kasal namin at ng makasama ko na siya ulit.
Nagtitext at nagtatawagan naman kami habang nasa ospital siya kaya naging panatag pa din naman ang loob ko kahit paano. Nangako din naman kasi siya na bukas ay hindi na muna siya magbabantay sa ospital para makapaghanda na sa kasal namin. Kaya alam kong matutuloy nga talaga 'yon.
Ilang minuto na akong nakatitig lang sa wedding gown ko na nakasuot sa isang fitting form mannequin. Kakadeliver lang niyon kanina at namangha talaga ako sa gawa ng kilalang designer na 'yon. Ewan ko nga lang kung bakit habang tinititigan ko ang gown ay mas lumalala lang ang nararamdaman kong kahungkagan.
Dapat masaya ako 'di ba?
Kasi dalawang araw na lang at kasal na namin. Aside sa mga magulang at kapatid ko ay nandito na nga din ang mga kamag-anak, mga abay, at ibang bisita pa namin sa kasal. Kaya dapat masaya ako kasi alam kong tuloy na tuloy na talaga 'yon.
Nanatili pa din akong nakatitig sa wedding gown ko ng biglang nagring ang cellphone ko. Si Luis ang tumatawag kaya nakaramdam ako ng kunting kagalakan kahit paano.
"Hey, baby!" Sabi ko agad pagkasagot ko.
"Mikaella.." Pero ibang boses ang nagsalita sa kabilang linya at kilalang-kilala ko 'yon.
"Marilou.." Pagsambit ko din sa pangalan niya.
"Mikaella.. Pwede ba tayong magkita?"
"S-Sure.. Saan?" Kahit nakaramdam ng pagaalinlangan ay pumayag pa din ako.
Pagkarating ko sa park kung saan kami magkikita ni Marilou ay nakaramdam naman ako ng matinding pangamba. Tama bang pumayag akong magkita kami? Pero nandito na ako.
Napabuga muna ako ng hangin bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan. Agad kong natanaw si Marilou sa isang de kahoy na upuan doon. Nakayuko habang nagpupunas ng pisngi.
I know she's crying.
"Marilou." Tawag ko sa pangalan niya pagkalapit ko dahil mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko.
"Mikaella. U-Upo ka.." Sabi niya sa mababang boses habang nakaturo sa bakanteng space sa tabi niya.
Kita ko ang pamamaga ng mga mata niya kaya alam kong kanina pa talaga siya umiiyak. Sinunod ko din ang sinabi niya at ilang minuto pang umani ang katahimikan sa 'ming dalawa. Nanatili lang din kaming nakatingin sa harap at sa kawalan.
"M-Mikaella.."
"Hmm?"
Rinig ko ang lalim ng pagbuntong-hininga niya sa tabi ko. "A-Alam kong.. k-kasal niyo na ni Luis.. sa makalawa.."
"Yeah.." Nasagot ko dahil natahimik ulit siya.
"Mikaella.. A-Alam kong hindi ako naging m-mabuting tao.. Alam k-ko din na wala ako sa posisyong h-hingin sa 'yo 'to.. P-Pero, Mikaella.. Pwede ko bang h-hingin sa 'yo na h-huwag mo ng ituloy ang k-kasal niyo?" Tanong niya sa mababang boses pero ramdam ko ang sakit sa kalooban niya ng sinabi niya 'yon.
"Why? Bigyan mo ako ng mga rason kung bakit ko ititigil ang kasal namin ni Luis." Marahan na boses na tanong ko sa kanya.
"B-Because I need him, Mikaella. Kailangan din siya ni lola.. Masama ang loob ni lola sa kanya noong naghiwalay kami.. pero pinatawad siya ni lola dahil napamahal na si lola sa kanya.. At m-mahal ko din siya Mikaella.." Humihikbing sabi niya. "Please, Mikaella.. N-Nagmamakaawa ako.. P-Pakawalan mo na si Luis.. Mahal na mahal ko siya."
"Mahal ko din siya, Marilou." Sabi ko at ramdam ko ang simulang pamamasa ng mga mata ko ng sinabi ko 'yon.
"A-Alam ko.. pero mahal ka ba niya? S-Sinabi mo sa 'kin dati na ako ang mahal ni Luis.. Akala ko nawala na 'yon noong nagsama na k-kayo.. A-Ayoko sanang sabihin dahil alam kong m-masasaktan ka, pero kailangan mong malaman, M-Mikaella. Ngayon kasi na nangyari 'to kay Lola ay naramdaman kong ako pa din talaga ang mahal niya.. A-Ako pa din ang pipiliin niya.. pero hindi niya kayang itigil ang kasal kasi ayaw niyang saktan ka.. at nahihiya din siya sa mga magulang mo.. Kaya Mikaella.. Nakikiusap ako.. Pakawalan mo na si Luis.. Ibalik mo na siya sa 'kin.." Mahabang litanya niya na nagpawasak sa puso ko.
Nasasaktan ako sa lahat ng sinabi niya dahil alam kong totoo ang lahat ng 'yon.. Pero hindi ko kaya.. Hindi ko kayang mawala siya.
At dahil natagalan ako sa pagsalita ay napalingon na si Marilou sa direksyon ko. She even held my arm with her fingers shaking.
"Mikaella.. Please.. Nagmamakaawa ako.." Dagdag pang sabi ni Marilou.
"I'm sorry, Marilou. Hindi ko maibibigay ang hinihingi mo.." Sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa 'kin at tumayo na din para umalis kaso mabilis niyang nahawakan ulit ang braso ko.
"Sa tingin mo ba sasaya si Luis kung magpapakasal siya sa 'yo? Hindi siya magiging masaya, Mikaella, dahil hindi ikaw ang mahal niya! Kung tunay ngang mahal mo siya dapat hayaan mo na siyang sumaya sa totoong mahal niya! At ako 'yon, Mikaella! Ako ang mahal ni Luis!" Pasigaw ng sabi niya na puno na ng galit at hinagpis.
Marahas din tuloy akong napalingon sa kanya at agad na tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Huwag kang mag-alala, Marilou. Sisiguraduhin kong sasaya si Luis sa piling ko. At kahit ano pa ang sasabihin mo ay hindi magbabago ang desisyon ko. Matutuloy ang kasal namin, sa ayaw at sa gusto mo."
"At mas gugustuhin mong magdurusa si Luis habambuhay dahil pinilit mong magpakasal kayo? Sa babaeng hindi niya naman mahal? At ikaw? Hindi ka rin sasaya dahil alam mo sa simula pa lang na walang pagmamahal sa 'yo ang taong pinilit mong pakasalan ka! Ikaw din ang mas magdurusa dito, Mikaella!" Sabi niya ulit sa malakas na boses at alam kong nauubos na ang pasensiya dahil sa pagmamatigas ko.
"I don't care what happens in the future, Marilou. At gaya ng sinabi ko sa 'yo, I will make sure that Luis will be happy throughout our married life.. Gagawin ko din ang lahat para mahalin niya din ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Papatunayan ko sa 'yo na kaya din akong mahalin ni Luis kagaya ng pagmamahal niya sa 'yo. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo, Marilou, dahil hindi ako papayag na hindi matutuloy ang kasal namin.. Invited ka sa kasal namin, by the way, kaya magkita na lang tayo sa simbahan." Sabi ko bago ko siya tuluyang tinalikuran at mabilis na lumakad palayo at papunta sa sasakyan ko.
"Makasarili ka!" Pahabol pa niyang sigaw na siyang ikinakirot lang lalo ng puso ko.
She's right, I really am selfish.